LOGIN“Mr. Strathmore, rest assured. Si Selena ay isa sa mga top dating consultant at matchmaker namin mula nang magsimula siya sa Link Match. Lahat ng kliyente niya ay matagumpay na nakahanap ng kapareha at marami na rin ang nauwi sa kasal,” maligalig na paliwanag ng kanyang boss.
Tahimik na napatango si Axel, hindi inaalis ang tingin kay Selena. Lihim na pinagpawisan si Selena kahit pa naka-aircon naman ang buong opisina. Bahagya pa siyang napatalon nang biglang tumayo ang binata at lumapit sa kanya. “Mataas ang expectations ko sa ’yo, Ms. Payne,” malamig at mababa ang tono boses nito. Ninenerbyos na tiningala niya si Axel. “M-makakaasa ka sa ’kin Mr. Strathmore,” pilit siyang ngumiti. Wala ng sinabi pa si Axel at diretsong lumabas ng opisina. Matapos ang maikling pag-uusap nila, lumabas na rin siya ng opisina ni Mr. Palmer. Hawak ang file na naglalaman ng impormasyon tungkol kay Axel, agad rin niyang sinimulang hanapan ito ng babaeng tugma sa personalidad at mga hinahanap nito sa isang partner. Araw-araw, nagse-set siya ng match date para kay Axel. Alam niyang hindi magiging madali ang trabaho niyang ito, lalo na’t may pagkapihikan ang lalaki. Ang hindi niya lubos maintindihan ay kung bakit sampong minuto lang ang itinatagal ng bawat date ni Axel. Pagkatapos ng kanilang pag-uusap, galit na galit ang mga babaeng ipinareha niya rito at nagrereklamo tungkol sa asal ng binata. Sumasakit na ang ulo niya sa paulit-ulit na pagpapalit ng criteria sa babaeng gusto nito. Hindi niya napigilan ang sarili na sabihin, “Mr. Strathmore, hindi puwedeng pabago-bago ka ng criteria tuwing hindi mo nagugustuhan ang mga naipakilala ko sa’yo,” napasinghal na lamang siya. Sa halip na maapektuhan, kalmado lang na umiinom ng tsaa si Axel habang nakaupo sa mamahaling upuang gawa sa mahogany. “Hindi ko lang nakikita ang dahilan para aksayahin ko ang oras ko sa kanila,” malamig na sagot ni Axel bago dahan-dahang inilapag ang tasa ng tsaa sa mesa. Napailing na lamang siya at piniling huwag nang patulan ang sinabi nito. Matapos ang kanilang pag-uusap, nagpaalam siya kay Axel. “Mr. Strathmore, tatawag na lang ako ulit para sa susunod na date,” aniya bago tuluyang lumabas ng restaurant. Sa daan pauwi, dumaan muna siya sa bahay ni Aling Ferliza, ang kanilang mabait na landlady. Pagkatapos kumatok sa pintuan, halos hindi pa tuluyang bumubukas ang pinto nang sumulpot mula sa loob ang kanyang nakababatang kapatid. “Ate Lena!” masayang-masaya si Silas nang makita siya, agad na yumakap sa kanyang bewang. Lumuhod siya at niyakap ito nang mahigpit. “Namiss kita, baby ko.” Maya-maya, lumabas si Aling Ferliza, nakapamewang at may bahagyang kunot sa noo. “Buti naman at nakauwi kana, Selena. Bakit hindi ka umuwi kagabi? Sabi mo may pupuntahan ka lang.” Tumayo siya bago sumagot, napakamot ng ulo. “Pasensya na Aling Ferliza. Bigla kasi akong pinatawag sa opisina, kaya hindi na ako nakauwi.” Nagsinungaling na lamang siya dahil alam niyang magagalit ang matanda kung malalaman nitong iba ang dahilan ng hindi niya pag-uwi kagabi. Parang pamilya na rin ang turingan nila, lalo pa ng alukin siya ng matanda na aalagaan ang kapatid niya ng walang hinihinging bayad habang pumapasok siya sa trabaho. Napabuntong-hininga ito pero hindi na rin siya kinulit. Sa halip, inabot sa kanya ang isang malaking plastic. “O siya, kunin mo ‘to. Nagluto ako ng ulam, may de-lata na ‘yan na kasama. Alam kong pagod ka sa trabaho kaya kapag nagugutom ka, initin mo nalang ‘yan sa microwave.” Napangiti siya sa kabaitan nito. “Maraming salamat talaga, Aling Ferliza. Hindi ko alam kung paano kita mapapasalamatan.” “Wala ‘yun. Basta alagaan mo nang mabuti si Silas, ‘yan lang ang mahalaga.” Tumango siya at hinawakan ang kamay ng kapatid. “Halika na, Silas. Uwi na tayo.” Pagkauwi nila sa inuupahan nilang apartment, agad nilang pinagsaluhan ang nilutong ulam ni Aling Ferliza. Pagkatapos, pinaliguan niya si Silas, saka binasahan ng libro bago matulog. Kinabukasan, habang abala sa pagbabasa ng file si Selena ay nakatanggap siya ng tawag sa kanyang cellphone. Agad niya itong sinagot. “Hello?” “Si Selena Payne ba ‘to?” isang tinig ng babae ang narinig niya sa kabilang linya. “Oo. Maaari ko bang malaman kung sino ‘to?” magalang niyang tanong . “Ako ang ina ni Axel. Siguro naman, kilala mo ‘ko?” sa tono pa lamang ng boses ay halatang may awtoridad ang may-edad na babae. “Oo. Abigail Strathmore, tama ba?” mabilis niyang tugon. “Ano ang iyong dahilan ng pagtawag, Mrs. Strathmore?” ramdam niya na may dahilan ito para hanapin siya. Saglit na tahimik ang babae bago sumagot. “May papagawa ako sa ’yo. Sabihin mo sa anak ko na may nahanap ka ng kapareha na babagay sa kanya, at ang date nila ay mamayang gabit,’ utos nito. “Mrs. Strathmore, hindi—” sinubukan niyang tumutol, ngunit agad siyang pinutol ng kausap. “Gawin mo ang sinasabi ko!” mariing utos nito. “Basta sundin mo ang inuutos ko. Ako na ang bahala sa magiging reaksyon ng anak ko,” pagkatapos magsalita ay binabaan siya nito nang walang paalam. Napabuntong-hininga siya bago sumandal sa inuupuang swivel chair. Bagaman may pag-aalinlangan, wala siyang nagawa kundi sumunod. Agad niyang tinawagan ang assistant ni Axel upang ipaalam ang tungkol sa naka-schedule nitong date mamayang gabi. Sa isang high-class restaurant na tinatawag na Aurum et Vinum, nagpareserba ng mesa sa rooftop garden si Selena. Kasama niya si Axel na naghihintay. Panay ang tingin niya sa cellphone dahil halos isang oras na ang lumipas, ngunit wala pa rin ang babaeng ipapareha ni Abigail sa anak niyang si Axel. Makailang ulit na siya nagpadala ng mensahe kay Abigail, ngunit ang tanging tugon lang nito ay ‘papunta na kami.’ Makalipas ang ilang sandali, isang babae ang lumapit sa direksyon nila at umupo sa tapat ni Axel. Sabay silang natigilan, hindi makapaniwala. Ang babaeng tinutukoy ng ina ni Axel ay walang iba kundi ang fiancée nitong si Heather Faulkner. “Hi Axel. Kamusta ka na?” bati nito na may malaking ngiti sa mukha.Samantala, sa opisina ng COO ng Strathmore Group, naroon si Emmanuel sa opisina ni Klyde. Dumaan siya upang kausapin si Klyde nang masinsinan tungkol sa nangyari kanina.“May paliwanag ka ba sa pag-atras mo kanina?” tuwiran ang tanong ni Emmanuel.Hindi agad sumagot si Klyde. Inikot-ikot niya sa mga daliri ang fountain pen na hawak niya at tila nag-iisip ng mabuti bago nagsalita.“Alam kong dismayado kayo sa naging pag-atras ko, pero may naisip akong ibang plano.”Nakataas ang kilay ni Emmanuel. “At ano naman iyan? Anong planong iniisip mo?”“Malalaman niyo rin,” maiksi ang sagot ni Klyde. “Sa ngayon, mag-abang na lang kayo sa magiging hakbang natin. At isa pa—maging maingat kayo. May nalaman akong may nag-iimbestiga pa rin na mga pulis sa kasong ipinaratang kay Axel.”Suminghal si Emmanuel, malinaw ang galit at determinasyon sa tono. “Hindi na makakalabas ang taong iyon mula sa kulungan. Kinausap ko na ang kakilala ko para agad siyang mailipat sa Maximum Prison.”“Sana nga mailipat n
Samantala, si Emmanuel at ang iba pang kapanalig ni Klyde ay tikom ang bibig ngunit halatang nagngangalit sa nangyari. Hindi nila matanggap ang desisyon. Buo ang plano nilang iluklok si Klyde bilang CEO, handa silang gawin ang lahat para magtagumpay. Subalit isang hakbang ni Klyde ang agad bumuwag sa lahat ng kanilang pinaghandaan.Si Alaric ang unang bumati kay Selena. “Congratulations, Selena,” masiglang bati nito.“Salamat, Dad,” tugon niya, may bahagyang pagngiti sa labi.Isa-isang nagsilapitan ang mga naroon upang bumati sa kanya. Nandoon ang mga C-level executives tulad nina Tristan at Jared; ang magkapatid na River at Russell; sina Barry, Cael, at iba pang minor shareholders at miyembro ng Board of Directors na naniniwala kay Axel. Lahat ay masiglang nakikibahagi sa tagumpay na iyon para sa kanya.Lumapit din si Atticus upang personal siyang batiin. “Congratulations,” nakangiting sambit nito.Yumuko si Selena bilang paggalang. “Salamat, Lolo—Chairman,” mabilis niyang binago ang
“Ayon sa dokumento,” patuloy ni Cael habang binubuklat ang folder, “lahat ng assets ni Mr. Strathmore ay ipinasalin sa pangalan ni Mrs. Selena Strathmore—kabilang ang 51% company shares sa Strathmore Group, real estate properties, cash at bank accounts, investment accounts, stocks sa iba’t ibang kumpanya na nagkakahalaga ng kabuuang $161 milyon, pati na ang jewelry collection, antiques, at artworks na tinatayang may halagang $93 milyon.”Isa-isa niyang binanggit ang bawat detalye, at bawat salita ay tila pabigat nang pabigat kay Selena.Pakiramdam niya ay hihimatayin siya. Hindi niya akalaing sa buong buhay niya ay darating ang sandaling hahawakan niya ang ganitong uri ng yaman. Ngunit sa ilalim ng pagkagulat, may halong kaba at pagkailang—pakiramdam niya, hindi siya karapat-dapat.“Cael,” mariin niyang sabi, “maiintindihan ko kung ilang bahagi ng mga assets ang mapunta sa akin, pero bakit lahat?”Si River ang unang sumagot, kalmado ang tinig. “Mrs. Strathmore, utos mismo ni Mr. Strat
Nagpatuloy si Cael, hindi natinag sa ingay. “Si Selena ang anak ng tinatawag na Mafia King ng Rutherford—si Braxton Draxwell, at ang kanyang ina ay ang nag-iisang anak na babae ng pinakamayamang pamilya sa Celestia, ang tinatawag na Royal Family, si Seraphina Godfrey.”Parang sabay-sabay na napasinghap ang lahat. Mas lalong lumakas ang ingay ng mga tao sa loob ng silid; may mga napabulalas ng “imposible,” ang iba nama’y napatingin kay Selena na tila ngayon lang nila tunay na nakita.Halos lumuwa ang kanilang mga mata at malaglag ang mga panga sa narinig nilang pahayag mula kay Cael.Samantala, si Klyde, na mula pa kanina’y tahimik lamang na nakaupo at nakikinig, ay lihim na napakuyom ng kamao. Ramdam niya ang pag-init ng dugo sa kanyang mga ugat. Alam na niya ang lahat ng iyon—dahil isa siya mismo sa mga nakasaksi sa mga nangyari ng gabing iyon sa mansyon ng pamilya Montreve.Sa isip ni Klyde, kung alam lang niya noon na may kakaibang pinagmulan pala si Selena, baka pinili niyang huwa
Nagsimula na namang magbulungan ang mga naroon. May mga sang-ayon, may mga nagdududa.Isang minor shareholder ang biglang nagsalita. “Bakit hindi na lang si Mr. Alaric Strathmore?”Lalong lumakas ang bulungan sa buong conference hall.“Puwede rin,” sabat ni Isabella Wakely, ang Chief Compliance Officer. “Dati na ring naging CEO si Mr. Alaric bago si Mr. Axel. Bumaba man siya sa posisyon, patuloy pa rin siyang aktibo bilang Chief Marketing Officer ng Strathmore Group. Maganda ang record niya, at sa totoo lang, siya ang dahilan kung bakit nakapasok tayo sa maraming foreign projects at investors.”Sumang-ayon ang karamihan sa paliwanag ni Isabella. Wala mang salita, kita sa mga mukha nila ang pagkilala sa kontribusyon ni Alaric. Isa siya sa mga haligi ng kumpanya—masipag, matalino, at walang kapantay ang dedikasyon.Ngunit sa kabila ng suporta, bigla itong nabasag nang marinig nila ang tinig ni Alaric.“Ayoko.”Isang salita lang, ngunit sapat para manahimik ang lahat. Parang biglang tumi
“Sa madaling salita, lahat ng problemang kinakaharap ng Strathmore Group ay nag-ugat sa kawalan ng moralidad ng ating CEO,” buwelta ni Warren Cruz, isa sa mga minor shareholders.“Ano pa nga ba?” sabat ni Lawrence Wyatt. “Hindi sana hahantong sa ganito kung naging maingat si Axel. Involve man siya o hindi, alam niyang ang Strathmore Group ang unang maaapektuhan. Wala nang iba!” galit na sabi ni Gregory Cervantes.Nagsimulang mag-ingay ang iba matapos marinig ang sinabi ni Gregory. May mga nakipag-argumento, ipinagtatanggol ang kanilang CEO at pinaninindigang inosente ito. Lumakas ang mga boses, naghalo ang mga opinyon at emosyon sa loob ng silid.“Tama na! Manahimik ang lahat!” saway ni Atticus, mabigat ang tono ng boses na agad nagpatahimik sa buong conference hall.Nagsalita mula si Atticus, galit ang tinig. “Solusyon ang hinahanap ko! Kaya tigilan niyo ang argumento ninyo sa mismong harapan ko!”Matalas ang boses nito na umalingawngaw sa buong conference hall, dahilan para bahagyan







