分享

CHAPTER 3

作者: Ujima
last update publish date: 2026-08-05 17:37:47

Irish's POV

"Ano?"

Halos mapasigaw ako sa sinabi ni Jordan. Nakasalukuyan kaming nandito sa opisina niya.

"Magsasama tayo sa iisang condo."

Napatitig ako sa kanya habang hawak niya ang tasa ng kape.

"Seryoso ka ba?"

Umayos siya ng upo at mahinahong nagsalita.

"Kung magpapanggap tayong mag-asawa, hindi pwedeng magkahiwalay tayo ng tirahan. Kapag may nagtanong o biglang bumisita sa condo ko, mahihirapan tayong ipaliwanag."

Napabuntong-hininga ako.

"May punto ka."

"Kaya kung okay lang sa'yo..."

"Sige na nga."

Para siyang natigilan dahil sa sinabi ko.

"Seryoso ka?"

Tumango ako.

"May choice pa ba ako? Nandito na 'to eh, panindigan na lang natin."

Natawa naman siya sa sinabi ko.

Pinag-usapan at pinagplanuhan namin nang maigi kung paano ang gagawin naming pagpapanggap. May kakilala siya na mag-aasikaso ng lahat mula sa marriage contract, wedding photo, at singsing.

May mga nagulat, lalo na sa mga katrabaho niya.

Dahil may mga nakiusyoso noong araw na sumugod si Nicole dito sa ospital. Ang sinabi na lang niya ay sikreto ang naging kasal namin kaya hindi rin sila naimbitahan. Ang hindi nila alam ay peke lang ang lahat.

Hindi ko akalaing darating ako sa puntong kailangan kong magpanggap na asawa ni Jordan. Noong una, akala ko madali lang. Konting arte, konting ngiti, tapos na. Pero habang tumatagal, mas lalo itong humihirap para sa akin.

Kasalukuyan kaming naglalakad papasok sa grocery dahil may mga kailangan akong bilhin nang magtanong si Jordan sa akin.

"Ano'ng oras ka matatapos?"

"Mga six."

Tumango ito. Nag-uusap kasi kami tungkol sa oras ng uwi ko bukas.

"Sige. Susunduin kita."

Napatingin ako sa kanya.

"Hindi na kailangan. May kotse naman ako," sagot ko sa kanya.

"Alam ko."

"Eh bakit mo pa ako susunduin?"

Naguguluhang tanong ko sa kanya. Nakangiti lang ito bago nagsalita na nakapagpatigil sa akin.

"Kasi asawa kita."

Asawa...

May kung anong saya ang naramdaman ng puso ko nang marinig ko ang sinabi niya.

"Pero kunwari lang naman."

Napawi ang ngiti nito sa sinabi ko.

"Oo nga. Pero kailangan nating masanay."

Napailing na lang ako. Tama, kailangan nga naming masanay sa ganitong set-up. Pagpasok namin sa grocery, agad siyang kumuha ng shopping cart.

"Ano bang mga kailangan mo?"

"Kape, tinapay, prutas... saka tubig."

Tumango lang siya at isa-isang inilagay ang mga iyon sa cart.

Habang kumukuha ako ng cereal sa pinakamataas na estante, pilit kong inaabot ang kahon.

"Sandali..." bulong ko.

Hindi ko pa rin maabot. Bigla na lang may kamay na umabot sa ibabaw ng ulo ko. Si Jordan. Madali niyang kinuha ang cereal at iniabot sa akin.

"Thank you," naiilang kong sambit sa kanya.

"Next time, tawagin mo na lang ako."

Napanguso ako at tumango na lang.

Pagkatapos naming mamili, dumiretso kami sa counter para makapagbayad na. Paglabas namin ng grocery, kinuha niya agad ang lahat ng paper bag.

"Ako na."

Pinigilan ko siya dahil puro sa akin lang ang pinamili namin.

"Jordan, kaya ko namang buhatin 'yan."

Pero hindi niya ako pinansin at tuloy-tuloy lang ang lakad niya hanggang makarating kami sa parking lot.

"Ang bigat nito tapos gusto mong buhatin?"

"Kaya ko naman kasing buhatin 'yan."

Hindi siya umimik at pinagbuksan niya na lang ako ng p***o ng sasakyan niya. Napahinto ako.

"Bakit?"

Nagtatakang tanong niya.

"Ang gentleman mo."

Panunukso ko dahil nagpapaka-gentleman na naman siya.

"Maliit na bagay, ganito talaga kapag para sa asawa."

Nakangiting sambit niya kaya napatawa ako rito.

"Paulit-ulit ka, feel na feel mo masyado na mag-asawa tayo."

"Para naman maging effective 'yong pagpapanggap natin, dapat feel na feel mo 'yong ginagawa natin."

Patuloy niyang paliwanag.

Bahagya akong natawa sa sinabi niya at sumakay na ako sa sasakyan niya. Habang nasa biyahe, tahimik lang kaming dalawa. Hindi iyon nakakailang na katahimikan. Komportable. Parang matagal na kaming magkakilala dahil sa sobrang komportable namin sa isa't isa.

Pagdating sa condo, sabay kaming bumaba. Habang naglalakad papasok ng lobby, bigla kong naramdaman ang kamay niyang marahang humawak sa bewang ko. Napatingin ako sa kanya.

"May CCTV," mahinahon niyang sabi.

"Ah..."

Hindi ko alam kung bakit biglang uminit ang mukha ko. Hindi naman dapat ako kabahan. Parte lang naman iyon ng pagpapanggap. Pero bakit parang ayaw kong bitawan niya ang kamay ko?

Pagpasok namin sa elevator, kami lang ang tao. Tahimik. Naririnig ko lang ang mahinang ugong ng elevator at ang mabilis na tibok ng puso ko. Napatingin siya sa akin.

"Pagod ka?"

"Medyo."

"'Wag ka masyadong mag-overtime sa trabaho mo."

Ngumiti ako sa kanya.

"Hindi maiiwasan kapag maraming ginagawa."

Bahagya siyang napabuntong-hininga.

"Alagaan mo naman ang sarili mo."

"Bakit? Nag-aalala ka?"

Hindi siya agad sumagot. Sa halip, bahagya lang niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa bewang ko.

"Oo."

Isang salita lang iyon, pero sapat na para tuluyang guluhin ang puso ko. Napaisip ako bigla. Paano kung dumating ang araw na matapos ang lahat ng pagpapanggap na ito? Kaya ko bang bumalik sa dating ako?

Kinabukasan, pareho kaming walang pasok kaya buong araw naming inilaan sa paglipat ng mga gamit ko sa unit niya.

Limang unit lang ang pagitan ng condo namin kaya hindi na kailangan ng truck. Paulit-ulit lang kaming naglalakad sa hallway habang may bitbit na mga kahon.

"Ako na rito."

Kinuha ni Jordan ang pinakamabigat kong kahon.

"Kaya ko 'yan."

Pagpupumilit ko na kuhanin ang kahon sa kanya.

"Sa liit mong 'yan, kaya mo 'tong buhatin?"

Natatawa siya habang naglalakad palayo sa harapan ko.

"Jordan!"

Rinig ko namang natawa siya kahit medyo malayo na sa akin. Napailing na lang ako at sumunod sa kanya. Pagdating sa unit niya, agad niyang inilapag ang kahon.

"O ayan."

Nilibot ko ng tingin ang condo niya. Malinis. Maayos. At halatang walang babaeng nakatira. Dahil dark na dark ang kulay ng condo niya.

"Ang tahimik."

"Ikaw na bahala mag-ingay."

Napatawa ako.

"Pwede ba akong magreklamo?"

"Depende."

Kibit-balikat nitong sagot.

"Wala kang halaman."

Sabay turo ko sa balkonahe niya.

"Namatay lahat."

"Wala ring kurtina sa sala."

Puna ko naman sa bintana niya.

"Hindi ko napansin."

"Wala ring throw pillow."

Isa pang napansin ko sa sofa niya.

"Tulog lang naman ang ginagawa ko rito."

Napailing ako.

"Para talaga itong bachelor's pad."

Nagkrus siya ng braso.

"Kaya nga kailangan kita."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "H-ha?"

"Para may tumulong mag-ayos sa akin dito sa unit ko," sagot niya.

Napahawak ako sa dibdib ko. Ramdam ko ang lakas ng kabog nito. "Akala ko kung ano na."

Natawa siya dahil sa sinabi ko.

在 APP 繼續免費閱讀本書
掃碼下載 APP

最新章節

  • Code Blue: In Love    Chapter 7

    ‎Kinabukasan...‎‎Nagising ako dahil sa mabigat na naka dagan sa hita at tiyan ko.‎‎Napahawak ako sa ulo ko.‎‎"Aray..."‎‎Pakiramdam ko ay sasabog ito sa sakit. Ang sakit sakit din ng katawan ko,‎‎Dahan-dahan akong bumangon. Pero agad akong natigilan. Katabi ko si Jordan. Mahimbing pa ang tulog niya.‎‎Nanlaki ang mga mata ko dahil sa posisyon naming dalawa.‎‎"Ano..."‎‎Mabilis kong tiningnan ang paligid. Napatingin ako sa sarili ko, saka muli kay Jordan.‎‎"Wala akong... maalala."‎‎Umayos ako ng upo habang pilit inaalala ang nangyari kagabi.‎‎Birthday. Inuman. Tawanan. Nalasing ako.‎‎Pagkatapos...‎‎"OMG!" napatakip ako sa bibig ko ng maalala ang nangyari.‎‎Eksaktong sandaling iyon ay napamulat si Jordan. Nang makita niya akong gising na, bahagya siyang napaupo.‎‎"Good morning..."‎‎Hindi ko siya sinagot. Tinitigan ko lang siya. Unti unti kong nararamdaman ang pamumula ng pisngi ko.‎‎"Jordan..."‎‎Napalunok ako, hindi masabi ang gusto kong sabihin.‎‎"Ano

  • Code Blue: In Love    CHAPTER 6

    Irish's POV ‎Nang matapos siya matapos siya sa pag dilang ginagawa sa akin ay tumayo siya at hinubad ang kanyang pantalon, tumambad sa harap ko ang kanyang malaking ari na matigas at bahagyang kumikibot-kibot pa.‎Kahit nanghihina at nanginginig pa ang binti ko ay umupo ako sa harapan niya, tinanggal ko ang panty ko at hinawakan ang ari niya. Napapikit naman siya sa ginawa ko kaya mas lalo akong ginanahan.‎Hinagod ko ito ng pataas at pababa, kitang kita ko sa mga mata niyang nag aalab na gusto niya ang ginagawa ko. ‎Walang pag aalinlangang nilagay ko sa bibig ko ang ari niya.‎"Ohh.." ‎Sumasabay siya sa pag labas pasok ng ari niya sa bibig ko. Kahit halos mabilaukan na ako dahil sa laki nito ay tuloy pa rin ako sa pag subo sa kaniya dahil kitang kita ko na nasasarapan siya. ‎Gamit ang isang kamay ay hinawi niya patagilid ang buhok ko at saka bumayo ng bumayo sa bibig ko.‎"Ohh, shit!" ‎Mas lalo akong ginanahan sa ungol niya kaya mas binilisan ko pa ang pag subo sa kaniya. Maraha

  • Code Blue: In Love    CHAPTER 5

    ‎Irish's POV‎‎"Sigurado ka bang sasama ka?" tanong ni Jordan habang inaayos ang relo niya.‎Tumango ako. Kasalukuyan kaming nag aayos rito sa condo niya dahil may dadaluhan kaming birthday party ng kaibigan niya.‎"Kaibigan mo naman ang may birthday. Nakakahiya kung hindi ako pupunta, mamaya hanapin nila ako sa'yo." ‎Tumango ito at napangiti.‎"Buti na lang pumayag ka."‎Makalipas ang ilang minuto ay dumating kami sa isang private resort kung saan ginaganap ang birthday party ng matalik na kaibigan ni Jordan. May sari-sariling kwarto ang mga bisita, kung sakaling hindi na makauwi ang iba dahil sa kalasingan.‎Pagkababa pa lang namin ng sasakyan ay sinalubong na kami ng tawanan at malakas na musika.‎"Jordan!"‎Lumapit ang celebrant at niyakap siya.‎"Akala ko hindi ka makakapunta."‎"Pwede ba iyon, sa tagal nating mag kaibigan hindi ako nawala tuwing birthday mo." sagot ni Jordan.‎Nag tawanan sila at nag yakapan, tahimik lang ako sa gilid ni Jordan ng mapatingin sa akin ang celebra

  • Code Blue: In Love    CHAPTER 4

    Irish's POVKaka-out ko lang sa trabaho nang mapagpasyahan kong dumaan sa ospital para sunduin si Jordan. May usapan kasi kaming magdi-dinner ngayong gabi.Balak ko sanang hintayin siya sa lobby, pero nang makita ko ang dami ng nurses at doctors na naglalabasan, bigla akong nailang. Pakiramdam ko kasi lahat ng mata ay napapatingin sa akin, lalo na nang malaman nilang asawa ako ni Jordan.Kaya sa parking area na lang ako naghintay.Tahimik kong pinagmasdan ang mga sasakyang papasok at palabas habang hinihintay siyang matapos sa duty.Ilang minuto pa ang lumipas nang marinig ko ang isang pamilyar na boses."Irish."Dahan-dahan akong lumingon. Nakatayo si Nicole ilang hakbang ang layo sa akin.Elegante pa rin ang ayos niya. Halatang pinaghandaan ang bawat detalye ng suot niya. Ngunit kahit gaano siya kaganda, hindi maitago ng mga mata niya ang galit at inggit.Ngumiti siya. Pero hindi iyon umabot sa mga mata niya."Alam mo naman siguro kung bakit ako nandito." Tiningnan ko lang siya."An

  • Code Blue: In Love    CHAPTER 3

    Irish's POV"Ano?"Halos mapasigaw ako sa sinabi ni Jordan. Nakasalukuyan kaming nandito sa opisina niya."Magsasama tayo sa iisang condo."Napatitig ako sa kanya habang hawak niya ang tasa ng kape."Seryoso ka ba?"Umayos siya ng upo at mahinahong nagsalita."Kung magpapanggap tayong mag-asawa, hindi pwedeng magkahiwalay tayo ng tirahan. Kapag may nagtanong o biglang bumisita sa condo ko, mahihirapan tayong ipaliwanag."Napabuntong-hininga ako."May punto ka.""Kaya kung okay lang sa'yo...""Sige na nga."Para siyang natigilan dahil sa sinabi ko."Seryoso ka?"Tumango ako."May choice pa ba ako? Nandito na 'to eh, panindigan na lang natin."Natawa naman siya sa sinabi ko.Pinag-usapan at pinagplanuhan namin nang maigi kung paano ang gagawin naming pagpapanggap. May kakilala siya na mag-aasikaso ng lahat mula sa marriage contract, wedding photo, at singsing.May mga nagulat, lalo na sa mga katrabaho niya. Dahil may mga nakiusyoso noong araw na sumugod si Nicole dito sa ospital. Ang s

  • Code Blue: In Love    CHAPTER 2

    Irish's POVLumipas ang ilang buwan at naging mas abala ako sa trabaho. Halos araw-araw akong nag-o-overtime para sa nalalapit naming presentation. Gusto kong maging perpekto ang lahat kaya kahit kulang na ako sa tulog at madalas na nalilimutang kumain, itinuloy ko pa rin ang pagtatrabaho.Ilang beses na akong pinagsabihan ng mga katrabaho ko."Irish, magpahinga ka muna.""Mamaya na. Konti na lang 'to."Pero ang "mamaya" na iyon ay hindi na dumating. Habang nakatitig ako sa laptop at inaayos ang huling detalye ng presentation, bigla akong nakaramdam ng matinding hilo. Parang umiikot ang buong paligid ko at unti-unting lumabo ang paningin ko."Irish?"Narinig ko ang boses ni Bryson, pero hindi ko na siya magawang lingunin.Bago pa ako makapagsalita, tuluyan nang nagdilim ang lahat.---Pagmulat ko ng mga mata, puting kisame ang unang bumungad sa akin. Ramdam ko rin ang malamig na hangin ng air conditioner at ang amoy ng antiseptic na pamilyar sa isang ospital.Napapikit ako sandali bag

更多章節
探索並免費閱讀 優質小說
GoodNovel APP 免費暢讀海量優秀小說,下載喜歡的書籍,隨時隨地閱讀。
在 APP 免費閱讀書籍
掃碼在 APP 閱讀
DMCA.com Protection Status