Share

Kabanata 4: Send Off

Author: Yona Dee
last update Huling Na-update: 2025-03-12 16:04:53

Matapos tapusin ang paglilinis sa bodega, bumalik na si Mia sa kanyang kwarto. Tahimik siyang pumasok at isinara ang pinto, pakiramdam niya ay parang isang buong araw na siyang pagod kahit hindi pa lumulubog ang araw.

Umupo siya sa isang sulok ng kanyang maliit na silid, hinayaan ang sarili niyang titigan ang bag na magdadala ng kakaunti niyang gamit sa bagong buhay na naghihintay sa kanya. Isang pantulog, dalawang maid uniform, at ilang piraso ng underwear—iyon lang ang meron siya. Hindi niya alam kung paano siya magsisimula sa bagong bahay, sa piling ng lalaking hindi niya pa nakikita ni minsan.

Habang nakapako ang kanyang tingin sa bag, biglang bumukas ang pintuan. Napatingin siya at nakita si Hana, isa sa mga kasambahay sa mansyon. May dala itong isang paper bag at isang dress na maingat na nakabalot sa tela. Hindi niya matukoy kung anong klaseng tela iyon, basta alam niyang mukhang mamahalin.

“Ito ang isusuot mo bukas, Mia,” malamig na wika ni Hana habang inilalapag ang dala sa kama ni Mia.

Sandaling tumitig si Mia sa damit na nakalatag sa kama. Isang mapait na ngiti ang gumuhit sa kanyang labi. Alam niya kung para saan ito, ngunit iba ang kahulugan ng kanyang tanong.

“Para saan ito?” mahina niyang tanong, hindi talaga humihingi ng sagot kundi sinusubukan lang unawain ang bigat ng kanyang sitwasyon.

Hindi na siya sinagot ni Hana. Imbes, tahimik lang itong tumalikod at lumabas ng kwarto, iniwan siyang nag-iisa.

Nang tuluyang magsara ang pinto, marahan niyang dinampot ang damit at pinagmasdan ito. Isa itong knee-length beige spaghetti strap dress—simple pero elegante, isang bagay na hindi niya inaasahang isusuot niya. Binuksan niya ang paper bag at nakita ang isang pares ng white 2-inch sandals. Hindi niya alam kung paano niya ipapaliwanag ang nararamdaman niya. Hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa na kahit papaano ay binigyan siya ng maayos na damit, o kung mas lalo lang niyang dapat maramdaman ang lungkot dahil alam niyang hindi ito isang ordinaryong bihis—ito ay isang simbolo ng kanyang pag-alis, ng kanyang bagong buhay sa piling ng isang lalaking hindi niya pa kilala.

Napabuntong-hininga siya, hinayaang lamunin ng bigat ang kanyang dibdib. Bukas, magbabago na ang lahat.

Sa wakas, hindi na niya kailangang magtiis sa pagmamaliit ng kanyang ama, ng kanyang madrasta, at ng kanyang stepsister. Hindi na niya maririnig ang malalamig na salita ng kanyang ama na tila isang patalim na paulit-ulit siyang hinihiwa. Hindi na niya mararamdaman ang mapanirang tingin ng kanyang madrasta at ang mapang-asar na ngiti ni Kristina. Ngunit kahit na aalis siya sa impyernong ito, hindi niya pa rin alam kung anong klaseng buhay ang naghihintay sa kanya bukas.

Si Mr. Montgomery.

Isang pangalan na nagdadala ng takot sa buong bayan. Isang lalaking ni hindi niya pa nakikita, ngunit may mga bulung-bulungan tungkol sa kanya—na isa itong malupit, estrikto, at walang pusong tao. Ilang beses na rin niyang narinig ang mga kasambahay na palihim na nag-uusap tungkol sa kanya, sinasabing kahit ang pinakamayaman at pinakamakapangyarihang negosyante sa bayan ay takot humarap kay Mr. Montgomery.

At ngayon, magiging asawa na niya ito.

Napailing na lang siya at dahan-dahang isinabit ang kanyang damit sa dingding. Walang saysay ang pag-iisip niya tungkol sa mga bagay na wala na siyang magagawa. Ang tanging magagawa niya ngayon ay harapin kung ano ang nakatakda para sa kanya.

Sa halip na magpakalunod sa kanyang iniisip, nagpasya siyang bumalik sa kusina upang maglinis at maghanda na rin ng hapunan. Habang abala sa kanyang ginagawa, narinig niya ang usapan ng ibang kasambahay—may dadating daw na bisita ngayong gabi.

Siya lang ang hindi nagulat nang marinig niyang ang kanyang lola—ang ina ng kanyang ama—ay darating upang bumisita. Sanay na siya sa ganitong pangyayari. Tuwing dumarating ang kanyang lola, pinapabihis siya ng marangyang damit, tila ipinapakita sa matanda na maayos ang kalagayan niya rito. Ngunit pagkatapos ng kanilang hapunan, agad na ipinahuhubad iyon ng kanyang madrasta at ipinamimigay sa mga kasambahay. Mas nakakahiya pa nga kapag pinapahubad iyon sa harap mismo ng mga kasambahay, kaya minsan ay iniiwasan niya ito sa pamamagitan ng pagdadahilan na hindi maganda ang kanyang pakiramdam. Palihim niyang huhubarin ang damit sa kanyang kwarto bago pa siya ipahiya ng kanyang madrasta sa harapan ng lahat.

Habang nagluluto siya, lumapit sa kanya si Hana, ang isa sa mga kasambahay, may dala itong paper bag. “Mia, pupunta dito ang lola mo. Magbihis ka. Heto, suotin mo ito.”

Tahimik niyang kinuha ang paper bag at binuksan ito. Isang simpleng blouse, trouser, at flat sandals ang nasa loob. Mas maayos naman ito kumpara sa kanyang mga lumang damit, kaya wala siyang reklamo.

Pumasok siya sa kanyang kwarto at nagbihis. Mabilis lang siyang nagpalit, tiningnan ang sarili sa maliit na basag na salamin sa sulok, at napansin kung paano kahit papaano ay bumagay sa kanya ang damit. Ngunit hindi iyon nagtagal. Hindi naman ako nagpapaganda para sa sarili ko. Isa lang itong palabas.

Bumalik siya sa kusina upang tapusin ang paghahanda ng hapunan. Hindi pa man sila tapos ay dumating na ang butler ng kanyang lola—si Mira.

“Ms. Mia, hinahanap po kayo ni Ma’am.”

Tumango siya, mabilis na hinubad ang apron at iniwan ang trabaho sa kamay ni Manang Felice. “Sige, Manang Felice, alis muna ako. Malapit na po iyang matapos, pakihain na lang po.”

At saka siya sumunod kay Mira, patungo sa sala kung saan naghihintay ang kanyang lola.

Pagdating niya roon, bumungad sa kanya ang matandang babae na kahit may edad na ay hindi pa rin nawawalan ng dignidad at tikas. Eleganteng naka-upo ito sa malambot na sofa, may hawak na tasa ng tsaa habang nakangiti sa kanya.

“Oh, my dear apo!” Masayang bati nito. “Congratulations on your engagement!”

Kasabay ng mga salitang iyon, hinila siya ng kanyang lola sa isang mahigpit na yakap. Ramdam niya ang init at lambing sa yakap nito—isang bagay na bihira niyang maranasan sa loob ng bahay na ito. Ngunit sa kabila ng yakap, may kirot sa kanyang puso.

“Thank you po,” mahinang wika niya, pilit na pinipigil ang paminsang pagsikip ng kanyang lalamunan.

Napataas naman ang kilay ng matanda at bahagyang lumayo upang tingnan siya sa mukha. “You’re not happy with your engagement?” may halong pagtatakang tanong nito.

Mabilis siyang umiling. “I am, lola.” Pilit niyang inipit ang emosyon sa kanyang boses at ngumiti nang bahagya. “By the way, lola, aalis na ako here bukas—”

“What? You’re leaving?” Naputol ang kanyang sasabihin nang magtaas ng boses ang matanda. Kita sa mukha nito ang pagkagulat at pag-aalala. “Why?”

Napalunok siya, agad na naghanap ng maisasagot. “Uhmm—”

Ngunit bago pa siya makapagpaliwanag, isang malamig na boses ang pumuno sa silid.

“Oh, Mama, you're here. Bakit hindi mo kami tinawagan?”

Napatingin sila sa direksyon ng kanyang ama, na kararating lang kasama ang kanyang madrasta at ang palaging nakangising si Kristina. Sa likod ng kanyang ama, nakataas ang isang kilay ng kanyang madrasta, samantalang si Kristina naman ay may pagmamataas na ekspresyon, tila natutuwa na siya ang sentro ng atensyon ngayong gabi.

“I thought you're busy, hindi ko kayo ma-contact.” paliwanag ng kanyang lola, ngunit halata sa tono nito ang bahagyang inis.

“I see,” malamig na sagot ng kanyang ama, hindi man lang siya nilingon nito. Parang wala siyang halaga, parang isa lang siyang anino sa harapan ng kanyang sariling pamilya.

Napabuntong-hininga na lang si Mia bago niya muling nilingon ang kanyang lola. Hindi niya na gustong manatili pa roon.

“I’ll go to the kitchen muna, lola. I-prepare ko lang po ang pagkain,” wika niya, at tumango naman ang matanda.

Dali-dali siyang nagtungo sa kusina, hinayaan ang sarili na saglit na huminga nang maluwag. Nakita niyang halos tapos na ang mga kasambahay sa paghahanda ng hapunan, kaya agad siyang tumulong sa pag-aayos ng huling detalye. Sa ganitong paraan, kahit papaano ay naibaling niya ang isip sa ibang bagay—kahit saglit lang.

Nang natapos na ang lahat, bumalik siya sa dining area at tinawag ang kanyang lola upang kumain na. Sa hapag-kainan, magkatabi silang dalawa ng matanda, at habang abala ito sa pakikipag-usap tungkol sa kanyang engagement, nanatili lang siyang tahimik, kumakain nang mahinahon. Wala siyang balak makisali sa usapan, lalo pa at ang pinag-uusapan ay ang bagay na pilit niyang iniiwasan sa kanyang isipan—ang kasal niya kay Mr. Montgomery.

Nang matapos na siyang kumain, maingat siyang tumayo. “Mauna na ho ako sa kwarto, masama kasi ang aking pakiramdam,” wika niya, pilit na nilalagyan ng pagod ang kanyang boses.

Napatingin sa kanya ang kanyang lola, halata ang pag-aalala sa mukha nito. “You always feel unwell kapag nandito ako. Are you okay?”

Pinilit niyang ngumiti upang maibsan ang pag-aalala ng matanda. “Yes po, need ko lang po ng pahinga,” sagot niya, at kahit na mukhang hindi kumbinsido ang kanyang lola, tumango na lamang ito at hindi na nagtanong pa.

Pagkapasok niya sa kanyang kwarto, agad niyang hinubad ang kanyang damit at maingat na ibinalik ito sa paper bag. Ito ang nakasanayan niya—ang hubarin ang damit na ipinapasuot sa kanya kapag umalis na ang kanyang lola. Para siyang isang manikang pinapaganda para sa isang palabas, tapos ay muling ibinabalik sa pagiging ordinaryo sa sandaling matapos ang palabas.

Napabuntong-hininga siya bago tumungo sa maliit na lababo upang magsipilyo. Nang matapos siya, humiga siya sa kanyang kama at isiniksik ang sarili sa lumang kumot na nagbibigay ng kaunting init sa malamig na gabing iyon.

Ngunit bago pa siya tuluyang makatulog, bumukas ang kanyang pintuan.

Nagulat siya nang makita si Hana, nakaupo sa gilid ng kanyang kama, hawak ang paper bag na naglalaman ng kanyang damit.

“Bring that clothes with you, Mia… pinag-ipunan pa namin iyan ng mga kasamahan ko,” mahina ngunit puno ng sinseridad na wika ni Hana.

Napangiti siya, halos maluha sa ginawang kabutihan ng kasambahay. Hindi niya inaasahan ito.

Muli niyang tiningnan ang damit na ibinigay sa kanya—hindi ito marangyang kasuotan, ngunit para sa kanya, isa itong bagay na puno ng pagmamahal mula sa mga taong tunay na nagmamalasakit sa kanya.

Mahinang bumuntong-hininga si Mia at niyakap si Hana. “Thank you.”

Pagkatapos mag-usap nina Mia at Hana, tumayo na ang kasambahay at marahang lumabas ng kwarto. Isinara nito ang pinto at sinigurong patay ang ilaw, iniwang nakabalot sa kadiliman si Mia. Ngunit kahit nakahiga na siya sa kanyang kama, hindi pa rin siya dalawin ng antok.

Sa loob ng katahimikan ng gabi, nakikinig siya sa mahihinang yabag ng mga kasambahay na patuloy sa kanilang trabaho, marahil naghahanda na para sa susunod na araw. Inilagay niya ang isang braso sa kanyang noo, pilit na inaalis ang mga gumugulo sa kanyang isipan. Ang lahat ng nangyari sa araw na iyon—ang pagbisita ng kanyang lola, ang pakiramdam ng pagiging walang halaga sa harap ng kanyang pamilya, at ang regalong damit mula sa mga kasambahay—ay bumabalik sa kanya na parang isang panaginip.

Nang may marinig siyang mahinang katok sa kanyang pinto, agad siyang pumikit at nagpanggap na natutulog. Hindi siya sigurado kung sino iyon—baka ang kanyang madrasta o si Kristina, o baka isa sa mga kasambahay na may gustong sabihin. Ngunit wala siyang lakas na harapin pa ang kahit sino sa mga oras na iyon. Ilang sandali pa, hindi na muling kumatok ang tao sa labas ng kanyang kwarto.

Kinabukasan, nagising siya nang mas maaga pa sa sikat ng araw. Tahimik pa ang buong bahay, at ang tanging ingay na maririnig niya ay ang mahihinang tunog ng kanyang sariling paghinga. Tumayo siya mula sa kanyang kama, tinapakan ang malamig na sahig, at inabot ang kanyang bag na maingat niyang inihanda kagabi.

Lumabas siya ng kwarto, at tulad ng inaasahan, madilim pa ang mahabang pasilyo ng mansyon. Ang bawat yapak niya ay nag-iiwan ng mahina ngunit malinaw na tunog sa makintab na sahig. Pakiramdam niya ay para siyang multong gumagala sa isang lugar na matagal nang hindi kanya.

Sa pagdating niya sa kusina, natagpuan niya ang mga kasambahay na abala na sa kanilang mga gawain. Kahit madaling araw pa lamang, masigla ang kanilang mga kilos—tila sanay na sanay na sa ganitong klase ng umaga.

Napansin agad siya ni Hana, na nakatayo sa may kalan habang naghahalo ng sopas. “Good morning, Mia!” Masigla itong bumati, kahit halata ang pagod sa kanyang mukha.

“Good morning,” sagot niya pabalik, pilit na nginitian ang kasambahay.

Mula naman sa isang tabi, lumapit si Manang Felice, ang pinakamatandang kasambahay sa mansyon. “Hay naku, ineng, maligo ka na. Para maaga kang makaalis. Malayo-layo rin ang bahay ni Mr. Montgomery, at ayaw mo namang maglakbay nang madumi at hindi maayos, hindi ba?” may pag-aalalang sabi nito.

Tumango siya bilang tugon. “Opo, Manang.”

Alam niyang tama ang matanda. Kahit na hindi niya alam kung ano ang naghihintay sa kanya sa bagong bahay na pupuntahan niya, mas mabuti nang maging handa. Kaya bumalik siya sa kanyang kwarto, kinuha ang tuwalya at damit, at nagmadaling maligo. Ang tubig ay malamig, ngunit nagbigay ito ng kakaibang ginhawa sa kanya. Parang nilinis nito hindi lang ang kanyang katawan, kundi pati ang mabigat na pakiramdam sa kanyang dibdib.

Nang siya ay makatapos, nagbihis siya ng maayos at binalikan ang kanyang bag. Pagbalik niya sa kusina, inabutan siya ni Hana ng dalawang lunch bag na may lamang pagkain.

“Heto, Mia. Baon mo ‘yan sa biyahe. Hindi namin alam kung paano ang lagay mo sa bahay ni Mr. Montgomery, kaya mas mabuting may dala kang pagkain.”

Kinuha niya ito at mahigpit na niyakap si Hana. “Salamat, Hana. Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala kayo.”

Hinawakan ni Hana ang kanyang balikat at pilit na ngumiti, kahit halata sa kanyang mga mata na nalulungkot siya sa pag-alis ni Mia. “Basta tandaan mo, hindi ka nag-iisa. Kapag may problema ka, alam mo kung saan mo kami matatagpuan.”

Tumango siya, pilit na nilalabanan ang pamumuo ng luha sa kanyang mga mata.

“Umalis ka na bago ka pa abutan ng madrasta at kapatid mo,” dagdag pa ni Hana, at mabilis siyang sumunod.

Bitbit ang kanyang bag at ang binigay na pagkain, nagsimula siyang maglakad palabas ng mansyon. Habang tinatahak niya ang mahabang daan papunta sa gate, hindi niya maiwasang mapansin kung gaano ito kakalma. Dati, tila napakalaki at napakabigat ng lugar na ito para sa kanya. Parang isang kulungan na hindi niya matakasan.

Ngunit ngayon, malaya na siyang lumalabas.

Pagdating niya sa tarangkahan, huminto siya sandali at lumingon sa mansyon.

Napabuntong-hininga siya, marahang ipinikit ang kanyang mga mata. Matapos ang labingwalong taon, sa wakas ay nakalabas din siya sa lugar na matagal nang naging kulungan niya.

Sa mahina ngunit matatag na boses, bumulong siya, “Bye for now, Mama.”

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Contract Marriage: How To Love My Husband To Be   Kabanata 26: More Than Words

    Pagdating nila sa eskwelahan, medyo kinakabahan pa si Mia. Napatingin siya sa paligid—maraming estudyante ang nasa campus. Ang iba ay kasama ang kanilang mga magulang o guardian, habang ang iba naman ay nagkukumpulan na, mga estudyanteng nagkasundong sabay mag-enroll para sa paparating na pasukan."Ito pala ang paaralan? Ang daming estudyante," wika ni Mia sa kanyang sarili. Napansin din niya na maraming nakatingin sa kanila—hindi talaga sa kanya, kundi kay Nikolai. Napabuntong-hininga na lang siya at marahang napailing."Are you okay?" tanong ni Nikolai, marahil ay napansin ang marahan niyang pag-iling."Uhmm... Ayos lang ako," sagot ni Mia, at napahinto sila sa kanilang paglalakad. Malaki ang campus, at hindi alam ni Mia kung saan sila dapat pumunta."This school really changed a lot. Hindi na siya katulad ng dati," wika ni Nikolai habang nakatingin sa paligid, waring may inaalala. Hindi alam ni Mia kung ano ang nasa isip nito."Magtanong na lang muna tayo sa help desk," dagdag pa ni

  • Contract Marriage: How To Love My Husband To Be   Kabanata 25: A Quiet Kind of Care

    “The new academic year is going to start. Have you decided which school you’re going to attend?” tanong ni Nikolai habang magkasalo sila ni Mia sa hapag-kainan, ang kanyang tinig ay kalmado, ngunit may halong pag-aalalang hindi niya maitatago.“Wala pa akong napagpilian,” sagot ni Mia, sabay subo ng kanin. “Siguro sa public school na lang na malapit dito. Hindi ko din naman gusto sa private schools… I feel ma-o-out of place ako.”Bahagyang napatango si Nikolai habang pinagmamasdan ang dalaga. Sa nakalipas na limang buwan, napansin niya kung gaano kabilis matuto si Mia. Hindi na siya nahihirapan intindihin ang mga sinasabi niya, kahit pa madalas ay sa English siya magsalita. She’s a fast learner—matyaga, determinado. Kamakailan lang ay pumasa siya sa placement exam para makapag-proceed agad sa Senior High School. Iyon ay hindi basta-basta, at nakita ni Nikolai kung gaano kasipag si Mia para maabot iyon.“I can afford to send you to private schools… even international schools,” wika ni N

  • Contract Marriage: How To Love My Husband To Be   Kabanata 24: Unexpected Visitor

    “Nikolai, how are you?” bungad ng kaniyang kapatid na si Natasha nang sagutin niya ang tawag, ang tinig nito ay puno ng kaswal na interes, ngunit may halong kuryosidad na agad niyang naramdaman.“I’m fine. Napatawag ka?” sagot ni Nikolai, bahagyang nag-aalangan habang kinokontrol ang kanyang tono, alam niyang ang bawat tawag mula sa kapatid ay hindi kailanman simpleng pangungumusta lang.“I just heard that your new fiancée is staying in the villa already. I want to meet her,” sagot ni Natasha, diretso at walang paligoy-ligoy, tila ba may itinatagong motibo sa kanyang nais.Napahawak na lamang si Nikolai sa kaniyang sentido, marahang pinisil ito, waring pinipigilan ang namumuong inis sa kanyang ulo. Kilala niya si Natasha—hindi ito basta-basta nagiging interesado sa mga babaeng dumarating at umaalis sa kanyang buhay.“You’re interested in her? Hindi ka naman dati eh?” tanong niya, pilit pinapakalma ang sarili, ngunit hindi maitago ang pagdududa sa kanyang tinig. Noon pa man, walang pak

  • Contract Marriage: How To Love My Husband To Be   Kabanata 23: Mia's Improvement

    Tahimik na lumipas ang dalawang buwan, at nanatiling masipag si Mia gaya ng dati. Ala-onse na ng gabi, ngunit naroon pa rin siya sa sala, nakaupo at tutok na tutok habang sinasagutan ang kanyang math booklet. Sa kabila ng gabi na, malinaw pa rin ang takbo ng kanyang isipan. Sanay na si Mia sa mabilisang pag-intindi, kaya’t mas madalas ay mabilis rin ang takbo ng kanilang pag-aaral. Nagsimula sila sa Ingles, ngunit ngayon ay nakausad na rin sila sa Agham at Matematika.Biglang naputol ang katahimikan ng silid sa marahang pag-angat ng pintuan. Mabilis na napalingon si Mia at nakita niyang pumasok si Nikolai, kasunod ang palaging kalmadong si Claude, ang kanyang butler.“Magandang gabi po, sir,” bati ni Mia nang magalang, agad na tumayo mula sa kanyang pagkakaupo, may halong paggalang at kaunting kaba.“It's already late, and you're still buried in your studies,” ani Nikolai sa kanyang karaniwang malamig ngunit may malasakit na tinig. “You should get some rest. It’s not good to overwork

  • Contract Marriage: How To Love My Husband To Be   Kabanata 22: Mia's First Tutoring Session

    Pagkatapos kumain nina Mia at Nikolai at mag-order ng take out, nagpasya na silang umuwi sa bahay. Kanina habang nasa labas pa sila, nag-uusap silang dalawa na parang magkaibigan—may kaswal na palitan ng mga salita at paminsan-minsan ay may kasamang tawa. Ngunit pag-uwi nila sa bahay, tila nag-iba ang ihip ng hangin. Para silang mga estranghero na tahimik na pumasok, walang imikan, bawat hakbang ay mabigat at may distansya sa pagitan nila.Pagkarating sa pintuan, bigla na lamang napahinto si Mia sa paglalakad. May gusto siyang sabihin kay Nikolai, ngunit nag-aalangan siya kung paano ito sisimulan. Kita sa kilos niya ang kaba; mahigpit niyang hinawakan ang kanyang kamay na parang doon niya kinukuha ang lakas ng loob. Malalim siyang huminga, sinusubukang pakalmahin ang sarili bago magsalita.“Sir Nikolai, gusto ko pong magpaturo ng Ingles. Gusto ko pong pumasok sa paaralan,” diretsong sambit ni Mia, na may halong pag-asa sa kanyang tinig. Napalingon naman si Nikolai sa kanya, bahagyang

  • Contract Marriage: How To Love My Husband To Be   Kabanata 21: Night Out

    “Kamusta na ang usapan niyo ni Manang Mona?” tanong ni Nikolai kay Mia nang datnan niya itong abala sa kusina, nagluluto ng hapunan. Tahimik ang paligid maliban sa tunog ng kumukulong sabaw at kaluskos ng sangkalan. Ang bango ng niluluto ay agad sumalubong sa kanya—isang masarap na timpla ng bawang, sibuyas, at siguro'y toyo, na tila nagpapahiwatig ng isang simpleng, pero pusong lutuin.“Ha?” tugon ni Mia, na halatang hindi agad naintindihan ang sinabi niya. Napakunot ang noo ni Nikolai at napapikit na lang sa pagkadismaya sa sarili. Masyado siyang nasanay sa Ingles at minsan nakakalimutan niyang hindi pa ganap na bihasa si Mia sa wika.“I’m sorry—” mabilis niyang paghingi ng tawad, sabay bahagyang pagyuko ng ulo bilang paggalang.“Ah… sir, gusto ko po sanang…” nagsimula si Mia, halatang may gusto siyang sabihin ngunit nag-aatubili. Yumuko siya ng kaunti, tila nahihiya, habang patuloy sa paghalo ng niluluto.“Gusto mo ng ano?” tanong ni Nikolai, lumapit ng kaunti habang inaabot ang is

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status