เข้าสู่ระบบKung may isang taong siguradong hindi naniniwala sa destiny, iyon ay si Drickson Valemont—bilyonaryo, CEO, at lalaking may allergy sa kahit anong walang kontrol.
Kaya nang mapagtanto niyang nasa loob siya ng isang simbahan, agad siyang nainis. “Hindi ako nagsisimba, bakit ako nandito?” bulong niya habang nakatingala sa napakataas na kisame. “At lalong hindi ako pumapayag sa ganitong klaseng dekorasyon.” Pero naroon siya. Suot ang isang tuxedo. Hindi basta tuxedo—wedding tuxedo. Napapikit siya. “Hindi… ito… maganda.” Tumugtog ang musikang mabagal at sobrang emosyonal. Yung tipong parang gusto kang pilitin sa isang desisyong hindi mo pinag-isipan. Nanggigigil na siya. At saka niya nakita ang babae. Kumunot ang noo ni Drickson. “Anong klaseng background music ’to?” iritadong bulong niya. “Parang may gustong magpakasal kahit wala akong pinirmahan.” Nanggigigil na niyang sabi. At saka niya nakita ang babae. Papalapit. Naka-wedding gown. Diretso ang lakad. May ngiting parang sigurado na siya ang lalaki sa altar. Nanlaki ang mata ni Drickson. “Sandali,” sabi niya, sabay lingon sa kaliwa at kanan. “Sino naman ’yang babaeng ’yan?” Wala siyang narinig na sagot. Huminga siya nang malalim, pilit kinokontrol ang sarili. “Una sa lahat,” mariing sabi niya sa hangin, “wala akong fiancée.” Itinaas niya ang kamay na parang nasa board meeting. “Pangalawa,” dagdag niya, “hindi ako pumapayag sa biglaang kasal.” At saka niya itinuro ang babae. “At pangatlo—sino ka at bakit ka naglalakad papunta sa akin na parang ako ang problema mo sa buhay?” Pero ang babae? Ngumiti lang. Mas lalong kumulo ang dugo ni Drickson. Habang ang babae ay palapit, Papalapit na ng papalapit sa kanya. Diretso ang lakad, taas-noo, at may ngiting parang sigurado na siya talaga ang mapapangasawa niya. Sandali,” kunot-noong sabi ni Drickson, umatras pa ng kalahating hakbang. “Bakit parang ikaw pa ang mas excited?” Habang papalapit ang babae, may isang bagay na agad at walang pakundangang sumabog sa paningin niya. Isang malaking nunal sa pisngi nito. Oh my God… ano ’yan? Nunal ba ’yan? As in—NUNAL?! Hindi ’yung cute na maliit na parang bonus sa ganda. Hindi rin ’yung tipong madaling balewalain kapag pumipikit ka. Kundi ’yung klase ng nunal na—parang may sariling personalidad. Parang may pangalan. Parang may ambisyon. Parang gusto niyang sabihin, “Hello, ako muna ang mapapansin mo bago ang may-ari sa akin.” Napasinghap si Drickson. “Ah.” Hindi niya alam kung dapat ba siyang magdasal o tumawag ng doktor. Huminto ang babae sa harap niya—masyadong malapit—at hinawakan ang kamay niya. Mainit. Masyadong mainit. Napatingin si Drickson sa kamay nila. Totoo ang pakiramdam. Hindi malabo. Hindi dream-like. Walang slow-motion glow. Sandali… Umangat ang tingin niya sa mukha ng babae— at bumagsak ulit sa nunal. “Hindi,” mariing bulong niya sa sarili. “Hindi ’to pwedeng totoo.” Nilunok niya ang laway. “Kung panaginip man ’to,” dagdag pa niya, pilit kalmado kahit nanginginig ang panga, “sobrang detailed naman.” Humigpit ang hawak ng babae sa kamay niya. At doon na tuluyang kinabahan si Drickson. Huminto ang babae sa harap niya at humawak sa kamay niya. Mainit. Masyadong totoo. Napatingin si Drickson sa kamay nila, saka sa mukha ng babae—at muli, sa nunal. Sinubukan niyang huwag titigan. Pero parang imposible. “Hindi tayo close,” seryoso niyang sabi. “At hindi rin kita kilala. Lalo na ang nunal mo.” Ngumiti lang ang babae, parang hindi niya narinig. Parang normal lang sa kanya na pakasalan ang isang lalaking halatang ayaw. Humarap sila sa pari. “Handa ka na ba?” tanong ng pari. “Hindi,” mabilis na sagot ni Drickson. “At gusto kong malinaw ‘yan.” Ngumiti ang pari. “Ibig sabihin, oo.” “Hindi po talaga,” giit niya. “Kung may choice lang. Biglang luminaw ang mukha ng babae. Kasama ang nunal. “DRICKSON VALEMONT! GISING NA!” Parang may sumabog na granada sa tenga niya. Biglang naglaho ang simbahan, ang musika, ang babae—at pati ang nunal na parang may sariling personalidad. Napabalikwas si Drickson sa kama, hinihingal, pawis na pawis, at nakahawak sa sariling dibdib. Sa tabi ng kama niya, nakatayo ang isang matandang babae na matigas ang tindig, naka-cross arms, at may matang kayang magpatumba ng kriminal sa isang tingin pa lang. Si Korena Mendez. Ang pinakamatagal—at pinakamapanganib—na bodyguard niya. “Kung hindi pa kita sigawan,” malamig nitong sabi, “baka kinasal ka na sa panaginip mo.” Napapikit si Drickson, sabay daan ng kamay sa mukha. “Korena…” paos niyang sabi. “Bakit parang galit ka?” “Dahil kanina ka pa sumisigaw ng ‘sandali’ at ‘wala akong fiancée’,” sagot nito. “Akala ko may nangho-holdap sa ’yo.” Umupo si Drickson sa gilid ng kama, huminga nang malalim. “Panaginip lang ’yon,” mariing sabi niya. “Isang napaka-weird at napaka-irritating na panaginip.” Tumikhim si Korena. “May babae?” “Meron.” “May drama?” “Meron.” “May kasal?” “Unfortunately.” Saglit na katahimikan. “At may nunal,” dagdag ni Drickson, seryoso ang tono. Tumaas ang kilay ni Korena. “Malaki?” “Masyado.” Napabuntong-hininga ang bodyguard. “Sir, mag-aalas-siyete na. May meeting ka.” Tumayo si Drickson, suot pa rin ang inis sa mukha. “Salamat at panaginip lang.” Pero habang naglalakad siya papunta sa banyo, may isang bagay na hindi niya maalis sa isip— Ang init ng kamay. At ang nunal na parang hindi dapat nandoon… pero malinaw na malinaw. Mas malinaw. Mas malaki. Mas… malapit. Napasinghal si Drickson at napailing, pilit binubura ang imaheng ayaw pa ring umalis sa isip niya. “Tsk,” aniya, sabay dampi ng malamig na tubig sa mukha. “Buti na lang talaga… panaginip lang ’yon.” Huminga siya nang malalim, parang ibinabalik ang sarili sa realidad—sa mundo kung saan wala siyang fiancée, walang biglaang kasal, at lalong walang babaeng may nunal na mas memorable pa sa mga board member niya. Tumuwid siya, inayos ang sarili sa salamin, at bumalik ang pamilyar na lamig sa mga mata. Isang bilyonaryo. May kontrol. Walang sablay. To be Continued: O ’yan ang akala niya. Dahil hindi niya alam—ang panaginip na iyon ay isang babala. At ang nunal na iyon? Malapit na naman niyang makita.😅🤣😂Lumapit si Drickson sa mag-amang foreigner na kanina pa may binubulong tungkol sa isang “big mole.” Kanina pa niya napapansin ang mga sulyap at irap ng dalagang kasama ng matanda. “Excuse me, miss,” magalang ngunit may bigat ang boses niya. Napalingon ang dalagang si Nimfa. Nang makita ang mukha ni Drickson, bahagyang natigilan siya—pero mabilis din niyang tinakpan iyon ng isang mapang-akit na ngiti. “Oh hi…” malambing niyang bati habang inaayos ang buhok. “Who are you?” “Not a big deal,” kalmadong sagot ni Drickson. “I just want to ask… who are you talking about? Yung may big mole?” Bahagyang natawa si Nimfa. Taas-kilay. Irap. “Ohhh, the beach girl?” aniya na parang may halong panghahamak. “The so-called mistress of my father!” Sinabi niya iyon na para bang may kulog sa likod niya. “Are you her victim too? Like my father?” dagdag pa niya, sabay crossed arms. “Because if yes… good luck. She’s very… how do you say it? Professional mang-agaw.” Bahagyang tumigas ang pan
“No! You’re kabit in Tagalog!” sigaw ng babae, halos manginig ang boses sa galit. Napapikit si Renna sandali. Haynaku… ang hirap magpaliwanag sa babaeng ito, sa isip niya habang inaalalayan pa rin ang matanda na tila nahihiya na sa nangyayari. “Miss, please—” mahinahon niyang simula, kahit ramdam niya ang mga matang nakatingin sa kanila. “I don’t know who you are, and to be honest, I don’t know your dad at all. Ngayon ko lang siya nakita. Natumba siya kaya tinulungan ko.” “Stop pretending!” putol ng babae. “I saw you holding him! Touching him! Don’t act innocent!” Napakunot ang noo ni Renna. “Of course hahawakan ko siya, eh natumba nga! Do you want me to just stand there and watch him struggle?” “Don’t twist it! Filipinas like you—” napahinto ang babae, pero malinaw ang ibig niyang sabihin. Biglang nag-iba ang ekspresyon ni Renna. Nasaktan siya. Pero pinili niyang manatiling kalmado. “Excuse me?” mas mababa ngunit mas matatag ang boses niya ngayon. “Don’t generalize. H
Naiwan si Renna sa gitna ng malawak na sala—isang espasyong kasing lawak ng kanyang mga pangarap, ngunit kasingsungit din ng katahimikang bumabalot dito. Sa harap niya ay ang napakalaking salaming dingding. Mula roon, tanaw ang pamosong puting buhangin ng Boracay—pino at tila pulbos na kumikislap sa ilalim ng sinag ng araw. Ang dagat ay kulay turkesa, banayad ang alon na humahalik sa dalampasigan, at paminsan-minsang maririnig ang mahinang sigawan ng mga turistang nagtatampisaw sa malayo. Ngunit sa kabila ng ganda ng tanawin, tila may puwang sa dibdib ni Renna na hindi mapunan ng kahit anong kagandahan. Marahang tinahak ng kanyang mga paa ang malamig na sahig. Sa bawat hakbang, umaalingawngaw ang mahinang tunog ng kanyang tsinelas—paalala na siya lang ang tao sa napakalaking bahay na iyon. Kahit alam niyang nasa loob ng bahay bakasyonan sina Dricks. Huminto siya sa harap ng salamin at pinagmasdan ang sarili. Isang asawa sa paningin niya. Ngunit sa likod ng imahe ay isang babae
Nanginginig ang dibdib ni Renna. Para bang biglang nag-iba ang ihip ng hangin—mula sa malamig na simoy ng dagat, naging mabigat at masakit na alaala. “Clark… sigurado ka ba?” halos pabulong niyang tanong. “Ako talaga ang batang tinutukoy niya?” Napayuko si Clark. “Hindi ko alam, dahil wala naman ako sa tabi ni kuya nung nangyari ang sunog. Bata pa ako,nung time na yon. Pero ang paulit-ulit na sinasabi ni Kuya… may batang may nunal sa pisngi. At noong unang beses ka niyang makita—nagbago ang tingin niya. “Kaya pala… kaya pala kahit anong gawin ko, parang may pader sa pagitan naming dalawa.” Tahimik sandali si Clark. Tanging alon ang maririnig. “Hindi ka ba nagtataka,” dugtong niya, “kung bakit bigla na lang siyang naging malamig sayo Renna? Kung bakit parang may galit siyang hindi niya maipaliwanag?” Napailing si Renna. “Uhmm… kung hindi dahil sa contrata at sa mama niya at mama ko, hindi naman magaganap ang marriage contract, eh.” Napatingin si Clark sa kanya, halatang
“See? Lumingon siya sa akin,” taas-noong sabi ni Cindy, pilit pinapakalma ang sarili. “Lumingon nga siya,” sagot ni Renna na may makahulugang ngiti, “pero sa akin ang unang tingin niya.” Saglit na nagkatinginan ang dalawa—parehong ayaw magpatalo. “Kuya,” sabat ni Clark, bahagyang itinulak ang balikat ng kapatid. “Tawag ka ni Cindy. Hindi ka ba lalapit sa kanya?” Hindi agad sumagot si Drickson Valemont. Nakatitig lang siya sa dagat, parang may binibilang na alon. “Para ano?” malamig niyang sagot. “Para magselos ulit ang asawa ko?” Napakunot-noo si Clark. “Akala ko ba wala kang balak kay Ate Renna?” Bahagyang napalingon si Drickson, tila nabigla sa tanong. “Kailan ko sinabi ’yan?” “Hindi mo man sinabi direkta,” marahang tugon ni Clark, “pero narinig ko usapan niyo ni Cindy kanina. Seryoso ba kayo sa pinag-usapan niyo? Tungkol sa certificate of marriage?” Parang biglang tumigil ang mundo sa tanong na iyon. Ang maingay na hampas ng alon ay tila naging mahinang ugong sa
“Nagseselos ako? Excuse me, hindi ako nagseselos,” malamig na sagot ni Drickson habang kunwaring abala sa pag-aayos ng relo niya. “May ipapakuha lang ako sa kanya sa kotse.” “Anong kotse ang sinasabi mo? Eh nasa Boracay kaya tayo. Sumakay lang tayo ng taxi,” nagtatakang sagot ng kasama. Bahagyang natigilan si Drickson pero mabilis ding nakabawi. “Ah… oo nga pala.” Napaubo siya at umiwas ng tingin. Suminyas siya kay Clark, pilit na kalmado ang mukha. “Clark, samahan mo nga ako saglit,” mababang bulong niya. Ngunit habang naglalakad palayo, hindi niya maiwasang sulyapan si Renna. Mahigpit ang pagkakakuyom ng kamao niya. Hindi siya nagseselos. Hindi lang niya gusto ang paraan ng pagtawa nito sa harap ng iba. “Oi, sama ako! Ano ba!” sigaw ni Cindy habang nakatingin sa magkapatid na papalayo. “At saan ka naman pupuntang higad ka?” singhal ni Renna, nakapamewang pa. “Ako? Higad? Excuse me?” taas-noong sagot ni Cindy. “Mind your words.” “Eh ano ka kung ganun?” taas-kilay na balik







