Share

Chapter 2

Author: Olivia Thrive
last update Last Updated: 2025-10-29 13:17:58

Pagmulat ko, unang bumungad sa akin ay puting kisame.

Tahimik. Masyadong tahimik.

Parang walang nangyari, pero ramdam ng katawan ko na may nangyari.

Masakit ang ulo ko — parang pinipisil ng dalawang kamay ang sentido ko.

May hangin na galing sa bintana, malamig, pero ang balat ko ay mainit pa rin.

Parang naiwan sa akin ‘yung init ng mga haplos kagabi.

Napahawak ako sa dibdib ko, pilit inaalala.

Pero puro fragments lang ang bumabalik — halik sa gitna ng ulan, kamay sa bewang ko, boses na mababa at pamilyar.

Ngunit kahit anong pilit kong isipin, hindi ko na maalala ang mukha niya.

Kahit anino, wala.

Tumingin ako sa paligid — mamahaling kama, minimalist na kwarto, puting kurtina na ginagalaw ng hangin.

Lalaki ang may-ari ng silid na ‘to, sigurado ako.

Amoy cologne at whisky, at sa side table ay may baso pa ng alak, kalahati pa ang laman.

Pero siya? Wala na.

Walang iniwang note.

Walang pangalan.

Walang kahit anong palatandaan.

Tawa ako nang mahina, sabay napailing.

“Perfect, Lia,” sabi ko sa sarili.

“Hindi mo nga makalimutan ‘yung sakit ni Marco, pero nagawa mong makatulog sa tabi ng estranghero.”

Pero habang tinitignan ko ang sarili ko sa salamin sa tapat ng kama — disheveled, may luha pa sa pisngi, pero buhay —

may kakaibang pakiramdam sa loob ko.

Wala na ‘yung bigat na parang sinasakal ako kagabi.

Wala na ‘yung urge na umiyak.

Para bang na-drain lahat ng sakit, kasabay ng ulan kagabi.

Ang natira na lang, ay galit.

At isang ideya.

“Revenge,” bulong ko.

‘Yan na lang ang gusto kong gawin.

Hindi ko alam kung anong klaseng babae ako ngayon —

pero alam kong ayoko nang maging biktima.

Dali-dali akong nagbihis.

Nagsuot ng black dress na unang makita ko sa aparador. Hindi ko alam kung kanino ‘to, pero hindi ko na rin inisip.

Kinuha ko ang bag ko, ang cellphone, at lumabas ng kwarto.

Paglabas ko sa hallway, sumalubong sa akin ang receptionist.

“Miss, are you checking out?”

Ngumiti ako, pilit na normal. “Yes. My… friend already left.”

“Ah, Mr.—”

Hindi ko na hinayaang tapusin. “No need to mention his name.”

Tumango siya, nagulat pero hindi na nagtanong.

Paglabas ko ng hotel, sinalubong ako ng liwanag ng araw.

Parang hindi totoo lahat ng nangyari kagabi.

Kung hindi lang sa pakiramdam ng balat kong parang tinamaan ng kidlat, iisipin kong panaginip lang lahat.

Pagpasok ko sa taxi, saka lang ako nakahinga nang malalim.

“Condo sa Makati,” sabi ko sa driver.

Habang tumatakbo ang kotse, nakatingin lang ako sa bintana.

Ang mga tao, abala sa kani-kanilang buhay.

Ako?

Walang direksyon.

Pero may malinaw na layunin.

Paano ko siya pagbabayarin?

Paano ko ipaparamdam kay Marco ang sakit ng maloko?

Nakatingin ako sa sarili kong repleksyon sa salamin ng taxi.

Naka-smoky eyes pa ako, buhok na gusot, pero may kakaibang ningning sa mata.

Hindi na ako ‘yung Lia kagabi — umiiyak, lasing, wasak.

Ako na ‘yung Lia na may plano.

Pagdating sa condo, sinalubong ako ng katahimikan.

Ang mga larawan namin ni Marco sa dingding — nakangiti, magkahawak kamay, kunwari masaya.

Isa-isa kong kinuha ang mga iyon, pinilas, at itinapon sa basurahan.

“Good riddance,” sabi ko habang tinitignan ang huling litrato naming magkasama — ‘yung sa Batangas, kung saan niya unang sinabing ‘I love you.’

“Liar,” bulong ko, sabay itinapon din.

Nagbukas ako ng laptop.

Tiningnan ko ang mga proyekto namin noon.

Ang marketing pitch na magkasama naming ginawa para sa client na…

Wait.

Client.

Naalala ko bigla.

Si Marco ay may tiyuhin na may sariling art foundation —

isang exclusive, high-profile patron na laging binabanggit niya.

Alessandro.

Ang lalaking halos sambahin ni Marco, pero hindi pa niya kailanman nakilala ng personal.

Napangiti ako.

A slow, dangerous smile.

“What if…”

What if the best revenge… is temptation?

Maya maya, sa pagmumuni muni, wala pa rin akong imik. Nakaupo lang ako sa couch, hawak ang bracelet na dapat ay ibibigay ko kagabi.

Tinanggal ko ang engraving sa isip ko — Always you? Nakakatawa.

At doon ko naisip — siguro oras na para magbago ng script.

Hindi ako ‘yong babaeng iiyak sa unan. Hindi ako ‘yong susuko.

No. Gagawa ako ng paraan. Hindi para makuha siya ulit, kundi para iparamdam kung gaano kasakit maloko.

He played with me. Now, I’ll play better.

Lumipas ang ilang linggo, nagbalik ako sa trabaho bilang interior designer. Sinubukan kong magpaka-professional, pero hindi ko maiwasang madala ang sakit sa bawat proyekto. Hanggang isang araw, tinawagan ako ng supervisor ko.

“Lia, may bagong client ka. High-profile project. Ruiz Holdings.”

Napataas kilay ko. “Ruiz Holdings? As in… connected sa Ruiz Construction?”

“Yes. The CEO himself requested a consultation with you. Mr. Alessandro Ruiz.”

The name sounded familiar.

Marco Ruiz. Alessandro Ruiz.

Wait. He isn't his uncle right?

Natawa ako nang mahina. Oh, universe. Ganyan tayo maglaro ngayon?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Confessions of a Woman who Seduced her Ex's Uncle   Chapter 7

    Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko.Ang dapat ay simpleng hapunan lang. Isang hakbang sa plano ko. Isang gabing magpapasimula ng paghihiganti. Pero heto ako, nakatayo sa tapat ng condo ko, at ang mga labi ko—nasa labi ng lalaking dapat ay bahagi lang ng laro.Si Alessandro Ruiz.Ang lalaking tiyuhin ng dati kong minahal na kinasususklaman na ngayon. Nagsimula lang sa mga titig ngayon ay halik na ang hindi ko kayang iwasan.Noong una, gusto ko lang siyang basahin—pag-aralan. Kung paano siya kumilos, kung paano siya ngumiti, kung paano niya kontrolin ang bawat silid na pinapasok niya. Pero ngayong magkalapit kami, ramdam ko ang kakaibang init na bumabalot sa pagitan namin. Parang nagbago ang hangin, parang lahat ng ingay sa paligid ay unti-unting naglaho.At nang magtagpo ang labi namin, lahat ng plano ko… ay tila nagulo..Walang kasinungalingan sa halik na ‘yon.Hindi iyon halik ng isang babaeng may balak.Iyon ay halik ng isang babaeng gutom—hindi lang sa paghihiganti, kundi

  • Confessions of a Woman who Seduced her Ex's Uncle   Chapter 6

    Habang patuloy ang usapan, hindi ko na napansin kung ilang beses niya akong pinagsalin ng wine.Pakiramdam ko mainit ang pisngi ko, mabilis ang paghinga ko.At siya, tila walang balak itigil ang laro.“Relax,” sabi niya, habang marahang inabot ang baso ko. “You look tense.”“Maybe because I’m sitting across someone who makes people nervous,” sabi ko, medyo malakas ang loob dahil sa alak.Ngumiti siya, ‘yung tipong hindi mo alam kung nakakatawa ba o nakakakaba. “Then maybe you’re exactly where you should be.”Nang sumagi sa kamay ko ang kamay niya, kahit saglit lang, may dumaloy na init sa pagitan namin.Walang sinabi, pero sapat na ang titig para malaman naming pareho — may nangyayari dito na hindi na parte ng plano.Tila nagiging malabo ang hangganan ng paghihiganti at tukso.At habang nakatingin ako sa kanya, hindi ko na alam kung gusto kong ipagpatuloy ang sinimulan ko, o gusto ko lang maramdaman ulit ang init na kanina pa nagpapabaliw sa akin.“About that proposal…” sabi ko, halos

  • Confessions of a Woman who Seduced her Ex's Uncle   Chapter 5

    Hindi ko alam kung mas kabado ako o mas sabik.Sabik sa paghihiganti.O sa ideya na baka sa wakas… may lalaking kaya akong patumbahin sa sarili kong laro. Iba ang thrill na nararamdaman ko.Pero hindi ako pwedeng matinag. Hindi ngayong nasa harap na ako ng mismong lalaking magiging kasangkapan ko — si Alessandro Ruiz.Naka-black satin dress ako na may hiwang halos umabot sa hita. Subtle pero mapanganib. Saktong pampagulo ng isip. Habang papasok ako sa restaurant, ramdam ko ang bawat tingin ng mga tao — pero wala akong pakialam.Ang tanging gusto kong mapansin ako ay siya.At nang sa wakas ay makita ko siya… halos nakalimutan ko kung bakit ako naroon.Nasa private room siya, nakaupo sa sulok habang may hawak na basong alak, nakalugay ang ilang hibla ng buhok na tumatama sa kanyang noo.Oh gosh! Paano mo lalapitan ang ganitong klaseng lalaki at hindi mabubulol sa unang salita?Ang mga larawan niya sa mga business magazine, walang sinabi sa totoong Sandro Ruiz na nasa harap ko ngayon.H

  • Confessions of a Woman who Seduced her Ex's Uncle   Chapter 4

    Ngayong gabi, ako na mismo ang gagawa ng paraan para magkita ulit kami. Hindi ko na hihintayin ang tadhana na muli kaming pagtagpuin. I carefully chose my outfit. Hindi sobrang revealing — pero sapat para magpaalala na babae akong hindi dapat basta-basta binabale-wala. Cream silk blouse, high-waist slacks, at pulang lipstick. Hindi ako nagmukhang naghihiganti — nagmukha akong babaeng in control. “Project pitch lang ‘to,” sabi ko sa sarili ko sa harap ng salamin. “Walang personal.” muli ay paalala niya sa sarili. Pero alam kong may halong personal. Gusto kong maramdaman ni Alessandro ang presensiya ko. Gusto kong makita kung hanggang saan aabot ‘yong chemistry na naramdaman ko noong unang pagkikita namin. Itesting kung kaya ko siyang akitin. Pagdating ko sa art gallery na pagmamay-ari niya, umulan na naman. Mukhang sinusundan talaga ako ng ulan mula noong gabi ng pagtataksil. “Miss, may appointment po ba kayo kay Mr. Ruiz?” tanong ng receptionist. “Wala,” sagot ko, s

  • Confessions of a Woman who Seduced her Ex's Uncle   Chapter 3

    Ngayon ang paghaharap namin ng tiyuhin ni Marco. Pagdating ko sa opisina ni Alessandro Ruiz, ramdam ko agad ang power sa paligid. Ang opisina ay minimalist, puro salamin at metal. Naka-upo siya sa dulo ng mesa, hawak ang pen, at may presensyang parang kayang basahin ang kaluluwa mo. Matangkad. Maputi. May manipis na ngiti na parang alam niya kung sino ka bago mo pa sabihin ang pangalan mo. “Miss Vergara,” bati niya habang iniaabot ang kamay. “Mr. Ruiz,” sagot ko, sabay abot din. Ang unang hawak pa lang, may kakaibang spark. Hindi romantic — hindi pa. Pero may tension. Ngunit tila pamilyar ang mga tingin nito. He studied me for a second longer than usual. “You’ve worked with my nephew before?” Hindi ko ininda ang kuryosong tono. “Yes. Once.” “And?” Ngumiti ako, magaan pero puno ng ibig sabihin. “Let’s just say, I learned a lot.” Tumawa siya nang mahina. “I see. Then maybe you can teach me something, too.” Ngumiti ako, bahagyang nagtaas ng kilay. “Oh, I pla

  • Confessions of a Woman who Seduced her Ex's Uncle    Chapter 2

    Pagmulat ko, unang bumungad sa akin ay puting kisame.Tahimik. Masyadong tahimik.Parang walang nangyari, pero ramdam ng katawan ko na may nangyari.Masakit ang ulo ko — parang pinipisil ng dalawang kamay ang sentido ko.May hangin na galing sa bintana, malamig, pero ang balat ko ay mainit pa rin.Parang naiwan sa akin ‘yung init ng mga haplos kagabi.Napahawak ako sa dibdib ko, pilit inaalala.Pero puro fragments lang ang bumabalik — halik sa gitna ng ulan, kamay sa bewang ko, boses na mababa at pamilyar.Ngunit kahit anong pilit kong isipin, hindi ko na maalala ang mukha niya.Kahit anino, wala.Tumingin ako sa paligid — mamahaling kama, minimalist na kwarto, puting kurtina na ginagalaw ng hangin.Lalaki ang may-ari ng silid na ‘to, sigurado ako.Amoy cologne at whisky, at sa side table ay may baso pa ng alak, kalahati pa ang laman.Pero siya? Wala na.Walang iniwang note.Walang pangalan.Walang kahit anong palatandaan.Tawa ako nang mahina, sabay napailing.“Perfect, Lia,” sabi ko

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status