Share

Chapter 4

Author: Olivia Thrive
last update Last Updated: 2025-10-29 13:32:53

Ngayong gabi, ako na mismo ang gagawa ng paraan para magkita ulit kami. Hindi ko na hihintayin ang tadhana na muli kaming pagtagpuin.

I carefully chose my outfit. Hindi sobrang revealing — pero sapat para magpaalala na babae akong hindi dapat basta-basta binabale-wala.

Cream silk blouse, high-waist slacks, at pulang lipstick. Hindi ako nagmukhang naghihiganti — nagmukha akong babaeng in control.

“Project pitch lang ‘to,” sabi ko sa sarili ko sa harap ng salamin. “Walang personal.” muli ay paalala niya sa sarili.

Pero alam kong may halong personal.

Gusto kong maramdaman ni Alessandro ang presensiya ko.

Gusto kong makita kung hanggang saan aabot ‘yong chemistry na naramdaman ko noong unang pagkikita namin. Itesting kung kaya ko siyang akitin.

Pagdating ko sa art gallery na pagmamay-ari niya, umulan na naman. Mukhang sinusundan talaga ako ng ulan mula noong gabi ng pagtataksil.

“Miss, may appointment po ba kayo kay Mr. Ruiz?” tanong ng receptionist.

“Wala,” sagot ko, sabay ngiti. “Pero sabihin mo na lang na gusto kong personal na ipresent ang proposal ko for his upcoming exhibit.”

Pagkalipas ng ilang minuto, tinawag ako ng assistant. “He said he’ll give you ten minutes.”

Perfect. Ten minutes lang ang kailangan ko.

Pagpasok ko sa private office niya, halos malaglag ‘yong puso ko.

He was there — nakatayo sa harap ng malaking bintana, may hawak na baso ng kape, nakatingin sa ulan.

Ang ganda ng timing.

Ang lalim ng eksena.

Parang sinadya talaga ng langit para sa akin.

“Mr. Ruiz,” bungad ko, “thank you for seeing me again.”

Lumapit siya nang dahan-dahan, may halong kuryosidad sa mukha. “Miss Vergara. I didn’t expect to see you this soon.”

Ngumiti ako. “I guess fate doesn’t like waiting.”

Napakunot bahagya ang noo niya, pero ngumiti rin. “So, what brings you here? Another project proposal?”

“Yes. But this one’s more… personal.”

Umupo siya, tumingin sa’kin na parang sinusukat kung anong klaseng laro ang nilalaro ko.

“Personal?”

Huminga ako nang malalim. “I want to collaborate for your upcoming exhibit — the one about human emotions. I have a few pieces that might fit the theme.”

Tiningnan niya ako sandali, tapos ngumiti. “Human emotions, huh? And which one are you best at capturing, Miss Vergara?”

“Desire,” sagot ko agad, halos hindi na nag-isip.

Tahimik siya. Parang nabigla sa diretso kong sagot.

Pero nang tumingin siya ulit sa’kin, iba na ‘yong tingin niya — hindi na curious. Interesado na.

Habang nag-uusap kami tungkol sa art, technique, at emotion, unti-unti kong naramdaman ang kapangyarihan ng sariling plano.

Hindi ko kailangang magpanggap bilang ibang tao.

Ang kailangan ko lang ay gamitin ang sarili kong katotohanan — nasaktan akong babae, pero marunong bumawi.

At habang nagkuwento si Alessandro tungkol sa kanyang mga art pieces, hindi ko maiwasang mapansin kung paano siya gumalaw.

Confident pero hindi mayabang.

Older, yes — pero may timeless kind of charm na mas delikado pa kaysa sa batang may abs.

Bawat salita niya, may bigat.

Bawat titig niya, may laman.

At bawat ngiti niya, may kasamang paanyaya — hindi malinaw, pero ramdam mo.

“Interesting idea, Miss Vergara,” sabi niya pagkatapos kong ipresent ang sketches. “But I’m curious. Why the sudden interest in collaborating with me?”

Ngumiti ako, mabagal. “Let’s just say… you inspired me.”

Napatawa siya nang mahina. “I see. And should I take that as flattery or warning?”

“Maybe both,” sagot ko, sabay kindat.

Paglabas ko ng opisina niya, hindi ko mapigilang mapangiti.

Yes, this is working.

Hindi ko pa man sinasabi, pero nararamdaman kong interesado na rin siya.

At kung tama ang kutob ko, si Alessandro mismo ang magiging susi sa pagbagsak ni Marco.

Hindi niya kailangang malaman kung sino talaga ako sa buhay ng pamangkin niya — not yet.

Mas masarap kapag mabubunyag sa dulo.

Kapag huli na ang lahat.

Kinagabihan, habang nakaupo ako sa sofa, tumunog ang phone ko.

Isang message.

From an unknown number.

Unknown: “Miss Vergara. I looked again at your sketches. Let’s discuss them over dinner tomorrow. — A.R.”

Napangiti ako, sabay tapon ng unan sa gilid.

“Game on,” bulong ko.

Sa unang pagkakataon mula nang mahuli ko si Marco, may naramdaman ulit akong buhay.

Hindi galit — kundi excitement.

Ang thrill ng laro.

At kung ang laro ay tukso,

ako mismo ang magiging apoy.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Confessions of a Woman who Seduced her Ex's Uncle   Chapter 7

    Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko.Ang dapat ay simpleng hapunan lang. Isang hakbang sa plano ko. Isang gabing magpapasimula ng paghihiganti. Pero heto ako, nakatayo sa tapat ng condo ko, at ang mga labi ko—nasa labi ng lalaking dapat ay bahagi lang ng laro.Si Alessandro Ruiz.Ang lalaking tiyuhin ng dati kong minahal na kinasususklaman na ngayon. Nagsimula lang sa mga titig ngayon ay halik na ang hindi ko kayang iwasan.Noong una, gusto ko lang siyang basahin—pag-aralan. Kung paano siya kumilos, kung paano siya ngumiti, kung paano niya kontrolin ang bawat silid na pinapasok niya. Pero ngayong magkalapit kami, ramdam ko ang kakaibang init na bumabalot sa pagitan namin. Parang nagbago ang hangin, parang lahat ng ingay sa paligid ay unti-unting naglaho.At nang magtagpo ang labi namin, lahat ng plano ko… ay tila nagulo..Walang kasinungalingan sa halik na ‘yon.Hindi iyon halik ng isang babaeng may balak.Iyon ay halik ng isang babaeng gutom—hindi lang sa paghihiganti, kundi

  • Confessions of a Woman who Seduced her Ex's Uncle   Chapter 6

    Habang patuloy ang usapan, hindi ko na napansin kung ilang beses niya akong pinagsalin ng wine.Pakiramdam ko mainit ang pisngi ko, mabilis ang paghinga ko.At siya, tila walang balak itigil ang laro.“Relax,” sabi niya, habang marahang inabot ang baso ko. “You look tense.”“Maybe because I’m sitting across someone who makes people nervous,” sabi ko, medyo malakas ang loob dahil sa alak.Ngumiti siya, ‘yung tipong hindi mo alam kung nakakatawa ba o nakakakaba. “Then maybe you’re exactly where you should be.”Nang sumagi sa kamay ko ang kamay niya, kahit saglit lang, may dumaloy na init sa pagitan namin.Walang sinabi, pero sapat na ang titig para malaman naming pareho — may nangyayari dito na hindi na parte ng plano.Tila nagiging malabo ang hangganan ng paghihiganti at tukso.At habang nakatingin ako sa kanya, hindi ko na alam kung gusto kong ipagpatuloy ang sinimulan ko, o gusto ko lang maramdaman ulit ang init na kanina pa nagpapabaliw sa akin.“About that proposal…” sabi ko, halos

  • Confessions of a Woman who Seduced her Ex's Uncle   Chapter 5

    Hindi ko alam kung mas kabado ako o mas sabik.Sabik sa paghihiganti.O sa ideya na baka sa wakas… may lalaking kaya akong patumbahin sa sarili kong laro. Iba ang thrill na nararamdaman ko.Pero hindi ako pwedeng matinag. Hindi ngayong nasa harap na ako ng mismong lalaking magiging kasangkapan ko — si Alessandro Ruiz.Naka-black satin dress ako na may hiwang halos umabot sa hita. Subtle pero mapanganib. Saktong pampagulo ng isip. Habang papasok ako sa restaurant, ramdam ko ang bawat tingin ng mga tao — pero wala akong pakialam.Ang tanging gusto kong mapansin ako ay siya.At nang sa wakas ay makita ko siya… halos nakalimutan ko kung bakit ako naroon.Nasa private room siya, nakaupo sa sulok habang may hawak na basong alak, nakalugay ang ilang hibla ng buhok na tumatama sa kanyang noo.Oh gosh! Paano mo lalapitan ang ganitong klaseng lalaki at hindi mabubulol sa unang salita?Ang mga larawan niya sa mga business magazine, walang sinabi sa totoong Sandro Ruiz na nasa harap ko ngayon.H

  • Confessions of a Woman who Seduced her Ex's Uncle   Chapter 4

    Ngayong gabi, ako na mismo ang gagawa ng paraan para magkita ulit kami. Hindi ko na hihintayin ang tadhana na muli kaming pagtagpuin. I carefully chose my outfit. Hindi sobrang revealing — pero sapat para magpaalala na babae akong hindi dapat basta-basta binabale-wala. Cream silk blouse, high-waist slacks, at pulang lipstick. Hindi ako nagmukhang naghihiganti — nagmukha akong babaeng in control. “Project pitch lang ‘to,” sabi ko sa sarili ko sa harap ng salamin. “Walang personal.” muli ay paalala niya sa sarili. Pero alam kong may halong personal. Gusto kong maramdaman ni Alessandro ang presensiya ko. Gusto kong makita kung hanggang saan aabot ‘yong chemistry na naramdaman ko noong unang pagkikita namin. Itesting kung kaya ko siyang akitin. Pagdating ko sa art gallery na pagmamay-ari niya, umulan na naman. Mukhang sinusundan talaga ako ng ulan mula noong gabi ng pagtataksil. “Miss, may appointment po ba kayo kay Mr. Ruiz?” tanong ng receptionist. “Wala,” sagot ko, s

  • Confessions of a Woman who Seduced her Ex's Uncle   Chapter 3

    Ngayon ang paghaharap namin ng tiyuhin ni Marco. Pagdating ko sa opisina ni Alessandro Ruiz, ramdam ko agad ang power sa paligid. Ang opisina ay minimalist, puro salamin at metal. Naka-upo siya sa dulo ng mesa, hawak ang pen, at may presensyang parang kayang basahin ang kaluluwa mo. Matangkad. Maputi. May manipis na ngiti na parang alam niya kung sino ka bago mo pa sabihin ang pangalan mo. “Miss Vergara,” bati niya habang iniaabot ang kamay. “Mr. Ruiz,” sagot ko, sabay abot din. Ang unang hawak pa lang, may kakaibang spark. Hindi romantic — hindi pa. Pero may tension. Ngunit tila pamilyar ang mga tingin nito. He studied me for a second longer than usual. “You’ve worked with my nephew before?” Hindi ko ininda ang kuryosong tono. “Yes. Once.” “And?” Ngumiti ako, magaan pero puno ng ibig sabihin. “Let’s just say, I learned a lot.” Tumawa siya nang mahina. “I see. Then maybe you can teach me something, too.” Ngumiti ako, bahagyang nagtaas ng kilay. “Oh, I pla

  • Confessions of a Woman who Seduced her Ex's Uncle    Chapter 2

    Pagmulat ko, unang bumungad sa akin ay puting kisame.Tahimik. Masyadong tahimik.Parang walang nangyari, pero ramdam ng katawan ko na may nangyari.Masakit ang ulo ko — parang pinipisil ng dalawang kamay ang sentido ko.May hangin na galing sa bintana, malamig, pero ang balat ko ay mainit pa rin.Parang naiwan sa akin ‘yung init ng mga haplos kagabi.Napahawak ako sa dibdib ko, pilit inaalala.Pero puro fragments lang ang bumabalik — halik sa gitna ng ulan, kamay sa bewang ko, boses na mababa at pamilyar.Ngunit kahit anong pilit kong isipin, hindi ko na maalala ang mukha niya.Kahit anino, wala.Tumingin ako sa paligid — mamahaling kama, minimalist na kwarto, puting kurtina na ginagalaw ng hangin.Lalaki ang may-ari ng silid na ‘to, sigurado ako.Amoy cologne at whisky, at sa side table ay may baso pa ng alak, kalahati pa ang laman.Pero siya? Wala na.Walang iniwang note.Walang pangalan.Walang kahit anong palatandaan.Tawa ako nang mahina, sabay napailing.“Perfect, Lia,” sabi ko

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status