Share

Chapter Sixty Three

Author: FourStars
last update Last Updated: 2025-05-20 22:20:13
Nanlaki ang mga mata ng tatlo sa rebelasyong iyon.

Napakagat ng labi si Attcus, gigil ang tinig. “Kung totoo ang sinasabi mo, baka isa sa mga kasambahay o tauhan ang may kagagawan nito. Kung gano’n, dapat—”

“Huwag,” agad na putol ni Axel. “Hayaan mo lang muna sila, lolo. Sa ngayon, obserbahan natin ang kilos ng bawat isa. Kung agad tayong gagalaw, baka mas lalo lang silang mag-ingat at magtago.”

Tumango-tango si Alaric, sang-ayon sa opinyon ng anak. “Tama siya, Dad. Kapag gumawa tayo ng aksyon ngayon, mas mahihirapan tayong mahuli kung sino man ang may kagagawan sa nangyari kay Selena. Kailangan nating ipakita na parang sumuko na tayo. Na tila ba hindi natin kayang alamin ang totoo tungkol sa insidente.”

Natahimik si Atticus. Napaisip ng ilang segundo bago tumango. “Kung ‘yan ang tingin ninyong pinakamainam na estratehiya, sumasang-ayon ako.”

Tatayo na sana silang lahat nang biglang magsalita si G*****a. “Gusto kong manatili ang usapan na ito sa ating apat lamang. Walang ibang mak
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Two Hundred Sixty

    Pagkatapos n’on, saglit siyang tumingin sa paligid — sa mga mukhang ngayo’y nag-aalangan at nagkakatinginan.“Kung may mga katanungan o reklamo kayo, sabihin n’yo na ngayon. Dahil paglabas natin sa kwartong ito, gusto kong magsimula agad kayong magtrabaho.”Natapos na ang mahabang pagsasalita ni Selena. Ngunit ang katahimikan ay lalo pang bumigat.Ang iba ay halatang nagulat sa biglaang utos.Ang ilan ay kinakabahan, tila may itinatago.Habang sina Lawrence at Roger ay kapwa namutla, halatang hindi inasahan na mababanggit ni Selena ang tungkol sa mga ongoing construction projects — mga proyektong alam nilang may hindi maayos na record.Ibubuka ni Roger ang kanyang bibig para magprotesta pero hindi niya alam kung ako ba ang sasabihin niya dahil nadala na siya ng kanyang kaba at takot.Nagsalita muli si Selena. “Kung wala na kayong mga katanungan, hanggang dito na lang ang meeting. Bumalik na ang lahat sa pagtatrabaho. Ayon lang. Dismissed.”Si Selena ang naunang tumayo sa kanyang kinau

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Two Hundred Fifty Nine

    Pagbukas pa lamang ng pinto ay sumalubong agad sa kanila ang magulong usapan ng mga Board members. Ngunit nang makita ng lahat na si Selena ang pumasok, biglang natahimik ang silid. Isa-isang umayos ng upo ang mga direktor, waring naghintay kung ano ang una niyang sasabihin.Unang nagsalita si Emmanuel, nakakunot ang noo at may halong inis sa tinig.“Mrs. Strathmore, bakit ngayon ka lang dumating? Hindi pa tuluyang nakaka-recover ang Strathmore Group dahil sa nangyaring pagkakaaresto ni Axel—ngayon, ikaw naman na bago pa lamang sa posisyon ay nasangkot agad sa eskandalo!” sigaw nito, puno ng galit at panghuhusga.Matapos magsalita ni Emmanuel, nagsalita na rin ang iba.“Dalawang araw. Mahigit dalawang araw ka pa lang sa posisyon pero gumagawa ka na agad ng kabulastugan! O baka naman lumakas na ang loob mong gawin ang kahit anong gusto mo dahil ikaw na ang CEO ng Strathmore Group?!” singhal ni Zack.Sa pandinig ng lahat — lalo na kay Selena — ang tono nito ay hindi lang pangungutya kun

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Two Hundred Fifty Eight

    Ilang sandali pa, muling nagsalita ang reporter sa live broadcast, hawak ang mikropono at nakatutok sa kamera.“Sa ngayon ay inaresto na at dinala sa istasyon ng pulis sina Ivan Brandt at Warren Cruz upang kunan ng kani-kanilang panig. Humaharap si Warren Cruz sa patung-patong na kaso kabilang ang Manufacture of Dangerous Drugs, Plunder, at Falsification of Corporate Documents. Samantala, si Ivan Brandt naman ay nahaharap sa kasong Obstruction of Justice at Accessory to Plunder. Patuloy pa ring iniimbestigahan ng mga awtoridad ang lawak ng kanilang operasyon at kung sinu-sino pa ang posibleng sangkot sa mga iligal na gawain.”Doon na naputol ang live broadcast.Halos malaglag ang panga nina Abigail at Eve matapos marinig at mapanood lahat ng mga nangyari.Si Abigail ang unang nagsalita, puno ng galit ang boses. “Ang walang hiyang ‘yon! Ang lakas ng loob ni Warren na gamitin si Axel para lamang makatakas sa batas! Siya pala ang totoong nagpapatakbo ng drug laboratory na siyang dahilan

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Two Hundred Fifty Seven

    “Ayos lang, naiintindihan ko naman na nag-aalala ka lang sa akin, Mom. Pero hindi na kailangan dahil nariyan naman sina Barry, Tyler, Russell, at River para protektahan ako. Maaasahan ko naman silang apat,” paliwanag ni Selena.Napabuntong-hininga na lamang si Abigail at hindi na pinilit pa ang gusto.“Sige, ikaw ang bahala—”Naputol ang sasabihin ni Abigail nang bigla na lamang sumigaw si Eve.“Tita Abigail! Selena! Panoorin n’yo ’to!”Agad tumayo si Eve at iniharap kina Selena at Abigail ang kanyang cellphone upang mapanood nila ang live broadcast mula sa isang media outlet. Sabay-sabay nilang pinanood ang aktwal na pagdakip ng mga pulis kay Warren Cruz.Pinakinggan nilang mabuti ang ulat ng nagbabalitang reporter na nasa mismong eksena.“Kasalukuyang pinoposasan ngayon ng mga pulis ang isa sa mga shareholder at miyembro ng Board of Directors ng Strathmore Group na si Warren Cruz. Makalipas ang dalawang taon, muling binuksan ng mga awtoridad ang kaso ng dating may-ari ng kumpanyang

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Two Hundred Fifty Six

    “Maraming salamat, Mom,” tanging sabi ni Selena bago siya pumasok sa loob ng kwarto upang makatulog.Kinabukasan, nabulahaw ang mahimbing na tulog ni Selena nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto.“Selena!” sigaw ni Eve, halatang nagmamadali.Napabalikwas ng bangon si Selena, nagulat sa malakas at biglaang tawag ng kapatid. Akala niya ay may malalang nangyari.“Bakit? Ano’ng nangyari? Anong mayroon?” tanong niya habang pilit pang iniimulat ang mga mata, halatang inaantok at naguguluhan pa.Iniharap ni Eve ang cellphone niya sa mukha ni Selena. Antok pa at papikit-pikit si Selena habang binabasa ang ipinapakita sa kanya.Ilang segundo lang ay naningkit ang kanyang mga mata, tila unti-unting nagigising habang tahimik na binabasa ang laman ng balita.Pagkatapos ng ilang sandali, kinuha niya ang sarili niyang cellphone at agad na tinawagan si Tyler.Pagkakonekta pa lang ng tawag ay bumungad na ang nag-aalalang boses ng lalaki.“Mrs. Strathmore, nabasa mo na ba ang balita na magka—”“M

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Two Hundred Fifty Five

    Hindi siya agad sumagot. Paglingon niya kay Enzo, kalmado lang niyang sinabi, “Mr. Dalmacio, mauuna na kami. May kailangan pa akong asikasuhin. Mag-iingat sa biyahe.”Tumango lang si Enzo at pinanood ang pagpasok ni Selena sa sasakyan hanggang sa umalis ito.Pagkasakay ni Enzo sa sarili niyang kotse, tahimik silang bumiyahe ni Kenjie. Ilang minuto ang lumipas bago nagsalita ang assistant.“Mr. Dalmacio, napansin kong parang hindi nagulat si Mrs. Strathmore. Parang alam niyang may mangyayari.”Bahagyang tumango si Enzo. “Oo. Napansin ko rin.”Tahimik muli ang loob ng sasakyan. Pareho nilang alam na hindi matatapos sa gabing iyon ang nangyari.Sa loob ng kotse ay sakay sina Selena, Russell, at Barry. Pabalik na sila sa Crystal Lake Mansion.Tahimik ang biyahe hanggang sa biglang magsalita si Selena—seryoso, diretso, at walang pasakalye.“Russell, sabihin mo kay Tyler na huwag na niyang imbestigahan ang nangyari kanina. Gusto kong abangan niya ang mga balitang lalabas bukas,” utos niya.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status