Share

Kabanata 005

Penulis: Queen Inks
last update Terakhir Diperbarui: 2025-01-16 14:27:04

Alam ni Leil na kahit na maliit na kompanya lamang ang pinagtratrabahuan niya, hindi niya pa rin ito kakayanin. Lalo na at wala siyang perang maaaring gamitin para magsampa ng kaso.

Alam niya ring hindi gano’n kadali iyon.

“At ano’ng gusto niyong gawin ko?! Ang hayaan at kalimutan na lang ang lahat?!”

Isang malakas na tunog ang nagpatigil sa dalawa. Hinampas ng kanilang boss ang lamesa at saka tumayo.

“Wala kang sasabihing makasisira sa akin o kahit sa kompanyang ito! Hindi ka magsasalita! Isasarado mo ang bibig mo, Leil!” namumula ang mukha ng lalaki dahil sa sobrang galit.

Hindi pwedeng lumabas ang issue na ito. Siguradong siya ang malilintikan ng mga higher bosses kung nagkataon. At baka mawalan pa siya ng trabaho. Trabahong ilang taon niyang pinagsikapang abutin. Hindi siya pwedeng masira dahil lamang sa issue na ito at mas lalong hindi pwedeng maalis siya sa pwesto!

Kung kailangang patayin niya si Leil upang mapatahimik ito, gagawin niya.

Sinugod ng lalaki si Leil at mabilis niya itong sinampal nang malakas. Napabagsak sa sahig si Leil dahil sa sobrang lakas ng sampal. Parang tinakasan siya ng kanyang kaluluwa. Pulang-pula ang kanyang pisngi at bumakat pa ang kamay ng lalaki rito.

Bumuhos ang kanyang luha. “Bakit niyo ba ginagawa sa akin ito?! Ano’ng kasalanan ko?!”

Hindi na alam ni Leil ang kanyang gagawin. Gusto niyang ipaglaban ang trabaho niya dahil hindi siya pwedeng mawalan ng trabaho ngayon. Lalo pa at may sakit ang kanyang kapatid. Kailangan niya ng pera para mapagamot ito at kapag nawalan siya ng trabaho, sigurado siya na ang kapatid niya ang mahihirapan sa kamay ng kanyang iresponsableng ama.

Nang mapaalis siya sa kaniyang tinitirhan limang taon na ang lumipas, ang ama na niya ang nag-aalaga sa kanyang kapatid kasama ang kanyang stepmother.

“Bago ka pa makapagsalita ay masisiguro kong patay ka na.” demonyong ngisi ang pinakita ng lalaki kay Leil, na nagdala ng takot sa babae. Lumuhod ito sa harapan nang babae at hinaplos ang legs nito. Napaigtad si Leil dahilan upang masipa niya ang lalaki.

“Huwag mo akong hahawakan!” puno ng pandidiri ang boses ng babae.

“Ano? Magsasalita ka pa, huh? O baka naman gusto mong ma-rape?” hinaplos niya ang binti ni Leil saka ito hinawakan. Siniguro niyang hindi na siya masisipa ng babae.

Napuno ng takot si Leil sa sinabi ng kanyang boss. Hindi ito ang unang beses na nangyari sa kanya ito. Ngunit dati ay mayroon pang Roscoe na nagligtas sa kanya.

Ngayon ay wala na.

“B-Boss, parang awa niyo na! Huwag niyong gawin sa’kin ito!” nanginig ang boses ni Leil na nagmamakaawa sa lalaki.

Ayaw na niyang maranasan ulit ang trahedyang dinanas niya noon.

Ngunit parang walang narinig ang lalaki. Ngumisi pa ito ng parang isang manyak at saka hinawakan ang bewang ni Leil. Dagan-dagan ng lalaki ang paa niya habang ang kamay naman niya ay hawak-hawak na ng lalaki. Wala siyang ibang nagawa pa kung hindi ang humagulgol nang simulan siyang halikan ng lalaki sa pisngi.

Nakadantay sa lamesa si Princess habang pinapanood ang dalawa. Nakangisi ito at tuwang-tuwa na naghihirap si Leil.

“P-pangako, boss! Hindi ako magsusumbong! Hindi ako m-magsusumbong! Pangako!” umiiyak na sigaw ni Leil.

Wala siyang ibang pwedeng asahan kung hindi ang sarili niya. Walang darating na tulong para sa kanya.

“Ang lambot ng balat mo, Leil. Magugustuhan mo rin ito kaya kumalma ka!”

Nilapit muli ng lalaki ang kanyang labi sa pisngi ni Leil ngunit bago pa niya mahalikan itong muli, inuntog na ni Leil ang kanyang sariling ulo sa ulo ng lalaki. Napa-aray sa sakit ang lalaki. Nabitawan niya si Leil at hinimas nito ang kanyang noo.

“T*ngina kang babae ka!”

Bago pa siya mahawakan ng lalaki, tinulak niya ito nang malakas paalis sa kanyang ibabaw saka sinipa ang nasa gitnang parte ng lalaki.

Umaray ito at nagpagulong-gulong sa sahig. Nanlalaki ang mga mata ni Princess at mabilis na dinaluhan ang kanilang boss.

“Walanghiya ka, Leil!” sigaw ni Princess dito.

Sa takot ay mabilis na tumakbo si Leil palabas ng office. Nanginginig ang kanyang buong katawan at patuloy sa paghagulgol habang tumatakbo palabas ng kompanya.

Sinubukan siyang habulin ng lalaki ngunit dahil hubad siya ay hindi na niya nahabol ito.

“Tangina! Nakatakas pa!” ani ng lalaki habang iniinda ang sakit sa gitna ng kanyang mga binti.

“Boss, ayos ka lang ba? Gusto mo bang i-masahe ko ‘yan para hindi na sumakit?” malambing na saad ni Princess.

“Tanga ka ba? Imbes na pigilan mong lumabas ang babaeng iyon, inuna mo pa talaga akong puntahan! Tanga ka rin eh ‘no?”

Sa kabilang banda naman, walang tigil sa pagtakbo si Leil. Kahit na alam niyang malayo na siya sa kompanyang dating pinagtratrabuhuan ay hindi pa rin siya tumigil dahil sa takot. Paulit-ulit niyang nililingon ang kanyang paligid at baka pinasundan siya.

Napalupasay siya sa daan dahil sa panghihina. Ang mga luhang umaagos sa kanyang mata ay walang humpay.

Takot na takot siya.

Umiiyak siya sa daan na iyon habang yakap-yakap ang sarili.

Kahit na pagod na at nanghihina, tumayo muli si Leil at tumakbo. Natatakot siyang maabutan ng mga tauhan ng lalaking iyon.

Nang lingunin niya ang likuran niya ay nagulat siya nang may paparating na isang sasakyan sa kanya. Napatili siya at pumikit nang madiin, inaakalang mabubunggo siya nito.

Ngunit lumipas ang ilang segundo ay nakatayo pa rin siya.

Binuksan niya ang kanyang mata at nakita ang sasakyang nasa harapan niya. Ito ay isang limousine car.

Akala niya ay sasakyan ito ng kanyang boss kaya naman ay tinangka niyang tumakbo ulit ngunit may humawak sa kanyang kamay.

“Bitawan mo ako! Bitaw! Bitaw! Pakiusap!” lumuluhang pakiusap ni Leil.

Bumaba ang bintana ng sasakyan sa back seat. Iniluwa nito ang mukha ni Roscoe Villafuerte. Masungit at galit itong nakatingin sa kanya.

Nilingon ni Leil ang lalaking may hawak sa kamay niya at nakita niyang si Allan ito.

“Boss, ano pong gagawin natin dito?” ani Allan.

Si Roscoe ay nakatingin lamang nang deretso sa umiiyak na si Leil, tila ba binabasa ng lalaki ang nasa isip ng babae.

Bumalik sa isipan ni Leil ang mga salitang sinabi ni Roscoe sa kanya. Na kung magkita silang muli, ay papatayin siya nito. Ito na ba ang katapusan ko? Tanong niya sa kanyang isip.

Umiling si Roscoe at sinenyasan si Allan na bitawan ang babae.

“Nothing. Hayaan lang natin siya dito sa kalsada, sa dumi, kung saan siya nababagay.” Malamig na saad ni Roscoe bago sinara ang bintana.

Dinurog muli nito ang puso ng babae. Mas lalo siyang nanghina.

Iniwan siyang mag-isa at pagod sa kalsada nina Roscoe. Hindi na niya alam ang gagawin niya.

Tumunog ang kanyang telepono. Nang tingnan niya ito ay nakita niyang tumatawag dito ang kanyang stepmom.

Sa nanginginig na kamay ay sinagot niya ito.

“M-Ma…” nanginig ang kanyang boses.

“Ano ka ba, Leil! Kanina pa kita tinatawagan ah? Bakit hindi ka sumasagot? Lintek na batang ‘to oh!” tinakpan ni Leil ang kanyang labi upang hindi marinig ng kanyang stepmom ang hikbi nito. “Kailangan namin ng pera! Maraming maraming pera! Dinala ko ang kapatid mo sa hospital kaya magpadala ka ngayon na! 50,000! Kasya na ‘yon! Bilis!”

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Contract Marriage With The CEO   Kabanata 030

    Nakasimangot si Jackquelyn nang madatnan ni Leil sa loob, ngunit nang makita niya ang nakakatandang kapatid na si Leil ay unti-unting lumiwanag ang kanyang mukha. Ngumiti siya nang malaki, halata ang saya sa kanyang mga labi at mga mata. “Ate!” Masayang tawag ni Jacquelyn dito. Humalakhak si Leil at mabilis na yinakap ang kapatid, maluha-luha siya habang nagyayakapan silang dalawa. Ang totoo ay sobrang na-miss niya ang kapatid. Ilang araw na silang hindi nagkikita at mahirap iyon para sa kanya, lalo pa at hindi siya nabibigyan ng update tungkol sa buong kalagayan nito. Oo nga at may assurance naman galing kay Roscoe na maayos ang kalagayan ni Jacky, pero mas masarap pa rin sa pakiramdam na nakikita mismo ng dalawang mata ni Leil ang kapatid, at na siya mismo ang nakaka-obserba rito.Pasimpleng pinunasan ni Leil ang kaniyang mga luha bago matapos ang kanilang yakap. Masyado ng mahirap para kay Jacky ang kinakaharap nito ngayon, at ayaw ni Leil na makita siya ng kapatid na umiiyak.

  • Contract Marriage With The CEO   Kabanata 029

    Isang malalim na buntong hininga ang binitawan ni Leil nang matanaw niya na ang bungad ng hospital. Ilang araw niya ng hindi nakikita ang kapatid dahil medyo malayo ang bahay ni Roscoe dito. Naiintindihan naman iyon ni Leil, hindi siya para magreklamo. “I changed my mind. Susunduin na lang pala kita mamaya para masigurong eksaktong alas sais ay uuwi na tayo,” saad ni Roscoe bago bumaba si Leil. Ngumiti nang maliit ang babae at saka tumango. “Sige. Maraming salamat, Roscoe.”At saka siya lumabas ng sasakyan mag-isa. Hindi umaasa si Leil na pagbubuksan siya ng pinto ng lalaki dahil alam naman niya na galit siya rito. Pero siguro dahil na rin sa mga nakaraang araw na lagi niyang pinsgbubuksan ng pinto ang dalaga ay… kahit papaano medyo nasanay siya rito. Nagtagal pa siya nang kaunti sa labas at hinintay muna na makaalis ang sasakyan ni Roscoe bago nagpasyang pumasok na sa loob.Nasabi ni Roscoe kay Leil na nabago na ang kwarto ni Jacquelyn. Kung dati ay nasa medyo cheap na kwarto ang

  • Contract Marriage With The CEO   Kabanata 028

    “She said she cooked adobo, right?” pabulong na tanong ni Roscoe sa kanyang sarili nang bumaba siya para sana tikman ang lutong iyon ni Leil. Pero wala siyang nakita ni buto ng manok sa kusina. Kunot-noo niyang hinalungkat ang lahat, pero talagang wala siyang mahanap. “Damn it. I want to eat her adobo,” Sinubukang tingnan ni Roscoe sa fridge kung may tinagong adobo roon si Leil ngunit wala rin siyang nakita. “Don’t tell me kinain niya lahat ng niluto niya?” Shaking his head, nakasimangot na umakyat pabalik ng kwarto nila si Roscoe. Doon ay mahimbing pa rin ang tulog ni Leil. “Maybe she’ll cook adobo for me tomorrow again,” bulong niya habang pinagmamasdan si Leil.“”””””””Malapit nang sumikat ang araw pero nakatitig pa rin si Roscoe kay Leil, binabantayan ang babae na para bang ano mang oras ay iiwan siya nito. Roscoe would sometimes caress Leil’s face. He’d tuck some of her hair behind her ears, then would kiss her forehead down to her cheeks. Payapa ang mukha ni Leil na na

  • Contract Marriage With The CEO   Kabanata 027

    Nang magising si Leil kinabukasan ay mag-isa na lamang siya sa kama, wala na si Roscoe sa kanyang tabi. Naisip ni Leil na baka ganito talaga kaagang nagigising ang lalaki. Lalo pa at maraming kailangang asikasuhin… ang kanyang asawa. Hindi niya napigilang gumuhit ang maliit na ngiti sa kanyang mga labi nang maisip na asawa niya na nga si Roscoe.Bumuntong hininga siya at saka nagkibit-balikat.Kahit na alam niyang wala siyang pag-asang magustuhan ulit ni Roscoe, hindi niya pa rin maiwasang makaramdam ng saya. Hindi naman siya umaasa, lalo pa at alam niya ang lugar niya ngayon sa buhay ni Roscoe. Nandito lamang siya para punan ang sekswal na pangangailangan ni Roscoe, at pati na rin tuparin ang matagal nang nais ng lalaki—ang magkaroon ng anak. At syempre, hindi pa rin nakakalimutan ni Leil ang dahilan kung bakit siya nandito, at kung bakit niya ginagawa ang lahat ng ito. Ito ay dahil sa kanyang kapatid na may sakit. Kailangan niya ng pera para mapagamot ito. At kailangan niya ng tul

  • Contract Marriage With The CEO   Kabanata 026

    Hindi alam ni Leil kung paano niyang haharapin si Roscoe ngayon. Nakita siya ng lalaki na hubo’t hubad! Walang kahit anong saplot. “Bakit ko ba kasi nasobrahan ang pagligo sa bathtub?”Napahilamos siya sa kanyang mukha nang marealize na hindi pala siya nakashower nang maayos sapagkat nilublob niya lang ang sarili sa bathtub. “Pero ‘di bale na. Maayos din naman sa bathtub na iyon.”Dahil walang ibang dala na damit si Leil ay kinuha niyang muli ang suot niya kanina at iyon muli ang sinuot niya. Gusto niya sanang humiram ng kahit na anong damit kay Roscoe ngunit dahil sa sobrang hiya niya kanina ay nakalimutan na niya. Mamaya na lang pagkatapos kumain. Bumaba na siya ng kwarto pagkatapos magbihis. Tinuyo niya lang nang kaunti ang buhok para hindi tumulo ang patak ng tubig dito. Pagdating niya sa kusina ay nakita niya ang nakatalikod na si Roscoe, nagluluto. Mabango ang niluluto ni Roscoe, at sa tingin ni Leil ay adobong karne ito. Nang makalapit ay napatunayan niyang tama ang naisi

  • Contract Marriage With The CEO   Kabanata 025

    Mabilis ang tibok ng puso ni Leil pagkapasok niya sa loob ng bathroom. Hinaplos niya ang kanyang labi at saka mariing pumikit. “Shit! Bakit parang iba ang epekto sa akin ng halik na iyon?” Tila hindi alam ni Leil kung ano ang dapat maramdaman. Noong una ay tinutulak pa niya si Roscoe, pero habang tumatagal na hinahalikan siya ng lalaki ay unti-unti ring humihina ang depensa na mayroon siya. Mas madali sigurong maging asawa ni Roscoe kung hindi siya mahal ni Leil. Sa bawat paglapat ng mga labi ng lalaki, sana ay hindi naaapektuhan si Leil. Na sana ay wala lang sa kanyang ang lahat ng iyon, na ginagawa niya lamang ito para sa kanyang kapatid. Pero hindi. May nararamdaman siya kay Roscoe. At mahirap ang ginagawa niya ngayon dahil sa tuwing hinahalikan siya ng lalaki ay nanghihina siya. Hinilamos ni Leil ang kanyang kamay sa kanyang mukha. Huminga siya nang malalim at nagdesisyon na kalimutan na lang muna ang mga nangyari ngayong araw. Napansin ni Leil ang isang malaking bathtub sa

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status