LOGIN
IRISH'S POV
Mainit ang sikat ng araw nang huminto ang sasakyan ko sa harap ng St. Matthew Medical Center. Agad akong bumaba para maalalayan si Mama palabas ng kotse. "Dahan-dahan lang, Ma." "Kung makaalalay ka naman, daig ko pa ang baldado. Hindi pa naman ako matanda!" natatawang sabi nito. "Hay naku! Masama bang umalalay sa'yo, Ma? Sinisiguro ko lang na hindi ka madudulas sa pagbaba mo sa kotse." Napailing na lang si Mama sa sinabi ko at saka humawak sa kamay ko habang papasok kami sa ospital para sa annual check-up niya. Hindi ito ang unang beses na nasamahan ko si Mama dahil tuwing dalawang buwan ay nagpapacheck-up siya. Matagal-tagal na paghihintay na naman ang gagawin ko rito. Mabuti na lang at off ko ngayon kaya wala akong ibang gagawin bukod sa mag-grocery mamaya kapag natapos na si Mama. Pagkatapos kong maasikaso ang mga papeles ni Mama ay umupo muna kaming dalawa sa waiting area. "Tingin ko matatagalan tayo ngayon," sabi ni Mama habang nakatingin sa monitor kung saan lumalabas ang queue numbers. Napatingin din ako rito at tama nga si Mama dahil mahaba pa ang pila at pang-38 pa siya. Tumayo ako at akmang aalis sana, kaya lang ay pinigilan ako ni Mama. "Saan ka pupunta?" tanong nito. "Bibili sana ako ng kape." "Huwag na, mamaya na." Tumango ako at hinayaan si Mama na hawakan lang ang kamay ko. Ilang minuto pa ang lumipas, pero hindi pa rin natatawag ang pangalan ni Mama kaya naman ay nakakaramdam na ako ng pagkainip. Kailan ba ako masasanay sa ganito? Huminga ako nang malalim at saka tumingin kay Mama. "Ma, iikot lang muna ako rito. Dito lang naman sa floor," paalam ko dahil sobrang bored na ako kakahintay. "Sige, basta dalhin mo ang cellphone mo. Tawagan kita kapag turn ko na." "Okay." Ngumiti ako bago tumalikod at nagsimulang maglakad. Tahimik ang hallway. Tanging tunog ng mga gulong ng wheelchair, mahinang usapan ng mga nurse, at beep ng ilang medical equipment ang naririnig ko. Ilang hakbang pa ang ginawa ko nang mapansin ko ang dalawang nurse na nag-uusap habang naglalakad. "Nasa ICU si Doc Jordan." "Talaga? Akala ko off duty siya ngayon." "Tinawagan siya kanina. May emergency case daw kasi." Napansin kong mukhang kinikilig ang mga nurse na nakasalubong ko habang nag-uusap tungkol sa doktor na iyon. Nagkibit-balikat na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad habang may hinahanap sa loob ng bag ko. "Saan ko ba nailagay 'yung lip balm..." Hindi ko makapa ang lip balm na hinahanap ko kaya naman ay huminto muna ako sa paglalakad para makita ko nang maayos ang laman ng bag ko. Napataas ako ng tingin nang may isang doktor na mabilis na naglalakad mula sa kabilang direksiyon. Hawak niya ang chart sa kanang kamay at phone naman sa kaliwang kamay. "Yes, I'll be there in two minutes." Hindi niya ako napansin agad dahil may binabasa siya sa chart kaya sinubukan kong umiwas para hindi kami magkabanggaan. Kaso natalisod ako sa sarili kong paa na naging dahilan para masubsob ako sa kaniya. "Ay!" Nalaglag ang hawak na chart ng doktor dahil nasalo niya ako. Tumayo ako nang maayos at siya naman ay pinulot ang chart at ballpen na nabitawan kanina. "Sorry," agad niyang sabi habang pinupulot ang chart. "Hindi, ako dapat ang magsorry. Hindi kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko." "It's okay." Iniabot niya sa akin ang bag kong nahulog. "Ayos ka lang ba?" "Okay lang. Nagulat lang." Tumango siya. "Good." Tumunog ang cellphone niya kaya napatingin siya rito. "Excuse me. Kailangan ko nang umalis. Sorry ulit." Nagmamadali siyang umalis sa harapan ko. "Okay." Bahagya siyang ngumiti. Sandali siyang napatingin sa akin bago tumango. Napatingin lang ako sa direksiyong nilakaran niya bago napailing. "Grabe..." mahina kong bulong sa sarili. "Ang guwapo naman." Agad kong inilabas ang phone ko para hanapin kung ano ang pangalan niya. Tiningnan ko ang page ng ospital at inisa-isa ang mga naka-follow dito. Bawat nurse at doctor ay in-stalk ko hanggang sa makita ko ang F******k niya. Earl Jordan Villanueva "Grabe, pati pangalan ang pogi! Ano bang ginagawa mo, Irish?" Saglit lang naman 'yung interaksyon namin, pero bakit parang kilig na kilig ako? Ni hindi nga halos umabot ng dalawang minuto ang naging usapan namin. Hindi naman siguro masamang magka-crush kahit halos magtetrenta na ako. Sa tagal ko ba namang single, ngayon lang ako ulit nakatagpo ng lalaking guwapo, hot, mukhang mabango, at bonus na doctor pa!Irish's POV Ilang saglit pa kami nag stay ni Jordan, bago kami nagpaalam nag kay Mama. Bago kami lumabas ng bahay, niyakap niya muna ako at pinaalalahanang mag-message kapag nakauwi na ako."Text me when you get home, okay?""I will, Ma. Thank you po."Kumalas si mama sa yakap niya sa akin humarap siya kay Jordan."Thank you sa pagsama kay Irish." nakangiting sambit nitoTumango si Jordan at saka ngumiti rin kay Mama, "You're welcome po, Tita." sagot nito"Mag iingat kayo, mag dahan dahan lang sa pag da-drive, Jordan." Tumango lang si Jordan at sabay kaming nagpaalam bago tuluyang lumabas ng bahay.Pagkasakay ko sa passenger seat, inayos ko muna ang seat belt ko habang si Jordan naman ay pinaandar na ang sasakyan."Your mom is nice," sabi niya matapos ang ilang sandali.Napangiti ako. "She is. Medyo nakakatakot lang kapag seryoso.""Pansin ko nga." natatawang sambit niya. Napalingon ako sa kanya at natawa nang makita ang maliit na ngiti sa labi niya."At least, hindi ka niya pinagal
Irish's POVMatapos naming mapag-usapan ang lahat, tumayo na si Mama at nagpunta sa kusina para tingnan ang iba pa niyang inihanda na pagkain. Naiwan naman kaming dalawa ni Jordan sa dining area habang hinihintay siyang bumalik.Napabuntong-hininga ako at saka sumandal sa upuan."Are you okay?" tanong ni Jordan habang nakatingin sa akin.Tumango ako. "Yeah. I'm okay.""You sure?"Napangiti ako nang bahagya. "Oo nga. Kinakabahan lang talaga ako kanina. Akala ko kung ano na ang sasabihin ni Mama.""She just wants what's best for you.""I know." Tumango ako. "Kaya nga kahit papaano, gumaan ang pakiramdam ko. At least, hindi ko na kailangang mag-isip kung paano ko sasabihin sa kanya.""Good to know," Bahagya siyang ngumiti. "You don't have to carry everything on your own, Irish. Nandito naman na ako."Napatingin ako sa kanya. Simple lang naman ang sinabi niya pero hindi ko maiwasang maalala ang mga panahong pinipilit kong ayusin ang lahat nang mag-isa. Sanay akong umasa sa sarili ko, lalo
Irish's POVIlang sandali kaming natahimik matapos sumagot ni Jordan. Hindi ko alam kung ano ang iniisip ni Mama, pero halata sa mukha niya na marami pa siyang gustong itanong.Napalunok ako at bahagyang inayos ang pagkakaupo ko."Ma, may sasabihin pa po ako."Napatingin siya kay Jordan bago ibinalik sa akin. "Ano pa 'yon, anak?"Saglit akong napatingin kay Jordan bago muling humarap kay Mama."Wala po talaga kaming relasyong dalawa ni Jorda."Kumunot ang noo niya. "Anong ibig mong sabihin?"Huminga ako nang malalim bago nagsimulang magpaliwanag."Hindi po kami mag boyfriend or girlfriend, wala po kaming relasyon." mahinang sambit ko Tahimik siyang nakikinig sa akin habang si Jordan naman ay nanatiling nakaupo sa tabi ko."May dati po siyang fiancée, si Nicole. Nagkaroon po sila ng problema, at noong bumalik si Nicole sa buhay niya, hindi na po alam ni Jordan kung paano haharapin 'yung sitwasyon.""Fiancée?" ulit ni Mama, saka napatingin kay Jordan. "May dati kang fiancée?""Yes, Tit
Irish's POVPagpasok namin sa bahay ay agad kong napansin na tahimik ang paligid. Wala akong nakitang ibang tao sa sala kaya napatingin ako kay Manang."Nasaan po si Mama?" tanong ko."Nasa dining area na. Kanina pa nga ako tinatanong kung anong oras ka darating." sagot niya bago napatingin kay Jordan na tahimik lang na sumusunod sa amin."Sino 'yung kasama mo, Irish?" tanong niya sa akin, bahagyang nakangiti."Si Jordan po, Manang." nakangiting sambit ko sa kanya. Ngumiti si Manang at humarap kay Jordan para bumati. "Magandang hapon, Sir Jordan.""Good afternoon po." Magalang siyang sumagot at bahagyang ngumiti."Halika na kayo. Baka lalo pang mainip ang Mama mo kapag pinaghintay niyo pa."Napangiti ako bago muling hinawakan ang braso ni Manang at dumiretso na sa dinning.Pagdating namin doon ay nakita ko agad si Mama na nakaupo sa isa sa mga upuan habang may hawak na baso ng tubig. Nang mapansin niya kami, agad siyang tumayo at sinalubong ako ng tingin."Irish!""Mama." Ngumiti ak
Hindi ako makapili sa dami ng tinapay na naka display sa shelf. Kinuha ko na lang ang isang balot ng piaya na ube at chocolate flavor bago humarap kay Jordan. Pinakita ko 'yon sa kanya, tumango naman siya at saka sumensyas na lumapit na ako sa kanya. Nasa counter na rin kasi siya at handa ng magbayad ng mga pinamili namin. Nakita ko namang may binili din siyang tubig, chips at chocolates. "Ang dami mo namang binili." sambit ko ng makalapit ako sa kanya"Trust me, mauubos mo rin 'yan." sagot niya"Excuse me? Grabe ka naman sa akin, ganoon ba 'ko kalakas kumain?" natatawang sambit koNatawa naman siya ng bahagya bago siya nag bayad sa counter. Tahimik lang akong nasa likod niya at hinihintay siyang matapos mag bayad. Nang makapag bayad siya ay siya na rin ang nag dala ng mga pinamili namin, sabay kaming naglakad palabas ng convenient store at saka sumakay sa sasakyan niya. Kinuha ko kagad ang piaya na ube flavor at binuksan ito. "See, hindi pa nga tayo nakakaalis kakain ka na agad
Irish's POVLinggo na ngayon at maaga akong nagising kahit hindi naman ako nag-set ng alarm. Hindi muna ako tumayo agad at nagmuni muni muna ako sa kama dahil kinakabahan ako sa magiging reaksyon ni Mama. Alam ko namang kailangan niya ng malaman pero may kaba pa rin talaga sa dibdib ko dahil hindi ko alam kung papaano ko ieexplain sa kanya kung saan at paano kami nagkakilala ni Jordan. Samantalang nung birthday ng Mommy niya ay pormal lang kaming nag usap, ipinakilala pa nga niya ako kay Jordan at ako naman itong ganap na ganap ay nag kunwaring hindi pa kami mag kakilala talaga. Bumangon na ako at napabuntong-hininga bago dumiretso sa closet ko at namili ng maayos na damit, dress na lang ang susuotin ko dahil hindi na kasya sa akin ang mga pants at skirt ko dahil may kalakihan na rin ang tiyan ko. Dumiretso na ako sa banyo at saka naligo, hindi na ako gaano nag tagal dahil tamad na tamad talaga akong kumilos ngayon. Nang matapos ay lumabas lang ako saka nag bihis. Nag lagay lang a







