Chapter: Episode 5Wala akong maalala na nangyari iyon. Parang nakaramdam ako ng matinding pananakit ng sintido ko sa mga oras na ito. Wala akong kaide-ideya kung saan nito nakuha ang video na ‘yon. Agad na kumulo ang dugo ko. Nagsalubong ang mga kilay ko at bahagyang umiling-iling. “Bawiin mo ang sinabi mo, Shaina.” saad ko.Pinalagutok ko ang mga daliri sa kamay. Kung dati ay pinagtitimpian ko ito dahil sinusunod ko ang utos ni Dad na huwag na itong patulan, ngayon hindi na. Ipapatikim ko kay Shaina ang ganti ng babaeng inaapi-api niya noon. Bagay nga talaga sila ni Gavin. Parehong mga basura ang pag-uugali. "Oops, save your tears, step-sis. Marami pa akong nakaplano para sa ‘yo.” ani Shaina sabay talikod. Hindi ko na napigilan pa ang mga nurses na hilahin ang stretcher kung saan nakahiga si Dad. Nagkulong lang ako sa kwarto noong araw na ‘yon. Wala akong ganang makipag-usap.Akala ko, magiging madali na ang lahat kapag nagkaroon ako ng malaking pera pero hindi. Dahil parang mas nadadagdagan p
Last Updated: 2026-08-12
Chapter: Episode 4Kahit na nanlalambot ang katawan ko, pumunta pa rin ako sa Montemayor Company para personal na iabot ang tseke kay Sir Isaac.Bago pa makapasok sa matayog na gusali, hinarang na agad ako ng mga armadong guwardya. Naglabas ng walkie talkie ang isa sa mga ito. Hindi ko man malinaw na naintindihan ang nagsasalita mula sa kabilang linya pero alam kong pumapayag itong papasukin ako sa loob. Hinawakan ako ng mga ito sa magkabilang braso at dinala sa opisina ng CEO na si Isaac Leron Montemayor. Nakakabinging katahimikan ang bumungad sa ‘kin pagkapasok ko sa loob. Simple lang ang disenyo ng opisina nito pero malawak ang espasyo nito. Alam kong milyon ang halaga ng mga malalaking painting na nakasabit sa pader. Nakatalikod ang swivel chair kung saan kasalukuyang nakaupo si Sir Isaac. Bahagya pa akong nagulat nang bigla itong umikot. Prenteng nakasandal ang lalaki sa upuan suot ang black long sleeve. Nakadikwatro pa ito at bahagyang ikinukuyakoy ang isang paa. Blangko ang reaksyon ng maamon
Last Updated: 2026-08-12
Chapter: Episode 3Isinuot ko ang bestidang pula. Blangko ang ekspresyon kong tumingin sa salamin. Namumugto ang mga mata ko. Bukod kasi sa kakaiyak, hindi rin ako nakatulog ng maayos kagabi. Dumiretso na ako sa itinext na venue ni Gavin. Sa Luxxe Elite Winehouse— isang high end bar sa city namin.Nadatnan ko ang mga bisita roon na nakasuot ng tuxedos at mamahaling gowns. Of course, lumapit ako sa kanila para makipagkamay. Malaki ang ngiti sa mga labi ko habang binabati ko ang bawat isa sa kanila na para bang walang mabigat na batong nakadagan sa dibdib ko. Wala silang kaalam-alam sa nangyayari sa pamilya ko. At higit sa lahat, wala silang ideya sa kung gaano ka-problematic si Tyron Gavin Grayson! Hindi nagtagal, nagsimula na ang party. Nagbigay ng opening speech si Gavin, nagpasalamat siya sa effort na binigay ng mga empleyado at ka-alyado niya sa negosyo. Hanggang sa maya-maya pa, tinawag niya ako sa harapan. Nanginginig ang mga tuhod kong lumapit sa kanya. Inalalayan pa nga niya akong umakyat sa
Last Updated: 2026-08-12
Chapter: Episode 2Buong akala ko, sagad na ang sakit na nararamdaman ko nang makita ko siyang nakikipagtalik sa ibang babae. Pero meron pa palang mas masakit na tuluyang ikinadurog ng puso ko. Para akong dinaganan ng malaking bato sa dibdib sa paninikip ng dibdib ko. “K-Kailan pa kayo nagkabalikan? B-Ba't hindi mo man lang sinabi sakin? M-Maiintindihan ko naman, eh." takang tanong ko. Napakagat na lang ako sa pang-ibabang labi sa gigil. Walang ekspresyon ang mukha ni Gavin na tumingin sakin. “Three months ago. I did everything I can pero hindi talaga tayo para sa isa’t isa. Siya pa rin ang mahal ko.”“And worst, hindi ka pa nakuntento sa ‘ming dalawa kasi nakipag-hook up ka pa sa iba? Eh, gago ka pala, eh!” Bumwelo ako para sampalin ang makapal niyang mukha pero agad din akong natigilan nang bigla siyang nagsalita. “She knows this.” kalmadong saad ni Gavin. Inayos niya ang suot na polo shirt. Hindi ako makapaniwala. Kinukunsinti ni Shaina ang lalaking ‘to? Gano’n na ba siya kabulag sa pagmamahal
Last Updated: 2026-08-12
Chapter: Episode 1“M-Mom, promise, konting tiis na lang. Ilalabas din kita rito!”Dumadagundong ang dibdib ko sa pagkatakot habang mahigpit na hawak ang nanginginig na kamay ni Mommy Ynna. Kasalukuyan siyang nasa likod ng rehas. Para akong sinasaksak ng paulit-ulit sa tuwing makikita ang itsura niya. Lamlam ang mga mata niya at nakabuhaghag ang mga nakabuhol na hibla ng buhok. “Five million dollars ang halaga ng pinababayaran nila sa ‘kin kapalit ng sinasabi nilang ninakaw ko. Sir Isaac gave me only thirty days to settle this. Thirty days, Louisse! Pap*tayin nila tayo ‘pag hindi ko ‘yon naibigay sa kanila.” saad ni Mommy, nanginginig ang boses niya. Nanlulumo akong napasalampak sa sahig sa litanya niya. Tumatagaktak na ang butil ng mga pawis ko pababa sa pisngi ko sa mga oras na ito. Mommy was working as the Vice President of the Montemayor Company for years. Pero sa lahat ng isinakripisyo niya, sa kulungan lang din pala siya babagsak. Pinakulong siya ni CEO na si Sir Isaac dahil pinagbintangan siy
Last Updated: 2026-08-12