LOGINKahit na nanlalambot ang katawan ko, pumunta pa rin ako sa Montemayor Company para personal na iabot ang tseke kay Sir Isaac.
Bago pa makapasok sa matayog na gusali, hinarang na agad ako ng mga armadong guwardya. Naglabas ng walkie talkie ang isa sa mga ito. Hindi ko man malinaw na naintindihan ang nagsasalita mula sa kabilang linya pero alam kong pumapayag itong papasukin ako sa loob. Hinawakan ako ng mga ito sa magkabilang braso at dinala sa opisina ng CEO na si Isaac Leron Montemayor. Nakakabinging katahimikan ang bumungad sa ‘kin pagkapasok ko sa loob. Simple lang ang disenyo ng opisina nito pero malawak ang espasyo nito. Alam kong milyon ang halaga ng mga malalaking painting na nakasabit sa pader. Nakatalikod ang swivel chair kung saan kasalukuyang nakaupo si Sir Isaac. Bahagya pa akong nagulat nang bigla itong umikot. Prenteng nakasandal ang lalaki sa upuan suot ang black long sleeve. Nakadikwatro pa ito at bahagyang ikinukuyakoy ang isang paa. Blangko ang reaksyon ng maamong mukha nito. Pero alam kong delikado rin siya kahit na mukha pa itong anghel. Wala sa mukha niya ang pagiging dangerous tulad ng sinabi sa ‘kin ni Mommy. Hindi ko nga alam kung dapat ko bang paniwalaan ang mga babala niya kasi ayon sa kanya, marami na raw itong naipaligpit. Pero kahit na magkagano'n, hindi basta-bastang mababahag ang buntot ko sa lalaking sumira sa masayang pamilya namin. “Sit down.” malamig na saad nito. Sumunod naman ako. Parang dinaganan ng bato ang tiyan ko nang makalapit sa kanya. Ibang-iba talaga ang presensya niya. Bihira ko lang kasi siyang makita kahit na dati nang nagtatrabaho si Mommy sa kumpanya nila. “What brought you here?” Pinatong ko sa lamesa ang tsekeng hawak ko atsaka marahang pinadausdos ‘yon palapit sa kanya. “Ayan na po ‘yung utang namin, Sir. Please, iurong niyo na po ‘yung kaso kay Mommy.” mahinahong saad ko. Pinasadahan niya ng tingin ang kapiraso ng papel na nasa harap niya. “Hmm… let me think about it.” aniya. Napataas ang kilay ko. “A-Ano? Ba’t pa ho kailangan niyo pang pag-isipan? ‘Di ba, ‘yan naman ho ang kasunduan? Na ‘pag nabayaran na namin ‘yung sinasabi niyong ninakaw ni Mommy, eh, papakawalan mo na siya?” Sa puntong ito, napatayo ako sa kinauupuan. Yumukom ang kamao ko sa gigil. Pare-pareho lang talaga silang mga mayayaman! Mga hindi marunong tumupad sa usapan. Kalmadog dinampot ni Sir Isaac ang tseke. “Mrs. Ynna Villanueva caused trouble inside our company, Louisse. Tingin mo ba, mababayaran ‘yon ng basta? Muntik nang mag-withdraw ng contracts ang mga investors from partnership because of this.” paliwanag nito. “Tapatin mo nga ako, ano ba talagang gusto mo? Bakit ba, ang hirap niyong pakiusapan? Bakit ba.. ginigipit niyo kami?” Napahawak ako sa sinapupunan ko nang mapansing tinitigan niya ‘yon. Pero imbes sagutin ang mga tanong ko, tumawag lang siya ng guwardya para palabasin ako. Dismayado akong dumiretso sa St. Lukes Hospital para bisitahin si Dad. Marahan akong umupo sa upuan sa tabi nito. Hindi ko mapigilang maluha sa tuwing makikita ko ang kondisyon ni Dad. Walang malay itong nakaratay sa hospital bed. Merong mga nakakabit na mga wire sa dibdib nito. Nakabalot pa ng benda ang ulo nito at saka nakasuot ng oxygen. Tatlong buwan na itong comatose. Na-aksidente kasi ito noong gabing nalaman nitong nakulong si Mommy. Tinitigan ko ang maliit na monitor sa tabi ng kama. Tuloy-tuloy ang tunog nito, kasabay ng bawat tibok ng puso niya. Sa totoo lang, iyon na lang ang tanging bagay na nagsasabing nandito pa siya. Pero biglang may kumatok sa pintuan, aakma na sana akong tatayo pero bigla itong bumukas. Bumungad sa ‘kin si Shaina kasama ang ilang mga nurses na may dalang stretcher dahilan para malaglag ang panga ko. Dali-dali namang nilalitan ng mga ito si Dad. “Wait, anong ginagawa niyo?” takang tanong kom Lumapit sa ‘kin si Shaina at saka ako tiningnan mula ulo hanggang paa. “Oh, I decided to transfer Dad to a hospital.” maarteng sambit nito. “Ano? Kumikilos ka ng hindi man lang nagsasabi—” "At bakit ko naman kailangang magsabi sa ‘yo? Ako naman ang tunay na anak ni Dad, ah?” Napakagat ako sa labi sa gigil kay Shaina. Noon pa lang, mainit na ang dugo nito sa ‘kin. Anak kasi ako ni Dad sa labas pero pinakasalan niya si Mommy mula nang mamatay ang ina ni Shaina. Sarkastiko itong ngumiti. “Yes, anak ka nga rin pala. Anak sa labas ni Dad. And your Mom? Isang magnanakaw—” Lumagapak ang palad ko sa mukha ni Shaina. Diretso ko itong tiningnan nang maibalik nito ang paningin sa ‘kin. "Bagay ‘yan sa ‘yo, step-sis!" nakapanlolokong saad ko. “How dare you!” angil nito. Kung akala mo uurungan kita p’wes hindi. You want chaos? I’m ready for war. “Kung makaasta ka naman, akala mo napakabuti mong anak. If I’m not mistaken, you flew to U.S para maging exclusive stripper, tama? Isa pa, ‘wag masyadong mataas ang tingin mo sa sarili mo dahil sa bar ka lang din naman napulot ni Gavin.” gigil na sambit ko. Umirap ito. “Oo. Doon ako napulot ni Gavin. To be honest? Sinuka ko na nga siya, eh. Inangkin mo lang kasi ambisyosa ka.” Bahagya akong tumango-tango. “Oo. At ibinabalik ko na siya sa ‘yo kaya i*****k mo siya sa baga mo. Magsama kayong dalawa—” Bumiling ang mukha ko nang gumanti ito ng sampal. Sa puntong ito, panandaliang lumabo ang paningin ko. “‘Wag kang pakasiguro, Louisse. Dahil hindi pa ako tapos sa ‘yo. I’ll take revenge. Wawasakin ko ang buong pagkatao mo.” gigil na wika ni Shaina. Tumaas ang kilay ko nang ilabas nito ang cellphone. Kasalukuyang may video na nagpe-play kaya't dumikit ang paningin ko roon . Nakita ko ang sarili ko na akay-akay ng isang lalaking nakasuot ng maskara. Nanlaki ang mga mata ko. “Nagulat ka? This footage was taken the night of the Victory party. Is that the reason kung bakit ka nagpakalunod sa alak noong gabing ‘yon? Para makahanap ka ng ibang lalaking peperahan mo?”Wala akong maalala na nangyari iyon. Parang nakaramdam ako ng matinding pananakit ng sintido ko sa mga oras na ito. Wala akong kaide-ideya kung saan nito nakuha ang video na ‘yon. Agad na kumulo ang dugo ko. Nagsalubong ang mga kilay ko at bahagyang umiling-iling. “Bawiin mo ang sinabi mo, Shaina.” saad ko.Pinalagutok ko ang mga daliri sa kamay. Kung dati ay pinagtitimpian ko ito dahil sinusunod ko ang utos ni Dad na huwag na itong patulan, ngayon hindi na. Ipapatikim ko kay Shaina ang ganti ng babaeng inaapi-api niya noon. Bagay nga talaga sila ni Gavin. Parehong mga basura ang pag-uugali. "Oops, save your tears, step-sis. Marami pa akong nakaplano para sa ‘yo.” ani Shaina sabay talikod. Hindi ko na napigilan pa ang mga nurses na hilahin ang stretcher kung saan nakahiga si Dad. Nagkulong lang ako sa kwarto noong araw na ‘yon. Wala akong ganang makipag-usap.Akala ko, magiging madali na ang lahat kapag nagkaroon ako ng malaking pera pero hindi. Dahil parang mas nadadagdagan p
Kahit na nanlalambot ang katawan ko, pumunta pa rin ako sa Montemayor Company para personal na iabot ang tseke kay Sir Isaac.Bago pa makapasok sa matayog na gusali, hinarang na agad ako ng mga armadong guwardya. Naglabas ng walkie talkie ang isa sa mga ito. Hindi ko man malinaw na naintindihan ang nagsasalita mula sa kabilang linya pero alam kong pumapayag itong papasukin ako sa loob. Hinawakan ako ng mga ito sa magkabilang braso at dinala sa opisina ng CEO na si Isaac Leron Montemayor. Nakakabinging katahimikan ang bumungad sa ‘kin pagkapasok ko sa loob. Simple lang ang disenyo ng opisina nito pero malawak ang espasyo nito. Alam kong milyon ang halaga ng mga malalaking painting na nakasabit sa pader. Nakatalikod ang swivel chair kung saan kasalukuyang nakaupo si Sir Isaac. Bahagya pa akong nagulat nang bigla itong umikot. Prenteng nakasandal ang lalaki sa upuan suot ang black long sleeve. Nakadikwatro pa ito at bahagyang ikinukuyakoy ang isang paa. Blangko ang reaksyon ng maamon
Isinuot ko ang bestidang pula. Blangko ang ekspresyon kong tumingin sa salamin. Namumugto ang mga mata ko. Bukod kasi sa kakaiyak, hindi rin ako nakatulog ng maayos kagabi. Dumiretso na ako sa itinext na venue ni Gavin. Sa Luxxe Elite Winehouse— isang high end bar sa city namin.Nadatnan ko ang mga bisita roon na nakasuot ng tuxedos at mamahaling gowns. Of course, lumapit ako sa kanila para makipagkamay. Malaki ang ngiti sa mga labi ko habang binabati ko ang bawat isa sa kanila na para bang walang mabigat na batong nakadagan sa dibdib ko. Wala silang kaalam-alam sa nangyayari sa pamilya ko. At higit sa lahat, wala silang ideya sa kung gaano ka-problematic si Tyron Gavin Grayson! Hindi nagtagal, nagsimula na ang party. Nagbigay ng opening speech si Gavin, nagpasalamat siya sa effort na binigay ng mga empleyado at ka-alyado niya sa negosyo. Hanggang sa maya-maya pa, tinawag niya ako sa harapan. Nanginginig ang mga tuhod kong lumapit sa kanya. Inalalayan pa nga niya akong umakyat sa
Buong akala ko, sagad na ang sakit na nararamdaman ko nang makita ko siyang nakikipagtalik sa ibang babae. Pero meron pa palang mas masakit na tuluyang ikinadurog ng puso ko. Para akong dinaganan ng malaking bato sa dibdib sa paninikip ng dibdib ko. “K-Kailan pa kayo nagkabalikan? B-Ba't hindi mo man lang sinabi sakin? M-Maiintindihan ko naman, eh." takang tanong ko. Napakagat na lang ako sa pang-ibabang labi sa gigil. Walang ekspresyon ang mukha ni Gavin na tumingin sakin. “Three months ago. I did everything I can pero hindi talaga tayo para sa isa’t isa. Siya pa rin ang mahal ko.”“And worst, hindi ka pa nakuntento sa ‘ming dalawa kasi nakipag-hook up ka pa sa iba? Eh, gago ka pala, eh!” Bumwelo ako para sampalin ang makapal niyang mukha pero agad din akong natigilan nang bigla siyang nagsalita. “She knows this.” kalmadong saad ni Gavin. Inayos niya ang suot na polo shirt. Hindi ako makapaniwala. Kinukunsinti ni Shaina ang lalaking ‘to? Gano’n na ba siya kabulag sa pagmamahal
“M-Mom, promise, konting tiis na lang. Ilalabas din kita rito!”Dumadagundong ang dibdib ko sa pagkatakot habang mahigpit na hawak ang nanginginig na kamay ni Mommy Ynna. Kasalukuyan siyang nasa likod ng rehas. Para akong sinasaksak ng paulit-ulit sa tuwing makikita ang itsura niya. Lamlam ang mga mata niya at nakabuhaghag ang mga nakabuhol na hibla ng buhok. “Five million dollars ang halaga ng pinababayaran nila sa ‘kin kapalit ng sinasabi nilang ninakaw ko. Sir Isaac gave me only thirty days to settle this. Thirty days, Louisse! Pap*tayin nila tayo ‘pag hindi ko ‘yon naibigay sa kanila.” saad ni Mommy, nanginginig ang boses niya. Nanlulumo akong napasalampak sa sahig sa litanya niya. Tumatagaktak na ang butil ng mga pawis ko pababa sa pisngi ko sa mga oras na ito. Mommy was working as the Vice President of the Montemayor Company for years. Pero sa lahat ng isinakripisyo niya, sa kulungan lang din pala siya babagsak. Pinakulong siya ni CEO na si Sir Isaac dahil pinagbintangan siy







