Sa higit isang oras na paghihintay ng masasakyan, sa wakas ay nakapara na rin si Leil ng isang taxi. Sinabi niya ang address ng inuupahang condo sa driver.
Buti naman at mabilis silang nakarating doon. Nanghihinang umakyat si Leil sa loob at dumeretso sa banyo. Binuksan niya ang shower at hinayaang mabasa ang kanyang buong katawan. ‘Bakit nangyayari ito sa atin, Roscoe? Bakit sobra-sobra ang galit mo sa akin? Bakit ayaw mo akong paniwalaan? Dati naman ay ikaw pa ang pumoprotekta sa akin hindi ba? Ikaw ang nagtatanggol at nagpapasaya sa akin. Bakit ngayon ay nag-iba na ang lahat? Bakit ikaw na ang nananakit sa akin?’ Umagos ang luha sa mga mata ni Leil habang nakasandal sa dingding ng banyo. Sila ni Roscoe ay dating magkaibigan at pareho sila ng pinapasukang paaralan. Si Roscoe ang nagtatanggol sa kanya kung may nagtatangkang mangbully dito. Hindi niya hinahayaang masaktan si Leil at lalong laging pinapatawa at pinapasaya ng lalaki ang babae. Pero nagbago ang lahat dahil sa isang trahedya. Simula nang magalit sa kanya si Roscoe, nagbago ang kanyang buhay. Napaalis siya sa paaralang pinapasukan niya, nawalan siya ng trabaho, at napaalis siya sa kaniyang tinitirhan. Ang kanyang buhay na dati’y magaan, ngayon ay mas naging mabigat at masaklap. Ang dating Roscoe na nagtatanggol sa kanya upang hindi siya masaktan, ngayon ay siya na ang gumuguhit ng mga pasa sa kanyang damdamin. Natapos na lang ni Leil ang kanyang pagligo nang namamaga ang mga mata. Sobrang bigat ng kanyang dibdib na para bang nakadagan dito ang mga salitang binitawan ni Roscoe kanina. At hindi siya sigurado kung maaalis pa ba ito dito. Siguro ay hindi na. Habang buhay niya nang aalalahanin ang bawat kirot at hapdi na dala ng mga salita niyang iyon. Tumunog ang kanyang telepono, pangalan ni Princess ang nagpakitang tumatawag. Huminga nang malalim si Leil bago ito sagutin. “Hello, Princess? Bakit ka napatawag?” malamlam ang kanyang boses nang tanungin niya ito. “Tinawagan lang kita para sabihin sa iyo na tinatanggal ka na ni boss sa trabaho simula ngayon at hindi ka na pwedeng pumasok pa rito ulit. Pero huwag kang mag-alala. Babayaran ka pa rin naman niya sa mga araw na nakompleto mo.” Bago pa makasagot si Leil ay binaba na ni Princess ang telepono. ‘Ano? Tanggal na ako sa trabaho? Hindi pwede ito! Hindi pwedeng mawalan ako ng trabaho!’ Sinubukan niyang tawagan si Princess ngunit out of reach na ito. Kaya naman ay mabilis niyang inayos ang sarili at umalis. Pumara muli siya ng taxi, at buti na lang ay nakasakay siya nang mabilis. Sinabi niya ang address ng kompanyang pinagtratrabahuan at mabilis siyang nakarating dito. Walang kahit na sino ang nagbabantay sa lobby kaya naman nakapasok siya nang walang sagabal. Dumeretso siya sa opisina ng kanyang boses. Napatigil siya nang marinig ang dalawang taong nag-uusap sa loob. “Boss…” pamilyar na boses ng babae iyon. Si Princess ito. Sigurado siya rito dahil kilalang kilala niya ang boses ng babae. “Hindi ka ba masaya sa nagawa ko? Ginawa ko naman ang gusto mo, hindi ba? Bakit pati sa akin ay nagagalit ka? Hindi ba dapat ay bigyan mo ako ng reward? Maybe another promotion will do?” sa nang-aakit na boses ay saad ni Princess. Hindi na nagulat pa si Leil sa kanyang mga narinig. Matagal nang usap-usapan ng ibang reporters ang tungkol sa secret affair ni Princess at ng kanilang boss. Ang akala niya dati ay pawang kwento lamang iyon ngunit ngayong naririnig niya si Princess, sigurado siyang totoo ito. Kaya pala napakabilis umangat ni Princess. Kabago-bago niya pa lang dito ngunit ang bilis niyang ma-promote. Iyon pala ay dahil sa may relasyon sila ng kanilang boss. Patuloy na nakinig si Leil sa pag-uusap ng dalawa sa loob. Gusto man niyang pumasok na ngayon, naghahanap pa rin siya nang tamang tyempo. Umupo muna siya saglit sa may maliit na couch. Rinig na rinig pa rin dito ang usapan ng dalawa dahil nakaawang nang kaunti ang pinto. “Boss, nakuhanan ko ng litrato si Leil at Roscoe na magkasama. Pwede na natin itong magamit para sa plano! Kung ilalabas natin ito ngayon at gagawan ng balita, siguradong mabilis itong magiging viral at sa wakas ay makikilala na rin tayo!” ‘Ano? Plano?’ Nanlalaki ang mga mata ni Leil nang marealize niya ang ibig-sabihin ni Princess. ‘So kaya nila ako pinadala roon ay hindi naman para sa secret relationship ng isang sikat na aktres at mayamang business man! Kung hindi ay para i-frame up ako kasama si Roscoe! Napakawalang-hiya mo, Princess!’ “At talagang may gana ka pang humingi sa akin ng reward?! Pasalamat ka at hindi kita sinisante kagaya ng pagsisante ko kay Leil! Kung ginamit mo lang sana ang utak mo! Hindi sana mangyayari ito!” sigaw ng kanilang boss. Ramdam ang galit ng kanilang boss sa loob ng silid. Hinihimas ni Princess ang hubad na katawan ng kanilang boss, pilit nitong pinapakalma. “Bakit ba galit na galit ka, boss? Dapat nga ay matuwa ka pa sa akin. Hindi ba iyon naman talaga ang plano? Ang lasingin siya pagkatapos ay dalhin siya sa suit ni Roscoe Villafuerte, hindi ba? Kuhanan ng mga litrato at videos para makagawa ng isang magandang balita. So huwag ka nang magalit, please? Andito ako para pakalmahin ka.” Humagikgik si Princess habang ginagawa iyon. Hindi na nakapagtimpi pa si Leil nang masiguro na talaga ngang plano na nila ito na gawin ito sa kanya. Binuksan niya ang pintuan dahilan upang magulat pareho ang kanyang boss pati na rin si Princess. Pareho silang hubad, tanging panty at bra lamang ang suot ni Princess habang boxers naman ang sa kanilang boss. Naaamoy sa buong office ang nakakadiring affair ng dalawa. “Tama ba ang narinig ko? Kayo ang may pakana ng lahat ng iyon? You two framed me up with Roscoe! Bakit kailangan niyo iyong gawin?!” hindi na napigilan ni Leil ang mapasigaw dahil sa iritasyon at pagkabigo. Pakiramdam niya ay pinagtutulungan siya ng lahat. Wala siyang kakampi. Ang tangi at nag-iisang kakampi niya sa buhay ay naging kaaway niya pa. “Alam ninyong pwede ko kayong kasuhan dahil sa ginawa ninyong iyon!” tumalim ang kanyang matang nakatingin sa kanila. Unti-unting pumapatak ang luha niya kahit anong pigil niya rito. “Idedemanda ko kayo! Ipapakulong—” Humalakhak si Princess na para bang nakakatawa ang sinabing iyon ni Leil. Umiling-iling pa siya habang nakangisi, at unti-unting nilapitan ang umiiyak na si Leil. “Awww, what a dramatic scene, Leil. Napakagaling mo naman umarte. Nagbibiro ka ba?” Mas lalong nagngitngit sa galit si Leil dahil sa sinabing iyon ni Princess. “Niloko niyo ako! Kakasuhan ko kayo!” “Go ahead, Leil! Sa tingin mo ba ay may maniniwala sa’yo? Sa itsura mong iyan? Talaga bang papaniwalaan ka ng mga pulis laban sa amin? Lalo pa at wala ka namang ebidensya sa mga ibinibintang mo! Kilalanin mo ang binabangga mo, Leil. Hindi mo kami kakayanin!”Nakasimangot si Jackquelyn nang madatnan ni Leil sa loob, ngunit nang makita niya ang nakakatandang kapatid na si Leil ay unti-unting lumiwanag ang kanyang mukha. Ngumiti siya nang malaki, halata ang saya sa kanyang mga labi at mga mata. “Ate!” Masayang tawag ni Jacquelyn dito. Humalakhak si Leil at mabilis na yinakap ang kapatid, maluha-luha siya habang nagyayakapan silang dalawa. Ang totoo ay sobrang na-miss niya ang kapatid. Ilang araw na silang hindi nagkikita at mahirap iyon para sa kanya, lalo pa at hindi siya nabibigyan ng update tungkol sa buong kalagayan nito. Oo nga at may assurance naman galing kay Roscoe na maayos ang kalagayan ni Jacky, pero mas masarap pa rin sa pakiramdam na nakikita mismo ng dalawang mata ni Leil ang kapatid, at na siya mismo ang nakaka-obserba rito.Pasimpleng pinunasan ni Leil ang kaniyang mga luha bago matapos ang kanilang yakap. Masyado ng mahirap para kay Jacky ang kinakaharap nito ngayon, at ayaw ni Leil na makita siya ng kapatid na umiiyak.
Isang malalim na buntong hininga ang binitawan ni Leil nang matanaw niya na ang bungad ng hospital. Ilang araw niya ng hindi nakikita ang kapatid dahil medyo malayo ang bahay ni Roscoe dito. Naiintindihan naman iyon ni Leil, hindi siya para magreklamo. “I changed my mind. Susunduin na lang pala kita mamaya para masigurong eksaktong alas sais ay uuwi na tayo,” saad ni Roscoe bago bumaba si Leil. Ngumiti nang maliit ang babae at saka tumango. “Sige. Maraming salamat, Roscoe.”At saka siya lumabas ng sasakyan mag-isa. Hindi umaasa si Leil na pagbubuksan siya ng pinto ng lalaki dahil alam naman niya na galit siya rito. Pero siguro dahil na rin sa mga nakaraang araw na lagi niyang pinsgbubuksan ng pinto ang dalaga ay… kahit papaano medyo nasanay siya rito. Nagtagal pa siya nang kaunti sa labas at hinintay muna na makaalis ang sasakyan ni Roscoe bago nagpasyang pumasok na sa loob.Nasabi ni Roscoe kay Leil na nabago na ang kwarto ni Jacquelyn. Kung dati ay nasa medyo cheap na kwarto ang
“She said she cooked adobo, right?” pabulong na tanong ni Roscoe sa kanyang sarili nang bumaba siya para sana tikman ang lutong iyon ni Leil. Pero wala siyang nakita ni buto ng manok sa kusina. Kunot-noo niyang hinalungkat ang lahat, pero talagang wala siyang mahanap. “Damn it. I want to eat her adobo,” Sinubukang tingnan ni Roscoe sa fridge kung may tinagong adobo roon si Leil ngunit wala rin siyang nakita. “Don’t tell me kinain niya lahat ng niluto niya?” Shaking his head, nakasimangot na umakyat pabalik ng kwarto nila si Roscoe. Doon ay mahimbing pa rin ang tulog ni Leil. “Maybe she’ll cook adobo for me tomorrow again,” bulong niya habang pinagmamasdan si Leil.“”””””””Malapit nang sumikat ang araw pero nakatitig pa rin si Roscoe kay Leil, binabantayan ang babae na para bang ano mang oras ay iiwan siya nito. Roscoe would sometimes caress Leil’s face. He’d tuck some of her hair behind her ears, then would kiss her forehead down to her cheeks. Payapa ang mukha ni Leil na na
Nang magising si Leil kinabukasan ay mag-isa na lamang siya sa kama, wala na si Roscoe sa kanyang tabi. Naisip ni Leil na baka ganito talaga kaagang nagigising ang lalaki. Lalo pa at maraming kailangang asikasuhin… ang kanyang asawa. Hindi niya napigilang gumuhit ang maliit na ngiti sa kanyang mga labi nang maisip na asawa niya na nga si Roscoe.Bumuntong hininga siya at saka nagkibit-balikat.Kahit na alam niyang wala siyang pag-asang magustuhan ulit ni Roscoe, hindi niya pa rin maiwasang makaramdam ng saya. Hindi naman siya umaasa, lalo pa at alam niya ang lugar niya ngayon sa buhay ni Roscoe. Nandito lamang siya para punan ang sekswal na pangangailangan ni Roscoe, at pati na rin tuparin ang matagal nang nais ng lalaki—ang magkaroon ng anak. At syempre, hindi pa rin nakakalimutan ni Leil ang dahilan kung bakit siya nandito, at kung bakit niya ginagawa ang lahat ng ito. Ito ay dahil sa kanyang kapatid na may sakit. Kailangan niya ng pera para mapagamot ito. At kailangan niya ng tul
Hindi alam ni Leil kung paano niyang haharapin si Roscoe ngayon. Nakita siya ng lalaki na hubo’t hubad! Walang kahit anong saplot. “Bakit ko ba kasi nasobrahan ang pagligo sa bathtub?”Napahilamos siya sa kanyang mukha nang marealize na hindi pala siya nakashower nang maayos sapagkat nilublob niya lang ang sarili sa bathtub. “Pero ‘di bale na. Maayos din naman sa bathtub na iyon.”Dahil walang ibang dala na damit si Leil ay kinuha niyang muli ang suot niya kanina at iyon muli ang sinuot niya. Gusto niya sanang humiram ng kahit na anong damit kay Roscoe ngunit dahil sa sobrang hiya niya kanina ay nakalimutan na niya. Mamaya na lang pagkatapos kumain. Bumaba na siya ng kwarto pagkatapos magbihis. Tinuyo niya lang nang kaunti ang buhok para hindi tumulo ang patak ng tubig dito. Pagdating niya sa kusina ay nakita niya ang nakatalikod na si Roscoe, nagluluto. Mabango ang niluluto ni Roscoe, at sa tingin ni Leil ay adobong karne ito. Nang makalapit ay napatunayan niyang tama ang naisi
Mabilis ang tibok ng puso ni Leil pagkapasok niya sa loob ng bathroom. Hinaplos niya ang kanyang labi at saka mariing pumikit. “Shit! Bakit parang iba ang epekto sa akin ng halik na iyon?” Tila hindi alam ni Leil kung ano ang dapat maramdaman. Noong una ay tinutulak pa niya si Roscoe, pero habang tumatagal na hinahalikan siya ng lalaki ay unti-unti ring humihina ang depensa na mayroon siya. Mas madali sigurong maging asawa ni Roscoe kung hindi siya mahal ni Leil. Sa bawat paglapat ng mga labi ng lalaki, sana ay hindi naaapektuhan si Leil. Na sana ay wala lang sa kanyang ang lahat ng iyon, na ginagawa niya lamang ito para sa kanyang kapatid. Pero hindi. May nararamdaman siya kay Roscoe. At mahirap ang ginagawa niya ngayon dahil sa tuwing hinahalikan siya ng lalaki ay nanghihina siya. Hinilamos ni Leil ang kanyang kamay sa kanyang mukha. Huminga siya nang malalim at nagdesisyon na kalimutan na lang muna ang mga nangyari ngayong araw. Napansin ni Leil ang isang malaking bathtub sa