PASADO alas-tres ng hapon ay nagpunta si Katherine sa isang coffee shop malapit sa mansion. Makikipagkita siya kay Luke dahil sa araw na iyon din siya nangako na ililibre ito bilang pasasalamat sa pagligtas ng kanyang buhay.Pagdating ay nakita niyang nakaupo ang binata sa bandang dulo malapit sa bintana. Kumaway agad si Luke nang makita siya."Kanina ka pa ba?" aniya paglapit sabay upo."Hindi naman masiyado, mga less than five minutes," tugon ni Luke na tiningnan pa ang suot na relo. "Anong gusto mo at ako na ang o-order.""'Nu ka ba, sagot ko 'to kaya ako na," ani Katherine."Hindi mo naman mahahawakan ang order natin kaya ako na. Sa susunod mo na lang ako ilibre kapag magaling na ang kamay mo.""Ikaw ang kukuha pero ako ang magbabayad," ani Katherine.Pero agad nang tumayo si Luke at nagmamadaling umalis patungo sa counter.Hinayaan na lamang ni Katherine at pagbalik ay hindi lang inumin ang dala nito dahil may desserts pa.Kaya in-enjoy muna nila ang pagkain habang nagkukuwentuha
HINDI makapaniwala si Cain nang babaan siya ni Levi ng tawag. Titig na titig pa siya sa screen ng cellphone at minumura sa isip ang kaibigan.Napapailing na lang siya sa yamot saka tinungo ang private room ni Margaret. Kanina kasi ay tumawag si Lyn para ipaalam na nahimatay ito dahil sa side effects matapos ma-injection-an ng dalawang beses.Nang marating ang kwarto ay huminga siya nang malalim saka binuksan ang pinto.Si Margaret na nakaupo sa may kama ay agad na napalingon. "Cain!"Bakas ang tuwa sa mukha nito at malawak pa ang ngiti sa labi.Pumasok si Cain saka lumapit. Si Lyn na nasa tabi ay agad na lumabas para bigyan ang dalawa ng pagkakataong makapag-usap.Hinawakan agad ni Margaret ang kamay ni Cain. "Akala ko'y hindi mo na talaga ako pupuntahan. Alam mo bang sobrang lungkot ko nitong nakaraang araw? Mabuti na lang at nandito ka na." Saka hinaplos-haplos ang likod ng palad nito.Hindi mapalis-palis ang ngiti sa labi ni Margaret. Sinasabi na nga ba niyang hindi siya nito magag
SAMANTALANG sa club naman ay kanina pa naiirita si Katherine sa mga lalakeng lumalapit. Halata namang hindi siya interesadong makipagkilala pero may makukulit pa rin.Binulungan naman siya ni Lian, "'Wag mo na lang pansinin at aalis din ang mga 'yan. Mga nakainom na kasi kaya ganyan." Pagkatapos ay tumayo. "Babalik muna ako sa dancefloor, ikaw?""Dito lang ako," ani Katherine.Ilang sandali pa pagkaalis ng kaibigan ay may isang lalake na naman ang nakikipagkilala."Sorry, but I'm not interested," saad ni Katherine.Ngunit ang lalake na nakainom ay hindi nagustuhan ang pagtanggi nito kaya nagalit. "Ano bang tingin mo sa sarili mo? Pare-pareho lang naman kayong gustong magpatir* kaya kayo narito!" Tapos ay hinawakan ang kamay ni Katherine. "Halika, sumama ka sa'kin ng makita mo ang hinahanap mo!""Ano ba, ayoko!"Sa lakas ng sigaw ni Katherine ay napalingon ang ibang tao na nasa malapit pero walang gustong sumaklolo.Kahit malakas ang music at marami ang nasa dancefloor ay napansin pa r
ANG gulat ni Lian ay unti-unting napangiwi dahil rinig na rinig niya ang tunog ng paghahalikan ng dalawa.Umuungol pa nga ang babae sa sarap. Nang hindi na matagalan ang nakikita ay umatras siya. Sakto naman o mas mainam na sabihing sinadya ni Jared na tumigil saka marahang tinulak palayo ang babaeng kahalikan.Napalingon ang babae saka nagtaas ng kilay. "Honey, hindi pa ba ako enough para kumuha ka ng isa pang babae? Gusto mo ba ng threes*me?"Nanlaki ang mata ni Lian sa narinig. Inakala pa talaga nito na isa siyang bayarang babaeng gaya nito."Excuse me, para sabihin ko sa'yo--" Sabay turo sa sariling kotse. "Sasakyan ko at hindi ako cheap!""What do you mean? Sinasabi mo bang cheap ako?!" palabang sabi ng babae at nagtangka pa ngang bumaba sa sasakyan para sugurin si Lian.Naging mabilis naman ang kilos ni Jared at napigilan ito. "Oh, 'wag kang makipag-away sa kanya. Hindi bagay sa'yo, baka masaktan ka lang," malambing pa niyang saad saka hinaplos-haplos ang pisngi nito.Umirap at
SAMANTALANG sa kabilang panig naman ay mabilis ang pagpapatakbo ni Cain sa kotse. Nakaupong kinakabahan si Katherine sa passenger seat."Magdahan-dahan ka naman sa pagmamaneho!" ani Katherine habang nakahawak sa tiyan habang ang libreng kamay ay sa handle ng sasakyan."Ano ba kasing ginagawa mo sa lugar na 'yun?! Tingnan mo nang nangyari, muntik ka ng mapahamak!""Hindi ko naman 'yun kasalanan. Nagsasaya lang kami ni Lian, anong masama ro'n?"Galit na lumingon si Cain. "Tinatanong mo kung anong masama?" Saka hinampas ang manibela. "May asawa ka pero nakuha mong mag-club ng hindi ko alam?!""E, ba't ikaw? Pinipigilan ba kita 'pag nagpupunta ka sa bar? Hindi naman, a! Kapag ako masama pero kapag ikaw, hindi? Saka, ipapaalala ko lang sa'yo. Malapit na tayong maghiwalay kaya ano mang gawin ko ay wala ka ng pakialam!""So, atat na atat kang makipaghiwalay para makapaglandi ka gano'n ba?"Nanlisik ang mga mata ni Katherine sa narinig. "Inaakusahan mo 'kong lumalandi?!"Napatiim-bagang si Ca
HABANG nasa sasakyan pabalik ay inutusan ni Katherine ang driver na dumaan muna sa ospital. Ngayong wala ng bandage ang kamay ay pwede na niyang bisitahin ang Abuela.Matagal-tagal niya itong tiniis na hindi makita dahil natatakot siyang pag-alalahanin ito dahil sa sugat na natamo. Pero ngayon ay regular na niya itong mabibisita ulit.Isang mahigpit na yakap ang iginawad ni Lucinda ng makita ang apo. "Ba't ngayon ka lang napadalaw? Alam mo bang miss na miss na kita.""Sorry po, 'La. Busy lang po sa trabaho saka--""Buntis ka ba?"Nanlaki ang mga mata ni Katherine sa tanong ng Abuela. "P-Pa'no niyo po nalaman?"Napangiti si Lucinda. "Nagbago ang hulma ng katawan mo kaya nahulaan ko na."At dahil may hinala ang matanda ay inamin na ni Katherine ang totoo. Tuwang-tuwa naman si Lucinda na kulang na lamang ay mapasayaw sa puwesto. "Alam na ba ng asawa mo?"Umiling si Katherine. "G-Gusto ko po siyang surpresahin."Mahinang hampas sa braso ang ginawad ni Lucinda. "Kayo talagang kabataan, mah
ANG nakakairitang tawa ni Jean ang umalingawngaw sa pandinig ni Katherine."Wow, tingnan mo nga naman. Magkasama pala ang dalawa."Naikuyom naman ni Katherine ang dalawang kamay.Kahit pa siguro hiwalay na sila ni Cain ay dapat pa rin itong mag-ingat. Dahil wala pang nakakaalam ng tunay na estado ng relasyon nilang dalawa."Bagay na bagay talaga sila, hindi tulad ng isa riyan," pagpaparinig pa ni Jean."Ulitin mo nga ang sinabi mo?""Hindi mo ba 'ko narinig? Ang sabi ko--" Natigilan si Jean nang mapagtanto na hindi iyon boses ni Katherine kung hindi ay mula kay Helen.Kabado siyang napalingon sa tiyahin. "W-Wala po akong sinabi--" Bigla siyang napapikit nang akmang sasampalin nito.Pero wala namang dumapo sa pisngi niya. Pagmulat ng mata ay nakataas lang ang kamay ni Helen na matalim ang tingin sa kanya."Pagsalitaan mo pa ng masama si Katherine ay hindi ako magdadalawang-isip na saktan ka," babala pa nito."P-Pero wala naman po akong sinabing masama!" depensa pa ni Jean sa sarili."'
UMARTENG naiiyak si Margaret. Sinadya niya pang humikbi saka mabilis na niyakap si Cain saka tuluyang humagulgol sa bisig nito."W-Wala naman akong ginagawang masama," aniya. "Kung may hindi man kayo nagustuhan sa'kin, Tita. Then, I'm sorry."Napasinghap si Helen sa galing nitong umarte. Talagang pinaninindigan na mukha itong kaawa-awa at inaalipusta."Cain, bitawan mo ang babaeng 'yan! Hindi mo ba nakikitang may mga bisita tayo? Ano na lamang ang sasabihin nila sa oras na makitang may kayakap kang iba sa harap ng asawa mo?!"Si Katherine na walang nagawa kung hindi ang manuod ay napapatingin na rin sa paligid. Nakakakuha na sila ng atensyon ng ibang tao. Hindi magandang senyales kaya kumilos na siya at nilapitan si Helen."Tama na po," aniya saka hinawakan ang kamay nitong nanginginig sa galit.Pero tuluyan ng nagpalamon ng nararamdamang emosyon si Helen lalo na nang makita niyang ngumisi si Margaret habang nakayakap pa rin kay Cain.Binitawan niya ang kamay ni Katherine saka sinugod
PAGLINGON ni Aaron ay saktong hawak na ni Katherine ang baso sa may table. Walang pagdadalawang-isip na ibinuhos sa kanya ang tubig. Kaya basang-basa ang ulo at mukha niya."Sh*t!" mura pa niya sabay tayo at pagpag ng mamahalin na damit. Tapos ay tiningnan nang masama si Katherine. "Anong problema mo?!"Inilapag ni Katherine sa table ang hawak na baso saka taas-noo na tiningnan ito. "Ba't 'di mo tanungin ang sarili mo kung anong pinoproblema ko?" Kahit nanggagalaiti sa galit ay nanatiling mahinahon at mahina ang kanyang boses.Naging matalim ang tingin ni Aaron. "Bakit, totoo naman ang sinasabi ko, a?! Anong mali ro'n?""Hindi ko dini-deny na kinasal ako't may anak na pero hindi ko gustong hinahamak ng iba ang pagkatao ko. Na parang mali na minsan akong nagmahal at may anak kami."Napakurap si Aaron, hindi pa rin makita ang pagkakamaling nagawa hanggang sa mapansin niya ang tingin ng staff at waiter."Anong tinitingin-tingin niyo?!" galit niyang sita sa mga ito. Pagkatapos ay hinila s
NAPAKUNOT-NOO si Katherine, ang ekspresyon ay parang nandidiri. "Anong pinagsasasabi mo? Mga kalokohan mo talaga, kaya tayo napagkakamalan, e."Tumawa naman si Sherwin. "Joke lang naman.""Well, obviously. Hindi magandang biro.""Nabo-bored na kasi ako ro'n sa unit ko, wala akong magawa. Ganito pala ang feeling 'pag tambay.""Malapit ng pasukan, ba't hindi mo na lang asikasuhin ang trabaho mo sa university?""Nah... nakakatamad."Napanganga si Katherine. "What the...! Now I know kung ba't wala kang girlfriend at kung ba't ayaw mo pang mag-settle down.""You already want me to get married? Saka, anong kinalaman ng katamaran ko sa pag-aasawa?""Why not? You're old enough."Umiling si Sherwin. "Pa'no na lang kayo kung mag-aasawa na 'ko?""No!" biglang sigaw ni Shannon. "'Di ka pwede mag-asawa, Tito. Wala akong magiging kalaro.""Exactly!" react ni Sherwin.Natawa si Katherine. "Okay, baby. Hindi na pwedeng mag-asawa si tito Sherwin mo hangga't hindi mo pinapayagan," aniya saktong tumunog
HINAPLOS-HAPLOS ni Sherwin ang buhok ng bata. "Magbabay ka na sa kanila," aniya.Lumingon naman si Shannon at pagkatapos ay kumaway sa dalawa. "Thank you po sa tulong. Babye na po."Kumaway rin si Joey pero nanatili ang tingin ni Cain, parang nahipnotismo. "Ahm, Sir? Ayos lang kayo?" aniya nang mapansin na nakatitig lang ito.Napakurap si Cain. "Sha-Sha, right? Nice meeting you." Sabay lahad ng kamay. "Ako nga pala si Cain, you can call me tito Cain."Ngumiti naman ang bata saka inabot ang kamay nito. Marahang pinisil bago bitawan. "See you, next time po!"Pagkatapos ay naglakad na palayo si Sherwin upang mabalikan si Katherine na naghihintay. "'Wag mo nang uulitin 'yun, a? Hindi ka dapat basta-bastang umaalis.""Sorry po. Akala ko kasi si Mommy 'yung sinundan ko, hindi pala.""Mabuti na lang talaga at mabait 'yung tumulong."Tumango-tango naman ang bata, nalulungkot dahil napagsabihan."Sha-Sha!" si Katherine na niyakap agad ang anak. "Sa'n ka ba nagpupupunta?!"Sumimangot at biglang
BIGLANG nabuhayan si Sheena nang dumating si Jared, naluha pa nga siya sa tuwa. Inangat ang dalawang kamay, animo ay inaabot ito. "M-Mabuti naman at nandito ka na. Dalhin mo naman ako sa ospital, nahihirapan na 'ko.""Nahihirapan ka na?" may pagkasarkasmong sabi ni Jared. "Nahihirapan ka na sa lagay mong 'yan?"Tumango-tango si Sheena, may ngiti sa labi. Hindi man lang pansin ang namumuhing tingin ni Jared. Ang nanginginig at mariin na pagkuyom ng kamay."Kung gano'n ay ba't mo pa kailangang pahirapan ang sarili mo? Mamahinga ka na habangbuhay."Naglahong bigla ang ngiti sa labi ni Sheena ng marinig iyon. Hindi niya akalaing masasabi ni Jared ang ganoon kasamang bagay sa kanya."G-Gusto mo na 'kong mamat*y...? Matapos ng ginawa kong kabutihan sa'yo?! Wala kang utang na loob!"Napatiim-bagang si Jared, kulang na lang ay hatakin ang mukha nito pero nagpigil siya. "Sabihin mong gusto mong sabihin pero matagal ko ng pinagbayaran ang ginawa mo. Hindi porke't minsan mo 'kong tinulungan ay h
NAPAKUNOT-NOO si Cain sa narinig. Gulong-gulo siya at nagpalinga-linga sa paligid. "Pa'no nangyari 'yun? Tatlong araw?!" At nagpalipat-lipat ang tingin sa dalawa. "Si Marc?" Pagkatapos ay bumangon, kahit masakit ang katawan ay pinilit niya ang sarili. "Anong nangyayari? Para akong nabugbog." Akmang tatanggalin ang nakakabit na IV fluids ng pigilan ni Stella.Lumapit naman si Helen sa kama saka hinawakan ang balikat ng anak. "Three days ago, nakatanggap kami ng tawag mula kay Marc. Ang sabi niya ay nabunggo ka ng kotse sa labas lang ng ospital," aniya upang unti-unti nitong maalala ang nangyari.Napahawak naman si Cain sa ulo ng bigla itong kumirot. Saka niya naalala ang lahat. "S-Si-Si Katherine! Siya 'yung pasaherong sakay ng nahulog na taxi sa tulay!" Wala ng paligoy-ligoy pa, hinablot niya ang IV fluids sa kamay."Cain!" react ni Helen."Kailangan kong malaman kung anong nangyari sa asawa ko!"Sabay na napasinghap ang dalawang babae sa narinig. "A-Anong sinasabi mo?" naguguluhang t
DAHIL sa impact ay sumadsad pa ang taxi palabas sa barricade hanggang sa muntikan nang mahulog sa tulay. Kaunting maling galaw ay talagang bubulusok pababa ang sasakyan.Si Katherine na nasa backseat ay napahawak sa noo ng maumpog sa passenger seat. Kung hindi siguro siya nakapag-seatbelt ay baka lumipad na siya palabas.Kahit mahilo-hilo sa puwesto ay inalala niya ang kalagayan ng driver. "K-Kuya?" Ngunit hindi ito gumagalaw. Niyugyog niya pa ang balikat nito pero hindi pa rin nagkakamalay.Hanggang sa mapansin ni Katherine na umuuga ang taxi. Pagtingin niya sa labas ay napatili siya sa takot. Kalahati ng sasakyan ay lampas na sa barricade!Nagkukumahog siyang lumabas ng tila mahuhulog sila. Naririnig niya ang langitngit ng metal na bumibigay."S-Saklolo!" sigaw niya na kahit gusto ng lumabas ay hindi niya magawang gumalaw. Steady lang siya sa puwesto sa takot na mahulog ang taxi."Miss, 'wag kang gagalaw!" sigaw ng lalakeng nagmamagandang loob.Hanggang sa dumami na ang mga nakiki-u
KAHIT biglaan ang kasal nila ni Cain ay nakapag-hire pa rin ito ng photographer para may wedding photos sila.Kaya nang mabasa ni Katherine ang text message ay sinabihan niya ang dalawang bodyguard na samahan siya sa shop upang kunin ang mga litrato.Ilang minuto lang naman ang biyahe at narating na nila ang lugar. W-in-elcome siya ng staff at tinanong kung ano ang sadya sa lugar."Naka-receive ako ng message," aniya sabay pakita ng phone.Binasa naman ng staff ang mensahe saka siya iginiya papasok pa sa loob.Sa reception ay sinabi ng staff sa kasamahan ang kailangan ni Katherine."Ano pong pangalan, Ma'am?" tanong ng staff sa counter."Katherine Garcia-- Vergara."Tumango ang staff. "Sandali lang, Ma'am at titingnan ko rito." Yumuko ang babae, hinanap sa drawer ang kailangan ng customer.Habang naghihintay si Katherine ay nakarinig siya ng shutter ng camera kaya napatingin siya sa partition wall. Sa palagay niya ay may ibang customer ang shop kaya naririnig niya iyon."Ito na po, Ma
NABIGLA rin si Katherine sa naging reaksyon, hindi inaasahang magagalit siya ng ganoon.Nauunawaan naman ni Cain ang outburst nito dahil emosyonal pa. Pagkatapos ay binalingan si Marc. "Akin ng phone." Matapos matanggap ay kinausap si Margaret, "Ba't ka napatawag?" aniya saka pinagsalikop ang kamay nilang dalawa ni Katherine at pagkatapos ay ni-loudspeaker ang tawag para marinig din nito. Gusto niyang ipakita na wala siyang ginagawang masama o hindi nito kailangan na mabahala sa tawag ng dalaga."Cain!" iyak ni Margaret sa kabilang linya. "Ang sama ng pakiramdam ko, parang lalagnatin ako."Napasulyap si Cain sa asawa, hindi maikakaila ang iritasyon sa mukha nito kaya hindi niya maiwasang matuwa. Dahil ngayon na lamang niya nakitang magselos si Katherine."Tawagan mo ang ospital, matutulungan ka nila.""Pero alam mo naman na ilag ako sa mga tao'ng hindi ko kilala," dahilan pa ni Margaret.Kunot na kunot ang noo ni Katherine dahil nayayamot na siya sa kaartehan ng babae. Sa inis ay bina
NATULALA ng ilang segundo si Katherine saka nagalit. "Anong klaseng biro 'yan?! Hindi nakakatuwa.""Hindi ako nagbibiro. Mismong assistant ni Jared ang kumontak sa'kin para ipaalam na naaksidente ito at si Lian."Habang nagpapaliwanag si Cain ay tumulo ang luha sa mga mata ni Katherine, na maging siya ay nabigla. Hinawakan ang pisnging nabasa ng luha.Nag-alala naman si Cain, lumapit at hinawakan ang magkabila nitong pisngi, pasimpleng pinupunasan ang luha. "Baby, kalma lang. Nandito lang ako." Nang hawakan niya kasi ay naramdaman niya ang panginginig ng katawan at panlalamig ng balat nito."H-Hindi naman totoo, 'di ba?" umaasang tanong ni Katherine. Naniniwala siyang hindi siya iiwan ng kaibigan. "Sabihin mo sa'king hindi totoo."Nahirapan sumagot si Cain hanggang sa hawiin ng asawa ang kamay niya at mabilis na lumabas sa sasakyan. "S-Sandali lang!" pigil niya pa nang tumakbo ito papasok sa ospital. Hinabol niya ito hanggang sa huminto sa isang makitid na pasilyo. "Katherine..." samb