Share

Chapter Two

Author: FourStars
last update Last Updated: 2025-03-17 07:04:38

Nang halikan ni Selena si Axel, nagdilim ang mukha nito. Bago pa ito makapag-react ay nagsalita ulit si Selena. "Samahan mo ‘ko uminom at magpakalasing!" aniya, sabay hila ni Selena kay Axel sa isang mesa.

Kahit lasing na, nagpatuloy pa rin siya sa pag-inom. Tahimik lamang si Axel na pinagmamasdan siya habang naglalabas ng sama ng loob.

Kahit nauutal, hindi pa rin siya tumitigil sa pagsasalita habang diretso ang tungga mula sa bote. Samantalang si Selena ay nakaubos na ng tatlong bote ng alak, isang baso pa lang ang naiinom ni Axel.

Kalaunan, bumagsak si Selena sa matinding kalasingan. Gusto ng umalis ni Axel at iwan siya roon. Ngunit sa hindi maipaliwanag na dahilan, hindi niya magawang talikuran ang babae kahit pa hindi naman niya ito lubos na kilala.

Napabuntong-hininga na lamang siya bago tuluyang binuhat si Selena at dalhin sa isang hotel.

Nang makarating sa hotel, pumasok sila sa isang magarang silid. Akmang ibababa na ni Axel si Selena nang bigla itong humawak sa kanya nang mahigpit.

Kunot-noo siyang napabuntong hininga at hindi napigilan sabihin, “ibababa na kita, ang bigat mo kaya.”

Ngunit sa halip na bumitaw, lalo pang humigpit ang yakap ni Selena.

Umiling siya habang nagsusumamo. “Ayaw ko. Sigurado akong aalis ka na kapag iniwan mo ako rito. Dito ka lang sa tabi ko, please?”

Magpapaliwanag pa sana si Axel, ngunit bago pa siya makapagsalita ulit, biglang h******n siyang muli ni Selena. Nanigas ang buong katawan ni Axel, lalo na nang bumaba ang mga halik ng dalaga mula sa kanyang labi, patungo sa kanyang tainga at leeg.

“Huwag mo akong iwan,” malambing na bulong ni Selena. “Kaya ko rin naman ibigay ang gusto mo. Kaya mo ba ko niloko kasi hindi ko pa rin isinusuko ang sarili ko? O sige, ibibigay ko na basta huwag mo lang ako lokohin ulit.”

Sa puntong iyon, ang akala ni Selena ay si Klyde ang kasama niya. Hindi niya alam na ibang lalaki pala ang mainit niyang hinahalikan at inaakit.

“Sigurado ka na ba sa gusto mo?” tanong nito sa kanya.

Tumango siya bago sila nagsimulang magpalitan ng halik. Sa umpisa, banayad at maingat, ngunit habang tumatagal, naging mas mapusok ang kanilang pag-angkin sa isa’t isa. Unti-unting naglaho ang pagitan nila kasabay ng pagtanggal ng kanilang damit.

Hindi na rin napigilan ni Axel ang sariling maakit kay Selena. Para bang may puwersang humihila sa kanya upang magpatuloy.

Marami na siyang nakilalang babae na kasingganda niya, mga babaeng sumubok nang akitin siya saan man siya magpunta.

Ngunit may isang bagay kay Selena na iba. Isang pakiramdam na bago sa kanya, isang damdaming hindi pa niya nararanasan noon.

Parehas silang wala ng saplot, bago magpatuloy si Axel ay nilapit niya ang kanyang labi sa tainga ni Selena at bumulong.

“Tatanungin kita ulit. Sigurado ka na ba talaga?” bulong niya, mababa ang tono.

Napakagat labi siya. May kilabot siyang naramdaman nang maramdaman ng balat niya ang mainit na hininga ng binata.

Tumango siya bago mahina ngunit matatag na sumagot. “Oo… basta tulungan mo akong makalimutan ang sakit sa puso ko.”

Wala nang sinayang na sandali. Magsisimula ang isang gabi ng paglimot. Sa una, dahan-dahan ang bawat galaw ni Axel, para bang pinapakiramdaman ang bawat sulok ng katawan ni Selena. Ngunit kalaunan, nadala sila ng kapusukan, at ang init ng kanilang katawan ay nagsanib sa isang mapusok at walang habas na pagsuko sa sandali.

Sa gabing iyon, hindi mahalaga ang pangalan, hindi mahalaga ang nakaraan o ang hinaharap. Ang mahalaga lang ay ang apoy na magkasama nilang pinagsaluhan sa dilim.

Sunod na araw, nagising si Selena na masakit ang ulo at mag-isa na lamang sa kama. Magulo ang paligid at nagkalat ang mga damit sa sahig.

Napabuntong-hininga siya nang makitang wala na ang lalaking kasama niya kagabi. Pakiramdam niya ay maiilang lang siya kung kaharap niya ito matapos may mangyari sa kanila. Hindi man niya na naalala ang buong nangyari, unti-unti na niyang naalala ang iba pang detalye ng nangyari kagabi.

Bumangon siya mula sa kama. Habang isa-isang pinupulot ang kanyang mga damit sa sahig, napansin niyang may suot na siyang singsing.

Nagtataka siya, hindi siya mahilig magsuot ng kahit anong palamuti sa katawan. Saglit siyang natigilan bago sumagi sa isip ang isang posibilidad.

“Galing siguro ‘to sa lalaking ‘yon…” bulong niya habang pinagmamasdan ang singsing sa daliri niya.

Sa halip na umuwi, nagdesisyon siyang sa hotel na maligo at magbihis para pumasok sa trabaho. Naisip niyang baka mahuli siya sa trabaho.

Pagpasok niya sa opisina, dumiretso siya sa kanyang cubicle at naupo. Habang abala sa harap ng kompyuter, lumapit ang isa sa mga katrabaho niya.

“Ms. Payne, pinapatawag ka ni Mr. Palmer sa opisina niya,” anito. Sinamahan siya nito sa opisina ng kanilang amo.

Pagbukas ng pinto, nanigas siya sa kinatatayuan. “Mr. Palmer, pinatawag mo raw ako—” hindi na niya natapos ang sasabihin nang bumungad sa kanya ang pares ng malinaw at asul na mga mata ng lalaki.

Hindi siya maaaring magkamali. Nasa harapan niya ngayon ang lalaking nakasama niya noong gabing iyon, si Axel. Tahimik lang itong nakatitig sa kanya. Tila pinagmamasdan siya.

Nang makita siya ng kanyang boss, nagsalita ito. “Ms. Payne, pinatawag kita dahil may VIP client tayo ngayon. Sigurado akong kilala mo ang pangalang Axelius Strathmore, hindi ba?”

Nanlaki ang kanyang mga mata sa narinig. Hindi siya makapaniwala.

Nagpatuloy si Mr. Palmer. “Siya ang CEO ng Strathmore Group. May-ari rin siya ng Ascend Robotics at kilalang Cyberneticist.”

Parang gusto niyang hilingin na lamunin na siya ng sahig na kinatatayuan niya. Hindi niya sukat akalain na nagawa niyang akitin ang isang lalaking kagaya ni Axel na malayo sa ordinaryo.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chaoter One Hundred Twelve

    Hindi madali. Marami ang tumutol. Marami ang nagduda. Ngunit mas marami ang namangha.Sa loob lamang ng ilang buwan, unti-unti nang naibalik ni Axel ang kumpanya mula sa bingit ng pagbagsak. Mula sa kumpanya na halos sarado ang pinto, muling nabuhay ang tiwala ng mga investors, clients, at empleyado. Ang reputasyon ng Strathmore Group ay muling umangat at mas tumibay pa kaysa dati.Mahigit limandaang taon na ang nakalipas mula nang itinatag ang Strathmore Group na nagsimula lamang bilang maliit na jewelry at clothing store sa gitna ng Regenshire. Ngunit dahil sa determinasyon ng mga henerasyon ng pamilyang Strathmore, pinalago ito at pinalawak. Pumasok din sa iba’t ibang industriya.At ngayon, higit kailanman, muling pinatatag ito ni Axel.Ang mga dating direktor at shareholder na dati’y bumubulong ng pag-aalinlangan sa kanyang kakayahan, ngayon ay tahimik. Wala nang pumipigil sa kanya. Hindi dahil sa takot kundi dahil napatunayan na niya ang sarili. Siya ang CEO na hindi nila inakala

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter One Hundred Eleven

    Kung titingnan ng karaniwang tao, simpleng ngiti lang iyon mula kay Klyde.Ngunit para sa ilang shareholders at directors na mas kilala siya, may dala iyong panlalamig.Hindi nakalampas sa matalim na paningin ni Axel ang biglaang pag-iba ng mga ekspresyon ng ilan sa kanila, mga bahagyang pag-iwas ng tingin, mabilis na paglunok, at pinipigilang kaba sa mga mata.Isa sa mga shareholder ang unang nagsalita, si Emmanuel Ventura, isang beterano sa kumpanya. “Sa maikling panahon, ipinakita na ni Mr. Klyde Strathmore ang kanyang kakayahang pasiglahin ang operasyon ng Ashton branch. Kung dito pa siya sa headquarters, mas marami pa siyang magagawa. Siguradong mas lalakas ang buong Strathmore Group.”Tumango ang ilan, sumasang-ayon sa sinabi ni Emmanuel.Sinundan naman ito ni Anne Summers, ang Director of Sales. “Sang-ayon ako. Matagal ko nang nakikita ang potensyal ni Mr. Klyde. Ngayon na opisyal na siyang na-appoint bilang COO, tiyak kong mas lalo pang tataas ang revenue at magiging agresibo

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter One Hundred Ten

    Pagkatapos ng tawag, hindi muna niya pinutol ang linya. Tahimik niyang isinaulo ang numero ni Selena, sinisigurong hindi niya ito makakalimutan. Saka niya ibinaba ang tawag, binali ang sim card at itinabi ang cellphone sa drawer ng kanyang mesa.Hindi nagtagal, bumalik siya sa kanyang upuan at pilit na ipinagpatuloy ang naantalang trabaho. Ngunit bago pa siya makapagbukas muli ng dokumento sa laptop, tumunog ang kanyang cellphone.Kinuha niya ito mula sa gilid ng mesa at sinulyapan ang screen. Nakita niyang ang ama niya ang tumatawag.“Pabalik ka na?” tanong niya agad matapos sagutin ang tawag.“Nakabalik na ako,” sagot ni Alaric, malamig pero may bahid ng pagod. “Nung madaling araw pa kaya halos hindi na natulog ang mom mo sa kakahintay sa ‘kin.”Tumango si Axel kahit hindi siya nakikita sa kabilang linya. Ngunit bago pa niya muling makapagsalita, nagsalita na muli ang kanyang ama.“Maiba ako, pabalik na si Klyde ng Regenshire.”Bahagyang napaangat ang kilay ni Axel. Hindi niya ito i

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter One Hundred Nine

    “Siguro naman may ideya ka na sa trabahong ipagagawa ko sa ’yo?” tanong ni Axel, direkta ngunit kalmado ang tinig.Tumango si Neera. “Oo. Nagsimula na akong mangalap ng impormasyon kaugnay ng aksidente. Kung may makakalap akong bagong detalye, ipaaalam ko agad sa inyo, Mr. Strathmore,” tugon niya, seryoso at propesyonal.Tumango si Axel, at inabot sa kanya ang isang maliit na papel na may nakasulat na mga numero. “Sige. Tawagan mo lang ako kung kailan mo kailangan ng tulong. Pwede kang samahan ng mga tauhan ko kung kinakailangan.”Kinuha ito ni Neera at maikling tumugon. “Okay.”Nagtagal pa sila ng ilang minuto sa pag-uusap. Ibinahagi ni Axel ang mga nakalap niyang impormasyon ukol sa aksidente, mga teorya, timeline, at posibleng pagkukulang sa dating imbestigasyon. Tahimik na nakikinig si Neera, paminsan-minsan ay nagtatanong, ngunit halatang inaalala na ang bawat detalye.Makalipas ang ilang sandali, nagpaalam na si Neera na aalis na upang simulan ang trabaho.Paglabas niya ng opisi

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter One Hundred Eight

    Nanlaki ang mga mata ni Selena. “P-paano mo nalaman?!”“Yung tawag kanina?” sagot ni Neera, nakatitig. “Si tito Lucas ‘yon. Tumawag siya para paimbestigahan ang aksidente at para hanapin ka. Ngayon, gusto ko malaman... may alam ka ba? O may pinaghihinalaan ka bang may kinalaman sa nangyari?”Napayuko si Selena, mariin ang titig sa sahig bago muling nagsalita.“Dahil natanong mo ‘yan, mayroon.” Huminga siya nang malalim, bakas ang alinlangan. “Si Heather at si Nessa… pero hindi ako sigurado. Wala akong matibay na ebidensya. Si Nessa, alam kong wala siyang kakayahang gumanti o gumawa ng gulo. Dahil sapilita siya ngayong pinagtatrabaho ng lending shark para tulungan si Ricardo na bayaran ang utang niya. Tapos si Heather… siya ang dating fiancée ni Axel. Pinutol ni Axel ang partnership ng Strathmore Group at Faulkner Metalworks dahil sa kanya. Silang dalawa lang naman ang nakaalitan ko.”Tahimik si Neera habang nakikinig. Makikita sa mga mata niyang nagsisimula nang gumulong ang makina sa

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter One Hundred Seven

    “Maliban sa paghanap kay Mrs. Strathmore, gusto ni Mr. Strathmore na tutukan mo rin ang imbestigasyon sa totoong pagkatao ng salarin. Gagawin niya ang lahat para matukoy kung sino ang nasa likod ng trahedya. Huwag kang mag-alala, babayaran ka niya kahit gaano kalaki ang halaga basta’t matagumpay mong matapos ang misyon.”Napaisip si Neera. “Saka na lang natin pag-usapan ang bayad kapag natapos ko na ang trabaho,” aniya, matatag ang boses. Hindi siya kailanman nauuna sa usapan pagdating sa kabayaran hangga’t hindi pa niya natatapos ang trabaho.Nagtagal pa ng ilang minuto ang kanilang usapan. Nagkumustahan pa sila sandali dahil matagal na rin kasi silang hindi nagkausap.Ngunit sa kabila ng mainit nilang pagbabalik-komunikasyon, pinili pa rin ni Neera na huwag sabihin kay Lucas ang tungkol sa kanyang anak na si Kyle.Ayaw man niya itong itago, ngunit takot ang nangingibabaw. Takot na malaman ng lalaking iyon na may bunga ang gabing hindi nila inaasahan.Sapagkat kung mangyari man iyon,

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status