Napakunot ang noo ni Axel. “Walang nabura? Wala ring na-download, nawala o kinopya?”“Wala. Hindi rin ginalaw ang mga files. Walang ebidensyang may ninakaw o may binago. Bigla na lang siyang huminto,” paliwanag ni Tristan.Labis ang pagtataka ni Axel. Kung walang nakuhang impormasyon ang hacker, ano ang tunay na pakay nito? Sa ngayon ay hindi pa nila alam ang kasagutan, pero nagpaalala si Axel na patuloy na bantayan ang sistema, lalo na kung magbabalik pa muli ang hindi kilalang umaatake.Nagbalik sa normal ang lahat. Ilang oras pa lamang siyang nakatutok sa trabaho nang biglang bumukas ang pinto ng kanyang opisina.Nagmartsa papasok si Abigail habang sinusubukan siyang pigilan ni River.“Madam Strathmore, abala pa si Mr. Strathmore sa mga importanteng papeles na kailangan niyang—”“Tumahimik ka! Sino ka ba para pigilan ako?!” sigaw ni Abigail habang nagtataray, saka padabog na itinulak si River sa dibdib. “Assistant ka lang niya! Layas!” tuluy-tuloy siyang pumasok nang hindi man lang
Ang ginawa nito kay Silas ay hindi katanggap-tanggap, ni katiting na pakikiramay ay walang nabakas sa kanilang mga mata para sa kanya. Napalunok si Heather at agad na kinilabutan. Subalit sa halip na tumigil, nagpanggap siyang kaawa-awa, pilit binabago ang tingin sa kanya.Tumingin siya kay Axel. “A-Axel, please… hayaan mo akong magpaliwanag. M-may dahilan kung bakit ko nagawa ito kay Silas. Pakiusap, pakinggan mo muna ako,” aniya, natarantang magpaliwanag habang nanginginig ang boses.“At ano naman kaya ang dahilan mo?” malamig at sarkastikong tugon ni Axel, tila sinasakal ang bawat salitang binibitawan.Lumuhod si Heather at kumapit sa pantalon nito. “H-hindi ko naman basta-basta gagawin ‘yon kay Silas kung hindi siya naging suwail!”“Ms. Faulkner, paumanhin, pero sa palagay ko ay hindi tama ang ginawa mong pagpaparusa sa kanya. Bata lang si Silas at sa totoo lang, napakabait at magalang niyang bata,” sabat ni Lucas habang hawak pa rin sa balikat ang nanginginig na si Silas.Napangi
“River,” tawag niya.Agad lumapit si River, may hawak na iPad. “Mr. Strathmore, nakuha na namin ang partial trace. Ito ang live IP address ng attacker.”Tiningnan ni Axel ang screen. Isang pulang tuldok ang kumikislap sa digital map at tumuturo sa isang partikular na lokasyon.Nagulat siya. “Nasa Regenshire lang?”Tumango si River. “Oo, sir. Confirmed. Within city radius lang ang source.”Hindi na nagsayang ng oras si Axel. Tahimik siyang tumayo at lumakad palabas ng command center. Agad namang sumunod si River, hindi na kailangang ipaliwanag, alam na nito ang plano.Bago pa tuluyang makalabas, lumingon si Axel kay Tristan Harper, ang CIO ng kumpanya, na noon ay nasa kabilang terminal at sinusubukang i-secure ang natitirang system access.“Tristan,” utos ni Axel, seryoso ang tono, “ikaw muna ang bahala rito. Ayokong may isang file tayong mawala o manakaw.”Tumango si Tristan, matatag. “Makakaasa ka sa ’kin, Mr. Strathmore.”Bumaba ng parking lot sina Axel at River. Walang imikan pero
Napapikit siya at dahan-dahang nilapat ang ulo sa sandalan ng upuan. Sa likod ng kanyang mga talukap ay muling bumalik ang imahe ng bangungot niya kagabi, isang eksenang hanggang ngayon ay hindi niya matanggal sa isip. Nasa isang barko siya, at sa harap niya mismo, nakita niyang binaril si Axel. Kitang-kita niya ang dugo, ang pagkabigla sa mga mata nito, at kung paanong unti-unting nalaglag ang katawan nito sa dagat sa ibaba. Wala siyang nagawa. Wala siyang naisigaw. Nakatitig lang siya habang nilalamon ng alon ang katawan nito. Alam niyang isa lamang iyong panaginip. Pero hindi iyon basta-basta. May kirot na naiwan sa dibdib niya, may takot na ayaw mawala. Binuksan niya muli ang mga mata, tumitig sa kawalan. Kahit anong tapang ang ipakita niya, hindi niya kayang itago ang pangamba. Ang takot na baka ang bangungot niya ay hindi lang pala isang pangitain sa panaginip… kundi babala. Sunod na Araw, maagang dumating sa opisina si Axel kinabukasan, halos wala pang katao-tao sa buong
“Selena… ngayong alam na natin na may mga nagpapanggap sa mga awtoridad at hindi basta-basta lang na naglalakad para siguraduhing patay ka, kailangan mong maging mas maingat,” aniya habang hawak nang mahigpit ang manibela.Tumingin si Selena sa labas ng bintana. Kita sa kanyang mata ang lalim ng iniisip. “Alam ko,” tugon niya. “Pero may isa pa akong iniisip. Ano na ang balita mo tungkol sa assistant ni Klyde… si Lyka?”Napabuntong-hininga si Neera. “Hindi naging madali. Halos walang anumang record ang babaeng ‘yon. Para siyang multo. Pero sa isang pagkakataon, aksidente kong nakita ang pangalan at litrato niya sa mga archive ng isang unsolved case na tinatrabaho ng kapwa ko agent.”Napalingon si Selena sa kanya, biglang tumalim ang interes sa mga mata. “Unsolved case? Anong klaseng kaso?”“Assassination. At sa notes ng agent na ‘yon, mukhang iniimbestigahan din niya ang background ni Lyka. Pero wala siyang mahukay, bukod sa isang detalye na si Lyka ay isang hired killer. At hindi bast
“Bumalik ka na sa guest room,” aniya, walang pakialam. Mabilis niyang hinila ang kanyang binti, mariing isinara ang pinto, saka ni-lock. Agad siyang nagtanggal ng damit at tumuloy sa banyo upang maligo, may nagbabagang inis sa dibdib.Sa labas ng silid, napatingin si Heather sa nakasaradong pinto, na parang pintuan na ng bangungot sa kanya. Tumayo siya, pinahid ang luha ng galit, at galit na nagpapadyak pabalik sa guest room.“Pesteng hampaslupa na ‘yon! Humanda ka sa ‘kin sa ginawa mong pang-iistorbo!” galit na angil niya, patuloy ang yabag ng galit sa corridor.Sa kabilang dako, sa silid ni Silas, hindi pa rin siya natutulog. Nakaupo siya sa harap ng laptop, seryoso ang ekspresyon, at may nanlilisik na galit sa mga mata.“Humanda kayong dalawa,” mahinang sambit niya, halos pabulong habang mariing nakatitig sa screen. “Ate Lena, sana makita mo ginagawa ni kuya Axel habang wala ka sa bahay…”Samantala, sa ibang lugar, malayo sa kinasasangkutan nilang drama, gising pa rin si Selena sa