LOGINWala akong maalala na nangyari iyon. Parang nakaramdam ako ng matinding pananakit ng sintido ko sa mga oras na ito.
Wala akong kaide-ideya kung saan nito nakuha ang video na ‘yon. Agad na kumulo ang dugo ko. Nagsalubong ang mga kilay ko at bahagyang umiling-iling. “Bawiin mo ang sinabi mo, Shaina.” saad ko. Pinalagutok ko ang mga daliri sa kamay. Kung dati ay pinagtitimpian ko ito dahil sinusunod ko ang utos ni Dad na huwag na itong patulan, ngayon hindi na. Ipapatikim ko kay Shaina ang ganti ng babaeng inaapi-api niya noon. Bagay nga talaga sila ni Gavin. Parehong mga basura ang pag-uugali. "Oops, save your tears, step-sis. Marami pa akong nakaplano para sa ‘yo.” ani Shaina sabay talikod. Hindi ko na napigilan pa ang mga nurses na hilahin ang stretcher kung saan nakahiga si Dad. Nagkulong lang ako sa kwarto noong araw na ‘yon. Wala akong ganang makipag-usap. Akala ko, magiging madali na ang lahat kapag nagkaroon ako ng malaking pera pero hindi. Dahil parang mas nadadagdagan pa ang problema ko. Wala akong ibang matakbuhan bukod sa pinsan ko. Kahit na gusto kong sabihin ang lahat kay Mommy ay hindi pwede. Kasi baka makasama pa sa kalusugan niya kung iisipin niya ang patong-patong na problemang kinakaharap namin. Kasalukuyang hawak ko ang cellphone ko nang biglang mag–text si Gavin. “Our wedding will be tomorrow at 10AM. Your wedding gown will be delivered at your place.” Kumabog nang malakas ang dibdib ko. Sandali, kasal agad? Bakit naman parang minamadali niya ang lahat? Pero kahit na anong gawin kong pagmamaktol, wala na akong magagawa kasi nakatali na ako sa kasunduan naming dalawa. *** Nakatingin ako ngayon sa vanity mirror. Pinagmamasdan ko ang sarili ko habang suot ang mamahaling wedding gown na pinadala ni Gavin. Mabigat ang talukap ng mga mata ko dahil mula kagabi, wala pa akong maayos na tulog. Maaga akong naggising para maayusan na ako ng make-up artists ko. “Low bun really suits you, Ms. Louisse.” saad ng isa sa mga hairstylist ko. Napangiti ako. “Thank you.” mahinahong saad ko. Ngayon ko lang nakitang maayos ulit ang sarili ko bago pa ako malugmok sa sunod-sunod na dagok ng buhay. “Are you ready, Ma’am? Let’s go.” saad ni Ms. Viy, assistant ni Gavin. Sumakay kami sa Limousine. Higit isang oras ang biyahe namin, mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko nang huminto ang sinasakyan namin sa tapat ng church. Nangangatog ang mga tuhod ko nang bumaba sa sasakyan. Sa puntong ito, isinuot na sa ‘kin ang veil. Pagbukas ng pintuan ng simbahan, nakita ko agad si Gavin na nakatayo sa altar. Mga nakatayong mga bisita ang bumungad sa ‘kin, karamihan ay business partners sa Primax Corporation. Nakasuot ang mga ito ng mga magagarang damit. Para akong mahihinatay habang dahan-dahang lumalakad sa aisle. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa bouquet. Pilit na ngumiti sa ‘kin si Gavin sa sandaling makalapit ako sa kanya. Hinawakan nito ng mahigpit ang kamay ko nang magsimula ang seremonya. Ang Pari na lang sa gitna namin ang nagsasalita sa mga oras na ito. Para akong unti-unting nasusunog sa tuwing babanggitin nito ang tungkol sa buhay ng mag-asawa. Na kailangang magkasama sa hirap at ginhawa. Dahil kahit na kailan, alam kong hindi ako makakaranas ng ginhawa kapag tuluyan akong nakapag-isang dibdib sa lalaking ‘to! Pero sa kabila ng lahat, pilit kong tinatagan ang loob ko. “Meron ba sa inyo ang tumututol sa kasal na ito?” saad ng Pari. Umaalingawngaw ang boses nito sa apat na sulok ng simbahan. Isa... Dalawa... Tatlo! Walang tumutol. Hindi pwede! Hindi pwedeng makasal ako kay Gavin dahil siguradong gagawin niyang impyerno ang buhay ko. Dahil alam ko na ang lahat, hindi niya ako mahal at gano’n na rin ako sa kanya. Pero sa isang iglap, nakabibinging sigaw ng babae ang narinig namin mula sa hindi kalayuan. “Itigil ang kasal! Traydor ang babae na ‘yan!” sigaw ni Shaina. Napalingon ako rito. Nagulantang ang mga bisita sa anunsyo nito. Nag-aapoy sa galit ang mga mata nitong nakatitig sa ‘kin. Samu’t saring reaksyon ang natanggap namin mula sa mga tao. Nagulat silang lahat. “Ano ba ‘yan? ‘Di ba, step-sister siya ni Louisse? Anong ginagawa niya?” dinig kong saad ng isa sa mga investor. Inilabas ni Shaina ang cellphone at saka tinaas ito para makita ng lahat. “I have the footage sa kabalbalan ng babaeng ‘yan. Oh, and guess what? Louisse is pregnant! At hindi si Gavin ang ama ng batang nasa sinapupunan niya.” sarkastikong saad nito. Nanlaki ang mga mata ko. Parang huminto ang mundo ko sa sinabi ni Shaina. Napatingin ako kay Gavin. Miski ito’y nagulat din. "What is the meaning of this, Louisse?” gigil na sambit ni Gavin. Nagngangalit na ang matutulis na panga nito sa gigil. Dumilim ang tingin nito sakin. Wala akong ibang nagawa kundi umiling-iling. Parang nalunok ko ang dila ko dahil wala akong mabuong salita. Hindi siya ang ama? Sino? Yumukom ang kamao ko. Nanggagalaiti ako sa galit. Nagsimulang mamuo ang butil ng luha sa gilid ng mga mata ko. Para akong unti-unting nawawalan ng malay sa pagkapahiya. Lahat ng atensyon ng mga tao sa paligid ko'y nakatuon sa ‘kin. Dinig na dinig ko ang malakas na tibok ng puso ko. “Hayop ka, Shaina. Paano mo nalaman ‘yan? Meron ka bang kinalaman sa nangyari sa ‘kin?" bulong ko sa isipan.Wala akong maalala na nangyari iyon. Parang nakaramdam ako ng matinding pananakit ng sintido ko sa mga oras na ito. Wala akong kaide-ideya kung saan nito nakuha ang video na ‘yon. Agad na kumulo ang dugo ko. Nagsalubong ang mga kilay ko at bahagyang umiling-iling. “Bawiin mo ang sinabi mo, Shaina.” saad ko.Pinalagutok ko ang mga daliri sa kamay. Kung dati ay pinagtitimpian ko ito dahil sinusunod ko ang utos ni Dad na huwag na itong patulan, ngayon hindi na. Ipapatikim ko kay Shaina ang ganti ng babaeng inaapi-api niya noon. Bagay nga talaga sila ni Gavin. Parehong mga basura ang pag-uugali. "Oops, save your tears, step-sis. Marami pa akong nakaplano para sa ‘yo.” ani Shaina sabay talikod. Hindi ko na napigilan pa ang mga nurses na hilahin ang stretcher kung saan nakahiga si Dad. Nagkulong lang ako sa kwarto noong araw na ‘yon. Wala akong ganang makipag-usap.Akala ko, magiging madali na ang lahat kapag nagkaroon ako ng malaking pera pero hindi. Dahil parang mas nadadagdagan p
Kahit na nanlalambot ang katawan ko, pumunta pa rin ako sa Montemayor Company para personal na iabot ang tseke kay Sir Isaac.Bago pa makapasok sa matayog na gusali, hinarang na agad ako ng mga armadong guwardya. Naglabas ng walkie talkie ang isa sa mga ito. Hindi ko man malinaw na naintindihan ang nagsasalita mula sa kabilang linya pero alam kong pumapayag itong papasukin ako sa loob. Hinawakan ako ng mga ito sa magkabilang braso at dinala sa opisina ng CEO na si Isaac Leron Montemayor. Nakakabinging katahimikan ang bumungad sa ‘kin pagkapasok ko sa loob. Simple lang ang disenyo ng opisina nito pero malawak ang espasyo nito. Alam kong milyon ang halaga ng mga malalaking painting na nakasabit sa pader. Nakatalikod ang swivel chair kung saan kasalukuyang nakaupo si Sir Isaac. Bahagya pa akong nagulat nang bigla itong umikot. Prenteng nakasandal ang lalaki sa upuan suot ang black long sleeve. Nakadikwatro pa ito at bahagyang ikinukuyakoy ang isang paa. Blangko ang reaksyon ng maamon
Isinuot ko ang bestidang pula. Blangko ang ekspresyon kong tumingin sa salamin. Namumugto ang mga mata ko. Bukod kasi sa kakaiyak, hindi rin ako nakatulog ng maayos kagabi. Dumiretso na ako sa itinext na venue ni Gavin. Sa Luxxe Elite Winehouse— isang high end bar sa city namin.Nadatnan ko ang mga bisita roon na nakasuot ng tuxedos at mamahaling gowns. Of course, lumapit ako sa kanila para makipagkamay. Malaki ang ngiti sa mga labi ko habang binabati ko ang bawat isa sa kanila na para bang walang mabigat na batong nakadagan sa dibdib ko. Wala silang kaalam-alam sa nangyayari sa pamilya ko. At higit sa lahat, wala silang ideya sa kung gaano ka-problematic si Tyron Gavin Grayson! Hindi nagtagal, nagsimula na ang party. Nagbigay ng opening speech si Gavin, nagpasalamat siya sa effort na binigay ng mga empleyado at ka-alyado niya sa negosyo. Hanggang sa maya-maya pa, tinawag niya ako sa harapan. Nanginginig ang mga tuhod kong lumapit sa kanya. Inalalayan pa nga niya akong umakyat sa
Buong akala ko, sagad na ang sakit na nararamdaman ko nang makita ko siyang nakikipagtalik sa ibang babae. Pero meron pa palang mas masakit na tuluyang ikinadurog ng puso ko. Para akong dinaganan ng malaking bato sa dibdib sa paninikip ng dibdib ko. “K-Kailan pa kayo nagkabalikan? B-Ba't hindi mo man lang sinabi sakin? M-Maiintindihan ko naman, eh." takang tanong ko. Napakagat na lang ako sa pang-ibabang labi sa gigil. Walang ekspresyon ang mukha ni Gavin na tumingin sakin. “Three months ago. I did everything I can pero hindi talaga tayo para sa isa’t isa. Siya pa rin ang mahal ko.”“And worst, hindi ka pa nakuntento sa ‘ming dalawa kasi nakipag-hook up ka pa sa iba? Eh, gago ka pala, eh!” Bumwelo ako para sampalin ang makapal niyang mukha pero agad din akong natigilan nang bigla siyang nagsalita. “She knows this.” kalmadong saad ni Gavin. Inayos niya ang suot na polo shirt. Hindi ako makapaniwala. Kinukunsinti ni Shaina ang lalaking ‘to? Gano’n na ba siya kabulag sa pagmamahal
“M-Mom, promise, konting tiis na lang. Ilalabas din kita rito!”Dumadagundong ang dibdib ko sa pagkatakot habang mahigpit na hawak ang nanginginig na kamay ni Mommy Ynna. Kasalukuyan siyang nasa likod ng rehas. Para akong sinasaksak ng paulit-ulit sa tuwing makikita ang itsura niya. Lamlam ang mga mata niya at nakabuhaghag ang mga nakabuhol na hibla ng buhok. “Five million dollars ang halaga ng pinababayaran nila sa ‘kin kapalit ng sinasabi nilang ninakaw ko. Sir Isaac gave me only thirty days to settle this. Thirty days, Louisse! Pap*tayin nila tayo ‘pag hindi ko ‘yon naibigay sa kanila.” saad ni Mommy, nanginginig ang boses niya. Nanlulumo akong napasalampak sa sahig sa litanya niya. Tumatagaktak na ang butil ng mga pawis ko pababa sa pisngi ko sa mga oras na ito. Mommy was working as the Vice President of the Montemayor Company for years. Pero sa lahat ng isinakripisyo niya, sa kulungan lang din pala siya babagsak. Pinakulong siya ni CEO na si Sir Isaac dahil pinagbintangan siy







