LOGINIsinuot ko ang bestidang pula. Blangko ang ekspresyon kong tumingin sa salamin. Namumugto ang mga mata ko. Bukod kasi sa kakaiyak, hindi rin ako nakatulog ng maayos kagabi.
Dumiretso na ako sa itinext na venue ni Gavin. Sa Luxxe Elite Winehouse— isang high end bar sa city namin. Nadatnan ko ang mga bisita roon na nakasuot ng tuxedos at mamahaling gowns. Of course, lumapit ako sa kanila para makipagkamay. Malaki ang ngiti sa mga labi ko habang binabati ko ang bawat isa sa kanila na para bang walang mabigat na batong nakadagan sa dibdib ko. Wala silang kaalam-alam sa nangyayari sa pamilya ko. At higit sa lahat, wala silang ideya sa kung gaano ka-problematic si Tyron Gavin Grayson! Hindi nagtagal, nagsimula na ang party. Nagbigay ng opening speech si Gavin, nagpasalamat siya sa effort na binigay ng mga empleyado at ka-alyado niya sa negosyo. Hanggang sa maya-maya pa, tinawag niya ako sa harapan. Nanginginig ang mga tuhod kong lumapit sa kanya. Inalalayan pa nga niya akong umakyat sa stage na para bang totoong gentleman siya. Pero naestatwa ako nang bigla siyang magsalita sa mikropono. “You know, Louisse and I, we love each other. Alam niyo namang hindi ako mabubuhay ng wala siya dahil sa kanya lang ako kumukuha ng lakas. So, I want to take this opportunity to be even more special bukod sa celebration ng Primax Corporation. I also want this to be special for the both of us.” Damang-dama ko ang ugong ng boses niya sa speakers na nakapalibot sa lugar. Blangko lang akong nakatingin sa audience na nasa harapan namin. Nagulat ako nang biglang lumuhod sa harap ko si Gavin. Dinukot nito ang isang maliit na box sa loob ng bulsa. Sumimbulat sa paningin ko ang isang diamond ring na alam kong milyon ang halaga. “Will you marry me, Louisse?" “Wait. Are you... for real?” taka kong tanong. Wala sa usapan namin ang magpakasal. Akala ko ba, papakasalan niya si Shaina? Then, what the fuck is happening? Napatakip ako sa bibig ko nang ilibot ang paningin sa buong lugar. Kitang-kita ko ang itsura ng mga VIP guests at mga investors na nakaupo sa harap ng kanya-kanyang lamesa kasama ang kanilang mga grupo. May halong excitement sa reaksyon ng kanilang mga mukha. Ang karamihan ay kinukuhanan pa kami ng video using their phones. Mariin akong napalunok nang maibalik ang tingin kay Gavin. He was dead staring at me. Walang emosyon as if urging me to answer. Tumango-tango ako. “Y-Yes!” sambit ko na may halong pagpapanggap na excited ako. Parang may kung anong kumurot sa puso ko nang dahan-dahan niyang isuot sa daliri ko ang singsing. Sinundan naman ‘yon ng masigarbong palakpakan ng mga tao sa paligid. Umalingawngaw ang mga palakpakan nila. At sa totoo lang? Pakiramdam ko, ito na ang katapusan ko. Because, for God’s sake, hindi ko inakalang hahantong sa ganito. Sa puntong ito, hindi ko na alam kung ano ang pinaplano nito sa ‘kin. “Mr. Grayson and Ms. Villanueva is now officially engaged!” isang lalaki ang sumigaw mula sa ‘di kalayuan. Sinegundahan iyon ng ingay ng mga tao. “Why, Gavin? You were crossing the line. Bakit mo ‘to ginagawa? At saka, hindi naman para d’yan ang pinunta ko rito—” Walang pagdadalawang-isip niyang pinutol ang pagsasalita ko. “It doesn’t matter. Look at them, I need to earn their trust for them to believe in every Primax project. Ako ang gagawa ng paraan. ‘Pag natupad na lahat ng plano ko, makakalaya si Tita Ynna. Hear me?” “Pero hindi ‘to tama. Bakit ba ang hilig mong magsinungaling?” gigil na sambit ko matapos niya akong dalhin sa backstage. “Can you stop? ‘Wag mo akong ipahiya. Sumunod ka na lang sa gusto ko, okay? ‘Cause you need me more than I do.” malamig na sambit niya. Hindi na ako nagpigil pa dahil wala namang makakakita sa ‘min. Kailangan kong ilabas ang totoong inis ko sa kanya dahil punong-puno na ako! Marahan akong umiling-iling. “Hindi na kita kailangan. Gusto ko nang ihinto ang lahat ng ito, Gavin.” saad ko at bumuntong hininga. “Meron na akong perang pambayad sa mga utang namin—” “Talaga? Eh, saan ka naman kukuha ng gano’n kalaking halaga? You’re nothing without me. Isa pa, sa lahat nang ginastos ko sa ‘yo, tingin mo ba, papakawalan na lang kita ng basta-basta?” sarkastikong wika ni Gavin. Kumunot ang noo ko. “Ginastos? Bakit? Hiningi ko ba ‘yon? Ikaw ang kusang nagbigay no’n, Gavin.” sagot ko. Nasalag niya ang sampal ko habang diretsong nakatingin sa mga mata ko. Pilit akong nagpumiglas pero balewala lang ‘yon sa lakas niya. Dahan-dahang lumapit ang mukha niya sakin. Humahampas sa mukha ko ang mainit na hininga niya. Akala ba niya, matatakot ako? Hindi! Kaya naman hindi ako kumurap. Pansin kong nagngalit ang panga niya ng dahil sa ginawa ko. “You signed the contract. Malinaw ang pag-uusap natin. Kaya gagawin mo ‘yon sa ayaw at sa gusto mo.” pabulong na sambit niya na pinagdiinan pa ang huling mga salita. Pabagsak niyang binitawan ang braso ko. Tumalikod ito at umalis. Mariin akong lumunok nang maramdamang nanunuyot na ang lalamunan ko. Kung pwede ko lang hilingin na makalimutan ko na lang siya’y gagawin ko dahil sa sakit na dinulot niya sa ‘kin. Pero paano ko tatakasan ang agrement namin? Mag-isip ka, Louisse. Mag-isip ka! Magulong-magulo na ang isipan ko. Para akong sasabog. Matapos mag-retouch, lumakad ako palapit sa bar counter. Sa mga oras na ito, bukas na ang dance floor, at buhay na buhay na ang buong lugar sa mga kumikislap na ilaw at malakas na tugtog na tila umaabot sa bawat sulok ng silid. I ordered a shot of tequila kahit na hindi naman talaga ako umiinom ng alak. Nagpakalunod ako sa alak hanggang sa tuluyan na nitong kinain ang sistema ko. **** “For sure, matutuwa ang soon-to-be husband mo. Congrats! You’re a week pregnant, Ms. Louisse.” Nanlaki ang mga mata ko sa anunsyo ng doktor. Kasalukuyan akong nakaupo sa tapat ng desk nito. Mag-iisang lingo nang masama ang pakiramdam ko matapos ang pinuntahan kong Victory party. Ngayon lang ako naglakas ng loob magpa-check up dahil akala ko noong una, normal lang ang nararamdaman ko. “A-Ano ho?” paglilinaw ko. Naintindihan ko naman ang sinabi nito sa ‘kin. Pero hindi pa rin ako makapaniwala kaya baka nagkakamali lang ito. Tuluyang gumuho ang mundo ko nang iabot nito sa ‘kin ang pregnancy test. May dalawang kulay pulang guhit, isang senyales na meron ngang sanggol na nabubuo sa sinapupunan ko. Nanlalamig ang mga pawis ko. Hindi ako makapaniwala! “Ms. Louisse, we’ve run a few tests. At normal naman ang results. You’re healthy. It turns out, kaya delayed ang menstruation mo was because mayroon nang nabubuong baby sa sinapupunan mo.” Tangina! Iisa lang ang lalaking binubulong sa ‘kin ng isipan ko na may kagagawan ng lahat ng ito — si Gavin. Nag-iinit ang katawan ko sa galit pero pilit kong pinakalma ang sarili ko. Tumango-tango na lang ako kahit na ang totoo, gusto ko nang humagulgol. Umagos ang mga luha ko sa sandaling makauwi ako ng bahay. Agad na tinawagan ko si Tricia. “T-Trichie, I need you. M-Meron akong masamang balita.” nanginginig ang boses ko. Mabilis ang tibok ng puso ko. Naninikip ang dibdib ko. “A-Ano ‘yon? Okay ka lang? Huy, teka, nag-aalala na ako sa ‘yo." Bumuntong-hininga ako. “I-I’m… I’m pregnant.” bulong ko. “What?” “Oo. F-For sure, g-ginalaw ako ni Gavin. W-Walanghiya talaga siya! Kakasuhan ko siya!" Dinig ko ang paghugot ng hininga ni Tricia. “No. Mukhang hindi.” sambit nito. Napakunot ako ng noo. “A-Anong ibig mong sabihin?” “I saw him kasama si Shaina nu’ng gabing ‘yon sa parking lot ng mall. ‘Yun ang minention ko sa ‘yo last time. I didn’t know na nakauwi na pala siya from US?” Nabitawan ko ang cellphone ko. Lumilipad ang isip kong tumulala sa pader ng kwarto ko. Hindi ko na pinansin ang pagsasalita ni Tricia sa kabilang linya. Kung hindi si Gavin, sino ang gumalaw sa ‘kin noong gabing ‘yon?Wala akong maalala na nangyari iyon. Parang nakaramdam ako ng matinding pananakit ng sintido ko sa mga oras na ito. Wala akong kaide-ideya kung saan nito nakuha ang video na ‘yon. Agad na kumulo ang dugo ko. Nagsalubong ang mga kilay ko at bahagyang umiling-iling. “Bawiin mo ang sinabi mo, Shaina.” saad ko.Pinalagutok ko ang mga daliri sa kamay. Kung dati ay pinagtitimpian ko ito dahil sinusunod ko ang utos ni Dad na huwag na itong patulan, ngayon hindi na. Ipapatikim ko kay Shaina ang ganti ng babaeng inaapi-api niya noon. Bagay nga talaga sila ni Gavin. Parehong mga basura ang pag-uugali. "Oops, save your tears, step-sis. Marami pa akong nakaplano para sa ‘yo.” ani Shaina sabay talikod. Hindi ko na napigilan pa ang mga nurses na hilahin ang stretcher kung saan nakahiga si Dad. Nagkulong lang ako sa kwarto noong araw na ‘yon. Wala akong ganang makipag-usap.Akala ko, magiging madali na ang lahat kapag nagkaroon ako ng malaking pera pero hindi. Dahil parang mas nadadagdagan p
Kahit na nanlalambot ang katawan ko, pumunta pa rin ako sa Montemayor Company para personal na iabot ang tseke kay Sir Isaac.Bago pa makapasok sa matayog na gusali, hinarang na agad ako ng mga armadong guwardya. Naglabas ng walkie talkie ang isa sa mga ito. Hindi ko man malinaw na naintindihan ang nagsasalita mula sa kabilang linya pero alam kong pumapayag itong papasukin ako sa loob. Hinawakan ako ng mga ito sa magkabilang braso at dinala sa opisina ng CEO na si Isaac Leron Montemayor. Nakakabinging katahimikan ang bumungad sa ‘kin pagkapasok ko sa loob. Simple lang ang disenyo ng opisina nito pero malawak ang espasyo nito. Alam kong milyon ang halaga ng mga malalaking painting na nakasabit sa pader. Nakatalikod ang swivel chair kung saan kasalukuyang nakaupo si Sir Isaac. Bahagya pa akong nagulat nang bigla itong umikot. Prenteng nakasandal ang lalaki sa upuan suot ang black long sleeve. Nakadikwatro pa ito at bahagyang ikinukuyakoy ang isang paa. Blangko ang reaksyon ng maamon
Isinuot ko ang bestidang pula. Blangko ang ekspresyon kong tumingin sa salamin. Namumugto ang mga mata ko. Bukod kasi sa kakaiyak, hindi rin ako nakatulog ng maayos kagabi. Dumiretso na ako sa itinext na venue ni Gavin. Sa Luxxe Elite Winehouse— isang high end bar sa city namin.Nadatnan ko ang mga bisita roon na nakasuot ng tuxedos at mamahaling gowns. Of course, lumapit ako sa kanila para makipagkamay. Malaki ang ngiti sa mga labi ko habang binabati ko ang bawat isa sa kanila na para bang walang mabigat na batong nakadagan sa dibdib ko. Wala silang kaalam-alam sa nangyayari sa pamilya ko. At higit sa lahat, wala silang ideya sa kung gaano ka-problematic si Tyron Gavin Grayson! Hindi nagtagal, nagsimula na ang party. Nagbigay ng opening speech si Gavin, nagpasalamat siya sa effort na binigay ng mga empleyado at ka-alyado niya sa negosyo. Hanggang sa maya-maya pa, tinawag niya ako sa harapan. Nanginginig ang mga tuhod kong lumapit sa kanya. Inalalayan pa nga niya akong umakyat sa
Buong akala ko, sagad na ang sakit na nararamdaman ko nang makita ko siyang nakikipagtalik sa ibang babae. Pero meron pa palang mas masakit na tuluyang ikinadurog ng puso ko. Para akong dinaganan ng malaking bato sa dibdib sa paninikip ng dibdib ko. “K-Kailan pa kayo nagkabalikan? B-Ba't hindi mo man lang sinabi sakin? M-Maiintindihan ko naman, eh." takang tanong ko. Napakagat na lang ako sa pang-ibabang labi sa gigil. Walang ekspresyon ang mukha ni Gavin na tumingin sakin. “Three months ago. I did everything I can pero hindi talaga tayo para sa isa’t isa. Siya pa rin ang mahal ko.”“And worst, hindi ka pa nakuntento sa ‘ming dalawa kasi nakipag-hook up ka pa sa iba? Eh, gago ka pala, eh!” Bumwelo ako para sampalin ang makapal niyang mukha pero agad din akong natigilan nang bigla siyang nagsalita. “She knows this.” kalmadong saad ni Gavin. Inayos niya ang suot na polo shirt. Hindi ako makapaniwala. Kinukunsinti ni Shaina ang lalaking ‘to? Gano’n na ba siya kabulag sa pagmamahal
“M-Mom, promise, konting tiis na lang. Ilalabas din kita rito!”Dumadagundong ang dibdib ko sa pagkatakot habang mahigpit na hawak ang nanginginig na kamay ni Mommy Ynna. Kasalukuyan siyang nasa likod ng rehas. Para akong sinasaksak ng paulit-ulit sa tuwing makikita ang itsura niya. Lamlam ang mga mata niya at nakabuhaghag ang mga nakabuhol na hibla ng buhok. “Five million dollars ang halaga ng pinababayaran nila sa ‘kin kapalit ng sinasabi nilang ninakaw ko. Sir Isaac gave me only thirty days to settle this. Thirty days, Louisse! Pap*tayin nila tayo ‘pag hindi ko ‘yon naibigay sa kanila.” saad ni Mommy, nanginginig ang boses niya. Nanlulumo akong napasalampak sa sahig sa litanya niya. Tumatagaktak na ang butil ng mga pawis ko pababa sa pisngi ko sa mga oras na ito. Mommy was working as the Vice President of the Montemayor Company for years. Pero sa lahat ng isinakripisyo niya, sa kulungan lang din pala siya babagsak. Pinakulong siya ni CEO na si Sir Isaac dahil pinagbintangan siy







