Nanlaki ang mga mata ni Mia sa matinding pagkabigla sa sinabi ng kanyang ama. Para bang saglit na tumigil ang mundo niya, ngunit alam niyang wala siyang karapatang magreklamo. Wala siyang magagawa.
“Okay po, Papa,” mahina niyang tugon.
Tumayo siya mula sa kanyang kinauupuan, marahang yumuko bilang respeto, saka agad na naglakad palabas ng greenhouse. Wala nang silbi pang manatili siya roon—wala namang makikinig kahit subukan pa niyang ipaglaban ang sarili niya.
Ngunit bago pa siya tuluyang makalabas, muling nagsalita ang kanyang ama.
“Bukas ng umaga ay aalis ka na dito. Nandito ang address ni Mr. Montgomery,” malamig na sabi nito habang inilapag sa mesa ang isang maliit na papel.
Agad namang lumapit si Mia upang kunin ito. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang binabasa ang nakasulat na address. Hindi niya pa lubusang naiintindihan ang bigat ng desisyong ito, pero isa lang ang alam niya—mula bukas, magbabago ang kanyang buhay.
Ngunit sa gitna ng katahimikan, isang mapanuyang tinig ang sumingit sa hangin.
“Do you think makakabasa siya sa lagay na ‘yan, Dad?” sarkastikong wika ni Kristina, nakataas ang kilay at may bahagyang ngisi sa labi. “She hasn’t even attended school. Are you expecting na maiintindihan niya ‘yan?”
Sa kabila ng pangungutya ng kanyang kapatid, hindi na nag-abala si Mia na ipagtanggol ang sarili. Walang saysay ang makipagtalo. Wala siyang boses sa bahay na ito.
Sa halip na lumuwag ang pakiramdam ni Mia matapos lumabas ng greenhouse, mas lalo pang bumigat ang kanyang dibdib. Tahimik siyang naglakad pabalik sa kanyang kwarto, parang wala sa sarili.
Pagdating niya roon, napatingin siya sa iilang gamit na mayroon siya—isang pantulog, dalawang pares ng maid uniform, at ilang piraso ng panloob. Napabuntong-hininga siya. Ito lang ang meron siya. Wala siyang mamahaling damit, walang alahas, wala ni isang bagay na maari niyang tawaging kanya maliban sa iilang pirasong damit na halos hindi na bago.
Napayuko siya sa isang sulok ng kanyang kwarto at hindi na napigilan ang kanyang luha. Tahimik siyang napaiyak, hinayaan ang lungkot at pangungulila na matagal na niyang kinikimkim.
“Mama…” mahina niyang tawag sa kanyang ina habang umiiyak.
Alam niyang wala sasagot sa kanyang mga tawag. Wala ng makakapagpabago sa kanyang kapalaran.
Alas dose na ng hapon, ngunit nanatili siyang nakakulong sa kanyang kwarto. Ayaw niyang lumabas. Ngunit alam niyang oras na para muling bumangon at magpatuloy—baka pagalitan siya ng kanyang madrasta kung patuloy siyang magtatago. Kaya kahit mabigat ang katawan, pinilit niyang lumabas at naglakad patungo sa bodega.
Binuksan niya ang pinto, at agad siyang sinalubong ng amoy ng alikabok at lumang kahoy. Nagkalat ang mga lumang gamit—mga sandals, damit, at mamahaling bags na itinambak lang sa loob ng mga karton. Alam niyang pag-aari ito ni Kristina, pero hindi na ginagamit at itinuturing na lamang basura.
Lumapit siya at dahan-dahang tiningnan ang mga iyon. Hinaplos niya ang isang damit, marahan, para bang isang bagay na hindi niya dapat hawakan.
Nakaramdam siya ng inggit.
“Mama, bakit?” muling bulong niya sa hangin. “Bakit wala akong ganito? Naging mabait naman ako kay Papa…”
Napabuntong-hininga siya at agad na kinalma ang sarili. Walang silbi ang panghihinayang. Walang magbabago kahit pa umiyak siya nang umiyak. Kaya imbes na magpakalunod sa lungkot, kinuha niya ang walis at sinimulang linisin ang bodega.
Habang inilalabas niya ang mga basura, napansin niyang may isang anino ang papalapit.
Naglakad si Kaisuz patungo sa bodega.
Tahimik na tinitigan ni Mia si Kaisuz. Sa loob ng bodega, kung saan tanging mahihinang sinag ng araw ang pumapasok sa maliliit na siwang ng kahoy, naramdaman niyang para silang nakahiwalay sa mundo.
Hindi niya mabasa ang ekspresyon ng lalaki. Malungkot ba ito? Pagod lang ba? O may gusto itong sabihin na hindi nito magawang bitawan?
“Mia,” tawag ni Kaisuz, dahilan upang mapalingon siya rito.
Nasa loob na ito ng bodega, malapit, masyadong malapit kaysa sa inaasahan niya.
“Bakit ka nandito? Baka hanapin ka ni Kristina,” mahinang wika ni Mia.
Napangiti siya ng pilit, kahit may bahagyang kaba sa kanyang dibdib. Hindi niya alam kung bakit tila may kung anong bigat sa presensya ni Kaisuz ngayon.
“Sorry…” mahina ngunit mabigat ang tinig ni Kaisuz. “Hindi kita mailigtas. Hindi kita mailabas sa bahay na ito.”
Para bang may kung anong kirot sa kanyang boses, ngunit mabilis iyong tinapalan ni Mia ng isang maliit na ngiti.
“Ayos lang,” sagot niya, halos bulong. “Makakalabas na rin naman ako sa bahay na ito… At saka hindi mo naman kasalanan.”
Napakunot ang noo ni Mia sa biglang pagbabago ng ekspresyon ni Kaisuz. Para bang may hindi ito nagustuhan sa kanyang sinabi, pero hindi niya mawari kung ano.
“Bukas ka pala aalis?” tanong ni Kaisuz, bahagyang tumaas ang kilay nito, tila naguguluhan.
“Oo, sinabi ni Papa kanina. Pero bakit… hindi mo alam?” sagot ni Mia, pinag-aaralan ang reaksyon ng lalaki.
Alam niyang malapit si Kaisuz sa pamilya ni Kristina—sa pamilya na rin niya, kahit pa kailanman ay hindi niya naramdaman na tunay siyang bahagi nito. Pero bakit parang ngayon lang nalaman ni Kaisuz ang tungkol sa pag-alis niya?
Hindi sumagot si Kaisuz. Imbes na ipaliwanag ang kanyang sarili, tumalikod ito, halatang may iniisip.
“Can you give me the address?” malamig na tanong nito habang nakatalikod.
Napapitlag si Mia. Hindi niya alam kung bakit gustong malaman ni Kaisuz ang address ni Mr. Montgomery. May plano ba ito? O gusto lang nitong tiyakin kung saan siya pupunta?
At higit sa lahat… dapat ba niya itong ibigay?
Nananatiling nakatalikod si Kaisuz, si Mia naman ay hindi sigurado kung paano sasagutin ang tanong niya.
“Hindi ko maaring ibigay sa iyo ang address,” mahina ngunit matigas na sagot ni Mia. “Pero bakit mo gustong malaman? Ikakasal ka sa aking kapatid.”
Alam niyang hindi siya dapat makialam, pero hindi niya mapigilang itanong iyon. Hindi niya rin maintindihan kung bakit may kung anong kurot sa kanyang dibdib sa tuwing naririnig niya ang tungkol sa kasal ni Kaisuz at Kristina.
Tahimik lang si Kaisuz. Walang kahit isang sagot na lumabas mula sa kanyang bibig.
Hindi na nag-abala si Mia na maghintay pa ng tugon. Imbes na magpatuloy sa pag-uusap na tila wala namang patutunguhan, nagbalik siya sa kanyang ginagawa at ipinagpatuloy ang paglilinis ng bodega.
“Medyo maalikabok dito, Kaisuz. Kung gusto mong umalis, pwede ka nang umalis,” wika niya nang hindi man lang tumitingin sa lalaki.
Napatango na lang si Kaisuz. Sa isang saglit, tila may gusto pa siyang sabihin, pero pinili na lang niyang manatiling tahimik. Tumalikod siya at dahan-dahang lumabas ng bodega.
Nang tuluyang mawala ang presensya ni Kaisuz, doon lamang bumuntong-hininga si Mia. Hindi niya alam kung bakit, pero parang may kung anong hindi tama sa gabing ito—parang may paparating na hindi niya pa nauunawaan.
At ang tanong na patuloy na umiikot sa kanyang isipan: Bakit gustong malaman ni Kaisuz ang address ni Mr. Montgomery.
Tahimik na lumipas ang dalawang buwan, at nanatiling masipag si Mia gaya ng dati. Ala-onse na ng gabi, ngunit naroon pa rin siya sa sala, nakaupo at tutok na tutok habang sinasagutan ang kanyang math booklet. Sa kabila ng gabi na, malinaw pa rin ang takbo ng kanyang isipan. Sanay na si Mia sa mabilisang pag-intindi, kaya’t mas madalas ay mabilis rin ang takbo ng kanilang pag-aaral. Nagsimula sila sa Ingles, ngunit ngayon ay nakausad na rin sila sa Agham at Matematika.Biglang naputol ang katahimikan ng silid sa marahang pag-angat ng pintuan. Mabilis na napalingon si Mia at nakita niyang pumasok si Nikolai, kasunod ang palaging kalmadong si Claude, ang kanyang butler.“Magandang gabi po, sir,” bati ni Mia nang magalang, agad na tumayo mula sa kanyang pagkakaupo, may halong paggalang at kaunting kaba.“It's already late, and you're still buried in your studies,” ani Nikolai sa kanyang karaniwang malamig ngunit may malasakit na tinig. “You should get some rest. It’s not good to overwork
Pagkatapos kumain nina Mia at Nikolai at mag-order ng take out, nagpasya na silang umuwi sa bahay. Kanina habang nasa labas pa sila, nag-uusap silang dalawa na parang magkaibigan—may kaswal na palitan ng mga salita at paminsan-minsan ay may kasamang tawa. Ngunit pag-uwi nila sa bahay, tila nag-iba ang ihip ng hangin. Para silang mga estranghero na tahimik na pumasok, walang imikan, bawat hakbang ay mabigat at may distansya sa pagitan nila.Pagkarating sa pintuan, bigla na lamang napahinto si Mia sa paglalakad. May gusto siyang sabihin kay Nikolai, ngunit nag-aalangan siya kung paano ito sisimulan. Kita sa kilos niya ang kaba; mahigpit niyang hinawakan ang kanyang kamay na parang doon niya kinukuha ang lakas ng loob. Malalim siyang huminga, sinusubukang pakalmahin ang sarili bago magsalita.“Sir Nikolai, gusto ko pong magpaturo ng Ingles. Gusto ko pong pumasok sa paaralan,” diretsong sambit ni Mia, na may halong pag-asa sa kanyang tinig. Napalingon naman si Nikolai sa kanya, bahagyang
“Kamusta na ang usapan niyo ni Manang Mona?” tanong ni Nikolai kay Mia nang datnan niya itong abala sa kusina, nagluluto ng hapunan. Tahimik ang paligid maliban sa tunog ng kumukulong sabaw at kaluskos ng sangkalan. Ang bango ng niluluto ay agad sumalubong sa kanya—isang masarap na timpla ng bawang, sibuyas, at siguro'y toyo, na tila nagpapahiwatig ng isang simpleng, pero pusong lutuin.“Ha?” tugon ni Mia, na halatang hindi agad naintindihan ang sinabi niya. Napakunot ang noo ni Nikolai at napapikit na lang sa pagkadismaya sa sarili. Masyado siyang nasanay sa Ingles at minsan nakakalimutan niyang hindi pa ganap na bihasa si Mia sa wika.“I’m sorry—” mabilis niyang paghingi ng tawad, sabay bahagyang pagyuko ng ulo bilang paggalang.“Ah… sir, gusto ko po sanang…” nagsimula si Mia, halatang may gusto siyang sabihin ngunit nag-aatubili. Yumuko siya ng kaunti, tila nahihiya, habang patuloy sa paghalo ng niluluto.“Gusto mo ng ano?” tanong ni Nikolai, lumapit ng kaunti habang inaabot ang is
“It’s okay, if you still want to stay here, it’s okay—” mahinahong sabi ni Nikolai, ang boses niya’y puno ng pag-unawa.Ngunit bago pa niya matapos ang sasabihin, mabilis na sumingit si Mia.“Ahh... alis na po ako,” wika niya, halos pabulong, at agad siyang tumalikod, hindi na hinintay pa ang anumang sagot mula kay Nikolai.Tahimik siyang lumakad palabas ng study room. Hindi siya dumiretso sa kanyang kwarto, gaya ng inaasahan. Sa halip, pinili niyang magtungo sa greenhouse—ang tanging lugar sa bahay na nagbibigay sa kanya ng pakiramdam ng pagiging ligtas, tahimik, at malaya. Doon, sa gitna ng mga halaman at amoy ng lupa, nararamdaman niyang hindi siya sinusukat, hindi hinuhusgahan.Umupo siya sa isang sulok, kung saan ang liwanag mula sa buwan ay bahagyang tumatama sa mga dahon ng mga halamang nakapaligid sa kanya. Bitbit pa rin niya ang librong kanina ay hindi niya mabitawan, ngunit sa pagkakataong ito, hindi niya na mabuksan ang pahina.Sinubukan niyang magpatuloy sa pagbasa, pero b
Hindi na nagsalita pa si Mia hanggang sa makauwi sila sa bahay ni Nikolai. Tahimik ang buong biyahe, tila parehong abala sa kani-kanilang iniisip. Si Mia ay nakatanaw lang sa bintana ng sasakyan, pinagmamasdan ang mga dumadaang tanawin, habang si Nikolai naman ay tahimik sa manibela, hindi rin nagbukas ng kahit anong usapan.Hindi niya rin alam kung bakit siya natahimik—maaaring napagod lang siya sa araw, o baka may bagay na gumugulo sa isip niya na hindi pa niya kayang banggitin. Sa likod ng katahimikan ay naroon ang pakiramdam na iyon ang nararapat. Walang pilitang usapan, walang mga tanong na kailangang sagutin.Pagdating nila sa bahay, agad silang sinalubong ng malamig na hangin at ang pamilyar na katahimikan ng lugar. Tumigil si Nikolai sa may pintuan at muling hinarap si Mia.“May inaayos pa sa kwarto mo,” mahinahon niyang sabi. “Kung maaari, sa greenhouse ka muna pansamantala.”Tumango lang si Mia bilang tugon. Wala siyang reklamo. Sanay siyang hindi pinaprioridad, at ang magka
“Anong gusto mong gawin sa bahay, kapag may bakanteng oras ka?” tanong ni Nikolai kay Mia habang inaayos ang tasa ng kape sa harap niya. Simple lang ang tanong, pero may halong interes sa tono niya—gusto niyang malaman ang mga bagay na nagpapasaya sa dalaga, kahit sa pinakasimpleng paraan.Napatingin si Mia kay Nikolai, tila nagulat sa tanong. Sandaling natahimik, saka siya maingat na nagsalita.“Gusto kong matutong magsulat at magbasa, sa wikang Ingles,” sagot niya, diretsong wika, walang pagdadalawang-isip. Sa tono ng kanyang boses ay halatang matagal na niyang ninanais iyon, isang simpleng pangarap na para sa kanya ay tila napakalayo.Ngunit nang mapagtanto niya ang kabuuan ng sinabi niya—na sa edad niya ay hindi pa siya bihasa sa pagbabasa at pagsusulat sa Ingles—napayuko siya agad, at halos ikubli ang mukha. Nahihiya siya sa inamin, parang may malaking kahinaan siyang ibinunyag.“I’m sorry, sir… kung… kung—” nagsimula siyang magsalita, nanginginig ang tinig, tila nag-aalangan kun
“What do you want?” tanong ni Nikolai kay Mia, at napatingin naman si Mia sa lalaki, hindi alam kung ano ang isasagot. Sa halip, nakatingin lang siya sa mga dessert na nasa menu. Gusto niyang tikman lahat—lahat ng kulay, lasa, at texture na naroon—pero alam niyang hindi naman pwede iyon, kaya nanatili siyang tahimik, pinipigilang madala ng tukso.“Pa-order na lang ng isang parfait at saka isang cheesecake,” wika ni Nikolai sa waitress, na agad namang tumango at umalis upang ipasa ang order nila sa kitchen.Umupo silang dalawa sa isang bakanteng mesa na medyo nasa sulok ng café. Tahimik ang paligid, may malamig na hangin mula sa aircon, at tila nakakalamang musika ang umiikot sa background. Habang inaantay ang kanilang order, kinuha ni Nikolai ang cellphone mula sa bulsa at nagsimulang mag-scroll, samantalang si Mia naman ay patingin-tingin sa paligid. Halatang bago pa lang siya sa ganitong klase ng lugar. First time niyang makapasok sa isang café na ganito kaayos, maaliwalas, at kapre
“Halika dito, let me show you some new fabrics,” wika ng may-ari habang masiglang tinawag si Nikolai papalapit sa isang panibagong section ng shop. Sumunod naman si Nikolai, marahan ang bawat hakbang habang nakikiramdam sa paligid.“May mga bagong design kami dito,” dagdag pa ng may-ari habang inilalatag ang ilang papel na may mga sketch. “Exclusive ang mga ito—once na mapili niyo ang design, hindi na namin iyon ibebenta sa iba. Sa inyo lang talaga.”Tahimik na sinuri ni Nikolai ang bawat disenyo. Simple pero elegante ang mga linya ng mga sketch, at sa bawat guhit ay naisip niya kung paano babagay ang mga iyon sa pigura ni Mia. Isa sa mga ito ang agad na humuli sa kanyang atensyon—isang damit na may modernong hiwa pero may tradisyonal na detalye. Kinuha niya ang papel at saka iniangat para makita nang mas maayos.Kasabay nito, tumingin siya sa hanay ng mga tela, at doon ay nahagip ng kanyang paningin ang isang tela na kulay emerald green. Ang texture nito ay makinis at kumikislap sa i
Pagpasok nila sa opisina ay agad silang sinalubong ng ilang kasamahan ni Nikolai—mga empleyado at opisyal na bumati at bahagyang yumuko bilang paggalang. May ilan sa mga ito ang sumulyap kay Mia, at hindi niya maiwasang makaramdam ng matinding pagkailang. Hindi siya sanay sa ganoong atensyon, lalo na't hindi niya alam kung paano siya titingnan ng mga taong nakapaligid kay Nikolai.Tahimik siyang naglakad sa tabi ng binata, pinipilit na huwag pansinin ang mga matang tila nag-uusisa. Ngunit unti-unting bumagal ang kanyang hakbang, at sa likod ng kanyang likas na tahimik na kilos, ay bahagyang yumuko si Mia—parang nais niyang itago ang sarili mula sa mga mapanuring tingin.Napansin iyon ni Nikolai. Saglit siyang tumigil sa paglalakad at tiningnan si Mia, saka bahagyang yumuko upang magsalita sa mahinahong tinig.“Saglit lang tayo dito. Maaga pa naman,” aniya, malamig ngunit may halong pagkalinga ang tinig. “Lapit ka dito para hindi ka mailang.”Nag-angat ng tingin si Mia at tumango. Sumu