Mag-log inPwersadong binuksan ni Evelyn ang mga mata. Namimigat ang ulo niya at nanlalabo, siguro ay dahil sa banggaan ng sasakyan kanina.Mild concussion siguro ang nakuha niya.Masakit na bumaliktad ang sikmura niya, nasusuka na umaakyat sa lalamunan niya.Ang mga kamay niya at paa ay mahigpit ang pagkakatali. Nananakit din ang kanang bukong-bukong ng paa niya. Nakaupo siya sa sahig, nakatakip ang bibig niya gamit ang makapal na tape.Maliit ang kwarto pero nakakagulat na malinis 'yon.May dalawang camera na nakatayo sa malapit. Ang isa ay nakadirekta sa kanya, ay ang isa ay sa kaliwa niya. Ang mga maitim na lense ng camera ay parang mga matang nakamasid sa kanya.May bulaklaking ding kurtina na tumatakip sa maliit na bintana, kakaunting liwanag lang ang tumatagos doon. Ang naiisip niya ay isang farmhouse iyon. Kada segundo ay naririnig niya ang tahol ng aso mula sa labas. Maging ang hangin ay dala ang malakas na amoy ng mga hayop.Bumukas ang pinto.May lalaking pumasok.Meron itong mahabang
Naintindihan na ni Dominic.Naintindihan na niya ang ginawad na sampal sa kanya ni Evelyn. Naintindihan na rin niya kung bakit siya nito sinigawan ng "Get out!"Naintindihan na rin niya ang pagkabasag ng puso nito sa likod ng pinto, ang hagulhol nito na sinubukan nitong supilin.Hindi iyon basta drama lang at hindi maliit na bagay. Kun'di hinagpis mula sa pagkawala ng anak nila.Tatlong taon na birth control pills. Tapos ay pinatay pa ang unang anak dapat nila.Kasalanan ng kasambahay na 'yon na basta pa naman niya pinalaya kay James.Ibig sabihin, noong ma-ospital si Evelyn sa simula ng buwan... Hindi lang basta sakit ng tiyan.Kun'di dahil nakunan ito.Buntis na pala ito sa anak nila.Naglakbay sa katawan ni Dominic ang panlalamig at pakiramdam na para bang gusto niyang pum*tay, mabigat at nakakasakal.Malamang na pinilit ni Evelyn na hanapin ang salarin. Tapos basta lang niya pinalaya ang taong 'yon.Ginamit pa niya ang legal team ng mga Del Rosario!Paano siya naging kasuklam su
Nasa ere pa ang kamay ni Evelyn, humapdi ang palad niya.Tumabingi naman ang mukha ni Dominic dahil sa lakas ng sampal ni Evelyn. Ilang segundo lang ay nagmarka na sa pisngi nito ang mga palad ng dalaga.Tinitigan ito ni Dominic na para bang hindi nito kilala ang kaharap."Evelyn what the hell is wrong with you?"Marahas na tumahip ang d*bdib ni Evelyn, ang mga mata ay namula sa galit."Iyong si Agnes.... Ginamit mo ba ang legal team ng kumpanya mo para pyansahan siya?" nginig na rin ang boses niya sa galit.Nangunot noo si Dominic. Pamilyar ang binanggit nitong pangalan.Kaninang hapon kasi, tumawag sa kanya si Lydia, sumisinghot at humahagulhol, ang sabi ay nakulong ang pinsan nito dahil lang sa na-offend nito si Evelyn. Nagmakaawa itong tulungan niya. Wala na siyang oras na pag-isipan iyon kaya pinaasikaso niya na lang kay James."Oo," sagot niya, may bakas ng pagtitimpi ang tono, "So what?""SO WHAT?" pag-uulit ni Evelyn tapos mapait na tumawa. Nagbagsakan ang mga luha niya sa kan
Masyadong mahigpit ang bantay sa pirvate Villa ng mga Blackwood. Iilang mga lalaki na malalaki ang katawan ang nakatindig, diretso ang tingin, at alerto ang postura.Bigla, isang pigura ang lumabas mula sa gilid ng gate.Nagmamadali si Rick, buhat ang dalaga sa kanyang bisig. Humahampas ang hangin sa kanila habang tumatakbo si Rick.Ang mukha ng dalaga ay parang p*tay na sa sobrang putla, halos wala na itong buhay. Kitang-kita ang kulay ube ng marka sa palibot ng leeg nito.Pinasok ito ni Rick sa naghihintay na sasakyan, binagsak ang pinto at agad niyang pinasibat ang sasakyan. Kasing bilis ito ng sibat na agad nawala sa paningin.Sa itaas, sa likod ng floor-to-ceiling window, tahimik na nakatayo si Ryan.Noong makaalis ang sasakyan ni Rick ay doon lang niya inabot ang kurtina at mabagal iyong sinara.Noong sumara ang malalaking kurtina, doon lang luminaw ang nanlalabo niyang paningin, napalitan ng malamig na titig.Walang ano mang emosyon ang mukha, kahit kaunting konsensya.Bigla,
Sinubukang tawagan ni Dominic si Evelyn pero hindi ito sumasagot. Dumiretso na lang siya sa Del Rosario Mansion.May mga bagay na dapat niyang malaman nang personal.Wala pang sampong minuto ay nakarating na siya, agad pa siyang tinaboy ng Lolo Fernando niya.Nakasigaw agad sa kanya ang matanda, galit, at nagpipilit na umalis siya sa mansyon.Pero hindi siya umalis nang tuluyan. Imbis ay nahanap niya si Alfred, ang butler, na nagbabantay ng mga staff na nasa garden. Thirty years ng nagtatrabaho sa kanila si Alfred. Kaya noong makita nito si Dominic ay nagmadali itong lumapit."Sir Dominic, lumalala po ang pag-ubo ni Don Fernando nitong nakaraan. Huwag niyo na po siyang galitin. Kapag maayos na ang pakiramdam niya, tatawagan ko kayo."Napatango si Dominic, "Please, alagaan mo siyang mabuti. Dumaan lang ako para tingnan ang kalagayan niya."Sandali siyang tumigil at hininaan ang boses, "Alfred, may gusto akong itanong sa'yo.... Noong bata pa si Evelyn... Kilala na ba niya si Lolo?"Nag
Ang itim at puting mga letra sa folder ay parang karayom na tumusok sa mga mata niya.[Evelyn Soriano – Personal Profile]Gender: FemaleAge: 24Orphan.Six years old - inampon ng Mendoza Family.10 years old - nawala at nawalan ng contact sa mga Mendoza.12 years old - dumating na mag-isa sa Pinas.Sa kaparehong taon, may report na dalawang beses itong bumisita sa mansyon ng mga Del Rosario sa hindi malamang dahilan.Tapos nagpalaboy ng tatlong buwan. Sa harap naman ng Cebu City Elementary School, tinulungan nito si Rose Ashford na nabu-bully.Nang dahil sa sponsorship ng mga Ashford, nakapasok ito Cebu City Elementary School, pumasok ng Grade Five sa kalagitnaan ng taon.Nang dahil sa baguhan siya sa eskwela, nahirapan siyang makipag-sabayan at hindi sinasamahan o kaya ay nabubully naman ng mga kaklase.Nagyelo ang mga daliri ni Dominic sa nabasa.Grade Five? Twelve years old at grade five pa lang ito? At nabully?Pinagpatuloy niya ang pagbabasa.16 years old - pagkatapos makumpleto







