分享

CHAPTER 2

作者: Ujima
last update publish date: 2026-08-05 17:30:43

Irish's POV

Lumipas ang ilang buwan at naging mas abala ako sa trabaho. Halos araw-araw akong nag-o-overtime para sa nalalapit naming presentation. Gusto kong maging perpekto ang lahat kaya kahit kulang na ako sa tulog at madalas na nalilimutang kumain, itinuloy ko pa rin ang pagtatrabaho.

Ilang beses na akong pinagsabihan ng mga katrabaho ko.

"Irish, magpahinga ka muna."

"Mamaya na. Konti na lang 'to."

Pero ang "mamaya" na iyon ay hindi na dumating. Habang nakatitig ako sa laptop at inaayos ang huling detalye ng presentation, bigla akong nakaramdam ng matinding hilo. Parang umiikot ang buong paligid ko at unti-unting lumabo ang paningin ko.

"Irish?"

Narinig ko ang boses ni Bryson, pero hindi ko na siya magawang lingunin.

Bago pa ako makapagsalita, tuluyan nang nagdilim ang lahat.

---

Pagmulat ko ng mga mata, puting kisame ang unang bumungad sa akin. Ramdam ko rin ang malamig na hangin ng air conditioner at ang amoy ng antiseptic na pamilyar sa isang ospital.

Napapikit ako sandali bago dahan-dahang umupo.

"Finally, gising ka na."

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Si Bryson.

"Bakit tayo nandito?" mahina kong tanong.

"Nawalan ka ng malay sa opisina. Buti na lang at naabutan kita."

Bago pa ako makapagsalita ay nagpaalam na si Bryson sa akin dahil papasok na raw siya sa trabaho.

Pag-alis ng kaibigan ko ay may pumasok na doktor sa kwarto ko. Hindi ko alam kung bakit, pero parang biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang makita kung sino ang pumasok.

Siya.

Ang doktor na ilang beses ko nang nakasalubong noon.

Suot niya ang puting coat habang hawak ang medical chart ko. Tulad ng dati, kalmado lang ang ekspresyon niya.

"Good afternoon. Kumusta na ang pakiramdam mo?"

"Mas okay na po."

Lumapit siya sa kama ko at sinuri ang blood pressure ko.

"Nawalan ka ng malay dahil sa sobrang pagod at kakulangan sa tulog."

Napayuko ako.

Hindi naman siya galit, pero seryoso ang boses niya. Nakakahiya tuloy.

"Sisikapin kong makapagpahinga, Doc."

"Hindi sisikapin. Dapat gagawin."

Hindi ko napigilang mapangiti. Bahagya rin siyang ngumiti bago isinara ang medical chart.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko habang pinagmamasdan siya. Parang may kakaibang init na kumalat sa dibdib ko. Hindi naman kami magkakilala nang lubos, pero bakit parang komportable akong kausap siya?

Bago siya lumabas ng silid, sandali siyang huminto.

"Take care of yourself."

Tumango lang ako.

Pagkasara ng p***o, hindi ko namalayang nakatingin pa rin ako roon.

Nagmumuni-muni ako nang makarinig ako ng ingay na nanggagaling sa labas ng kwarto ko rito sa ospital.

Noong una, inisip kong may emergency lang sa ospital. Pero habang tumatagal, lalo pang lumalakas ang mga boses.

"Ma'am, pakiusap po. Huwag kayong maingay."

"Kailangan kong makausap si Jordan!"

Napakunot-noo ako. Jordan? Pamilyar ang pangalang iyon. Palagi kong naririnig ang usap-usapan ng mga nurse tungkol sa kaniya.

Hindi ko napigilang makiusisa. Marahan kong inalis ang kumot at lumabas ng kwarto. Pagkabukas ko ng p***o, bumungad sa akin ang ilang nurse na pilit inaawat ang isang magandang babae na halatang umiiyak.

Nakatayo naman sa harap nito si Dr. Jordan.

Seryoso ang mukha niya.

"Nicole," malamig niyang tawag dito.

Biglang natahimik ang paligid.

"Jordan..." umiiyak na sabi ng babae.

"Please, mag-usap tayo. Alam kong pwede pa tayong magsimula ulit."

Hindi ko alam kung bakit, pero parang may kung anong kumirot sa dibdib ko. Hindi ko naman dapat pakialaman kung anong meron sa kanilang dalawa.

Tatalikod na sana ako nang mapatingin sa akin si Dr. Jordan. Nagtagpo ang mga mata namin. Agad siyang naglakad papunta sa akin.

"Doc?" nagtataka kong tawag.

Hindi siya sumagot. Huminto siya sa harap ko at marahan niyang hinawakan ang kamay ko. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa ginawa niya.

"Ano'ng..."

Bago ko pa matapos ang sasabihin ko, humarap siya kay Nicole.

"Matagal ko nang gustong sabihin sa'yo."

Mahigpit pa rin ang hawak niya sa kamay ko.

"May asawa na ako."

Pakiramdam ko ay huminto ang mundo.

Napatingin ako sa kaniya. Hindi ko alam kung ano ang mas nakakagulat. Ang bigla niyang paghawak sa kamay ko o ang sinabi niyang may asawa na siya.

"A-ano?" halos pabulong na tanong ni Nicole.

"Huli ka na."

Hindi makapaniwalang umiling si Nicole.

"Hindi... nagsisinungaling ka!"

Hindi na nagsalita si Jordan. Sa halip, tinaas niya nang bahagya ang magkahawak naming kamay.

"Asawa ko si Irish."

Hindi ako makapagsalita. Para akong natulala sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. Bigla na lang akong hinila ni Jordan pabalik sa loob ng kwarto.

"Sinungaling!"

"Nicole, tama na. Matagal na tayong tapos. Hindi ko gustong nanggugulo ka rito sa ospital kung saan ako nagtatrabaho. May asawa na ako kaya tumigil ka na!"

Umiling lang si Nicole habang ang mukha nito ay basang-basa dahil sa mga luha niya.

May mga nurse at doctor na nakikiusyoso sa kung anong nangyayari kaya naman ay hinila ako ulit ni Doc papasok sa kwarto ko.

"Doc—"

Pagkapasok namin, marahan niyang isinara ang p***o. Tahimik kaming dalawa. Tanging ingay lang sa labas ang naririnig ko. Ilang segundo ang lumipas bago siya bumuntong-hininga.

"Pasensya ka na."

Napakurap ako.

"Ha?"

"Wala na akong ibang naisip para tigilan niya ako."

"Doc..." natatawa kong sabi. "Bakit naman sinabi mong asawa mo ako?"

Napakamot siya sa batok.

"Kung sinabi kong may girlfriend ako, hindi siya maniniwala."

"Kaya asawa ang pakilala mo sa akin?"

Bahagya siyang napangiti.

"Mas kapani-paniwala kasi kung iyon ang sasabihin ko."

Napailing ako.

"Alam mo bang muntik na akong atakihin sa puso sa ginawa mo?"

Natawa ito nang bahagya.

"Sorry," sambit nito at biglang yumuko.

Muling natahimik ang paligid dahil wala na namang nagtangkang magsalita sa aming dalawa.

Maya-maya ay muli siyang nagsalita.

"Irish... pwede ba kitang pakiusapan?"

"Ano 'yon?"

"Pwede bang tulungan mo muna akong panindigan ang kasinungalingang sinabi ko?"

Hindi ako agad nakasagot.

Hindi ko akalaing ang simpleng paglabas ko ng kwarto dahil sa kuryosidad ay hahantong sa pagpapanggap na ako ang asawa ni Doc.

"Paano kung malaman niyang nagsisinungaling tayo?"

"Kailangan nating galingan ang pagpapanggap."

Napailing ako.

"Hindi kita dapat idamay sa problema ko, pero wala na kasi akong ibang paraan para mapatigil si Nicole sa pangungulit sa akin."

Napabuntong-hininga ako at napatingala sa kisame.

"Hindi naman siguro ako kakasuhan dahil magpapanggap akong asawa mo, 'di ba?"

Napailing siya habang natatawa.

"Kung ito lang talaga ang paraan para tigilan ka na niya..."

Nakatingin lang siya sa akin nang mariin.

"...gagawin natin."

Hindi ko napigilang mapangiti habang sinasabi iyon.

"Pero may kondisyon."

"Ano?"

"Kapag sumobra na ang gulo, ititigil natin agad."

Tumango siya nang walang pag-aalinlangan.

"Deal."

Iniabot ko ang kamay ko. Hindi na siya nag-atubili at kinamayan niya ako.

"Deal."

Hindi ko alam kung tama ba itong pinasok ko, pero kahit ganoon ay alam ko sa sarili kong gusto kong tulungan si Jordan para hindi na siya guluhin ng ex niya.

在 APP 繼續免費閱讀本書
掃碼下載 APP

最新章節

  • Code Blue: In Love    Chapter 7

    ‎Kinabukasan...‎‎Nagising ako dahil sa mabigat na naka dagan sa hita at tiyan ko.‎‎Napahawak ako sa ulo ko.‎‎"Aray..."‎‎Pakiramdam ko ay sasabog ito sa sakit. Ang sakit sakit din ng katawan ko,‎‎Dahan-dahan akong bumangon. Pero agad akong natigilan. Katabi ko si Jordan. Mahimbing pa ang tulog niya.‎‎Nanlaki ang mga mata ko dahil sa posisyon naming dalawa.‎‎"Ano..."‎‎Mabilis kong tiningnan ang paligid. Napatingin ako sa sarili ko, saka muli kay Jordan.‎‎"Wala akong... maalala."‎‎Umayos ako ng upo habang pilit inaalala ang nangyari kagabi.‎‎Birthday. Inuman. Tawanan. Nalasing ako.‎‎Pagkatapos...‎‎"OMG!" napatakip ako sa bibig ko ng maalala ang nangyari.‎‎Eksaktong sandaling iyon ay napamulat si Jordan. Nang makita niya akong gising na, bahagya siyang napaupo.‎‎"Good morning..."‎‎Hindi ko siya sinagot. Tinitigan ko lang siya. Unti unti kong nararamdaman ang pamumula ng pisngi ko.‎‎"Jordan..."‎‎Napalunok ako, hindi masabi ang gusto kong sabihin.‎‎"Ano

  • Code Blue: In Love    CHAPTER 6

    Irish's POV ‎Nang matapos siya matapos siya sa pag dilang ginagawa sa akin ay tumayo siya at hinubad ang kanyang pantalon, tumambad sa harap ko ang kanyang malaking ari na matigas at bahagyang kumikibot-kibot pa.‎Kahit nanghihina at nanginginig pa ang binti ko ay umupo ako sa harapan niya, tinanggal ko ang panty ko at hinawakan ang ari niya. Napapikit naman siya sa ginawa ko kaya mas lalo akong ginanahan.‎Hinagod ko ito ng pataas at pababa, kitang kita ko sa mga mata niyang nag aalab na gusto niya ang ginagawa ko. ‎Walang pag aalinlangang nilagay ko sa bibig ko ang ari niya.‎"Ohh.." ‎Sumasabay siya sa pag labas pasok ng ari niya sa bibig ko. Kahit halos mabilaukan na ako dahil sa laki nito ay tuloy pa rin ako sa pag subo sa kaniya dahil kitang kita ko na nasasarapan siya. ‎Gamit ang isang kamay ay hinawi niya patagilid ang buhok ko at saka bumayo ng bumayo sa bibig ko.‎"Ohh, shit!" ‎Mas lalo akong ginanahan sa ungol niya kaya mas binilisan ko pa ang pag subo sa kaniya. Maraha

  • Code Blue: In Love    CHAPTER 5

    ‎Irish's POV‎‎"Sigurado ka bang sasama ka?" tanong ni Jordan habang inaayos ang relo niya.‎Tumango ako. Kasalukuyan kaming nag aayos rito sa condo niya dahil may dadaluhan kaming birthday party ng kaibigan niya.‎"Kaibigan mo naman ang may birthday. Nakakahiya kung hindi ako pupunta, mamaya hanapin nila ako sa'yo." ‎Tumango ito at napangiti.‎"Buti na lang pumayag ka."‎Makalipas ang ilang minuto ay dumating kami sa isang private resort kung saan ginaganap ang birthday party ng matalik na kaibigan ni Jordan. May sari-sariling kwarto ang mga bisita, kung sakaling hindi na makauwi ang iba dahil sa kalasingan.‎Pagkababa pa lang namin ng sasakyan ay sinalubong na kami ng tawanan at malakas na musika.‎"Jordan!"‎Lumapit ang celebrant at niyakap siya.‎"Akala ko hindi ka makakapunta."‎"Pwede ba iyon, sa tagal nating mag kaibigan hindi ako nawala tuwing birthday mo." sagot ni Jordan.‎Nag tawanan sila at nag yakapan, tahimik lang ako sa gilid ni Jordan ng mapatingin sa akin ang celebra

  • Code Blue: In Love    CHAPTER 4

    Irish's POVKaka-out ko lang sa trabaho nang mapagpasyahan kong dumaan sa ospital para sunduin si Jordan. May usapan kasi kaming magdi-dinner ngayong gabi.Balak ko sanang hintayin siya sa lobby, pero nang makita ko ang dami ng nurses at doctors na naglalabasan, bigla akong nailang. Pakiramdam ko kasi lahat ng mata ay napapatingin sa akin, lalo na nang malaman nilang asawa ako ni Jordan.Kaya sa parking area na lang ako naghintay.Tahimik kong pinagmasdan ang mga sasakyang papasok at palabas habang hinihintay siyang matapos sa duty.Ilang minuto pa ang lumipas nang marinig ko ang isang pamilyar na boses."Irish."Dahan-dahan akong lumingon. Nakatayo si Nicole ilang hakbang ang layo sa akin.Elegante pa rin ang ayos niya. Halatang pinaghandaan ang bawat detalye ng suot niya. Ngunit kahit gaano siya kaganda, hindi maitago ng mga mata niya ang galit at inggit.Ngumiti siya. Pero hindi iyon umabot sa mga mata niya."Alam mo naman siguro kung bakit ako nandito." Tiningnan ko lang siya."An

  • Code Blue: In Love    CHAPTER 3

    Irish's POV"Ano?"Halos mapasigaw ako sa sinabi ni Jordan. Nakasalukuyan kaming nandito sa opisina niya."Magsasama tayo sa iisang condo."Napatitig ako sa kanya habang hawak niya ang tasa ng kape."Seryoso ka ba?"Umayos siya ng upo at mahinahong nagsalita."Kung magpapanggap tayong mag-asawa, hindi pwedeng magkahiwalay tayo ng tirahan. Kapag may nagtanong o biglang bumisita sa condo ko, mahihirapan tayong ipaliwanag."Napabuntong-hininga ako."May punto ka.""Kaya kung okay lang sa'yo...""Sige na nga."Para siyang natigilan dahil sa sinabi ko."Seryoso ka?"Tumango ako."May choice pa ba ako? Nandito na 'to eh, panindigan na lang natin."Natawa naman siya sa sinabi ko.Pinag-usapan at pinagplanuhan namin nang maigi kung paano ang gagawin naming pagpapanggap. May kakilala siya na mag-aasikaso ng lahat mula sa marriage contract, wedding photo, at singsing.May mga nagulat, lalo na sa mga katrabaho niya. Dahil may mga nakiusyoso noong araw na sumugod si Nicole dito sa ospital. Ang s

  • Code Blue: In Love    CHAPTER 2

    Irish's POVLumipas ang ilang buwan at naging mas abala ako sa trabaho. Halos araw-araw akong nag-o-overtime para sa nalalapit naming presentation. Gusto kong maging perpekto ang lahat kaya kahit kulang na ako sa tulog at madalas na nalilimutang kumain, itinuloy ko pa rin ang pagtatrabaho.Ilang beses na akong pinagsabihan ng mga katrabaho ko."Irish, magpahinga ka muna.""Mamaya na. Konti na lang 'to."Pero ang "mamaya" na iyon ay hindi na dumating. Habang nakatitig ako sa laptop at inaayos ang huling detalye ng presentation, bigla akong nakaramdam ng matinding hilo. Parang umiikot ang buong paligid ko at unti-unting lumabo ang paningin ko."Irish?"Narinig ko ang boses ni Bryson, pero hindi ko na siya magawang lingunin.Bago pa ako makapagsalita, tuluyan nang nagdilim ang lahat.---Pagmulat ko ng mga mata, puting kisame ang unang bumungad sa akin. Ramdam ko rin ang malamig na hangin ng air conditioner at ang amoy ng antiseptic na pamilyar sa isang ospital.Napapikit ako sandali bag

更多章節
探索並免費閱讀 優質小說
GoodNovel APP 免費暢讀海量優秀小說,下載喜歡的書籍,隨時隨地閱讀。
在 APP 免費閱讀書籍
掃碼在 APP 閱讀
DMCA.com Protection Status