Share

Chapter 136

Author: Lirp49
last update Last Updated: 2025-01-14 23:04:47

PINAGMASDAN ni Katherine ang ayos ng dating asawa. Halatang may nilakad ito o lalakarin pa lang dahil ang gwapo nitong tingnan sa suot na suit.

Kaya agad sumimangot si Katherine at umiwas ng tingin habang papalapit ito. Pero nabigla na lamang siya nang yakapin nito.

"Hindi ko alam na dadalawin mo si Lolo," malambing ang boses ni Cain, na animo ay sweet talaga sila sa isa't isa.

Gusto man magpumiglas ni Katherine pero nakatingin si Ramon kaya hinayaan na lamang siyang yakapin.

"B-Busy ka kasi kaya ako na lang ang nagpunta," pagsisinungaling pa ni Katherine.

Pinisil naman ni Cain ang balikat nito at ngumiti. "Pwede mo naman akong tawagan o itext para nasamahan kita."

Pinigilan naman ni Katherine ag sariling irapan ito. Ang ilang minutong pagbisita sa matanda ay tila biglang humirap para sa kanya. Lapastangan kasi nitong nagagawa ang gusto... Ang pag-akbay sa kanya, paglalambing at paghaplos sa kanyang bewang na animo ay para pa rin silang mag-asawa.

"Katherine, ayos ka lang ba? Ba't nam
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Virgie Acebo
Sabihin n sana ni cain n may sakit cya para magbaliman cla
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 137

    SA GALIT ni Cain sa sarili ay hindi na niya nakontrol ang emosyon na nagdulot ng pagkabalisa sa pagmamaneho. Hindi na niya namalayang pabilis na nang pabilis ang takbo ng sasakyan.Mahigpit naman na humawak si Katherine sa handrail. Pigil din ang kanyang paghinga habang pinagmamasdan ang dating asawa. Kung kanina ay namumula siya dahil sa pag-iyak. Ngayon ay namumutla na sa kaba. Hindi siya komportable sa kinauupuan at sa nanginginig na boses ay nagsalita, "C-Cain, bagalan mo lang ang pagmamaneho, please."Tila naman walang naririnig ito na ang mga mata ay nakatuon lang sa daan. Kapag nagpatuloy ay ganito ay baka sa ospital na o sa langit ang sunod nilang destinasyon."Cain, naririnig mo ba ako?!" Umaangat ang sikmura niya sa kaba. Baka ano man sandali ay bigla na lamang sumuka.Samantala, si Luke naman ay kanina pa tinatawagan si Katherine matapos marinig ang boses ni Cain sa kabilang linya.Walang duda na magkasama ang dalawa o hindi kaya ay may ginawa na naman ito upang makita si

    Last Updated : 2025-01-14
  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 138

    HABANG papalayo ay nakasunod naman ang tingin ni Cain sa dalawa na agad napuna ni Ashley."Ba't mo tinitingnang ang babaeng 'yun? 'Wag mo sabihing nagandahan ka sa kanya? Pinapaalala ko lang sa'yo na ako ang ka-date mo ngayon!" bakas ang iritasyon sa boses ng dalaga.Kumibot ang isang kilay ni Cain saka nilingon ang babae. "Sinabi ko bang umakto ka na parang pag-aari mo ako? Ngayon lang tayong nagkitang dalawa, so, know your place."Namula sa hiya ang mukha ni Ashley. Dahil hindi niya akalaing masasabihan siya ng ganoon nang dahil lang sa isang babaeng ni wala pa sa kalingkingan niya.Gusto na niyang mag-walkout ng mga sandaling iyon pero dahil gustong-gusto niya talaga si Cain nang una pa lang makita ang litrato nito ay babalewalain na lamang niya ang bastos nitong pagtrato."Kakalimutan ko ang sinabi mo ngayon," aniya saka nilingkis ang kamay sa braso nito. "Ang mas mabuti pa ay pumasok na tayo sa loob or pwede ring lumipat dahil napaka-cheap ng shop na 'to hindi ko gusto." Bakas pa

    Last Updated : 2025-01-16
  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 139

    MABILIS na tumayo si Katherine upang tulungan ang dating asawa sa sugat nito nang pigilan ni Luke sabay iling.Kaya natigilan si Katherine nang may mapagtanto. Sa oras na lapitan niya ito ay baka makahalata pa ang magulang ni Luke at hindi niya gugustuhing mabuking sila dahil lang sa mangyayaring pagkakamali.Mabuti na lamang at nakalapit na si Grace, sinuri ang palad ni Cain. "Anong nangyari, ba't nabasag ang baso?!" Sabay inutusan ang kasambahay na kunin ang first-aid kit.Ilang sandali pa ay bumalik ito at mabilis ginamot ang sugat sa kamay nito. Balewala naman na ngumiti si Cain. "I'm fine, Tita. Hindi naman gaanong malalim ang sugat." Saka tiningnan ang dating asawa.Bigla naman kinabahan si Katherine nang magtagpo ang kanilang tingin. "M-Magbabanyo lang ako," aniya saka dali-daling umalis.Nang malayo na ay tinanong niya ang isang katulong na padaan kung saan direksyon ang banyo. Matapos ituro ang daan ay nagpasalamat siya.Sa loob ng banyo ay hinugasan niya ang nanginginig na k

    Last Updated : 2025-01-18
  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 140

    NAPABUNTONG-HININGA si Luke saka hinawakan ang kamay nito. "Tara sa kwarto ko at may--" bago pa man niya matapos ang sasabihin ay mabilis na siyang kinuwelyuhan ni Cain.Napasinghap at muntik nang tumili si Katherine kung hindi lang niya napigilan ang sarili. "Cain, ano bang ginagawa mo?! Bitawan mo siya!"Nilingon ni Cain ang dating asawa. "At ano? Sasama ka, sa kwarto niya?!"Tinulak naman ito ni Luke kaya nabitawan ang kuwelyo ng kanyang damit. "'Wag mo 'kong igaya sa'yo. Kukuha lang ako ng maitatakip sa kanya para hindi maghinala sila Mommy. Palibhasa, marumi ang isip.""Anong sinabi mo?!"Akmang susugod pa si Cain nang magsalita si Katherine, "Ano ba, tumigil na nga kayong dalawa!" Saka tiningnan si Luke. "Umakyat ka na, Luke. Maghihintay na lang ako rito.""Hindi kita iiwan dito kasama ng taong 'yan." Saka matalim na tiningnan si Cain. "Baka kung ano pang gawin niya sa'yo sa oras na umalis ako."Napabuga ng hangin si Katherine saka nagmartsa palayo. "Bahala kayo sa buhay niyo, a

    Last Updated : 2025-01-19
  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 141

    HINDI na hinintay ni Cain ang sagot ng katulong at bumaba na sa hagdan patungo sa living area kung saan ay napansin na niya ang Ama habang ang kasama naman nitong babae ay nakatalikod kaya hindi niya mamukhaan.Pero nang tuluyang makalapit sabay lingon ng babae ay tuluyan niya itong nakilala. "Ba't mo siya sinama rito, Dad?"Hindi naman maipinta ang ekspresyon ni Marcial, halatang galit. "Nalaman ko ang ginawa mong kabastusan kay Ashley."Nagtaas ng kilay si Cain sa dalaga. "At anong ginawa ko sa'yo? Ni hindi ko nga matandaan na kasama pala kita.""Cain!" saway ni Marcial.Habang si Ashley naman ay namumula sa hiya at inis. Sa lahat ng mga nakilala niyang lalake ay ngayon lang siya nabastos ng ganito.Balewala naman para kay Cain ang pagsigaw ng ama at napahilot lang sa sintido dahil kumikirot na naman ang ulo. "Kung wala na kayong sasabihin ay pwede na kayong umalis at kailangan ko pang pumasok sa trabaho.""'Wag kang bastos, Cain!" si Marcial."Dad, hindi ko kayo binabastos o kung a

    Last Updated : 2025-01-20
  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 142

    NAPATINGIN si Joey sa natutulog na dalaga saka nilapag ang hawak na tasa. “Kanina pa po niya kayo hinihintay. Mukhang may kailangan pero ayaw naman sabihin kung ano, gusto niyo po bang gisingin ko?”Umiling si Cain saka binuksan ang pinto. “Hayaan mo siya, kapag nagtanong sabihin mo na umalis na ‘ko.” Matapos ay pumasok sa loob.Ngunit bago isara ang pinto ay humabol si Joey. “Muntik ko na pong makalimutan, Sir. Nanggaling nga po pala si Ma’am Katherine rito.”Napalingon si Cain, sa hindi malaman na dahilan ay napukaw ang interes niya nang banggitin nito ang pangalan ng dating asawa. “Anong sadya niya rito?”Binigay ni Joey ang card. “Inabot niya ‘to sa’kin, ang sabi ay may laman daw na pera.”Napakunot-noo si Cain, naguguluhan kung bakit magbibigay ng pera si Katherine? Marahil ay nalaman na nitong binigyan niya ng pera iyong nabiktima ng Tiyuhin nito. Pero sa laki ng perang naibigay niya at sa halaga ng binentang apartment ay paniguradong kulang ang laman ng card. “May card swiper b

    Last Updated : 2025-01-22
  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 143

    BIGLANG nataranta si Katherine sa sinabi nito. Kahit makirot pa ang tiyan ay bahagya niyang binuksan ang pinto at sumilip sa labas. “H-Hindi na kailangan, hindi pa ‘ko nagkakaro’n.”“Kung gano’n ay bakit ka namimilipit sa sakit?” ani Cain saka marahang tinulak ang pinto upang makita ito nang malinaw.Nang mapansin ni Katherine na pahakbang ito papasok ay bigla siyang lumabas at nilampasan ito. Pero hindi pa man nakakalayo ay muntik na siyang mapatili nang buhatin ni Cain.“A-Anong ginagawa mo? Ibaba mo ‘ko!” Saka nagpumiglas.“’Wag kang malikot at baka maihulog kita.” Naglakad si Cain patungo sa kwarto at maingat na nilapag si Katherine sa kama. Inayos niya pa ang kumot saka muling nagsalita, “Magpahinga ka lang.”Mas naging alerto si Katherine. “At anong gagawin mo?”“Wala, babantayan ka.”“Hindi na kailangan. Baka dumating si Lian mamaya, ipagtatabuyan ka niya panigurado kaya mas mabuti pang umalis ka na lang.”“Pa’no kung matagalan siya? Gabi nang umuwi? Mas mabuting may magbabanta

    Last Updated : 2025-01-22
  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 144

    NABIGLA si Katherine sa tanong nito magkaganoon man ay sinagot niya, “Hindi at wala na ‘kong balak na makipag-ayos pa. Masama lang ang pakiramdam ko kahapon kaya binantayan niya ko.”Ngunit bahagya siyang nabahala sa confidence na pinapakita ni Cain. Kung paano ito makipag-usap kay Luke.Tila may karapatan pa rin ito sa kanya at kalmado pa kung umasta.“Okay ka lang ba? Hindi mo ba nagustuhan ang pagkain?” tanong ni Luke nang mapansin na tila natutulala ito.Pinilig ni Katherine ang ulo upang maalis sa isip ang kung ano man ang gumugulo saka ngumiti. “Oo naman, medyo hindi lang naging maganda ang tulog ko.”“Ang sabi nga kanina ni Cain pero ayos ka na ba talaga? Pwedeng dalhin kita sa ospital kung hindi.”Umiling si Katherine. “Hindi na, ayos lang talaga ako. Kumain na lang tayo.” Ngunit ilang sandali pa ay muling napaisip. “Luke,” tawag pansin niya sa kaibigan.“Ano ‘yun?”“Naisip ko lang ang kasinungalingan na sinabi natin sa magulang mo. Iyong pekeng relasyon… Pwede bang itigil na

    Last Updated : 2025-01-23

Latest chapter

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 256

    NAPAKUNOT-NOO si Katherine, ang ekspresyon ay parang nandidiri. "Anong pinagsasasabi mo? Mga kalokohan mo talaga, kaya tayo napagkakamalan, e."Tumawa naman si Sherwin. "Joke lang naman.""Well, obviously. Hindi magandang biro.""Nabo-bored na kasi ako ro'n sa unit ko, wala akong magawa. Ganito pala ang feeling 'pag tambay.""Malapit ng pasukan, ba't hindi mo na lang asikasuhin ang trabaho mo sa university?""Nah... nakakatamad."Napanganga si Katherine. "What the...! Now I know kung ba't wala kang girlfriend at kung ba't ayaw mo pang mag-settle down.""You already want me to get married? Saka, anong kinalaman ng katamaran ko sa pag-aasawa?""Why not? You're old enough."Umiling si Sherwin. "Pa'no na lang kayo kung mag-aasawa na 'ko?""No!" biglang sigaw ni Shannon. "'Di ka pwede mag-asawa, Tito. Wala akong magiging kalaro.""Exactly!" react ni Sherwin.Natawa si Katherine. "Okay, baby. Hindi na pwedeng mag-asawa si tito Sherwin mo hangga't hindi mo pinapayagan," aniya saktong tumunog

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 255

    HINAPLOS-HAPLOS ni Sherwin ang buhok ng bata. "Magbabay ka na sa kanila," aniya.Lumingon naman si Shannon at pagkatapos ay kumaway sa dalawa. "Thank you po sa tulong. Babye na po."Kumaway rin si Joey pero nanatili ang tingin ni Cain, parang nahipnotismo. "Ahm, Sir? Ayos lang kayo?" aniya nang mapansin na nakatitig lang ito.Napakurap si Cain. "Sha-Sha, right? Nice meeting you." Sabay lahad ng kamay. "Ako nga pala si Cain, you can call me tito Cain."Ngumiti naman ang bata saka inabot ang kamay nito. Marahang pinisil bago bitawan. "See you, next time po!"Pagkatapos ay naglakad na palayo si Sherwin upang mabalikan si Katherine na naghihintay. "'Wag mo nang uulitin 'yun, a? Hindi ka dapat basta-bastang umaalis.""Sorry po. Akala ko kasi si Mommy 'yung sinundan ko, hindi pala.""Mabuti na lang talaga at mabait 'yung tumulong."Tumango-tango naman ang bata, nalulungkot dahil napagsabihan."Sha-Sha!" si Katherine na niyakap agad ang anak. "Sa'n ka ba nagpupupunta?!"Sumimangot at biglang

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 254

    BIGLANG nabuhayan si Sheena nang dumating si Jared, naluha pa nga siya sa tuwa. Inangat ang dalawang kamay, animo ay inaabot ito. "M-Mabuti naman at nandito ka na. Dalhin mo naman ako sa ospital, nahihirapan na 'ko.""Nahihirapan ka na?" may pagkasarkasmong sabi ni Jared. "Nahihirapan ka na sa lagay mong 'yan?"Tumango-tango si Sheena, may ngiti sa labi. Hindi man lang pansin ang namumuhing tingin ni Jared. Ang nanginginig at mariin na pagkuyom ng kamay."Kung gano'n ay ba't mo pa kailangang pahirapan ang sarili mo? Mamahinga ka na habangbuhay."Naglahong bigla ang ngiti sa labi ni Sheena ng marinig iyon. Hindi niya akalaing masasabi ni Jared ang ganoon kasamang bagay sa kanya."G-Gusto mo na 'kong mamat*y...? Matapos ng ginawa kong kabutihan sa'yo?! Wala kang utang na loob!"Napatiim-bagang si Jared, kulang na lang ay hatakin ang mukha nito pero nagpigil siya. "Sabihin mong gusto mong sabihin pero matagal ko ng pinagbayaran ang ginawa mo. Hindi porke't minsan mo 'kong tinulungan ay h

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 253

    NAPAKUNOT-NOO si Cain sa narinig. Gulong-gulo siya at nagpalinga-linga sa paligid. "Pa'no nangyari 'yun? Tatlong araw?!" At nagpalipat-lipat ang tingin sa dalawa. "Si Marc?" Pagkatapos ay bumangon, kahit masakit ang katawan ay pinilit niya ang sarili. "Anong nangyayari? Para akong nabugbog." Akmang tatanggalin ang nakakabit na IV fluids ng pigilan ni Stella.Lumapit naman si Helen sa kama saka hinawakan ang balikat ng anak. "Three days ago, nakatanggap kami ng tawag mula kay Marc. Ang sabi niya ay nabunggo ka ng kotse sa labas lang ng ospital," aniya upang unti-unti nitong maalala ang nangyari.Napahawak naman si Cain sa ulo ng bigla itong kumirot. Saka niya naalala ang lahat. "S-Si-Si Katherine! Siya 'yung pasaherong sakay ng nahulog na taxi sa tulay!" Wala ng paligoy-ligoy pa, hinablot niya ang IV fluids sa kamay."Cain!" react ni Helen."Kailangan kong malaman kung anong nangyari sa asawa ko!"Sabay na napasinghap ang dalawang babae sa narinig. "A-Anong sinasabi mo?" naguguluhang t

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 252

    DAHIL sa impact ay sumadsad pa ang taxi palabas sa barricade hanggang sa muntikan nang mahulog sa tulay. Kaunting maling galaw ay talagang bubulusok pababa ang sasakyan.Si Katherine na nasa backseat ay napahawak sa noo ng maumpog sa passenger seat. Kung hindi siguro siya nakapag-seatbelt ay baka lumipad na siya palabas.Kahit mahilo-hilo sa puwesto ay inalala niya ang kalagayan ng driver. "K-Kuya?" Ngunit hindi ito gumagalaw. Niyugyog niya pa ang balikat nito pero hindi pa rin nagkakamalay.Hanggang sa mapansin ni Katherine na umuuga ang taxi. Pagtingin niya sa labas ay napatili siya sa takot. Kalahati ng sasakyan ay lampas na sa barricade!Nagkukumahog siyang lumabas ng tila mahuhulog sila. Naririnig niya ang langitngit ng metal na bumibigay."S-Saklolo!" sigaw niya na kahit gusto ng lumabas ay hindi niya magawang gumalaw. Steady lang siya sa puwesto sa takot na mahulog ang taxi."Miss, 'wag kang gagalaw!" sigaw ng lalakeng nagmamagandang loob.Hanggang sa dumami na ang mga nakiki-u

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 251

    KAHIT biglaan ang kasal nila ni Cain ay nakapag-hire pa rin ito ng photographer para may wedding photos sila.Kaya nang mabasa ni Katherine ang text message ay sinabihan niya ang dalawang bodyguard na samahan siya sa shop upang kunin ang mga litrato.Ilang minuto lang naman ang biyahe at narating na nila ang lugar. W-in-elcome siya ng staff at tinanong kung ano ang sadya sa lugar."Naka-receive ako ng message," aniya sabay pakita ng phone.Binasa naman ng staff ang mensahe saka siya iginiya papasok pa sa loob.Sa reception ay sinabi ng staff sa kasamahan ang kailangan ni Katherine."Ano pong pangalan, Ma'am?" tanong ng staff sa counter."Katherine Garcia-- Vergara."Tumango ang staff. "Sandali lang, Ma'am at titingnan ko rito." Yumuko ang babae, hinanap sa drawer ang kailangan ng customer.Habang naghihintay si Katherine ay nakarinig siya ng shutter ng camera kaya napatingin siya sa partition wall. Sa palagay niya ay may ibang customer ang shop kaya naririnig niya iyon."Ito na po, Ma

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 250

    NABIGLA rin si Katherine sa naging reaksyon, hindi inaasahang magagalit siya ng ganoon.Nauunawaan naman ni Cain ang outburst nito dahil emosyonal pa. Pagkatapos ay binalingan si Marc. "Akin ng phone." Matapos matanggap ay kinausap si Margaret, "Ba't ka napatawag?" aniya saka pinagsalikop ang kamay nilang dalawa ni Katherine at pagkatapos ay ni-loudspeaker ang tawag para marinig din nito. Gusto niyang ipakita na wala siyang ginagawang masama o hindi nito kailangan na mabahala sa tawag ng dalaga."Cain!" iyak ni Margaret sa kabilang linya. "Ang sama ng pakiramdam ko, parang lalagnatin ako."Napasulyap si Cain sa asawa, hindi maikakaila ang iritasyon sa mukha nito kaya hindi niya maiwasang matuwa. Dahil ngayon na lamang niya nakitang magselos si Katherine."Tawagan mo ang ospital, matutulungan ka nila.""Pero alam mo naman na ilag ako sa mga tao'ng hindi ko kilala," dahilan pa ni Margaret.Kunot na kunot ang noo ni Katherine dahil nayayamot na siya sa kaartehan ng babae. Sa inis ay bina

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 249

    NATULALA ng ilang segundo si Katherine saka nagalit. "Anong klaseng biro 'yan?! Hindi nakakatuwa.""Hindi ako nagbibiro. Mismong assistant ni Jared ang kumontak sa'kin para ipaalam na naaksidente ito at si Lian."Habang nagpapaliwanag si Cain ay tumulo ang luha sa mga mata ni Katherine, na maging siya ay nabigla. Hinawakan ang pisnging nabasa ng luha.Nag-alala naman si Cain, lumapit at hinawakan ang magkabila nitong pisngi, pasimpleng pinupunasan ang luha. "Baby, kalma lang. Nandito lang ako." Nang hawakan niya kasi ay naramdaman niya ang panginginig ng katawan at panlalamig ng balat nito."H-Hindi naman totoo, 'di ba?" umaasang tanong ni Katherine. Naniniwala siyang hindi siya iiwan ng kaibigan. "Sabihin mo sa'king hindi totoo."Nahirapan sumagot si Cain hanggang sa hawiin ng asawa ang kamay niya at mabilis na lumabas sa sasakyan. "S-Sandali lang!" pigil niya pa nang tumakbo ito papasok sa ospital. Hinabol niya ito hanggang sa huminto sa isang makitid na pasilyo. "Katherine..." samb

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 248

    HALOS isang metro na lang ang layo at mabubundol na si Lian ng sasakyan na paparating. Natapakan man ng driver ang preno pero nagtuloy-tuloy pa rin ang kotse.Si Jared naman na tumatakbo ay nagawang mayakap ang dalaga saka ito prinotektahan. Ang katawan niya mismo ang ipinangharang kung sakaling mabunggo nga silang dalawa.At hindi nga siya nagkamali dahil naramdaman niya ang impact at ang paggulong-gulong nila sa kalsada. Si Ulysses na naghihintay sa kotse ay napalingon matapos makarinig ng pagkabunggo.Nang makita niyang nakahandusay sa sahig ang amo at si Lian ay dali-dali siyang lumabas, tinakbo ang mga ito. "A-Anong nangyari, Sir Jared!" Bahagya siyang nataranta, hindi malaman ang gagawin dahil parehong walang-malay ang dalawa.Ang driver naman ay bumaba at tiningnan din ang nabunggo. "H-Hindi ko sinasadya, bigla siyang sumulpot!"Tumawag naman agad si Ulysses ng ambulansiya saka ito binalingan. "'Wag kang aalis, diyan ka lang!" babala niya rito nang akma itong babalik sa sasakya

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status