Se connecter“Bitawan niyo ako!”
“Hanggang kailan ka ba magiging matigas ang ulo, Kesha?!” “Please, ayokong ikasal sa kanya. Lahat gagawin ko para sa inyo papa.” Malakas muling sampal ang natanggap ni Kesha sa kanyang ama. Habang nakatitig lang ang kanyang inang tila may ngiti sa mga mata nito. “Kesha. Kung marunong ka lang makinig. Hindi ka sana masasaktan ng ganyan. Dinamay mo pa ang salot mong kaibigan,” galit na sambit ni Irish. “Baliw ka na ba? Best friend ko sʼya. Wala siyang kasalanan dito.” “Pasalamat ka pa nga at buhay pa siya.” “Papa, please. Mahal niyo naman ako ʼdi ba?” “Ngunit, kailangan kong gawin ito para sa ʼyo. Sige na. Dalhin niyo na siya. At sumunod ka na lang para hindi ka nasasaktan.” Ipaglaban man ng dalaga ang sarili niya ay wala siyang magagawa. Sa tapat ng pinto ng simbahan ay unti-unti itong bumukas sa kanyang harapan. Ngunit, bahagyang nagsalubong ang mga kilay niya, nang walang kahit na sinong lalaki sa dulo ng altar. Tanging mga nakaitim na tauhan at kanyang ama ang naroroon. Bahagya niyang kinagat ang ibabang labi niya. Kahit saan siya magpalinga-linga ng tingin, hindi niya makita ang lalaking ipinagkasundo para sa kanya. Hanggang sa isang matandang naka-swivel chair ang kanyang nasilayan, habang papalapit ito sa harap ng altar. “Kahit kailan talaga, Don Ramon ay hindi mo ako binigo sa gusto ko.” “Kailan ko ba hindi ginawa ang nais mo? Mas maganda talaga kung naka-merge ang ating kompanya, mas malaking oportunidad.” “Pag-usapan na lang natin iyan pagkatapos ng aming kasal.” Lumapit nang bahagya ang kaniyang ama at maingat na inayos ang puting belo sa kaniya. Ngunit hindi mapigilan ni Kesha ang pagluha, dahil sa bakas ng kalungkutang dumudurog sa kaniyang pagkatao. “Huwag na huwag kang gagawa ng pagkakamali, Kesha. Hawakan mo na ang kamay niya at humarap ka sa altar. Huwag mong paghintayin ang pari sa harap mo.” Nanginginig ang mga labi ni Kesha. Matapos sumang-ayon ng kasal ang matandang lalaki. “Kesha Matienzo, tinatanggap mo ba si Javier Galio bilang iyong kabiyak sa buhay, sa hirap at ginhawa,” sambit ng pari sa kanya. Magsasalita na sana ang dalaga nang biglang umalingawngaw ang sunod-sunod na putok ng baril. Ilang tauhang nagbabantay sa labas ang bigla na lamang bumalagta. Napasigaw si Kesha at dali-dali siyang tumakbo patungo sa gilid ng mataas na pader. “Mga hangal! Paputukan ninyo sila!” malakas na sigaw ng ama ni Kesha habang hawak ang baril nito. At sa bawat gatilyo ng baril mula sa ama ni Kesha. Isang bala naman ang tumama sa dibdib ni Mr. Galio na agad ikinamatay nito. “Bw*sit! Habulin niyo!” “Masyado na po silang marami, kung susugod pa po tayo Don Ramon. Halos napalibutan na nila ang buong labas ng simbahan.” “Sino ba siya, at anong kailangan nʼya?” Nabaling ang tingin ni Don Ramon sa kanyang anak na si Kesha. Nang makita niya ang pagtakas ng dalaga. “Habulin mo ang anak ko, at huwag mong hahayaang makatakas!” utos niya sa kanyang tauhan. Samantala, halos hindi magkaintindihan sa pagtatago si Irish, na ʼdi naman kalayuan sa simbahan. Nakita niya ang lalaking lumabas ng itim na sasakyan na nakahinto sa tapat ng kaniyang kapatid. Ang matikas na tindig nito ang tila nagkaroon ng kuryusidad para kay Irish. At ang lalaking matagal na niyang hindi nakikita noon pa. “Ninong Gustavio . . . a-anong ginagawa niya rito?” Ngunit ang pagkakatitig na iyon ay napalitan ng inis at galit. Nang makita niya ang kapatid na palayong tumatakas. “Kahit kailan, hindi ka talaga marunong madala!” Malakas na putok ng baril ang tumama sa kinaroroonan ni Kesha. “Ay!” sigaw ng dalaga, nang dumaplis ang bala sa pag-iwas niya. “Hello, kapatid. Tumakbo ka lang. Tingnan natin kung hanggang saan ka aabot!” “Itigil mo na ito, Irish!” malakas na sigaw ni Kesha. “Dapat sa ʼyo mamatay!” “Irish. Hindi mo alam ang sinasabi mo. Bitawan mo na ʼyan, please!” “Walang sinoman ang makakapagligtas sa ʼyo!” natatawang sambit niya. “Isa . . . dalawa . . . t-tat—” Napahinto siya sa pagbibilang nang maramdaman niya ang pagtutok ng baril ng lalaking hindi niya kilala. “Ibaba mo na ʼyan, kung ayaw mong masaktan, ” saad ng lalaking nakasuot ng itim na uniporme. Alam ni Irish na hindi ito ang tauhan ng kanyang ama. At sa pagpigil na iyon sa kanya ay unti-unti namang nakatakas ang kanyang kapatid. Subalit, napahinto si Kesha, nang isang lalaki ang bumungad sa kanyang harapan. Bagamaʼt pamilyar ito sa dalaga. Hindi niya matandaan kung saan niya ito huling nakita. Dahan-dahang umatras ang kanyang mga paa habang hindi inaalis ang tingin sa lalaking nasa harapan niya. Hanggang sa ibaba ng lalaki ang hawak nitong baril. Sabay iniabot ang kamay nito sa kanya. “Youʼre safe now . . .” seryosong sambit ni Gustavio. Pero ang mga mata niya ay hindi nangangako ng kaligtasan. Kundi nangangako ng pag-aari.Walang pag-aalinlangan na tinanggap ng dalaga ang kamay nito. Oras na rin ang kailangan niyang pagtuunan para sa kanyang kaligtasan. Hindi man niya ito ganap nakilala. Masasabi niyang ito na ang pagkakataon upang makalayo siya sa kanyang pamilya.
“Tulungan mo ako . . . Ilayo mo ako sa lugar na ʼto,” pagmamakaawang sambit ni Kesha, na halos hinahabol ng kanyang hininga. Malakas namang sumigaw ang binata sa kanyang mga tauhan. “Thatʼs enough. Pull back and get out of here. Now!” Nagulat ang dalaga sa baritonong boses na kanyang narinig sa binata. Kinakabahan. Iyon ang nagrehistro sa kanyang damdamin. Tila ang bawat salita na binibigkas nito ay tumatagos sa kanyang dibdib na may takot at kabang nararamdaman. Halos pakatitigan niya ang walang bakas na emosyon sa mukha ng lalaking nasa kanyang harapan. “Get inside the car, kung ayaw mong mamatay rito!” Mabilis na pinaharurot ng takbo ni Gustavio ang kanyang itim na sasakyan. Hindi naman maiwasan ni Kesha ang tumingin sa ma-muscle na katawan ng binata. Dahan-dahan niyang pinagmasdan ang mga ugat na naglitawan sa mga kamay nito dahil sa mahigpit nitong pagkakahawak sa manibela. “Stop staring at me.” Napayuko ang dalaga sa kanyang pagkagulat sa sinabi ng binata. At agad niyang inilipat ang tingin sa labas ng bintana ng kotse. “Being shy doesn't suit you,” seryosong sambit ni Gustavio. “Thank you . . . for saving me,” mahinang wika ni Kesha. “Everything comes with a price.” Tila ang huling salita na binigkas ng binata ay mas lalong nagpakaba sa dalaga. Alam niyang lahat ay may kapalit. Lalo naʼt hindi niya kilala ang lalaking na sa kanyang tabi.KESHA POVHindi maiwasang pagmasdan ni Kesha ang ma-muscle na katawan ng binata. Naroon pa rin ang sakit sa pagitan ng kanyang mga hita. Bahagya siyang napalunok, nang bumaling ng tingin si Gustavio sa kanya.“Donʼt fall in love with me, Kesha . . . kung ayaw mong masira ang buhay mo,” walang pusong sambit sa kanya ni Gustavio. Mahigpit namang niyakap ng dalaga ang kumot na bumabalot sa kanyang katawan. Ang punit na damit na inihagis sa kanya ng binata ay tila basahang nagmarka sa gabing pinagsaluhan nilang dalawa. Hindi niya napigilan ang luhang pumatak sa kanyang mga kamay. Tahimik. Walang ingay. Hindi man takot, ngunit ayaw niyang ipakitang mahina siya. “Hindi mangyayari ʼyon!” matapang niyang sagot kay Gustavio. “At kailanman hindi ako iibig sa isang katulad mong hangal!” Napataas ang gilid ng labi ng binata. Humarap siya sa dalaga. At mahigpit niyang hinawakan ang ibabang mukha nito. “Hangal?” Humigpit ang hawak niya, napadaing ito sa sakit. “Last night, you were begging for
(R-18)Ilang sandali lang ang nakalipas, ngunit bakas ang marka sa kanang leeg ni Kesha. Pinipigilan niya ang takot at panghihina na kanyang nararamdaman. Alam niya sa sarili na hindi dapat iyon nangyari. Parang puno ng sabik ang mga labing bahagya niyang kinagat. Nang maalala ang namagitan sa kanila ni Gustavio. Hanggang ngayon ay gising siyang binabangungot ng mga halik na iyon. “Your mine, Kesha . . .” salitang muling nag-uulit sa kanyang isipan. Sa katabing bahagi niya, naroon si Gustavio. Mahimbing na natutulog. Pero, bakit may kirot siyang naramdaman, nang titigan niya ang buong mukha nito. Ang malantik na pilik mata, matangos na ilong at magandang labi na kanyang nakikita. Subalit, napakunot-noo siya. Nang tawagin siya nito na inaanak, habang binabangungot. Paano nga ba mangyayari iyon, kung ni minsan sa kanyang pagkabata ay hindi man lang niya ito nakilala? Dahan-dahan siyang umalis sa pagkakatabi nito. Hindi para tumakas, kundi para pag-isipan ang mga susunod niyang hakbang.
GUSTAVIO POVTahimik na nakamasid sa kapirasong papel si Gustavio. Ilang dokumento na rin ang mga iniayos niya bago mabuo ang kanyang mga plano. Ang kompanyang sa matagal na panahon na niyang iniingatan. Nakayukong pumasok ang kanyang sekretarya na si Lucy, habang dala ang ilang mga papeles na kailangan niya. Hindi man lang siya tumingin. Kundi abala ang mga mata niya sa pangalang nakalimbag sa kontrata. “Mr. Sebastian. Heto na po ang mga dokumento.” “Leave it on the desk,” utos niya. Malamig at malumanay, pero may bigat na hindi kayang suwayin sa salitang pinakawalan niya. “At Huwag kang babalik hanggaʼt hindi kita tinatawag.”“M-masusunod po, Mr. Sebastian,” wika ng sekretarya niya, saka ito dali-daling lumabas. Halos hindi mawala sa isipan ni Gustavio ang dalagang magsisilbing daan sa mga balak niya. Bahagya niyang hinaplos ang pangalan ni Kesha sa papel. Parang dasal o sumpa ito sa kanya. Hindi niya alam. Ngunit, nakararamdam siya ng init sa kanyang katawan. “Twenty years,” bu
Malakas na buhos ng ulan ang nagpagising kay Kesha. Habang ang hampas ng puting kurtina mula sa pinto ng balkonahe ng silid niya ang saksi sa malamig na hanging dumadampi sa kanya. Bahagya siyang bumangon at sumandal sa headboard ng kama. Suot niya ang manipis na asul na bistida na bumagay sa kanyang maputing balat.Agad niyang hinawakan ang kanyang ulo nang maramdaman ang matinding kirot. “A-ang sakit . . . nasaan ba ako? At kaninong silid ba ito?” sunod-sunod niyang tanong sa sarili habang dahan-dahang inaaninag ang mga mamahaling muwebles sa loob nito.Hanggang sa mapansin niya ang pinto ng balkonaheng nagbibigay liwanag sa kanyang paligid. Kirot ang naramdaman niya sa kanyang mga paa, ngunit pilit niya itong iginalaw nang maramdaman ang malamig na sahig. Dahan-dahan siyang tumayo at lumapit sa nakabukas na sliding glass door nito. Dampi ng hangin ang agad na bumungad sa kanya, habang sa ʼdi kalayuan ay natatanaw niya ang malalakas na alon ng dagat na walang tigil sa paghampas sa
Alas nuebe na ng gabi nang dumating sila sa mansion. Galit na galit si Don Ramon dahil wala siyang nagawa para malaman kung sino ang kumuha sa kanyang anak. He felt depeated. Iyon ang mas ikinagalit niya nang mamatay ang matandang lalaki. “Wala kayong utak! Hinayaan niyo lang silang makatakas.” Sabay hampas nito sa ibabaw ng lamesa. Bakas pa rin ang galos at ilang dugong nagmarka sa kanya. “Honey . . .” malambing na tawag ng kanyang asawa. “Ang mahalaga ay nakaligtas tayo sa mga taong ʼyon. Pʼwede pa naman tayong gumawa ng paraan para mahanap siya.”Mistulang sarado ang isip ni Don Ramon. Hindi siya makapapayag na basta na lang mawala ang kanyang anak. Mabilis niyang hinawi ang mga kamay ng kanyang asawa. “Pinahiya niya tayo, Papa. Lalo na ngayon patay na ang matandang ʼyon. Matapos ang lahat ng ginawa ninyo para sa kanya, ganito pa ang isinukli niya. Hindi dapat siya hinahayang makalayo.”Lalong nagdilim ang mukha ni Don Ramon sa mga narinig. Mabilis niyang dinampot ang baso ng al
“Bitawan niyo ako!” “Hanggang kailan ka ba magiging matigas ang ulo, Kesha?!” “Please, ayokong ikasal sa kanya. Lahat gagawin ko para sa inyo papa.”Malakas muling sampal ang natanggap ni Kesha sa kanyang ama. Habang nakatitig lang ang kanyang inang tila may ngiti sa mga mata nito. “Kesha. Kung marunong ka lang makinig. Hindi ka sana masasaktan ng ganyan. Dinamay mo pa ang salot mong kaibigan,” galit na sambit ni Irish. “Baliw ka na ba? Best friend ko sʼya. Wala siyang kasalanan dito.”“Pasalamat ka pa nga at buhay pa siya.”“Papa, please. Mahal niyo naman ako ʼdi ba?”“Ngunit, kailangan kong gawin ito para sa ʼyo. Sige na. Dalhin niyo na siya. At sumunod ka na lang para hindi ka nasasaktan.”Ipaglaban man ng dalaga ang sarili niya ay wala siyang magagawa. Sa tapat ng pinto ng simbahan ay unti-unti itong bumukas sa kanyang harapan. Ngunit, bahagyang nagsalubong ang mga kilay niya, nang walang kahit na sinong lalaki sa dulo ng altar. Tanging mga nakaitim na tauhan at kanyang ama an
“From now on! Magpapakasal ka sa lalaking ʼyon sa lalong madaling panahon,” galit na sambit ni Don Ramon sa kanyang anak. Tila sakluban ng langit at lupa naman si Kesha sa bawat salitang narinig niya sa kanyang ama. Hindi siya makapaniwala na ipagkakasundo siya sa lalaking ni minsan ay hindi man l







