Beranda / Romance / Consultant Turned Contracted Wife / Chapter One Hundred Thirty Eight

Share

Chapter One Hundred Thirty Eight

Penulis: FourStars
last update Terakhir Diperbarui: 2025-07-28 22:30:40
“Imposibleng buhay pa ang taong ‘yon,” sabi ni Neera.

“Paano mo nasabing imposible?” tanong ni Axel, seryoso.

Huminga nang malalim si Neera at nagsimulang magkwento.

“Isa sa mga misyon namin noon, kasama ang mga militar at pulis, ay pasukin ang isang eskwelahan na nagpapanggap bilang ordinaryong private school. Pero ang totoo, isa ‘yong illegal research facility kung saan pinag-eeksperimentuhan ang mga estudyante. Ang pangalan ng eskwelahan ay St. Bernard Academy.”

Napatingin sa isa’t isa sina Axel, Russell at River habang nakikinig.

“Ang mga estudyante roon ay mga batang kapuspalad, mula sa mahihirap na komunidad, mga inabandona. Ginagamit lang sila bilang panakip para itago ang mga illegal na eksperimentong ginagawa sa ilalim ng eskwelahan. May underground facility na puno ng hindi aprubadong gamot, torture, at mga eksperimento sa buhay na tao, at lahat ng ‘yon, ginagawa sa mga estudyante.”

Huminto si Neera saglit bago muling nagsalita.

“Habang isinasagawa ang raid, big
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Gemma Rose Altizo
Ang bait nerra
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter One Hundred Forty Three

    “Mabuti siguro maghintay muna tayo. Kapag nagtakipsilim na, saka tayo magsimulang magplano,” sabi ni Barry, sumasang-ayon sa opinyon ni Neera. Hindi rin siya kampante na pasukin agad ang lugar nang walang sapat na cover.Dahil dito, nagpasya silang maghintay sa loob ng kotse. Tumagal ang mga minuto, ngunit hindi sila nagpakampante. Lahat ay nanatiling alerto, pinagmamasdan ang paligid habang unti-unting nilalamon ng dilim ang kalangitan.Pagsapit ng takipsilim, nagsimula na silang kumilos. Ang bawat galaw ay maingat, bawat hakbang ay pinag-iisipan.“Tara na. Nagawa ko nang i-access ang CCTV footage,” ani Tyler habang inilalagay ang tablet sa loob ng sling bag. “Naka-on pa rin ang live feed, pero pinalitan ko na ng looped video. Ang nakikita sa mga camera ay hindi ang totoong nangyayari.”Nauna sa paglapit sina Neera at Tyler. Pareho silang alerto, kabisado ang gagawin. Si Barry naman ay dumidikit lang kay Selena, palaging nasa tabi nito para siguraduhing ligtas siya.Napansin iyon ni

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter One Hundred Forty Two

    Parang sabay na binitawan ng langit ang dalawa.Bumagsak ang dalawang lalaki sa sahig, walang malay, agad na tinamaan.Tumambad sa kanila si Russell na karga-karga si Silas sa kaliwang braso. Nakasuporta ang bata sa kanyang balikat habang ang kanang binti ni Russell ay tila lango pa sa bigat ng sipa. Malinaw na siya ang tumapos sa laban.Hindi pa nakuntento, inapakan ni Russell ang kamay ng lalaking may kutsilyo at saka sinipa palayo ang sandata.“Obvious namang hindi na kayo makakatakas,” aniya, napabuntong-hininga at bahagyang umiling. “Kaya bakit hindi na lang kayo sumuko ng tahimik? Para hindi kayo masyadong napagod.”Tahimik ang paligid maliban sa impit na ungol ng dalawang lalaking nakabagsak sa sahig.“Ayos ka lang ba, Mr. Strathmore?” tanong ni River, bakas ang pag-aalala sa tinig habang nilapitan si Axel.Tumango si Axel, bahagyang pinunasan ang pawis sa noo. “Ayos lang ako.”.Kapwa napatingin ang dalawa kay Russell na ngayon ay binababa na si Silas sa isang ligtas na lugar s

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter One Hundred Forty One

    “Sigurado ka ba na pinatay mo ang ilaw?” narinig niyang sabi ng isa. Malalim ang boses, may halong inis.“Oo naman! Paulit-ulit mo pa ngang sinabi sa ‘kin. Nakakarindi na nga, eh!” iritang sagot ng pangalawa.“Mag-ikot kayo,” utos ng unang lalaki, tila siya ang lider.Ayaw man, sumunod ang dalawang kasama. Naghiwa-hiwalay ang mga ito at nagsimulang mag-ikot sa sala, kusina, at banyo, maingat na sinusuri ang bawat sulok, wari’y may hinalang may nangyaring kakaiba.Ang isa sa mga lalaki ay nagsimulang maglakad papalapit sa kwartong kinatataguan ni Axel. Dito na siya kumilos.Mabilis at eksaktong parang lobo na sumalakay, bigla niyang sinunggaban ang lalaking papasok. Hinawakan niya agad ang braso nito at marahas na pinilipit. Mabilis ring tinakpan ang bibig gamit ang kanyang palad upang hindi ito makapalag ng sigaw. Isang hakbang at isang lakas na hatak lang, napaluhod na niya ito at idiniin sa sahig.Nagpumiglas ang lalaki, sumisipa, pilit na lumalaban, pero wala itong binatbat sa laka

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter One Hundred Forty

    Tumango si Axel, lalong tumalim ang kanyang tingin habang ini-scroll ang isa pang folder.Hanggang sa bumulaga sa kanila ang isang set ng files na puno ng mga litrato. Puro scandalous photos.Nagkatinginan silang tatlo.Sa bawat larawan, pamilyar ang mga mukha. CEO. May-ari ng kumpanya. Mga taong may posisyon. May mga kuhang nagbibigay at tumatanggap ng pera. Patunay ng suhulan.“Mga ganid,” bulong ni River, hindi mapigilan ang inis at gulat.Marami pa silang nakita. Lalong lumalim ang kanilang pagkaunawa sa lawak ng katiwalian na matagal nang nagaganap.Napatingin si Axel kay Silas, nakanganga na ito, gulat na gulat.Agad niyang tinakpan ang mga mata nito gamit ang kanyang palad. “Huwag mong tingnan, bata ka pa.”Tumawa si Russell ng mahina, pero halatang may kaba sa tono.Tahimik muli ang lahat. Tanging ingay ng humuhuning CPU at pagtibok ng kanilang puso ang maririnig.Ang natuklasan nila ay hindi lang basta-bastang anomalya,isa itong malawakang kasabwatang kayang pabagsakin ang ka

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter One Hundred Thirty Nine

    Wala na sa puder nina Ricardo at Nadine si Selena. Hindi na ito basta-basta naiimpluwensyahan ng mga mapanlinlang na salita ng mga magulang nila, lalo na ang paulit-ulit na pamimilit ng dalawa na dapat akuin ni Selena ang responsibilidad sa kanila.Isa ‘yon sa matinding dahilan kung bakit siya lumayas. Kahit siya ay inobliga nina Ricardo at Nadine na magbigay ng pera, sa ayaw man niya o sa gusto.Kahit gaano pa kasakit, tiniis niyang marinig ang mga salitang iyon mula kina Ricardo at Nadine, na obligasyon daw niya na magbigay ng pera para lang may maipangsugal ang mga ito. Pilit siyang inilalagay sa posisyong parang wala siyang ibang pagpipilian kundi ang sumunod.At nang hindi na niya kayanin ang ganoong klaseng pagtrato, hindi siya nagdalawang-isip na umalis at mag-empake. Pinili niyang lumaya at magpakalayo.Samantala, nagpatuloy sa paglalakad si Neera palabas ng opisina ni Axel, tahimik ngunit mariin ang bawat hakbang.Muling bumalik si Axel sa kanyang pagiging seryoso nang umalis

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter One Hundred Thirty Eight

    “Imposibleng buhay pa ang taong ‘yon,” sabi ni Neera. “Paano mo nasabing imposible?” tanong ni Axel, seryoso. Huminga nang malalim si Neera at nagsimulang magkwento. “Isa sa mga misyon namin noon, kasama ang mga militar at pulis, ay pasukin ang isang eskwelahan na nagpapanggap bilang ordinaryong private school. Pero ang totoo, isa ‘yong illegal research facility kung saan pinag-eeksperimentuhan ang mga estudyante. Ang pangalan ng eskwelahan ay St. Bernard Academy.” Napatingin sa isa’t isa sina Axel, Russell at River habang nakikinig. “Ang mga estudyante roon ay mga batang kapuspalad, mula sa mahihirap na komunidad, mga inabandona. Ginagamit lang sila bilang panakip para itago ang mga illegal na eksperimentong ginagawa sa ilalim ng eskwelahan. May underground facility na puno ng hindi aprubadong gamot, torture, at mga eksperimento sa buhay na tao, at lahat ng ‘yon, ginagawa sa mga estudyante.” Huminto si Neera saglit bago muling nagsalita. “Habang isinasagawa ang raid, big

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status