Parang paulit-ulit na sinaksak si Leil ng mga salita ni Roscoe. Tumagos ito sa kanyang puso at nag-iwan ng marka.
Ganito ba talaga ang tingin niya sa akin? Na gagamitin ko ang aking katawan para makuha ang aking gusto? Ngunit hindi ko siya masisisi sapagkat alam kong ako rin ang may kasalanan nito. Galit siya sa akin. Limang taon na ang lumipas nang may nagawa akong kasalanan sa kanya. Kaya’t hindi ko siya pwedeng sisihin kung ganito na lamang ang pag-iisip niya sa akin. Pero… nasasaktan pa rin ako. Isang luha ang pumatak sa mata ni Leil habang iniisip ang mga iyon. Wala na ang kanyang dating Roscoe. “Umalis ka na bago pa magbago ang isip ko’t masaktan kita! Umalis ka na!” padabog na pinakawalan ni Roscoe si Leil. Umalis siya sa ibabaw ng babae at tiningnan na lamang ito nang masama. ‘Saktan? Nasaktan mo na ako.’ sa isip ni Leil. Kahit nanginginig sa takot si Leil ay dali-dali siyang tumakbo palabas ng suit na iyon. Kilala niya ang lalaking kaharap niya at nasisiguro niyang hindi siya magdadalawang isip na saktan siya nito. “Fuck!” mura ng lalaki nang makaalis na si Leil. Nanginginig ang kanyang kamao habang hinihilot nito ang kanyang ulo. Hindi niya inaasahang magkikita sila muli ni Leil at sa ganitong panahon at ayos pa. Galit siya. Umaapoy sa galit. Lalo pa nang maisip na maari ngang may nangyari sa kanila. Is that how cheap you are, Leil? Fuck you. Padabog niyang sinipa ang unan na nalaglag sa sahig bago kumuha ng sigarilyo sa kanyang drawer at sinindihan ito. Huminga siya nang malalim saka kinuha ang telepono at may tinawagan. “Pumunta ka rito ngayon na!” dumagundong ang kanyang boses sa buong silid. Nagtungo siya sa bintana at tinaas ang blinds. Bumungad sa kanya ang malawak na paligid ng Maynila. Si Roscoe ay nakasuot lamang ng puting t-shirt at black shorts ngunit mapapansin mo na ang kanyang kakisigan st kagwapuhang taglay. Kasabay ng kanyang pagbuga ng usok ng sigarilyo ay ang pagmamadaling pagpasok naman ni Allan. Si Allan ang tumatayong Assistant ni Roscoe simula nang mamuno ang lalaki sa kanilang kompanya. “Andito na po ako, boss.” Hinihingal na ani Allan. Base sa tono ni Roscoe kanina sa telepono, batid ni Allan na wala sa mood ang kanyang boss kung kaya’t medyo kinakabahan siya rito. “Sino ang nagpapasok sa babaeng iyon dito kagabi?” tanong ni Roscoe nang hindi nililingon ang kanyang assistant. Isa si Roscoe sa pinakamakapangyarihang tao sa buong Pilipinas. Hawak nito ang maraming malalaking negosyo sa bansa at mayroon din siyang malawak na impluwensya at koneksyon sa kahit na anong industriya. Hindi na bago sa kanya ang ganitong taktika. Hindi rin ito ang unang beses na may nagtangkang puntahan siya sa kanyang silid at kama. Ngunit ito ang unang beses na may nagtagumpay. Maraming tao ang gustong makuha ang simpatya at atensyon ng lalaki kung kaya naman ay gagawin nila ang lahat para lang makuha ito at isa na ang pagpapadala ng babae sa kanyang silid. Sa paulit-ulit na nangyayari ito, namaster na ni Roscoe ang hindi pagtanggap sa mga babae. At ni isang beses ay hindi siya nagkaroon ng kahit na ano mang relasyon sa mga ito o sa kahit na sinong babae. One of the reasons why the public thought of him as gay. Pero wala siyang pakialam sa mga ito. “Narinig mo ba ang sinabi ko? Tinatanong ko kung sino ang nagpapasok sa babaeng iyon!” hinarap ni Roscoe si Allan. Napalunok si Allan nang makita kung gaano kagalit ang lalaki. Sa ilang taon niyang pagsisilbi kay Roscoe, ito ang unang beses niyang makitang magalit nang ganito ang kanyang boss. “I need an answer now!” Tumango nang mabilis si Allan. “Yes, boss.” Bumuga muli ng usok ng sigarilyo si Roscoe, pilit kinakalma ang sarili gamit dito. Lumabas muli si Allan habang si Roscoe naman ay pinagmasdang muli ang kalawakan ng maynila. Nahagip ng kanyang mata si Leil sa isang kanto, pumapara ng taxi ngunit walang humihinto rito upang pasakayin siya. Lumipas ang ilang minuto at muling pumasok si Allan, may dala-dalang mga litratong kuha sa CCTV. “Boss, ang babaeng pumasok sa kwarto ninyo kagabi ay si Leil Hidalgo. Isang entertainment reporter sa isang maliit na tv network.” Entertainment reporter? Nagtiim ang kanyang bagang at hinilot ang kanyang sentido. “Check the whole room and secure if everything is safe. Walang pwedeng lumabas na kahit na ano mang nangyari dito kagabi.” Tumango si Allan at sinunod ang sinabi ng kanyang boss. “Boss, isang maliit na camera.” Ani Allan. Nakita niya ang isang maliit na camera na nakapaskil sa bedside table. Sa sobrang liit nito, hindi mo aakalaing camera pala ito. Mas lalong umusok ang dibdib ni Roscoe dahil dito. Umiling siya habang paulit-ulit na nagtitiim bagang. ‘You always fail me, Leil. You always prove to me that you are a low-class woman—a cheap and dirty woman. I despise you.’ ‘Talagang kaya niyang gamitin ang kanyang sarili para lang makagawa nang magandang balita? Para ano? Para pagpyestahan ang buhay ko at makilala siya at ang kompanyang pinagtra-trabahuan niya? Pwes, hindi ako makakapayag.’ Sinuksok ni Roscoe ang kanyang kamao sa bulsa niya. Tiningnan niya nang mariin si Allan. “Ipagutos mo sa lahat ng media company ang tungkol dito. Sabihin mo na ipinaguutos ko na huwag na huwag nilang tatanggapin ang babaeng iyan sa kahit na anong trabaho. Susundin nila ang nais ko kung hindi ay babagsak ang kanilang kompanya.” Roscoe gritted his teeth as he thinks of Leil. Tumango si Allan. “Masusunod, boss.” “Siguruduhin mo rin na walang kahit na anong litrato o balita ang kakalat ukol dito. Ipabura mo ang lahat ng footage ng CCTV. Dapat malinis ang lahat.” Gusto ni Roscoe na saktan si Leil nang sobra-sobra. Pakiramdam niya ay pinagtaksilan at trinaydor siya nito. Kung kaya’t tatanggalin niya ang lahat ng meron ang babae. Kahit na ang trabaho pa nito.Nakasimangot si Jackquelyn nang madatnan ni Leil sa loob, ngunit nang makita niya ang nakakatandang kapatid na si Leil ay unti-unting lumiwanag ang kanyang mukha. Ngumiti siya nang malaki, halata ang saya sa kanyang mga labi at mga mata. “Ate!” Masayang tawag ni Jacquelyn dito. Humalakhak si Leil at mabilis na yinakap ang kapatid, maluha-luha siya habang nagyayakapan silang dalawa. Ang totoo ay sobrang na-miss niya ang kapatid. Ilang araw na silang hindi nagkikita at mahirap iyon para sa kanya, lalo pa at hindi siya nabibigyan ng update tungkol sa buong kalagayan nito. Oo nga at may assurance naman galing kay Roscoe na maayos ang kalagayan ni Jacky, pero mas masarap pa rin sa pakiramdam na nakikita mismo ng dalawang mata ni Leil ang kapatid, at na siya mismo ang nakaka-obserba rito.Pasimpleng pinunasan ni Leil ang kaniyang mga luha bago matapos ang kanilang yakap. Masyado ng mahirap para kay Jacky ang kinakaharap nito ngayon, at ayaw ni Leil na makita siya ng kapatid na umiiyak.
Isang malalim na buntong hininga ang binitawan ni Leil nang matanaw niya na ang bungad ng hospital. Ilang araw niya ng hindi nakikita ang kapatid dahil medyo malayo ang bahay ni Roscoe dito. Naiintindihan naman iyon ni Leil, hindi siya para magreklamo. “I changed my mind. Susunduin na lang pala kita mamaya para masigurong eksaktong alas sais ay uuwi na tayo,” saad ni Roscoe bago bumaba si Leil. Ngumiti nang maliit ang babae at saka tumango. “Sige. Maraming salamat, Roscoe.”At saka siya lumabas ng sasakyan mag-isa. Hindi umaasa si Leil na pagbubuksan siya ng pinto ng lalaki dahil alam naman niya na galit siya rito. Pero siguro dahil na rin sa mga nakaraang araw na lagi niyang pinsgbubuksan ng pinto ang dalaga ay… kahit papaano medyo nasanay siya rito. Nagtagal pa siya nang kaunti sa labas at hinintay muna na makaalis ang sasakyan ni Roscoe bago nagpasyang pumasok na sa loob.Nasabi ni Roscoe kay Leil na nabago na ang kwarto ni Jacquelyn. Kung dati ay nasa medyo cheap na kwarto ang
“She said she cooked adobo, right?” pabulong na tanong ni Roscoe sa kanyang sarili nang bumaba siya para sana tikman ang lutong iyon ni Leil. Pero wala siyang nakita ni buto ng manok sa kusina. Kunot-noo niyang hinalungkat ang lahat, pero talagang wala siyang mahanap. “Damn it. I want to eat her adobo,” Sinubukang tingnan ni Roscoe sa fridge kung may tinagong adobo roon si Leil ngunit wala rin siyang nakita. “Don’t tell me kinain niya lahat ng niluto niya?” Shaking his head, nakasimangot na umakyat pabalik ng kwarto nila si Roscoe. Doon ay mahimbing pa rin ang tulog ni Leil. “Maybe she’ll cook adobo for me tomorrow again,” bulong niya habang pinagmamasdan si Leil.“”””””””Malapit nang sumikat ang araw pero nakatitig pa rin si Roscoe kay Leil, binabantayan ang babae na para bang ano mang oras ay iiwan siya nito. Roscoe would sometimes caress Leil’s face. He’d tuck some of her hair behind her ears, then would kiss her forehead down to her cheeks. Payapa ang mukha ni Leil na na
Nang magising si Leil kinabukasan ay mag-isa na lamang siya sa kama, wala na si Roscoe sa kanyang tabi. Naisip ni Leil na baka ganito talaga kaagang nagigising ang lalaki. Lalo pa at maraming kailangang asikasuhin… ang kanyang asawa. Hindi niya napigilang gumuhit ang maliit na ngiti sa kanyang mga labi nang maisip na asawa niya na nga si Roscoe.Bumuntong hininga siya at saka nagkibit-balikat.Kahit na alam niyang wala siyang pag-asang magustuhan ulit ni Roscoe, hindi niya pa rin maiwasang makaramdam ng saya. Hindi naman siya umaasa, lalo pa at alam niya ang lugar niya ngayon sa buhay ni Roscoe. Nandito lamang siya para punan ang sekswal na pangangailangan ni Roscoe, at pati na rin tuparin ang matagal nang nais ng lalaki—ang magkaroon ng anak. At syempre, hindi pa rin nakakalimutan ni Leil ang dahilan kung bakit siya nandito, at kung bakit niya ginagawa ang lahat ng ito. Ito ay dahil sa kanyang kapatid na may sakit. Kailangan niya ng pera para mapagamot ito. At kailangan niya ng tul
Hindi alam ni Leil kung paano niyang haharapin si Roscoe ngayon. Nakita siya ng lalaki na hubo’t hubad! Walang kahit anong saplot. “Bakit ko ba kasi nasobrahan ang pagligo sa bathtub?”Napahilamos siya sa kanyang mukha nang marealize na hindi pala siya nakashower nang maayos sapagkat nilublob niya lang ang sarili sa bathtub. “Pero ‘di bale na. Maayos din naman sa bathtub na iyon.”Dahil walang ibang dala na damit si Leil ay kinuha niyang muli ang suot niya kanina at iyon muli ang sinuot niya. Gusto niya sanang humiram ng kahit na anong damit kay Roscoe ngunit dahil sa sobrang hiya niya kanina ay nakalimutan na niya. Mamaya na lang pagkatapos kumain. Bumaba na siya ng kwarto pagkatapos magbihis. Tinuyo niya lang nang kaunti ang buhok para hindi tumulo ang patak ng tubig dito. Pagdating niya sa kusina ay nakita niya ang nakatalikod na si Roscoe, nagluluto. Mabango ang niluluto ni Roscoe, at sa tingin ni Leil ay adobong karne ito. Nang makalapit ay napatunayan niyang tama ang naisi
Mabilis ang tibok ng puso ni Leil pagkapasok niya sa loob ng bathroom. Hinaplos niya ang kanyang labi at saka mariing pumikit. “Shit! Bakit parang iba ang epekto sa akin ng halik na iyon?” Tila hindi alam ni Leil kung ano ang dapat maramdaman. Noong una ay tinutulak pa niya si Roscoe, pero habang tumatagal na hinahalikan siya ng lalaki ay unti-unti ring humihina ang depensa na mayroon siya. Mas madali sigurong maging asawa ni Roscoe kung hindi siya mahal ni Leil. Sa bawat paglapat ng mga labi ng lalaki, sana ay hindi naaapektuhan si Leil. Na sana ay wala lang sa kanyang ang lahat ng iyon, na ginagawa niya lamang ito para sa kanyang kapatid. Pero hindi. May nararamdaman siya kay Roscoe. At mahirap ang ginagawa niya ngayon dahil sa tuwing hinahalikan siya ng lalaki ay nanghihina siya. Hinilamos ni Leil ang kanyang kamay sa kanyang mukha. Huminga siya nang malalim at nagdesisyon na kalimutan na lang muna ang mga nangyari ngayong araw. Napansin ni Leil ang isang malaking bathtub sa