Home / Romance / Contract With The Devil / Chapter 7: Ang Mga Papeles

Share

Chapter 7: Ang Mga Papeles

Author: JEHAN
last update publish date: 2026-05-21 14:57:16

TALA POV

Naupo ako sa tapat ni Atty. Gopez habang nakasandal naman si Rocco sa gilid ng bintana, tahimik na nagbabantay. Malalaking folder ang inilabas ng abogado mula sa kanyang briefcase, at ang bawat piraso ng papel na lumalapag sa mesa ay may kasamang kakaibang bigat.

"Miss Tala, pinadalan na kita ng kopya nito sa e-mail mo kanina, pero gusto kong makita mo ang physical copy," panimula ni Atty. Gopez habang inuusod ang isang dokumentong may selyo ng korte. "Ito ang Last Will and Testament n
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Contract With The Devil   Chapter 10: Ang Golf Course

    ROCCO POVMalamig pa ang hangin nang pumasok ang sasakyan ko sa exclusive golf club sa Canlubang. Alas-sais pa lang ng umaga. Lumingon ako sa passenger seat at nakita kong tulog pa rin si Tala. Naka-sandal ang ulo niya sa bintana, suot ang isang puting polo shirt at khakis na pinili ni Lena para sa kanya kahapon. Mukha siyang pagod na pagod mula sa magdamag na pag-aaral ng mga papeles."Tala," tawag ko habang dahan-dahang itinitigil ang makina ng kotse sa VIP parking. "Nandito na tayo."Bahagya siyang nagulat, napakurap-kurap habang tumitingin sa labas. "Ah, nasaan... Canlubang na ba?""Oo. Inom ka muna ng tubig," sabi ko sabay abot sa kanya ng isang malamig na bote mula sa console box. "Nasa locker room na si Gabriel Lim. Kausap ng assistant ko. Sabi niya, may thirty minutes pa tayo bago siya mag-tee off."Inayos ni Tala ang buhok niya at kinuha ang folder na nasa kandungan niya. "Ready na ako. Medyo kinakabahan lang ako baka hindi niya tayo pakinggan.""Gabriel is a businessman, Tal

  • Contract With The Devil   Chapter 9: Ang Listahan

    TALA POVSabado ng gabi. Dalawang araw na lang bago ang emergency board meeting ng Valerio Group. Nakalatag sa sahig ng living room ang mga profile ng pitong independent board members ng kumpanya. Naka-jeans at t-shirt lang ako habang pinalilibutan ng mga highlighters at sticky notes, pilit na inaanalisa kung sino sa kanila ang pwedeng pumanig sa amin.Narinig ko ang yabag ng mga paa ni Rocco pababa ng hagdan. Bagong ligo siya, amoy mint, at nakasuot ng simpleng black shirt at sweatpants. May hawak siyang dalawang mug ng gatas at inilapag ang isa sa tapat ko bago naupo sa sahig, tabi ng mga papeles."Salamat," sabi ko habang kinukuha ang mug. Mainit-init pa ito."Alas-onse na. You’ve been staring at those files since dinner," pansin niya. Inabot niya ang isang folder na may litrato ng isang matandang lalaki. "Sino ang inuuna mo?""Si Don Tanchingco," turo ko sa portfolio. "He owns ten percent of the shares. Kaibigan siya ni Mommy noong nabubuhay pa ito. Sila ang magkasama noong sinisi

  • Contract With The Devil   Chapter 8: Ang Pagbisita

    TALA POVTahimik ang buong hapon matapos umalis ni Atty. Gopez. Sinubukan kong magbasa ng ilang financial files sa sala, habang si Rocco naman ay umalis sandali para mag-asikaso ng emergency meeting sa sarili niyang kumpanya. Si Lena lang ang naiwan para samahan ako sa townhouse.Alas-singko na ng hapon nang makarinig kami ng sunud-sunod na busina sa labas ng gate. Agad na tumayo si Lena mula sa kusina at sumilip sa maliit na monitor ng intercom sa may pader."Miss Tala, mukhang may problema po," tawag sa akin ni Lena. Lumapit ako at nakita ko sa screen ang pamilyar na silver na SUV ng Papa ko. "Paano nila nalaman ang address na 'to?""Hindi ko alam," sagot ko, ramdam ang biglang pagbaba ng temperatura sa mga kamay ko.Bumaba mula sa sasakyan si Papa, kasunod si Celine. Bakas sa mukha ni Papa ang matinding galit, habang si Celine naman ay palingon-lingon sa paligid ng subdibisyon, tila nag-e-examine. Lumapit si Papa sa gate at pinindot nang matagal ang doorbell."Huwag mo po munang bu

  • Contract With The Devil   Chapter 7: Ang Mga Papeles

    TALA POVNaupo ako sa tapat ni Atty. Gopez habang nakasandal naman si Rocco sa gilid ng bintana, tahimik na nagbabantay. Malalaking folder ang inilabas ng abogado mula sa kanyang briefcase, at ang bawat piraso ng papel na lumalapag sa mesa ay may kasamang kakaibang bigat."Miss Tala, pinadalan na kita ng kopya nito sa e-mail mo kanina, pero gusto kong makita mo ang physical copy," panimula ni Atty. Gopez habang inuusod ang isang dokumentong may selyo ng korte. "Ito ang Last Will and Testament ng mommy mo, kasama ang Deed of Trust na ginawa niya bago siya pumanaw."Inabot ko ang papel. Lumang pirma ni Mommy ang nakasaad doon, pero malinaw pa rin ang mga letra."Twenty-five percent ng kabuuang shares ng Valerio Group ay awtomatikong nailipat sa pangalan mo noong nag-twenty-four ka last month," patuloy ng abogado. "Ibig sabihin, kahit hawak ng daddy mo ang mga physical stock certificates sa vault niya, ikaw pa rin ang legal na may-ari sa records ng Securities and Exchange Commission.""S

  • Contract With The Devil   Chapter 6: Ang Unang Umaga

    ROCCO POVAlas-sais pa lang ng umaga ay gising na ako. Nasanay na ang katawan ko sa ganitong oras para sa aking morning run bago pumunta sa opisina. Pero ngayon, imbes na dumiretso sa gym sa baba ng condo ko, minaneho ko ang sasakyan ko papunta sa townhouse sa Taguig.Dala ko ang isang paper bag ng kape at bagong lutong breakfast mula sa isang cafe malapit sa BGC. Pagbaba ko ng sasakyan, tahimik ang paligid ng village. Pinindot ko ang passcode ng pinto at dahan-dahang pumasok.Akala ko tulog pa siya, pero nadatnan ko si Tala na nakaupo sa may stool malapit sa kitchen island. Nakasuot siya ng simpleng puting t-shirt at grey na jogging pants, nakatali ang buhok nang medyo magulo. Hawak niya ang bagong phone na iniwan ko kagabi, seryosong nakatitig sa screen habang umiinom ng tubig."Ang aga mo," sabi ko habang inilalapag ang paper bag sa counter.Bahagya siyang nagulat, mukhang hindi narinig ang pagpasok ko. "Rocco. Akala ko ba alas-diyes pa ang meeting natin sa abogado?""Oo. Pero kail

  • Contract With The Devil   Chapter 5: Ang Bagong Simula

    TALA POVHuminto ang sasakyan sa harap ng isang modernong townhouse sa isang exclusive na village sa Taguig. Tahimik ang paligid, malayo sa ingay ng hotel kanina. Malinis ang puting pader ng bahay, at ang malalaking glass windows ay sumasalamin sa liwanag ng mga garden lights.Bumaba si Rocco at pinagbuksan ako ng pinto. Pagod na ang mga paa ko, pero sa pagkakataong ito, hindi dahil sa pagtakbo palayo kundi dahil sa pagtayo para sa sarili ko."Dito ka muna habang inaayos ang lahat," sabi ni Rocco habang naglalakad kami papunta sa main door. "Walang nakakaalam ng address na ito kundi ako at si Lena. You're safe here."Binuksan niya ang pinto gamit ang isang smart lock. Pagpasok namin, bumungad ang amoy ng lavender at bagong furniture. Minimalist ang design—puro puti, gray, at light wood. May mga gamit na rin sa loob, parang matagal nang nakahanda para sa isang titira."May mga pagkain na sa ref. Lena stocked up this afternoon. May mga damit na rin sa taas na kasya sa 'yo," dagdag niya

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status