Tinulungan siyang makatayo ni Tyler. “Salamat, Mr. Moore. Buti na lang nandyan kayo ni Barry. Natakot talaga ako sa posibleng mangyari sa pinagbubuntis ko,” aniya, habang napahimas sa kanyang tiyan sa tindi ng kaba. Bigla siyang niyakap ni Ophelia. “Selena! Ayos ka lang ba? Yung baby natin, ayos lang din ba?” anito habang hinahaplos ang tiyan ni Selena. Niyakap niya pabalik si Ophelia. “Oo naman. Tara, umuwi na tayo sa mansyon ninyo.” Masaya siya at nagpapasalamat na walang masamang nangyari sa kanila dahil sa tulong nina Barry at Tyler. Ngunit isang bagay ang hindi mawala sa isip niyaay kung sino ang tumulak sa kanila. Ni hindi man lang nila nakita ang mukha ng taong gumawa no’n. Maraming tao sa mall, maraming nagkakasalubong, pero malinaw sa pakiramdam niya sinadya iyon. May kamay siyang naramdaman. Hindi iyon simpleng pagkakatulak ng aksidente. Palaisipan pa rin sa kanya kung sino ang gustong mapahamak sila. Napailing si Selena. Tahimik silang naglakad papunta sa parking lot
Natigilan sina Heather at Lily. Wala silang nasagot. Tila biglang nanlamig ang paligid para sa kanilang dalawa. Halos hindi sila makakilos sa kinatatayuan nila dahil alam nilang totoo ang lahat ng sinabi ng kahera. Napahiya silang pareho, hindi lamang sa isa’t isa, kundi pati sa mga nakapaligid sa kanila.Habang parehong balisa at tahimik sa pag-iisip sina Heather at Lily kung paano nila babayaran ang mga kinuha nilang damit, lumapit naman sina Selena at Ophelia sa kahera. Bawat isa sa kanila ay may hawak na mamahaling kasuotan, waring walang nangyaring tensyon ilang minuto lang ang nakalipas. Inabot ni Selena ang black card na ibinigay sa kanya ni Axel sa kahera, walang alinlangang ngumiti.Tiningnan ni Selena ang dalawang bruha. “Paano ba ‘yan, aalis na kami,” ani niya, may panunuya sa tono ng boses.Tumawa lamang si Ophelia, at sabay silang lumayo matapos maabot ng kahera ang kanilang resibo at shopping bags.Namumula sa galit sina Heather at Lily. Hindi na napigilan ni Lily ang ka
Agad na lumapit si Selena at hinawakan sa braso si Ophelia. “Tama na, Ophelia. Hayaan mo na sa kanila ang dress. Marami pa tayong pwedeng pagpilian. Hindi lang ‘yan.”Maingat niyang hinatak palayo ang kaibigan, pilit na pinapakalma kahit siya man ay inis na sa narinig at inasal ng dalaw.Ayaw man ni Ophelia, napilitan siyang sumunod kay Selena, at lumipat sila sa kabilang rack. Nang makapili muli sa kabilang rack, may humablot na naman sa isa sa mga bagong napiling dress ni Ophelia, ngayon ay si Lily na ang nang-agaw.“Bagay ‘yan sa ‘yo, Lily,” ani Heather, sabay ngiting may halong panunukso.Napakunot ang noo ni Selena. Ramdam ang tensyon sa pagitan nila, at halatang nainis din si Ophelia, pero pinili nilang kumalma at magpatuloy sa pamimili, pilit iniiwasan ang dalawang bruha.Ngunit hindi ito natapos doon. Sa bawat damit na pipiliin ni Ophelia, agad itong inaagaw nina Heather o Lily. Sa huling pagkakataon, muntik nang sumabog si Ophelia sa galit at tinangkang sugurin sina Heather a
Sumimangot si Ophelia. “Nawalan na ako ng gana gumala dahil sa Nessa na ‘yon!”Nag-isip si Selena sandali, tinitigan ang kaibigan na halatang inis na inis pa din. “Hmm… gusto mo doon na lang tayo sa bahay namin magliwaliw? Isa pa, ilang oras na lang naman, magta-tanghalian na rin.”Napagdesisyunan na niyang magsabi ng totoo kay Ophelia. Panatag ang puso niya at buo ang loob. Alam niyang si Ophelia ay hindi lang basta kaibigan, isa itong kakampi, isang taong hindi magdadaldal ng lihim o susumbat sa mga desisyong ginawa niya para sa sarili at sa buhay niya.Tinawagan niya si Barry, at agad namang pinaandar ng drayber ang sasakyan na naka-park malapit sa café. Ilang minuto lang ay huminto na ito sa tapat, handang ihatid sila kahit saan nila gustuhin.Binuksan ni Selena ang pinto ng kotse at hinila si Ophelia papasok. Nang makaupo na sila sa loob, agad na napansin ni Ophelia ang napunit na bahagi ng blouse ni Selena.“Ay! Tingnan mo ‘yang suot mo! Magpunta muna kaya tayo sa mall?” alok ni
Nang maghiwalay ang kanilang mga labi, mabilis na umatras si Selena ng ilang hakbang, pulang-pula ang mukha sa hiya at kilig. Napangiti si Axel sa kanyang reaksyon, saka hinimas ang ulo niya nang puno ng lambing.Nagpaalam na sila sa isa’t isa. Hinila ni Russell ang mga bagahe nila ni Axel papunta sa security screening habang si Selena ay kumakaway pa rin, nakatitig sa direksyong tinahak ng dalawa hanggang sa tuluyang maglaho ang mga ito sa kanyang paningin.Matapos ihatid ang dalawa sa airport ay dinala naman siya ni Barry sa isang café kung saan sila magkikita ni Ophelia. Pagkapasok niya sa loob, agad siyang luminga-linga sa paligid. Nilibot ng paningin niya ang paligid ng café hanggang sa sawakas ay nakita niya si Ophelia na nakaupo sa isang mesa sa gilid ng bintana. Ngunit bago pa siya makalapit, napansin niyang may kausap ito at tila hindi maganda ang kanilang pag-uusap, batay sa nakakunot na noo ni Ophelia at sa tikas ng kanyang pagkakaupo.Habang unti-unting naglalakad ni Selen
Humigpit ang hawak ni Axel sa manibela, bakat ang mga ugat sa kanyang dalawang kamay. Mabigat ang dibdib niya, parang pinupunit, habang nakikinig sa sinapit ni Selena sa sarili nitong pamilya.“Hindi ko na mabilang kung gaano ako katagal nagtiis sa pagmamalupit nila sa ‘kin simula pagkabata. Ginawa ko naman ang lahat para bigyang-pansin ako ni dad…” anang tinig ni Selena, mababa ngunit puno ng hinagpis.Naalala pa niya ang bawat pagkakataong sumasali siya sa mga kompetisyon sa eskwelahan. Lahat ng iyon ginawa niya upang patunayan ang sarili. Pinagbubutihan niya hindi lamang ang pag-aaral kundi pati ang bawat laban, bawat pagsali sa anumang paligsahan, lahat para sa isang bagay. Ang makuha ang atensyon ng kanyang ama na si Ricardo.Pero anong naging kapalit ng lahat ng effort niya?Naalala niya ang isang insidente na hindi niya malilimutan.“Hindi ka na dapat nakikipag-agawan ng atensyon sa kapatid mo! Hinayaan mo na lang sanang manalo si Nessa! Wala namang kwenta ‘yang ginagawa mo!”M