Share

Chapter Ninety Nine

Author: FourStars
last update Last Updated: 2025-07-02 20:17:12

“’Yan nga ang hindi namin alam. Pati si Mr. Gardner, wala raw ideya kung saan siya pupunta,” sagot ni Tyler habang nakasandal sa upuan.

Bahagyang kumunot ang noo ni Axel habang nakatanaw sa labas ng bintana ng kotse. “Sinabi ba niya kay Lucas kung bakit siya aalis?”

“Hindi. Basta nagpaalam lang siya kay Mr. Gardner na aalis. Nagbilin lang na alagaan si Silas habang wala si Mrs. Strathmore.”

Saglit na napaisip si Axel bago muling nagsalita, malamig ang boses. “Sundan niyo siya. I-update niyo agad ako kung may nangyari—”

Ngunit hindi na narinig ni Tyler ang iba pang sinabi ni Axel sa kabilang-linya dahil may kakaiba silang napansin ni Barry na parang may mali sa takbo ng bus na sinasakyan ni Selena.

Mas mahigpit ang hawak ni Barry sa manibela, unti-unting lumapit at pumwesto sa tabi ng bus. Nakita nilang nagkakagulo sa loob base sa ekspresyon ng mukha ng mga pasahero sa loob. Kahit silang dalawa ay nagpa-panic na rin.

“Barry…” mahina pero puno ng kaba ang boses ni Tyler.

Hindi na sumago
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Two Hundred Fifty Three

    Maingat na inayos ni Selena ang mga dokumento at kagamitan sa ibabaw ng mesa bago tumayo, dala ang kanyang bag. Kasunod niya si Russell nang lumabas sila ng opisina at tumungo sa lobby sa ground floor. Sa labas ng gusali, naghihintay na si Barry sa itim na kotse upang ihatid siya sa restaurant kung saan nakatakda ang meeting kay Enzo Dalmacio.Tahimik ang biyahe. Habang nasa loob ng sasakyan, tiningnan ni Selena ang oras sa kanyang relo, sinigurong hindi siya mahuhuli. Ilang sandali pa, huminto ang sasakyan sa tapat ng isang one-star Michelin restaurant — elegante ngunit hindi labis na marangya. Bumaba siya, kasabay si Russell, at agad silang sinalubong ng isang waiter na naghatid sa kanila sa isang private room na ni-reserve ni Russell para sa meeting.Pagbukas ng pinto, dalawang lalaki ang bumungad sa kanila.Ang una ay isang lalaking may gold-rimmed glasses at blond hair — mukhang foreigner at may aura ng karanasang negosyante. Sa likuran nito ay isang mas batang lalaki, marahil an

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Two Hundred Fifty Two

    Tinitigan niya nang mariin si Klyde, tsaka bahagyang tumikwas ang dila niya sa pisngi—senyales ng pagpipigil sa inis.“Ganoon ka rin sana, Klyde. Inaasahan kong pagbubutihin mo ang trabaho mo dahil ipinagkatiwala sa’yo ni Axel ang pagiging COO ng Strathmore Group. Huwag na huwag mo siyang bibiguin.”Matapos sabihin iyon, agad siyang naglakad pabalik sa kanyang opisina nang hindi na hinihintay pa ang magiging reaksyon ni Klyde. Tahimik namang sumunod si Russell sa likuran niya.Unti-unting nawala ang ngiti sa labi ni Klyde. Napalitan iyon ng malamig at nakakatakot na titig habang pinapanood ang papaalis na si Selena.Pagbalik sa opisina, agad bumalik si Selena sa pagbabasa ng mga dokumentong hindi pa niya natatapos. Huminto lamang siya nang tumunog ang kanyang cellphone. Kinuha niya ito mula sa kanyang bag at binuksan ang mensaheng natanggap mula kay Silas.Naningkit ang kanyang mga mata habang binabasa ang laman ng mensahe. Ilang segundo pa siya nag-isip bago ibinaba ang telepono at b

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Two Hundred Fifty One

    Sumunod na araw, maagang nagising si Selena para mag-agahan at pumasok sa opisina. Pagkatapos kumain ng agahan ay lumabas na siya ng mansyon.Sa labas, nakaabang na sa kanya si Barry upang ipagmaneho siya. Ilang minuto lamang ang naging biyahe hanggang sa makarating na sila sa office building ng Strathmore Group. Ibinaba siya ni Barry sa tapat ng main entrance at agad na umalis, babalik na lamang upang sunduin siya kapag oras na ng kanyang pag-uwi.Pagpasok niya sa loob ng gusali, bumungad agad sa kanya ang sunod-sunod na pagyuko at pagbati ng mga empleyadong maagang nagsidating. Ang kanilang mga tingin ay hindi maitago ang paghanga at paggalang sa bagong CEO.Matangkad ang postura, matatag ang bawat hakbang ni Selena habang tinatahak niya ang direksyon papunta sa private elevator. Mabilis niyang pinindot ang button at diretsong umakyat ito sa top floor kung saan naroroon ang opisina ng CEO.Nagbukas ang pinto ng elevator at mag-isa siyang lumabas, tangan ang kanyang eleganteng presen

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Two Hundred Fifty

    Nagpalakpakan muli ang mga tao matapos niya magsalita.Matapos ang kanyang speech, iniabot niya ang mikropono pabalik sa emcee. Nagpasalamat bago bumaba ng entablado.Pagbaba ng entablado, sinalubong siya ng mga negosyante at empleyado na mula sa iba’t ibang kumpanya. Mga taong nagmula sa malalaki at kilalang kumpanya sa Regenshire.Kagaya kanina, nakipagkamay rin siya sa mga ito. Nakangiti at propesyonal.Nang makaramdam ng pagod sa patuloy na pakikipag-usap at halubilo, nagpaalam siya na magpapahinga na muna. Kaya naman agad siyang inakay ng magkapatid na Russell at River sa pahabang lamesa.Mesa kung saan nakaupo ang mga miyembro ng Board of Directors. Naroon din sa lamesa sina Atticus at Alaric na parehong nakatingin sa kanya na may ngiti sa labi.Naupo siya sa pagitan ni Atticus at Alaric.Pagkaupo niya ay narinig niya ang boses ni Atticus.“Selena, inaasahan kita at ng buong Strathmore Group. Huwag mo kaming bibiguin.”“Huwag ka mag-alala, Lolo. Hindi man ako kasing husay ni Axe

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Two Hundred Forty Nine

    “Sino ‘yang kasabay mong pumasok, Mr. Strathmore?”Isa sa mga empleyado ang naglakas-loob na magtanong, tila kinain ng kuryosidad. Paano ba naman, sa paglakad pa lang ni Selena ay para siyang babaeng nagmula sa isang marangal at mataas na estado ng pamilya. Ang bawat hakbang ay may dalang halo ng pagiging elegante at sopistikado.Napangisi si Klyde, kunot-kilay pero halatang nag-e-enjoy sa eksena. “Mukha ngang hinihintay ninyo ang pagdating ko,” aniya na may biro sa tinig. “Pagpasok ko pa lang, nag-uusisa na agad kayo. Pero sana iwasan ang may halong malisya…” bahagya siyang tumingin kay Selena “…lalo’t nasa harapan ninyo ang bagong CEO.”Sabay-sabay na napa-“Huh?” ang lahat. Napanganga sa kanilang narinig.Bumilis ang pagsulak ng usapan at nagkandarapang lumapit ang mga empleyado. Ang iba ay muntik pang matapilok dahil sa pagmamadaling makalapit.Tumindig sila sa harap ni Selena at sabay-sabay na yumuko.“Magandang gabi sa inyo, Mrs. Strathmore!”“Ikinagagalak ka naming makita at mak

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Two Hundred Forty Eight

    Pagkalabas ng sasakyan, lumabas din si River at Russell, nakasunod kay Selena.Habang si Barry, ang drayber, dinala ang kotse sa underground parking lot ng hotel para iparada.Nagsimulang malakad si Selena papunta sa direksyon ng main entrance ng hotel, kasunod ang magkapatid sa likuran niya. Habang naglalakad, napahinto si Selena ng marinig niyang may tumawag sa kanya. Hindi siya lumingon para tingnan kung sino ang tumawag sa pangalan niya dahil pamilyar sa kanya ang boses nito, si Klyde. Hindi na niya kailangan manghula dahil pamilyar sa kanya ang boses ni Klyde.Ilang segundo siya nakatayo hanggang sa nagpatuloy siya sa paglalakad. Binilisan ni Klyde ang lakad niya ng makitang walang balak si Selena na hintayin siya.Sinabayan niya si Selena sa paglalakad sa tabi nito pero may agwat sa pagitan nila. Gayunpaman, sa kahit na sinong makakakita sa kanila ay kahit sino ay iisiping magkasama silang nagpunta ng hotel.Nang makapasok na sila sa loob. Nakilala sila ng mga hotel staff, isa-i

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status