Masuk
Hatinggabi na, pero nasa labas ng isang engrandeng hotel si Selena. Malamig ang simoy ng hangin sa labas pero mas malamig ang pakiramdam sa loob ng kanyang dibdib.
Hawak ang kanyang cellphone, mariing nakatingin sa mensahe mula sa hindi kilalang numero. ‘Kung gusto mo malaman ang lihim tungkol sa iyong nobyo na si Klyde, pumunta ka sa lokasyon ng hotel na ipapadala ko. Pumunta ka sa Room 127 at malalaman mo ang katotohanan.’ Sinubukan niyang tanungin kung sino ang nagmensahe sa kanya pero hindi ito nagpakilala. Ramdam niyang hindi ito isang prank. Sinubukan niyang alamin kung totoo dahil matagal na rin siyang kinutuban na may lihim na tinatago sa kanya si Klyde. Naging mailap ito sa kanya sa tuwing nais niyang makipagkita sa nobyo. Lagi itong may dahilan tuwing nais niyang makipagkita. Madalas pa ay hindi niya alam kung saan ito nagpupunta. Nagdesisyon na siyang pumasok ng hotel at huminto sa tapat ng front desk. “Miss, may nag-check-in ba rito na ang pangalan ay Klyde Strathmore?” tanong niya sa receptionist. Tumango naman ito sa kanya pagkatapos tignan ang records sa kompyuter. “Oo, Miss. Kaka-check-in lang ni Mr. Strathmore. Puwede ko ba malaman kung ano ka niya?” tanong naman nito pabalik. “Nobya niya,” direktang sagot niya. Napatakip sa bibig ang receptionist. Base sa reaksyon nito ay tama ang hinala niya na may kasamang iba si Klyde nang pumasok ito sa hotel. Pagkatapos magpasalamat ay mabilis siyang naglakad papasok ng elevator, paakyat sa ika-limang palapag. Nang makalabas ng elevator ay hinanap niya agad ang room number na nakasaad sa mensahe. Sa harap ng Room 127, nanginginig ang kamay ni Selena habang dahan-dahan na pinihit ang seradura. Marahang itinulak ang pinto at iniwang bahagyang nakabukas. Huminga siya nang malalim upang pakalmahin ang sarili pero nanlamig ang katawan niya nang marinig ang boses ng dalawang tao sa loob. “Ibang-iba ka talaga sa kapatid mo,” ani ni Klyde. Bakas sa boses nito ang pagod pagkatapos ng kanilang ginawa. “Mukhang, sobra kang natuwa sa ginawa natin ngayon,” sabi ni Nessa na pigil ang tawa. Nakangisi si Klyde habang nakahiga, pinagmamasdan ang babaeng nasa tabi niya. “Nagagawa ko ang gusto ko sa ’yo, hindi kagaya sa kapatid mo.” “Bakit, hindi ka pa rin ba pinagbibigyan ni Selena? Apat na taon na kayong magnobyo,” tanong ni Nessa. Napailing si Klyde, kita sa mukha ang bahagyang inis. “Hindi. Gusto niya magpakasal muna kami bago may mangyari sa amin.” Napatawa nang mahina si Nessa saka dahan-dahang humarap kay Klyde. “Hmm… kaya ka ba lumapit sa ’kin kasi paulit-ulit ka niyang tinatanggihan?” tanong niya, may bahagyang ngiti sa labi habang hinahaplos ang dibdib ng binata. Napangisi ulit si Klyde. “Ikaw kasi, magaling kang mang-akit.” “Pero bumigay ka naman,” bulong ni Nessa bago idinikit ang labi sa leeg ng lalaki. Sumandal sa ulunan ng kama si Klyde, nagsindi ng sigarilyo. “Mabuti siguro hindi muna tayo magkita. Baka makahalata na si Selena.” Naupo sa higaan si Nessa dahil sa sinabi ni Klyde. “Kung malaman niya, ano? Iiwan ka niya?” mariin niyang tinitigan ang lalaki, ramdam ang init ng emosyon sa kanyang dibdib. “Mahigit tatlong taon mo na siyang niloloko at nakikipagkita sa ’kin. Ngayon ka pa natakot sa—” Biglang bumukas nang malakas ang pinto. Naputol ang sasabihin ni Nessa. Sabay na napalingon ang dalawa at parang naninigas ang katawan ng mga ito nang makitang nakatayo si Selena sa pintuan. Bakas sa mukha ni Selena ang halo-halong emosyon. Gulat. Galit. Sakit. “Kaya pala ang dami mong dahilan,” galit niyang sambit. Hindi agad nakakilos si Klyde. Ramdam niya ang panlalamig ng kanyang katawan habang mabilis ang tibok ng puso. Gusto niyang magsalita, gusto niyang magpaliwanag. Pero bago pa siya makahanap ng tamang salita, isang matunog na sampal ang dumapo sa pisngi ni Klyde. Hindi pa kuntento ay bumaling si Selena kay Nessa. Parehas may pulang marka ng kamay mula sa sampal ang makikita sa pisngi ng dalawa. Napaatras si Nessa, hawak ang pisngi. Nakatitig ito nang masama sa kanya. Nanlilisik ang kanyang mata habang tinititigan ang dalawa. “Magsama kayo sa impyerno!” sigaw niya na puno ng hinanakit at galit. Umiiyak ng lumabas ng hotel si Selena. Kaysa umuwi, napagdesisyunan niyang maglakad-lakad para maibsan ang sakit hanggang sa dalhin siya ng kanyang paa sa isang bar. Sa loob ng bar, nilunod ni Selena ang sarili sa alak para pawiin ang sakit sa kanyang puso. Ilang bote ng alak na ang kanyang nainom. Nang maramdaman niyang umiikot na ang paligid, tumayo na siya sa mesa at pasuray-suray na naglakad palabas ng bar. Malapit na siya sa pintuan nang aksidente niyang nabangga ang kasalubong niyang lalaki. “Woah!” Bago pa siya mawalan ng balanse ay hinawakan siya nito sa beywang. Nang itinaas ni Selena ang tingin, bahagya siyang natigilan. Sa kabila ng kalasingan, hindi niya maiwasang mapansin ang matangos na ilong at ang asul na mga mata ng estranghero. Nakangiti siya habang hinahaplos ang pisngi ng lalaki. “Ang gwapo mo.” Kumunot ang noo ni Axel nang maamoy ang hininga ng babae. “Sa susunod, mag-iingat ka na,” malamig at walang emosyon ang boses niya habang inaalalayan siya palayo sa kanyang katawan. Nang bitawan siya ng lalaki ay lumakad na ito palayo. Subalit hinabol niya ang lalaki at agad niyang hinawakan ang braso nito. “Sandali!” Napilitang huminto ang lalaki at lumingon sa kanya. Sa isang iglap, niyakap niya ito nang mahigpit. Ramdam niya ang paninigas ng katawan nito, at agad itong nagpumiglas. “Bitiwan mo nga ako. Ano ba ang kailangan mo?” malamig na sabi ni Axel. Kaysa sumagot ay hinalikan siya ni Selena. Nagulat si Axel. Hindi siya agad nakakilos, nanigas lang siya sa kinatatayuan niya habang nararamdaman ang malambot at mainit na labi ni Selena sa kanya. Isang iglap lang iyon, ngunit sapat para guluhin ang kanyang isip.Samantala, sa opisina ng COO ng Strathmore Group, naroon si Emmanuel sa opisina ni Klyde. Dumaan siya upang kausapin si Klyde nang masinsinan tungkol sa nangyari kanina.“May paliwanag ka ba sa pag-atras mo kanina?” tuwiran ang tanong ni Emmanuel.Hindi agad sumagot si Klyde. Inikot-ikot niya sa mga daliri ang fountain pen na hawak niya at tila nag-iisip ng mabuti bago nagsalita.“Alam kong dismayado kayo sa naging pag-atras ko, pero may naisip akong ibang plano.”Nakataas ang kilay ni Emmanuel. “At ano naman iyan? Anong planong iniisip mo?”“Malalaman niyo rin,” maiksi ang sagot ni Klyde. “Sa ngayon, mag-abang na lang kayo sa magiging hakbang natin. At isa pa—maging maingat kayo. May nalaman akong may nag-iimbestiga pa rin na mga pulis sa kasong ipinaratang kay Axel.”Suminghal si Emmanuel, malinaw ang galit at determinasyon sa tono. “Hindi na makakalabas ang taong iyon mula sa kulungan. Kinausap ko na ang kakilala ko para agad siyang mailipat sa Maximum Prison.”“Sana nga mailipat n
Samantala, si Emmanuel at ang iba pang kapanalig ni Klyde ay tikom ang bibig ngunit halatang nagngangalit sa nangyari. Hindi nila matanggap ang desisyon. Buo ang plano nilang iluklok si Klyde bilang CEO, handa silang gawin ang lahat para magtagumpay. Subalit isang hakbang ni Klyde ang agad bumuwag sa lahat ng kanilang pinaghandaan.Si Alaric ang unang bumati kay Selena. “Congratulations, Selena,” masiglang bati nito.“Salamat, Dad,” tugon niya, may bahagyang pagngiti sa labi.Isa-isang nagsilapitan ang mga naroon upang bumati sa kanya. Nandoon ang mga C-level executives tulad nina Tristan at Jared; ang magkapatid na River at Russell; sina Barry, Cael, at iba pang minor shareholders at miyembro ng Board of Directors na naniniwala kay Axel. Lahat ay masiglang nakikibahagi sa tagumpay na iyon para sa kanya.Lumapit din si Atticus upang personal siyang batiin. “Congratulations,” nakangiting sambit nito.Yumuko si Selena bilang paggalang. “Salamat, Lolo—Chairman,” mabilis niyang binago ang
“Ayon sa dokumento,” patuloy ni Cael habang binubuklat ang folder, “lahat ng assets ni Mr. Strathmore ay ipinasalin sa pangalan ni Mrs. Selena Strathmore—kabilang ang 51% company shares sa Strathmore Group, real estate properties, cash at bank accounts, investment accounts, stocks sa iba’t ibang kumpanya na nagkakahalaga ng kabuuang $161 milyon, pati na ang jewelry collection, antiques, at artworks na tinatayang may halagang $93 milyon.”Isa-isa niyang binanggit ang bawat detalye, at bawat salita ay tila pabigat nang pabigat kay Selena.Pakiramdam niya ay hihimatayin siya. Hindi niya akalaing sa buong buhay niya ay darating ang sandaling hahawakan niya ang ganitong uri ng yaman. Ngunit sa ilalim ng pagkagulat, may halong kaba at pagkailang—pakiramdam niya, hindi siya karapat-dapat.“Cael,” mariin niyang sabi, “maiintindihan ko kung ilang bahagi ng mga assets ang mapunta sa akin, pero bakit lahat?”Si River ang unang sumagot, kalmado ang tinig. “Mrs. Strathmore, utos mismo ni Mr. Strat
Nagpatuloy si Cael, hindi natinag sa ingay. “Si Selena ang anak ng tinatawag na Mafia King ng Rutherford—si Braxton Draxwell, at ang kanyang ina ay ang nag-iisang anak na babae ng pinakamayamang pamilya sa Celestia, ang tinatawag na Royal Family, si Seraphina Godfrey.”Parang sabay-sabay na napasinghap ang lahat. Mas lalong lumakas ang ingay ng mga tao sa loob ng silid; may mga napabulalas ng “imposible,” ang iba nama’y napatingin kay Selena na tila ngayon lang nila tunay na nakita.Halos lumuwa ang kanilang mga mata at malaglag ang mga panga sa narinig nilang pahayag mula kay Cael.Samantala, si Klyde, na mula pa kanina’y tahimik lamang na nakaupo at nakikinig, ay lihim na napakuyom ng kamao. Ramdam niya ang pag-init ng dugo sa kanyang mga ugat. Alam na niya ang lahat ng iyon—dahil isa siya mismo sa mga nakasaksi sa mga nangyari ng gabing iyon sa mansyon ng pamilya Montreve.Sa isip ni Klyde, kung alam lang niya noon na may kakaibang pinagmulan pala si Selena, baka pinili niyang huwa
Nagsimula na namang magbulungan ang mga naroon. May mga sang-ayon, may mga nagdududa.Isang minor shareholder ang biglang nagsalita. “Bakit hindi na lang si Mr. Alaric Strathmore?”Lalong lumakas ang bulungan sa buong conference hall.“Puwede rin,” sabat ni Isabella Wakely, ang Chief Compliance Officer. “Dati na ring naging CEO si Mr. Alaric bago si Mr. Axel. Bumaba man siya sa posisyon, patuloy pa rin siyang aktibo bilang Chief Marketing Officer ng Strathmore Group. Maganda ang record niya, at sa totoo lang, siya ang dahilan kung bakit nakapasok tayo sa maraming foreign projects at investors.”Sumang-ayon ang karamihan sa paliwanag ni Isabella. Wala mang salita, kita sa mga mukha nila ang pagkilala sa kontribusyon ni Alaric. Isa siya sa mga haligi ng kumpanya—masipag, matalino, at walang kapantay ang dedikasyon.Ngunit sa kabila ng suporta, bigla itong nabasag nang marinig nila ang tinig ni Alaric.“Ayoko.”Isang salita lang, ngunit sapat para manahimik ang lahat. Parang biglang tumi
“Sa madaling salita, lahat ng problemang kinakaharap ng Strathmore Group ay nag-ugat sa kawalan ng moralidad ng ating CEO,” buwelta ni Warren Cruz, isa sa mga minor shareholders.“Ano pa nga ba?” sabat ni Lawrence Wyatt. “Hindi sana hahantong sa ganito kung naging maingat si Axel. Involve man siya o hindi, alam niyang ang Strathmore Group ang unang maaapektuhan. Wala nang iba!” galit na sabi ni Gregory Cervantes.Nagsimulang mag-ingay ang iba matapos marinig ang sinabi ni Gregory. May mga nakipag-argumento, ipinagtatanggol ang kanilang CEO at pinaninindigang inosente ito. Lumakas ang mga boses, naghalo ang mga opinyon at emosyon sa loob ng silid.“Tama na! Manahimik ang lahat!” saway ni Atticus, mabigat ang tono ng boses na agad nagpatahimik sa buong conference hall.Nagsalita mula si Atticus, galit ang tinig. “Solusyon ang hinahanap ko! Kaya tigilan niyo ang argumento ninyo sa mismong harapan ko!”Matalas ang boses nito na umalingawngaw sa buong conference hall, dahilan para bahagyan







