LOGINHabang patuloy ang usapan, hindi ko na napansin kung ilang beses niya akong pinagsalin ng wine.
Pakiramdam ko mainit ang pisngi ko, mabilis ang paghinga ko. At siya, tila walang balak itigil ang laro. “Relax,” sabi niya, habang marahang inabot ang baso ko. “You look tense.” “Maybe because I’m sitting across someone who makes people nervous,” sabi ko, medyo malakas ang loob dahil sa alak. Ngumiti siya, ‘yung tipong hindi mo alam kung nakakatawa ba o nakakakaba. “Then maybe you’re exactly where you should be.” Nang sumagi sa kamay ko ang kamay niya, kahit saglit lang, may dumaloy na init sa pagitan namin. Walang sinabi, pero sapat na ang titig para malaman naming pareho — may nangyayari dito na hindi na parte ng plano. Tila nagiging malabo ang hangganan ng paghihiganti at tukso. At habang nakatingin ako sa kanya, hindi ko na alam kung gusto kong ipagpatuloy ang sinimulan ko, o gusto ko lang maramdaman ulit ang init na kanina pa nagpapabaliw sa akin. “About that proposal…” sabi ko, halos pabulong, pilit kong binabalik ang isip ko sa dahilan ng gabing ito. Pero bago ko pa maituloy, hinawakan niya ulit ang baso ko at tinagayan. “Tomorrow,” sabi niya, may ngiti sa labi. “Tell me tomorrow.” “Tomorrow?” He nodded. “You look like you’ve had enough tonight. Besides…” tumigil siya sandali, saka lumapit nang kaunti. “…it’s much more interesting to hear your plans when you’re fully aware of what you’re getting yourself into.” Hindi ko alam kung napahiya ako o kinilabutan. Pero sa sandaling iyon, habang nakatitig ako sa kanya, isang tanong lang ang pumasok sa isip ko: Alin ba talaga ang mas delikado? Ang plano kong paghihiganti… o ang lalaking gustong tuluyang pasukin ang isip ko? At sa kabila ng lahat, hindi ko na maitago — gustong-gusto kong malaman kung ano’ng mangyayari kapag hinayaan kong masunog ako sa apoy niya. Pagkatapos ng dinner, naglakad kami palabas ng restaurant ni Alessandro — o Sandro, gaya ng gusto niyang itawag ko. Mainit ang gabi, pero hindi ko alam kung init ba ng hangin o ng alak ang bumabalot sa balat ko. Lasing ako—hindi sa wine, kundi sa presensiya niya. Hindi ko nasabi ang proposal ko. Ni hindi ko naalala kung paano ko sisimulan. Basta alam ko lang, bawat salita niya, bawat sulyap ng mata niya, unti-unting binubura ang plano kong kontrolin ang gabi. Pagdating namin sa kotse, binuksan niya ang pinto para sa akin. Gentleman. Classic move. Pero may halong peligro sa paraan ng pagtitig niya. Yung tipong alam niyang may tinatago akong intensyon. At sa halip na matakot, lalo lang akong na-challenge. Habang umaandar ang kotse, tahimik kaming dalawa.Ako, nakatingin sa bintana, pero sa totoo lang, nakikinig ako sa bawat paghinga niya. Ramdam ko ang kabog ng dibdib ko, sabay sa tunog ng makina. “Too quiet for someone who claims to be confident,” sabi niya bigla, may halong biro. “Maybe I’m just… thinking,” sagot ko, pa-inosente. “About what?” “About how unpredictable you are.” “Funny,” sabi niya, bahagyang ngumiti. “I was thinking the same about you.” Nang huminto kami sa tapat ng condo ko, walang gustong bumaba. Tila pareho kaming nag-aabang kung sino ang unang kikilos. “Thank you for dinner,” sabi ko, halos pabulong. “You’re welcome. But I have a feeling that’s not really why you wanted to see me tonight,” sagot niya, diretso, walang paligoy. Kinain ako ng kaba. Pero hindi ako papatalo. Hindi ako uuwi ng talunan. “Maybe I just wanted to see what kind of man hides behind all that power,” sagot ko, hinahaplos ang strap ng bag ko habang nakatingin sa kanya. “Dangerous question,” sabi niya. “You might not like the answer.” Ngumiti ako, mabagal, mapang-akit. “Try me.” Hindi ko alam kung anong demonyo ang pumasok sa isip ko, pero bago pa niya mabuksan ang pinto, lumapit ako. Hinawakan ko ang mukha niya. At hinalikan ko siya. Mainit. Mabagal sa simula, pero puno ng init. May halong galit, pero mas nangingibabaw ang pagnanasa. Hindi iyon halik ng isang babaeng humihingi—iyon ay halik ng isang babaeng nananakop. Ang kamay ko, bahagyang dumampi sa leeg ni Sandro, ang hinlalaki’y gumuhit sa linya ng panga nito bago siya tuluyang humapit palapit. Ang amoy ng mamahaling pabango nito’y humalo sa hinga niyang lasing sa alak, at sa pagitan ng kanilang paglapit, ramdam niyang bumigat ang hangin sa paligid nila. Naramdaman ko ang sandaling nagulat siya, pero hindi siya umalis. Ramdam ko rin ang bahagyang pag-igting ng panga ni Sandro, ang sandaling pagpigil nito sa sarili. Hindi rin siya gumanti — pero hindi rin siya tumanggi. Basta naroon siya, humihinga sa pagitan ng mga labi ko, habang ako, halos malunod sa sarili kong kapangahasan. Paglayo ko, nanginginig ang labi ko. “Now you’ll remember me,” bulong ko, malambing pero puno ng hamon. Tinitigan niya ako tila binabasa ang intensyon ko. “Believe me, Lia… I already do.”Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko.Ang dapat ay simpleng hapunan lang. Isang hakbang sa plano ko. Isang gabing magpapasimula ng paghihiganti. Pero heto ako, nakatayo sa tapat ng condo ko, at ang mga labi ko—nasa labi ng lalaking dapat ay bahagi lang ng laro.Si Alessandro Ruiz.Ang lalaking tiyuhin ng dati kong minahal na kinasususklaman na ngayon. Nagsimula lang sa mga titig ngayon ay halik na ang hindi ko kayang iwasan.Noong una, gusto ko lang siyang basahin—pag-aralan. Kung paano siya kumilos, kung paano siya ngumiti, kung paano niya kontrolin ang bawat silid na pinapasok niya. Pero ngayong magkalapit kami, ramdam ko ang kakaibang init na bumabalot sa pagitan namin. Parang nagbago ang hangin, parang lahat ng ingay sa paligid ay unti-unting naglaho.At nang magtagpo ang labi namin, lahat ng plano ko… ay tila nagulo..Walang kasinungalingan sa halik na ‘yon.Hindi iyon halik ng isang babaeng may balak.Iyon ay halik ng isang babaeng gutom—hindi lang sa paghihiganti, kundi
Habang patuloy ang usapan, hindi ko na napansin kung ilang beses niya akong pinagsalin ng wine.Pakiramdam ko mainit ang pisngi ko, mabilis ang paghinga ko.At siya, tila walang balak itigil ang laro.“Relax,” sabi niya, habang marahang inabot ang baso ko. “You look tense.”“Maybe because I’m sitting across someone who makes people nervous,” sabi ko, medyo malakas ang loob dahil sa alak.Ngumiti siya, ‘yung tipong hindi mo alam kung nakakatawa ba o nakakakaba. “Then maybe you’re exactly where you should be.”Nang sumagi sa kamay ko ang kamay niya, kahit saglit lang, may dumaloy na init sa pagitan namin.Walang sinabi, pero sapat na ang titig para malaman naming pareho — may nangyayari dito na hindi na parte ng plano.Tila nagiging malabo ang hangganan ng paghihiganti at tukso.At habang nakatingin ako sa kanya, hindi ko na alam kung gusto kong ipagpatuloy ang sinimulan ko, o gusto ko lang maramdaman ulit ang init na kanina pa nagpapabaliw sa akin.“About that proposal…” sabi ko, halos
Hindi ko alam kung mas kabado ako o mas sabik.Sabik sa paghihiganti.O sa ideya na baka sa wakas… may lalaking kaya akong patumbahin sa sarili kong laro. Iba ang thrill na nararamdaman ko.Pero hindi ako pwedeng matinag. Hindi ngayong nasa harap na ako ng mismong lalaking magiging kasangkapan ko — si Alessandro Ruiz.Naka-black satin dress ako na may hiwang halos umabot sa hita. Subtle pero mapanganib. Saktong pampagulo ng isip. Habang papasok ako sa restaurant, ramdam ko ang bawat tingin ng mga tao — pero wala akong pakialam.Ang tanging gusto kong mapansin ako ay siya.At nang sa wakas ay makita ko siya… halos nakalimutan ko kung bakit ako naroon.Nasa private room siya, nakaupo sa sulok habang may hawak na basong alak, nakalugay ang ilang hibla ng buhok na tumatama sa kanyang noo.Oh gosh! Paano mo lalapitan ang ganitong klaseng lalaki at hindi mabubulol sa unang salita?Ang mga larawan niya sa mga business magazine, walang sinabi sa totoong Sandro Ruiz na nasa harap ko ngayon.H
Ngayong gabi, ako na mismo ang gagawa ng paraan para magkita ulit kami. Hindi ko na hihintayin ang tadhana na muli kaming pagtagpuin. I carefully chose my outfit. Hindi sobrang revealing — pero sapat para magpaalala na babae akong hindi dapat basta-basta binabale-wala. Cream silk blouse, high-waist slacks, at pulang lipstick. Hindi ako nagmukhang naghihiganti — nagmukha akong babaeng in control. “Project pitch lang ‘to,” sabi ko sa sarili ko sa harap ng salamin. “Walang personal.” muli ay paalala niya sa sarili. Pero alam kong may halong personal. Gusto kong maramdaman ni Alessandro ang presensiya ko. Gusto kong makita kung hanggang saan aabot ‘yong chemistry na naramdaman ko noong unang pagkikita namin. Itesting kung kaya ko siyang akitin. Pagdating ko sa art gallery na pagmamay-ari niya, umulan na naman. Mukhang sinusundan talaga ako ng ulan mula noong gabi ng pagtataksil. “Miss, may appointment po ba kayo kay Mr. Ruiz?” tanong ng receptionist. “Wala,” sagot ko, s
Ngayon ang paghaharap namin ng tiyuhin ni Marco. Pagdating ko sa opisina ni Alessandro Ruiz, ramdam ko agad ang power sa paligid. Ang opisina ay minimalist, puro salamin at metal. Naka-upo siya sa dulo ng mesa, hawak ang pen, at may presensyang parang kayang basahin ang kaluluwa mo. Matangkad. Maputi. May manipis na ngiti na parang alam niya kung sino ka bago mo pa sabihin ang pangalan mo. “Miss Vergara,” bati niya habang iniaabot ang kamay. “Mr. Ruiz,” sagot ko, sabay abot din. Ang unang hawak pa lang, may kakaibang spark. Hindi romantic — hindi pa. Pero may tension. Ngunit tila pamilyar ang mga tingin nito. He studied me for a second longer than usual. “You’ve worked with my nephew before?” Hindi ko ininda ang kuryosong tono. “Yes. Once.” “And?” Ngumiti ako, magaan pero puno ng ibig sabihin. “Let’s just say, I learned a lot.” Tumawa siya nang mahina. “I see. Then maybe you can teach me something, too.” Ngumiti ako, bahagyang nagtaas ng kilay. “Oh, I pla
Pagmulat ko, unang bumungad sa akin ay puting kisame.Tahimik. Masyadong tahimik.Parang walang nangyari, pero ramdam ng katawan ko na may nangyari.Masakit ang ulo ko — parang pinipisil ng dalawang kamay ang sentido ko.May hangin na galing sa bintana, malamig, pero ang balat ko ay mainit pa rin.Parang naiwan sa akin ‘yung init ng mga haplos kagabi.Napahawak ako sa dibdib ko, pilit inaalala.Pero puro fragments lang ang bumabalik — halik sa gitna ng ulan, kamay sa bewang ko, boses na mababa at pamilyar.Ngunit kahit anong pilit kong isipin, hindi ko na maalala ang mukha niya.Kahit anino, wala.Tumingin ako sa paligid — mamahaling kama, minimalist na kwarto, puting kurtina na ginagalaw ng hangin.Lalaki ang may-ari ng silid na ‘to, sigurado ako.Amoy cologne at whisky, at sa side table ay may baso pa ng alak, kalahati pa ang laman.Pero siya? Wala na.Walang iniwang note.Walang pangalan.Walang kahit anong palatandaan.Tawa ako nang mahina, sabay napailing.“Perfect, Lia,” sabi ko







