Teilen

Chapter 132: The End of Us

last update Veröffentlichungsdatum: 20.04.2026 22:52:36
SA mismong sandaling matapos magsalita si Evander, bahagyang nayanig ang katawan ni Elijah. Mahigpit niyang ikinuyom ang kanyang mga kamao hanggang sa bumaon ang mga kuko niya sa kanyang palad.

“Hindi… hindi gano’n…” paos at tuyot ang boses niya habang pilit na nagpapaliwanag. “Bettina, makinig ka sa’kin… hindi ko kailanman ginustong saktan ka. Gusto ko lang… gusto ko lang…”

Gusto lang niyang mabawi siya. Gusto lang niyang gamitin ang sukdulang paraang iyon para maibalik lamang niya si Bettina s
Alia Ema

Huy, Luther. Nabakuran na ni Evander si Bettina. So back off. Hahaha

| 2
Lies dieses Buch weiterhin kostenlos
Code scannen, um die App herunterzuladen
Gesperrtes Kapitel
Kommentare (3)
goodnovel comment avatar
Winnie Caisip
nag mahal lng c elijah pero hnd nya narealized ng una dahil nalilinlang din sya ng mginang demonyo ..kya nakakaawa nmn c elijah hbd sya lubos na masama kya bkit ang saklap ng dinadabas nya wag nmn gnon kalupit sa knya
goodnovel comment avatar
delia homo
wqg k ng umasa luther pls... lang
goodnovel comment avatar
Alia Ema
Now playing: Pagbigyang Muli by Erik Santos
ALLE KOMMENTARE ANZEIGEN

Aktuellstes Kapitel

  • Claimed by My Brother’s Forbidden Billionaire Rival   Chapter 135: This is not the end

    TATLONG araw na lang bago ang engagement, bumalik si Bettina sa Manila kasama si Evander. Mas abala kaysa dati ang mansyon ng mga Hudson—mga kasambahay ay abala sa paghahanda, may mga dekorasyon na unti-unting inaayos, at may mga staff na pabalik-balik na parang hindi nauubusan ng gagawin.Pagpasok ng sasakyan sa loob ng compound, agad silang sinalubong ni Rexan Hudson.“Bumalik na kayo? Napagod ba sa biyahe?” nakangiting bati nito, tila puno ng malasakit.Ngunit nang mapunta ang tingin niya kay Bettina, mas lalo pang lumawak ang ngiti niya—halatang may halong pakitang-tao.“Miss Bettina—ah, hindi… mukhang malapit ko na kayong tawaging pamangkin. Welcome!”Bahagyang ngumiti si Bettina bilang paggalang.Samantalang si Evander, nanatiling malamig ang ekspresyon.“Tito.”Isang salita lang. Walang dagdag. Walang emosyon.Hindi na siya nagtagal. Hinawakan niya ang kamay ni Bettina at diretsong dinala ito papasok, patungo sa loob ng bahay upang makita ang lolo niya.Naiwan si Luther sa labas

  • Claimed by My Brother’s Forbidden Billionaire Rival   Chapter 134: What’s mine is yours

    Alam ni Bettina na sinasadya lang ni Evander na baluktutin ang ibig niyang sabihin. Hindi niya ito matalo sa biruan—lagi siyang nauunahan, lagi siyang napapahamak sa mga sagot nito—kaya sa inis ay muli siyang umiwas ng tingin at nagpasya na huwag na itong pansinin.Tahimik siya, pero halatang halata sa paraan ng pag-angat ng balikat niya na may tampo pa.Napangiti nang bahagya si Evander. Lumapit siya ng kaunti, bahagyang yumuko para silipin ang mukha ni Bettina.“Ganito na lang ba?” mahina niyang tanong, may halong lambing. “Hindi mo na talaga ako kakausapin?”Hindi siya sinagot ni Bettina. Mas lalo pa niyang iniwas ang tingin, parang batang nagtatampo.Napabuntong-hininga si Evander, pero may ngiti pa rin sa labi.“Okay na, huwag ka nang magalit,” malumanay niyang sabi. “Bibigyan kita ng regalo. Ano ang gusto mo?”Sumimangot lang si Bettina at nanatiling tahimik.Ilang segundo siyang tinitigan ni Evander, parang sinusukat kung hanggang saan ang tampo nito. Pagkatapos ay bahagyang nag

  • Claimed by My Brother’s Forbidden Billionaire Rival   Chapter 133: Say my name, three times

    Mula noon, hindi na muling nagpakita si Elijah. Ang Cebu branch ng Castillo Law Firm sa kabilang panig ay nagpalit na rin ng namamahala.Paminsan-minsan, tumitingin si Bettina sa labas ng bintana at pakiramdam niya pati ang maulan na panahon sa Cebu ay tila mas sariwa at magaan kaysa dati. Parang lahat ng problema at kaguluhan ay sumabay na ring inanod papunta sa Pasig River nang mawala si Elijah.Siyempre, kung wala sana sa tabi niya ang assistant niyang kulay ginto ang buhok, mas magiging payapa pa sana ang buhay niya.Si Luther ay nananatiling mayabang tingnan—iba’t ibang punit-punit na maong ang suot niya araw-araw na akala mong leading sa sa action movie katulad ni Coco Martin. At may aura na parang “huwag mo akong subukan kung ayaw mong mamatay.”Pero hindi maikakaila ang galing niya sa trabaho ay tugma sa nakakasilaw niyang credentials.Mabilis siyang mag-isip, photographic memory pa, at ang mga komplikadong kaso ay inaayos niya nang napakalinis. Minsan, nakakaisip pa siya ng m

  • Claimed by My Brother’s Forbidden Billionaire Rival   Chapter 132: The End of Us

    SA mismong sandaling matapos magsalita si Evander, bahagyang nayanig ang katawan ni Elijah. Mahigpit niyang ikinuyom ang kanyang mga kamao hanggang sa bumaon ang mga kuko niya sa kanyang palad.“Hindi… hindi gano’n…” paos at tuyot ang boses niya habang pilit na nagpapaliwanag. “Bettina, makinig ka sa’kin… hindi ko kailanman ginustong saktan ka. Gusto ko lang… gusto ko lang…”Gusto lang niyang mabawi siya. Gusto lang niyang gamitin ang sukdulang paraang iyon para maibalik lamang niya si Bettina sa piling niya. Hindi niya lang matanggap na tuluyan na siyang mawawala sa mundo niya.Pero hindi niya inasahang hahantong sa ganito ang lahat.At lalong hindi niya inasahang gano’n kabilis at kalalim ang mahuhukay ni Evander iyon.“Gusto mo lang ng ano?” malamig na singhal ni Evander. “Magpanggap na bayani? Para kaawaan ka niya, tanawin niya ang utang na loob, at baka sakaling balikan ka? Elijah, talagang binuksan mo ang mata ko. Para makuha ang gusto mo, kaya mong isugal kahit sarili mong buhay

  • Claimed by My Brother’s Forbidden Billionaire Rival   Chapter 131: Elijah desperately planned it

    PAGKATAPOS maligo ni Elijah, nakahiga siya sa sofa sa sala, nakasandal ang buong katawan, at maputla ang mukha. Si Jiro naman ay abala sa kusina, nagluluto ng sabaw pampagising sa kalasingan si Elijah. Maya-maya, biglang tumunog ang cellphone ni Elijah. Bahagyang napakibot ang katawan ni Elijah dahil sa ilang araw na pag-inom, mabagal ang paggalaw niya.Kinapa niya ang cellphone, pagkakuha ay agad na tiningnan ang taong tumatawag sa kanya. Napahinto siya at nanlaki ang mata at mas lalong namutla ang mukha nang makita niya ang pangalan ng isang tao.Agad siyang tumayo mula sa sofa. Ngunit dahil sa biglaang paggalaw ay biglang kumirot ang sugat niya sa dibdib. Napangiwi siya sa sakit. Agad siyang pinawisan ng malamig.Sinagot ni Elijah ang tawag. “Hello? Ba’t napatawag ka?”May kaunting katahimikan sa kabilang linya. “Elijah, may problema. Nahuli na ‘yung mga kasabwat natin!”Biglang bumilis ang paghinga ni Elijah. Halos mamuti ang mga daliri niya sa higpit ng pagkakahawak sa cellphon

  • Claimed by My Brother’s Forbidden Billionaire Rival   Chapter 130: I got something interesting

    NANG mapansin ng mga empleyado ang pagdating ni Luther sa law firm na may matingkad na gintong buhok, suot ang punit na maong, at basta na lang umupo sa assistant desk ni Bettina na parang siya ang may-ari ng lugar—napatingin sila sa isa’t isa. Hindi man sila nagsalita, pero halatang iisa ang laman ng isip nila. May isa pang napasulyap ulit, baka sakaling maling tao lang ang nakita niya. May isa namang bahagyang napakunot ang noo, parang tinatanong ang sarili kung bagong hire ba ‘to… o naligaw lang. Halos sabay-sabay pumasok sa isip nila ang parehong tanong: Saan ba napulot ni Bettina ang imported na taong ito? At higit sa lahat… May silbi ba talaga ‘to… o dagdag pasakit lang sa opisina? Samantala, napamasahe na lang si Bettina sa kanyang noo habang pinagmamasdan ang lalaking halatang hindi nababagay sa firm niya. Hawak ni Luther ang cellphone at kasisimula pa lang maglaro nang magsalita siya. “Luther, pasok ka,” mahinahong utos ni Bettina habang binubuksan ang pinto

  • Claimed by My Brother’s Forbidden Billionaire Rival   Chapter 043: The Unexpected Revelation

    MATAPOS ang security check, pumasok na sila sa VIP lounge ng Philippine Air. Mas pinili ni Bettina ang umupo na medyo malayo mula kay Evander. Inilabas niya ang cellphone at nagkunwaring nag-aasikaso ng emails, pilit iniiwasan ang anumang eye contact. Umupo si Evander sa isang sofa na medyo may la

    last updateZuletzt aktualisiert : 2026-03-26
  • Claimed by My Brother’s Forbidden Billionaire Rival   Chapter 045: Where Is Bettina?

    Nasa harap ni Bettina ang pinto ng Room 2911 at nang mabuksan iyon ay bumungad sa kanila ang napakagandang modernong disenyo ng loob. Dalawang queen-size bed ang na-book nila. Nagtungo sila sa kani-kanilang cabinet upang ilagay ang mga gamit at saka naligo.Katatapos lang maligo ni Bettina, saka nam

    last updateZuletzt aktualisiert : 2026-03-26
  • Claimed by My Brother’s Forbidden Billionaire Rival   Chapter 040: She Must Pay the Price

    SANDALING natigilan si Bettina nang marinig ang sinabi ni Evander.Babayaran? Paano niya babayaran ito? Huwag naman sanang… akuin ang responsibilidad?Pagpasok pa lang ng ideyang iyon sa isip niya ay siya na mismo ang nagulat. Biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso.“E-eh…” nag-alinlangan siyang

    last updateZuletzt aktualisiert : 2026-03-25
  • Claimed by My Brother’s Forbidden Billionaire Rival   Chapter 042: Going Back To Manila

    HABANG abalang-abala si Bettina sa paghahanda ng kanyang pagbabalik sa Maynila, si Evander naman ay tahimik na nakaupo sa loob ng kanyang opisina, nakadungaw sa bintana na tila may malalim na iniisip.Biglang nag-vibrate ang cellphone niya. Napabalik siya sa mesa, kinuha ang telepono mula sa bulsa,

    last updateZuletzt aktualisiert : 2026-03-25
Weitere Kapitel
Entdecke und lies gute Romane kostenlos
Kostenloser Zugriff auf zahlreiche Romane in der GoodNovel-App. Lade deine Lieblingsbücher herunter und lies jederzeit und überall.
Bücher in der App kostenlos lesen
CODE SCANNEN, UM IN DER APP ZU LESEN
DMCA.com Protection Status