Share

Kabanata 2: The Announcement

Author: Yona Dee
last update Last Updated: 2025-03-12 16:03:30

Habang nagwawalis si Mia sa harapan ng kanilang bahay, abala siya sa pag-aalis ng mga dahon at alikabok na nagkalat sa lupa. Mahangin ang umagang iyon, kaya’t paminsan-minsan ay napapatigil siya upang takpan ang kanyang mukha sa dumadaang alikabok.

Sa gitna ng kanyang ginagawa, natanaw niya si Kaisuz na papalapit, may bitbit itong isang paper bag. Hindi niya matukoy kung ano ang laman nito, ngunit halata sa kilos ng lalaki na may nais itong ibigay. Agad na bumilis ang tibok ng kanyang puso, kaya bago pa siya mapansin ni Kaisuz ay agad siyang tumalikod at nagmamadaling pumunta sa kusina, tila iniiwasan ang anumang posibleng pag-uusap sa pagitan nila. Ngunit bago pa siya tuluyang makatalikod, narinig niyang tinawag siya ng binata.

“Mia!”

Napilitan siyang huminto at dahan-dahang lumingon.

“Hi, Mia…” bati ni Kaisuz, halatang may bahagyang hiya sa kanyang tinig. Mahigpit niyang hawak ang paper bag na tila nag-aalinlangan pa kung ibibigay ba o hindi.

Saglit na natigilan si Mia, hindi alam kung tatanggapin ba agad o tatanggi. Nag-aalangan siyang abutin ang paper bag, ngunit nang tingnan niya si Kaisuz, nakita niya ang sinseridad sa mga mata nito—walang halong pag-aalinlangan o pagpilit. Sa huli, dahan-dahan niyang inabot ang ibinigay nito.

“Salamat,” mahina niyang sabi, bahagyang yumuko bilang tanda ng pasasalamat.

Isang saglit na katahimikan ang bumalot sa kanila bago nagsalita muli si Mia.

“Uh, ano pala ang ginagawa mo dito?” tanong niya, sinisikap gawing natural ang usapan.

Bahagyang napakamot ng ulo si Kaisuz bago sumagot, “Uhmm, pinapapunta ako ni Papa dito… kaya pumunta na rin ako.”

Tumango na lang si Mia, hindi na alam kung ano pang sasabihin. Hindi niya sigurado kung dapat pa bang palawakin ang usapan o hayaan na lang matapos doon. Ramdam niya ang bahagyang pagkailang sa pagitan nilang dalawa, ngunit bago pa tuluyang lumalim ang katahimikan, isang pamilyar na boses ang pumukaw sa atensyon ni Kaisuz.

“Kaisuz!”

Napalingon siya sa direksyon ng tumawag. Nakita niya ang kanyang step-sister na si Kristina na nakatayo sa di-kalayuan, nakataas ang isang kamay na tila tinatawag siya para sa isang bagay. Napatingin si Kaisuz sa kanya, halatang nagdadalawang-isip kung lalapit na ba o magpapaiwan pa saglit kay Mia.

“Mauna na ako,” wika ni Kaisuz bago tumalikod kay Mia. Hindi na siya lumingon pa at diretsong naglakad palayo, iniwan si Mia na nakatayo roon, hawak pa rin ang paper bag.

Habang papalapit si Kaisuz kay Kristina, napansin ni Mia ang bahagyang ngisi sa labi nito. Hindi niya mawari kung ano ang ibig ipahiwatig ng kanyang step-sister, ngunit hindi rin niya ito binigyang masyadong pansin at umalis na siya at saka nagtungo sa kitchen.

“Ang bait mo talaga,” biglang sabi ni Kristina, may kung anong tono sa kanyang boses na hindi matukoy ni Kaisuz. “You really took pity on that girl.”

Napakunot ang noo ni Kaisuz, hindi sigurado kung paano sasagutin ang sinabi nito. Ngunit sa halip na magkomento, pinili na lang niyang manahimik at sumunod kay Kristina, na ngayon ay patungo sa isang greenhouse.

Pagdating nila roon, bumungad sa kanya ang mga magulang ni Kristina—ang kanyang ama at ang ina nito. Napapaligiran ang lugar ng matataas na halaman at iba’t ibang uri ng bulaklak, na binigyan ng natural na liwanag ng araw na dumadaloy sa malalaking bintana ng greenhouse.

“Good thing you’re here, hijo. You can sit,” bati ng ama ni Kristina habang itinuro ang isang upuan malapit sa bintana. Tumango naman si Kaisuz at marahang umupo, pilit na isinasaayos ang kanyang sarili upang maging komportable.

Habang nakaupo, pasulyap-sulyap siyang lumilingon sa paligid, umaasang masisilayan muli si Mia. Hindi niya maipaliwanag kung bakit, pero tila may bumabagabag sa kanya mula nang iwan niya ito kanina. Ngunit sa kabila ng kanyang paghahanap, wala siyang nakita—nabigo lamang siya.

“What are you looking around for, Kaisuz?” biglang tanong ni Kristina. Nagulat siya nang mapansing nakaupo na pala ito sa tabi niya, hindi niya man lang namalayan ang paglapit nito.

Saglit siyang natigilan bago sumagot. “Diba hindi mo ba gusto ang pwestong ito? Masyadong expose sa araw ang parteng ito,” tanong niya, sinusubukang ibaling ang usapan.

“Hmm…” saglit na nag-isip si Kristina bago sumagot. “I’m just trying to appreciate this space, and now I conclude why you like to be here as always…”

Sa paghinto ng wika ni Kristina, hindi maiwasan ni Kaisuz na makaramdam ng kaba. May kakaibang bigat sa tono nito, pero hindi niya tiyak kung bakit.

Ngunit tila hindi na iyon pinansin ni Kristina at muling ngumiti. “Maganda rin kasi ang view dito. Like, look—you can see the pool and the palm trees,” dagdag pa nito.

Dahil doon, unti-unting nawala ang kaba sa dibdib ni Kaisuz. Tumango siya, saka muling sumulyap sa malawak na tanawin sa labas ng greenhouse. Ngunit kahit anong pilit niyang ituon ang pansin sa paligid, hindi niya maiwasang bumalik sa isip niya si Mia. Ano na kaya ang ginagawa nito ngayon?

Naputol ang kanyang pag-iisip nang marinig niya ang malalim na tinig ng ama ni Kristina.

“Hana, papuntahin mo si Mia dito,” utos nito sa katulong. Tumango naman si Hana bago agad lumabas upang sunduin ang dalaga.

Samantala, nanatiling tahimik si Kaisuz. Hindi na siya nagtanong kung bakit pinapatawag si Mia, pero lihim siyang nagtataka. Si Kristina naman, sa halip na magtanong, ay biglang napangiti, na para bang alam na alam na niya ang mangyayari.

Napansin ng kanilang ama ang hindi maipintang saya sa mukha ni Kristina. “Are you sick, Kristina? Panay ang ngiti mo,” tanong nito, bahagyang nakakunot ang noo.

Tumaas naman ang kilay ng dalaga, kunwari’y nagtataka rin sa sinabi ng ama. “Are you serious, Dad? I’m just happy,” sagot niya, sabay kibit-balikat. “At mas lalo akong masisiyahan kung bibigyan mo ako ng pera para makapag-shopping sa bagong boutique.”

Napailing na lang ang kanyang ama habang ang ina naman nila ay napatawa sa kaprangkahan ng anak.

“Kristina, you shouldn’t talk to your father in that way,” saway ni Kaisuz sa babae, halatang hindi natuwa sa biro nito.

Agad namang napatingin si Kristina sa kanya, hindi makapaniwalang pinagsabihan siya ni Kaisuz. “I’m just saying—”

“Kristina!” mariing tawag ng kanilang ama, dahilan para maputol ang sasabihin niya.

Napakibit-balikat na lang si Kristina at hindi na nagsalita pa, ngunit nanatili ang ngiti sa kanyang labi. Halatang may iniisip siyang ikinasasaya niya, at hindi iyon nakaligtas sa paningin ni Kaisuz. Ramdam niya na may binabalak ito, ngunit hindi pa niya tiyak kung ano.

Maya-maya pa, bumukas ang pinto ng greenhouse at pumasok si Hana, ang kanilang kasambahay. Yumuko ito nang bahagya bago nagsalita.

“Sir, nandito na po si Mia.”

Agad na pumasok si Mia, halatang nag-aalangan at hindi sigurado kung bakit siya naroon. Sinulyapan niya si Kaisuz, ngunit hindi siya nagtagal sa pagtitig dito. Hindi rin niya napigilan ang bahagyang pagkunot ng kanyang noo nang mapansing nakataas ang kilay ni Kristina.

Maya-maya pa, dumating ang sandaling nagpahinto sa lahat.

“Everyone is here,” basag ng ama ni Kristina sa katahimikan. Malamig at pormal ang kanyang tinig, tila wala siyang intensyong pagtagalin pa ang usapan. “So I’ll announce now—”

Saglit siyang tumigil, nilingon ang bawat isa sa silid bago itinuloy ang sasabihin.

“Ikakasal si Kristina sa'yo, Kaisuz.”

Halos mapalunok si Kaisuz. Napatingin siya sa matanda, hindi makapaniwala sa narinig. Si Kristina naman ay hindi maitago ang ngiti, para bang matagal na niyang alam ang balitang ito.

Ngunit ang sumunod na sinabi ng kanyang ama ang lalong nagpagulo sa sitwasyon.

“At ikaw naman, Mia… Ikakasal ka kay Mr. Montgomery.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Contract Marriage: How To Love My Husband To Be   Kabanata 23: Mia's Improvement

    Tahimik na lumipas ang dalawang buwan, at nanatiling masipag si Mia gaya ng dati. Ala-onse na ng gabi, ngunit naroon pa rin siya sa sala, nakaupo at tutok na tutok habang sinasagutan ang kanyang math booklet. Sa kabila ng gabi na, malinaw pa rin ang takbo ng kanyang isipan. Sanay na si Mia sa mabilisang pag-intindi, kaya’t mas madalas ay mabilis rin ang takbo ng kanilang pag-aaral. Nagsimula sila sa Ingles, ngunit ngayon ay nakausad na rin sila sa Agham at Matematika.Biglang naputol ang katahimikan ng silid sa marahang pag-angat ng pintuan. Mabilis na napalingon si Mia at nakita niyang pumasok si Nikolai, kasunod ang palaging kalmadong si Claude, ang kanyang butler.“Magandang gabi po, sir,” bati ni Mia nang magalang, agad na tumayo mula sa kanyang pagkakaupo, may halong paggalang at kaunting kaba.“It's already late, and you're still buried in your studies,” ani Nikolai sa kanyang karaniwang malamig ngunit may malasakit na tinig. “You should get some rest. It’s not good to overwork

  • Contract Marriage: How To Love My Husband To Be   Kabanata 22: Mia's First Tutoring Session

    Pagkatapos kumain nina Mia at Nikolai at mag-order ng take out, nagpasya na silang umuwi sa bahay. Kanina habang nasa labas pa sila, nag-uusap silang dalawa na parang magkaibigan—may kaswal na palitan ng mga salita at paminsan-minsan ay may kasamang tawa. Ngunit pag-uwi nila sa bahay, tila nag-iba ang ihip ng hangin. Para silang mga estranghero na tahimik na pumasok, walang imikan, bawat hakbang ay mabigat at may distansya sa pagitan nila.Pagkarating sa pintuan, bigla na lamang napahinto si Mia sa paglalakad. May gusto siyang sabihin kay Nikolai, ngunit nag-aalangan siya kung paano ito sisimulan. Kita sa kilos niya ang kaba; mahigpit niyang hinawakan ang kanyang kamay na parang doon niya kinukuha ang lakas ng loob. Malalim siyang huminga, sinusubukang pakalmahin ang sarili bago magsalita.“Sir Nikolai, gusto ko pong magpaturo ng Ingles. Gusto ko pong pumasok sa paaralan,” diretsong sambit ni Mia, na may halong pag-asa sa kanyang tinig. Napalingon naman si Nikolai sa kanya, bahagyang

  • Contract Marriage: How To Love My Husband To Be   Kabanata 21: Night Out

    “Kamusta na ang usapan niyo ni Manang Mona?” tanong ni Nikolai kay Mia nang datnan niya itong abala sa kusina, nagluluto ng hapunan. Tahimik ang paligid maliban sa tunog ng kumukulong sabaw at kaluskos ng sangkalan. Ang bango ng niluluto ay agad sumalubong sa kanya—isang masarap na timpla ng bawang, sibuyas, at siguro'y toyo, na tila nagpapahiwatig ng isang simpleng, pero pusong lutuin.“Ha?” tugon ni Mia, na halatang hindi agad naintindihan ang sinabi niya. Napakunot ang noo ni Nikolai at napapikit na lang sa pagkadismaya sa sarili. Masyado siyang nasanay sa Ingles at minsan nakakalimutan niyang hindi pa ganap na bihasa si Mia sa wika.“I’m sorry—” mabilis niyang paghingi ng tawad, sabay bahagyang pagyuko ng ulo bilang paggalang.“Ah… sir, gusto ko po sanang…” nagsimula si Mia, halatang may gusto siyang sabihin ngunit nag-aatubili. Yumuko siya ng kaunti, tila nahihiya, habang patuloy sa paghalo ng niluluto.“Gusto mo ng ano?” tanong ni Nikolai, lumapit ng kaunti habang inaabot ang is

  • Contract Marriage: How To Love My Husband To Be   Kabanata 20: Girls Time

    “It’s okay, if you still want to stay here, it’s okay—” mahinahong sabi ni Nikolai, ang boses niya’y puno ng pag-unawa.Ngunit bago pa niya matapos ang sasabihin, mabilis na sumingit si Mia.“Ahh... alis na po ako,” wika niya, halos pabulong, at agad siyang tumalikod, hindi na hinintay pa ang anumang sagot mula kay Nikolai.Tahimik siyang lumakad palabas ng study room. Hindi siya dumiretso sa kanyang kwarto, gaya ng inaasahan. Sa halip, pinili niyang magtungo sa greenhouse—ang tanging lugar sa bahay na nagbibigay sa kanya ng pakiramdam ng pagiging ligtas, tahimik, at malaya. Doon, sa gitna ng mga halaman at amoy ng lupa, nararamdaman niyang hindi siya sinusukat, hindi hinuhusgahan.Umupo siya sa isang sulok, kung saan ang liwanag mula sa buwan ay bahagyang tumatama sa mga dahon ng mga halamang nakapaligid sa kanya. Bitbit pa rin niya ang librong kanina ay hindi niya mabitawan, ngunit sa pagkakataong ito, hindi niya na mabuksan ang pahina.Sinubukan niyang magpatuloy sa pagbasa, pero b

  • Contract Marriage: How To Love My Husband To Be   Kabanata 19: Cute Moments

    Hindi na nagsalita pa si Mia hanggang sa makauwi sila sa bahay ni Nikolai. Tahimik ang buong biyahe, tila parehong abala sa kani-kanilang iniisip. Si Mia ay nakatanaw lang sa bintana ng sasakyan, pinagmamasdan ang mga dumadaang tanawin, habang si Nikolai naman ay tahimik sa manibela, hindi rin nagbukas ng kahit anong usapan.Hindi niya rin alam kung bakit siya natahimik—maaaring napagod lang siya sa araw, o baka may bagay na gumugulo sa isip niya na hindi pa niya kayang banggitin. Sa likod ng katahimikan ay naroon ang pakiramdam na iyon ang nararapat. Walang pilitang usapan, walang mga tanong na kailangang sagutin.Pagdating nila sa bahay, agad silang sinalubong ng malamig na hangin at ang pamilyar na katahimikan ng lugar. Tumigil si Nikolai sa may pintuan at muling hinarap si Mia.“May inaayos pa sa kwarto mo,” mahinahon niyang sabi. “Kung maaari, sa greenhouse ka muna pansamantala.”Tumango lang si Mia bilang tugon. Wala siyang reklamo. Sanay siyang hindi pinaprioridad, at ang magka

  • Contract Marriage: How To Love My Husband To Be   Kabanata 18: Something Is Suspicious?

    “Anong gusto mong gawin sa bahay, kapag may bakanteng oras ka?” tanong ni Nikolai kay Mia habang inaayos ang tasa ng kape sa harap niya. Simple lang ang tanong, pero may halong interes sa tono niya—gusto niyang malaman ang mga bagay na nagpapasaya sa dalaga, kahit sa pinakasimpleng paraan.Napatingin si Mia kay Nikolai, tila nagulat sa tanong. Sandaling natahimik, saka siya maingat na nagsalita.“Gusto kong matutong magsulat at magbasa, sa wikang Ingles,” sagot niya, diretsong wika, walang pagdadalawang-isip. Sa tono ng kanyang boses ay halatang matagal na niyang ninanais iyon, isang simpleng pangarap na para sa kanya ay tila napakalayo.Ngunit nang mapagtanto niya ang kabuuan ng sinabi niya—na sa edad niya ay hindi pa siya bihasa sa pagbabasa at pagsusulat sa Ingles—napayuko siya agad, at halos ikubli ang mukha. Nahihiya siya sa inamin, parang may malaking kahinaan siyang ibinunyag.“I’m sorry, sir… kung… kung—” nagsimula siyang magsalita, nanginginig ang tinig, tila nag-aalangan kun

  • Contract Marriage: How To Love My Husband To Be   Kabanata 17: Deep Talk

    “What do you want?” tanong ni Nikolai kay Mia, at napatingin naman si Mia sa lalaki, hindi alam kung ano ang isasagot. Sa halip, nakatingin lang siya sa mga dessert na nasa menu. Gusto niyang tikman lahat—lahat ng kulay, lasa, at texture na naroon—pero alam niyang hindi naman pwede iyon, kaya nanatili siyang tahimik, pinipigilang madala ng tukso.“Pa-order na lang ng isang parfait at saka isang cheesecake,” wika ni Nikolai sa waitress, na agad namang tumango at umalis upang ipasa ang order nila sa kitchen.Umupo silang dalawa sa isang bakanteng mesa na medyo nasa sulok ng café. Tahimik ang paligid, may malamig na hangin mula sa aircon, at tila nakakalamang musika ang umiikot sa background. Habang inaantay ang kanilang order, kinuha ni Nikolai ang cellphone mula sa bulsa at nagsimulang mag-scroll, samantalang si Mia naman ay patingin-tingin sa paligid. Halatang bago pa lang siya sa ganitong klase ng lugar. First time niyang makapasok sa isang café na ganito kaayos, maaliwalas, at kapre

  • Contract Marriage: How To Love My Husband To Be   Kabanata 16: It's Just You Deserve Everything

    “Halika dito, let me show you some new fabrics,” wika ng may-ari habang masiglang tinawag si Nikolai papalapit sa isang panibagong section ng shop. Sumunod naman si Nikolai, marahan ang bawat hakbang habang nakikiramdam sa paligid.“May mga bagong design kami dito,” dagdag pa ng may-ari habang inilalatag ang ilang papel na may mga sketch. “Exclusive ang mga ito—once na mapili niyo ang design, hindi na namin iyon ibebenta sa iba. Sa inyo lang talaga.”Tahimik na sinuri ni Nikolai ang bawat disenyo. Simple pero elegante ang mga linya ng mga sketch, at sa bawat guhit ay naisip niya kung paano babagay ang mga iyon sa pigura ni Mia. Isa sa mga ito ang agad na humuli sa kanyang atensyon—isang damit na may modernong hiwa pero may tradisyonal na detalye. Kinuha niya ang papel at saka iniangat para makita nang mas maayos.Kasabay nito, tumingin siya sa hanay ng mga tela, at doon ay nahagip ng kanyang paningin ang isang tela na kulay emerald green. Ang texture nito ay makinis at kumikislap sa i

  • Contract Marriage: How To Love My Husband To Be   Kabanata 15: Is She Your New Fiance?

    Pagpasok nila sa opisina ay agad silang sinalubong ng ilang kasamahan ni Nikolai—mga empleyado at opisyal na bumati at bahagyang yumuko bilang paggalang. May ilan sa mga ito ang sumulyap kay Mia, at hindi niya maiwasang makaramdam ng matinding pagkailang. Hindi siya sanay sa ganoong atensyon, lalo na't hindi niya alam kung paano siya titingnan ng mga taong nakapaligid kay Nikolai.Tahimik siyang naglakad sa tabi ng binata, pinipilit na huwag pansinin ang mga matang tila nag-uusisa. Ngunit unti-unting bumagal ang kanyang hakbang, at sa likod ng kanyang likas na tahimik na kilos, ay bahagyang yumuko si Mia—parang nais niyang itago ang sarili mula sa mga mapanuring tingin.Napansin iyon ni Nikolai. Saglit siyang tumigil sa paglalakad at tiningnan si Mia, saka bahagyang yumuko upang magsalita sa mahinahong tinig.“Saglit lang tayo dito. Maaga pa naman,” aniya, malamig ngunit may halong pagkalinga ang tinig. “Lapit ka dito para hindi ka mailang.”Nag-angat ng tingin si Mia at tumango. Sumu

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status