Share

KABANATA 11: NOT MY DAUGHTER

Author: butter.xxfly
last update publish date: 2026-11-12 22:14:17

FIONA’S POV

Halos hindi ko maramdaman ang bigat ng heels ko habang naglalakad kami sa napakalawak at kumikintab na lobby ng Del Fierro Tower. Sa bawat hakbang namin, ramdam ko ang mga matang nakatingin mula sa mga empleyado sa reception area hanggang sa mga executives na naghihintay sa elevator. Sanay naman ako sa atensyon noon dahil sa apelyido ni Daddy, pero iba ang bigat kapag ang apelyidong dala mo ay Del Fierro. Lalo na kapag nakakapit nang mahigpit sa kamay mo ang nag-iisang tagapagmana n
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Contract Mommy: The CEO’s Daughter Wants Me!   KABANATA 11: NOT MY DAUGHTER

    FIONA’S POVHalos hindi ko maramdaman ang bigat ng heels ko habang naglalakad kami sa napakalawak at kumikintab na lobby ng Del Fierro Tower. Sa bawat hakbang namin, ramdam ko ang mga matang nakatingin mula sa mga empleyado sa reception area hanggang sa mga executives na naghihintay sa elevator. Sanay naman ako sa atensyon noon dahil sa apelyido ni Daddy, pero iba ang bigat kapag ang apelyidong dala mo ay Del Fierro. Lalo na kapag nakakapit nang mahigpit sa kamay mo ang nag-iisang tagapagmana ni Gideon Del Fierro."Look, Mommy! Big fish!" turo ni Paige sa malaking indoor aquarium sa gilid ng executive lobby. Ang maliit niyang kamay ay bahagyang humihila sa akin habang ang kabila ay nakayakap sa kanyang bunny plushie.Ngumiti ako at bahagyang yumuko para pantayan ang tingin niya. "Yes, love. Pero huwag tayong lalayo, okay? We're going straight to our office."Nang mag-angat ako ng tingin, nahuli ko ang mga mata ni Gideon ilang hakbang lang mula sa amin. Nakatayo siya sa harap ng privat

  • Contract Mommy: The CEO’s Daughter Wants Me!   KABANATA 10: UNSPOKEN ATTRACTION

    GIDEON’S POVMaaga akong nagising para tapusin ang ilang documents bago ang opisyal na pagsisimula ng unang araw ni Fiona bilang Chief Strategy Officer. Alam kong malaking adjustment ang mangyayari dahil sa desisyon kong tanggapin siya sa bahay ko. Hindi lang sa company kundi pati na rin sa bagong takbo ng buhay namin ni Paige. Tahimik akong naglakad papunta sa room ni Paige. Maaga siyang magising, pero bakit kaya hindi pa siya bumababa para kulitin ako? Kumunot ang noo ko nang madatnan kong bukas ang pinto at wala ng tao sa kama.Nasaan sila?Bigla akong kinabahan. Hindi pa puwedeng maligo nang mag-isa si Paige; delikado kung maabot niya ang mainit na tubig nang walang nagbabantay sa kanya, o kung madulas man siya sa loob ng mag-isa. At never pa akong sinuway ni Paige. Nang marinig ko ang giggles niya sa loob ng CR, hindi na ako nag-isip pa. Mabilis kong binuksan ang pinto."Paige—"Napatigil ako, kasabay ng pagtigil ng mga paa ko. Halos ilang segundo akong nakatayo do’n. Nakaluhod s

  • Contract Mommy: The CEO’s Daughter Wants Me!   KABANATA 9: MY NAME IS YOUR SHIELD

    FIONA’S POVHindi pa rin nagbabago ang lamig ng aircon sa loob ng office ni Gideon. Nakatayo lang ako sa harap ng mesa habang pinapanood ko siyang kumuha ng isang folder. Suot ko pa rin ang simpleng cotton sleepwear habang medyo basa pa ang dulo ng buhok ko dahil sa mabilisang pagligo."Have a seat," utos ni Gideon sa mababang at may awtoridad niyang boses habang itinuturo ang katapat na upuan.Agad kong hinila ang upuan para makaupo at masabi ang lahat ng mga conditions na pinaghandaan kong sabihin sa kanya. Agad akong umupo. At pinatong ang mga braso ko sa mesa at diretso siyang tinitigan sa mga mata."We should treat this as a business deal, Gideon," panimula ko sa malinaw at pormal na tono. "Pero bago tayo magpatuloy sa pagpapanggap na 'to sa harap ng buong mundo, may mga conditions din ako." Tinitigan niya ako nang may bahagyang pag-angat ng kilay, para bang tinitimbang kung gaano ako kaseryoso. "I'm listening." Sabi niya, gamit ang modulate at nahinahong boses."Una," itinaas k

  • Contract Mommy: The CEO’s Daughter Wants Me!   KABANATA 8: I WAITED FOR YOU

    FIONA’S POV“Puwede ba tayong mag-usap bukas, kahit after work?” sabi ko habang mahigpit na nakahawak sa seatbelt.“About what? Kung may sasabihin ka, go ahead. I’m listening. Isa pa, hindi mo na kailangang magtrabaho. I can give you anything you need, just stay with Paige.” Hindi man lang siya tumingin sa ’kin. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.“Wait, wala naman sa agreement natin na hindi na ako puwedeng lumabas ng mansyon mo.” Bigla siyang napaharap sa ’kin nang tumigil ang sasakyan niya dahil sa traffic light.“You’re my wife now, and if you really want to work, then work for me.” Agad akong napaiwas ng tingin. Naramdaman ko rin ang biglaang pag-init ng mga pisngi ko.“That’s not what I mean.” Napansin ko ang pamumula ng dulo ng tainga niya nang makita niya ang reaksyon ko. “Gusto kong pag-aralan mo ang lahat ng tungkol sa company in a deeper level. My wife should know about my business.” Naiintindihan ko naman ang gusto niya. Paano nga naman namin mapapaniwala ang buong bansa

  • Contract Mommy: The CEO’s Daughter Wants Me!   KABANATA 7: I GOT YOU

    FIONA’S POV"Fiona!" sigaw ni Tita Agatha na halos umagaw ng atensyon ng lahat at siguradong gusto niyang iparinig sa mga reporter para ipahiya ako. "Wala ka talagang utang na loob! Iniwan mo ang pamilya mo para lang magpakasasa sa yaman ng iba? Ibinenta mo ang sarili mong kaluluwa para lang makuha ang apelyidong Del Fierro!"Nagsimulang magbulungan ang mga bisita sa paligid. Ang mga flashing lights ng mga camera ay mas lalong naging mabilis.Sa gitna ng pag-e-eskandalo ni Tita Agatha at sa kislap ng mga camera ng media, biglang pumasok sa isip ko ang mukha ni Paige. Bago kami umalis sa mansyon kanina, iniwan ko siyang masayang nagpapatulong sa nanny niya na mag-drawing ng portrait naming tatlo. Ang maliliit niyang bisig na nakayakap sa leeg ko, ang inosente niyang boses na nagsasabing, "Mommy looks so pretty for Daddy. Come home early, okay? I'll wait for you."Siguradong hindi siya matutuwa kung malalaman niya na ang tinatawag niyang Mommy ay hinahayaan lang na tratuhin siyang paran

  • Contract Mommy: The CEO’s Daughter Wants Me!   KABANATA 6: PUBLIC DEBUT

    FIONA’S POVWala pang tatlong oras matapos kong marinig na may inutusan si Gideon ay napuno na agad ng mga tao ang nakalaang suite sa second floor ng mansyon. Isang kilalang team ng mga fashion stylists, makeup artists, at hair designers—na madalas ko lang makita sa mga international fashion magazines —ang pumasok bitbit ang limang mobile rack ng mga customized haute couture gowns at milyun-milyong halaga ng mga jewelry."Mrs. Del Fierro, Mr. Del Fierro specifically requested an emerald green silhouetted gown for you tonight," magalang na bungad ng head stylist habang ipinapakita ang isang strapless silk gown na may malalim ngunit eleganteng slit sa gilid. "It matches the Del Fierro family heirloom emeralds."Tinitigan ko ang sarili ko sa harap ng floor-to-ceiling mirror. Sa loob ng maraming taon, nasanay akong magsuot ng mga lumang damit ni Beatrice—mga damit na may punit, lumuwag na, o itinapon na dahil hindi na uso. Pero ngayon, habang dahan-dahang inilalapat ng stylist ang silk go

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status