MasukTALA POV
Maaga pa lang ay gising na ako, o mas tamang sabihing hindi talaga ako dinalaw ng antok. Nakaupo ako sa gilid ng malambot na kama sa guest room ni Rocco habang pinaglalaruan ang singsing sa daliri ko. Masyadong maluwag ang t-shirt na suot ko, pero mas komportable ito kaysa sa mabigat at basang gown na naiwan sa banyo kagabi.
May kumatok sa pinto. "Miss Tala? Gising na po ba kayo?"
Si Lena iyon, ang assistant ni Rocco. Pagbukas ko ng pinto, nakatayo siya doon kasama ang dalawa pang babae na may dalang mga malalaking paper bags at makeup kits.
"Good morning po. Pinapunta na po kami rito ni Sir Rocco. We have exactly six hours to get you ready for the gala," sabi ni Lena na may tipid na ngiti.
"Six hours? Para saan?" tanong ko.
"Transformation, Miss. Sabi ni Sir, kailangan daw magmukha kang 'million-dollar revenge,'" sagot ng isang stylist habang inilalapag ang mga gamit sa vanity table.
Pumasok sila at nagsimulang kumilos na parang mga sundalo. Hindi nila ako tinigilan. Mula sa paglilinis ng kuko hanggang sa pag-aayos ng buhok ko na tila nasunog sa stress kagabi. Habang minamasage nila ang anit ko, pumasok si Rocco sa kwarto. Naka-gym attire pa siya, may towel sa leeg, at pawis na pawis.
"You're awake," pansin niya. Tumayo siya sa likuran ko at tumingin sa salamin.
"Anong oras ang gala?" tanong ko sa kanya sa pamamagitan ng repleksyon sa salamin.
"Seven. Pero kailangan nating dumaan sa office ko ng alas-kwatro. May mga papers ka pang kailangang tingnan tungkol sa shares mo," sabi niya. Tumingin siya sa mga stylist. "Make sure she doesn't look like the girl from last night. I want her sharp."
"Yes, Sir," sabay-sabay nilang sagot.
"Rocco," tawag ko bago siya makalabas. "Sigurado ka ba na lilitaw ako roon? Nandoon si Papa. Nandoon si Mark. Paniguradong itataboy lang nila ako."
Lumapit siya sa akin, inihilig ang ulo nang kaunti. "They can't kick you out if you're with me, Tala. Ako ang guest of honor sa gala na 'yun. They need my investment more than they need air."
Umalis siya nang hindi na naghihintay ng sagot.
Lumipas ang mga oras na puro amoy ng hairspray at dikit ng kung anu-anong cream sa mukha ko ang naramdaman ko. Hindi sila gumamit ng masyadong makapal na makeup. 'Yung tama lang para magmukha akong fresh pero matapang. 'Yung lipstick na pinili nila ay deep red—parang kulay ng alak.
Nang matapos sila, inabot ni Lena ang isang dress bag. "Subukan niyo na po ito, Miss."
Isinuot ko ang dress sa loob ng walk-in closet. Isa itong emerald green na backless gown na hapit sa katawan pero hindi bastos tingnan. Simple lang ang cut nito, pero ang tela ay halatang gawa ng isang sikat na designer. Paglabas ko, nakita ko si Rocco na naghihintay sa living area. Naka-tuxedo na siya ngayon. Napahinto siya sa pag-check ng relo niya nang makita ako.
"Bagay ba?" tanong ko habang inaayos ang laylayan ng gown.
Hindi siya sumagot agad. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. "It'll do. Wearing that, no one will dare ask if you cried last night."
Bumaba kami papunta sa parking lot kung saan naghihintay ang sasakyan niya. Sa loob, iniabot niya sa akin ang isang tablet.
"These are the documents for the San Jose project. Alam kong ikaw ang gumawa ng financial projections nito para sa tatay mo," sabi ni Rocco.
"Paano mo nakuha 'to? Confidential ito," gulat kong sabi habang binabasa ang mga files.
"Hindi na mahalaga kung paano. Ang gusto kong malaman, nasaan ang margin of error dito? My team found something fishy sa materials cost."
Tinignan ko ang spreadsheet. Kabisado ko ang bawat formula rito. "Dito. Sa line 45. Dinagdagan ni Mark ang markup ng fifteen percent para sa mga 'miscellaneous expenses.' Pero sa totoo lang, kickback niya 'yan sa supplier. Alam ni Celine 'yan, siya ang nag-pasa ng invoice."
Narinig ko ang mahinang tawa ni Rocco. "So, they're stealing from your father even before the wedding?"
"Ganyan sila kadesperado," sabi ko, ramdam ang pait sa dila ko.
"Good. Mamaya, pagkatapos nating maipakilala ang sarili natin, I want you to talk to Mr. Sy. Siya ang main investor ng project na 'yan. Just drop a hint about the markup. Nothing too obvious. Just a seed of doubt."
"Gagamitin natin 'to para sirain sila?"
"Gagamitin natin 'to para iligtas ang kumpanya mo sa mga magnanakaw," pagtatama niya.
Nakarating kami sa venue ng gala—isang sikat na hotel sa Makati. Pagbaba pa lang namin ng sasakyan, sunud-sunod na ang flash ng mga camera. Mahigpit ang hawak ko sa braso ni Rocco. Pakiramdam ko ay lulubog ang mga paa ko sa bawat hakbang sa pulang carpet.
"Relax, Tala. Angat ang baba," bulong ni Rocco sa tabi ko.
Pagpasok namin sa ballroom, biglang tumahimik ang paligid. Ang mga taong kanina ay abala sa pakikipag-usap ay unti-unting lumingon sa direksyon namin. Nakita ko agad ang pamilya ko sa gitnang table.
Nakatayo si Papa, may hawak na baso ng wine, kausap ang ilang business associates. Sa tabi niya, si Celine ay naka-angkla kay Mark. Mukhang masayang-masaya sila, hanggang sa mahagip ng mga mata nila kami.
Nakita ko ang unti-unting pagbagsak ng mukha ni Celine. Ang hawak niyang wine glass ay tila manginginig na sa kamay niya. Si Mark naman ay napabitaw sa pagkakaakbay kay Celine, laglag ang panga habang nakatitig sa akin—o baka sa lalaking kasama ko.
Naglakad kami ni Rocco nang dahan-dahan papunta sa table nila. Bawat hakbang ko ay parang may kasamang bigat ng lahat ng sakit na naramdaman ko kagabi. Pero ngayon, hindi ako nakayuko.
"Good evening, Oscar," bati ni Rocco sa tatay ko nang makalapit kami. Ang boses niya ay kalmado pero puno ng awtoridad.
Bahagyang napaatras si Papa. Tumingin siya sa akin, pagkatapos ay sa kamay kong nakahawak kay Rocco, kung saan kuminang ang malaking dyamante sa ilalim ng chandelier.
"Rocco? What is the meaning of this?" tanong ni Papa, halatang pilit na pinapakalma ang sarili sa harap ng maraming tao. "At bakit kasama mo ang anak ko?"
Ngumiti si Rocco—'yung ngiting hindi umaabot sa mata. Hinawakan niya ang kamay ko at itinaas ito nang bahagya para makita ng lahat.
"I believe you know my fiancée, Tala Valerio," sabi ni Rocco.
"Fiancée?" singit ni Celine, lumalapit na siya sa amin, ang boses niya ay medyo matinis na. "Ate, anong kalokohan 'to? Kagabi lang ay—"
"Kagabi lang ay nalaman ko kung sino ang mga tunay na ahas sa buhay ko, Celine," putol ko sa kanya. Tumingin ako kay Mark na hanggang ngayon ay hindi pa rin makapagsalita. "And thank you, by the way. If not for your betrayal, I wouldn't have realized that I deserve someone so much better."
Hinarap ko si Papa. "Sabi mo kagabi, wala akong lugar sa bahay mo kung hindi ako hihingi ng tawad. Don't worry, Pa. I found a much better home."
"Tala, hindi tayo pwedeng mag-usap dito. Umuwi ka na muna," mahinang utos ni Papa, pilit na itinatago ang galit dahil marami nang nakatingin sa amin.
"Actually, Oscar, we're here for the gala, not a family reunion," sabi ni Rocco. "Excuse us. I believe Mr. Sy is waiting for us at the bar."
Tinalikuran namin sila. Habang naglalakad kami palayo, naramdaman ko ang matalim na titig ni Mark sa likuran ko.
"You did well," bulong ni Rocco habang kumukuha ng dalawang baso ng champagne mula sa isang waiter.
"Nanginginig pa rin ang mga kamay ko," amin ko sa kanya.
"Inumin mo 'yan. Magsisimula pa lang ang gabi," sabi niya sabay abot ng baso sa akin.
Ininom ko ang champagne sa isang lagukan. Mula sa gilid ng mga mata ko, nakita ko si Mr. Sy na papunta sa direksyon namin. Kasunod niya si Mark na mukhang desperadong makuha ang atensyon ng investor.
"Ready?" tanong ni Rocco.
Inayos ko ang tayo ko at hinarap ang papalapit na matanda. "Ready."
ROCCO POVMalamig pa ang hangin nang pumasok ang sasakyan ko sa exclusive golf club sa Canlubang. Alas-sais pa lang ng umaga. Lumingon ako sa passenger seat at nakita kong tulog pa rin si Tala. Naka-sandal ang ulo niya sa bintana, suot ang isang puting polo shirt at khakis na pinili ni Lena para sa kanya kahapon. Mukha siyang pagod na pagod mula sa magdamag na pag-aaral ng mga papeles."Tala," tawag ko habang dahan-dahang itinitigil ang makina ng kotse sa VIP parking. "Nandito na tayo."Bahagya siyang nagulat, napakurap-kurap habang tumitingin sa labas. "Ah, nasaan... Canlubang na ba?""Oo. Inom ka muna ng tubig," sabi ko sabay abot sa kanya ng isang malamig na bote mula sa console box. "Nasa locker room na si Gabriel Lim. Kausap ng assistant ko. Sabi niya, may thirty minutes pa tayo bago siya mag-tee off."Inayos ni Tala ang buhok niya at kinuha ang folder na nasa kandungan niya. "Ready na ako. Medyo kinakabahan lang ako baka hindi niya tayo pakinggan.""Gabriel is a businessman, Tal
TALA POVSabado ng gabi. Dalawang araw na lang bago ang emergency board meeting ng Valerio Group. Nakalatag sa sahig ng living room ang mga profile ng pitong independent board members ng kumpanya. Naka-jeans at t-shirt lang ako habang pinalilibutan ng mga highlighters at sticky notes, pilit na inaanalisa kung sino sa kanila ang pwedeng pumanig sa amin.Narinig ko ang yabag ng mga paa ni Rocco pababa ng hagdan. Bagong ligo siya, amoy mint, at nakasuot ng simpleng black shirt at sweatpants. May hawak siyang dalawang mug ng gatas at inilapag ang isa sa tapat ko bago naupo sa sahig, tabi ng mga papeles."Salamat," sabi ko habang kinukuha ang mug. Mainit-init pa ito."Alas-onse na. You’ve been staring at those files since dinner," pansin niya. Inabot niya ang isang folder na may litrato ng isang matandang lalaki. "Sino ang inuuna mo?""Si Don Tanchingco," turo ko sa portfolio. "He owns ten percent of the shares. Kaibigan siya ni Mommy noong nabubuhay pa ito. Sila ang magkasama noong sinisi
TALA POVTahimik ang buong hapon matapos umalis ni Atty. Gopez. Sinubukan kong magbasa ng ilang financial files sa sala, habang si Rocco naman ay umalis sandali para mag-asikaso ng emergency meeting sa sarili niyang kumpanya. Si Lena lang ang naiwan para samahan ako sa townhouse.Alas-singko na ng hapon nang makarinig kami ng sunud-sunod na busina sa labas ng gate. Agad na tumayo si Lena mula sa kusina at sumilip sa maliit na monitor ng intercom sa may pader."Miss Tala, mukhang may problema po," tawag sa akin ni Lena. Lumapit ako at nakita ko sa screen ang pamilyar na silver na SUV ng Papa ko. "Paano nila nalaman ang address na 'to?""Hindi ko alam," sagot ko, ramdam ang biglang pagbaba ng temperatura sa mga kamay ko.Bumaba mula sa sasakyan si Papa, kasunod si Celine. Bakas sa mukha ni Papa ang matinding galit, habang si Celine naman ay palingon-lingon sa paligid ng subdibisyon, tila nag-e-examine. Lumapit si Papa sa gate at pinindot nang matagal ang doorbell."Huwag mo po munang bu
TALA POVNaupo ako sa tapat ni Atty. Gopez habang nakasandal naman si Rocco sa gilid ng bintana, tahimik na nagbabantay. Malalaking folder ang inilabas ng abogado mula sa kanyang briefcase, at ang bawat piraso ng papel na lumalapag sa mesa ay may kasamang kakaibang bigat."Miss Tala, pinadalan na kita ng kopya nito sa e-mail mo kanina, pero gusto kong makita mo ang physical copy," panimula ni Atty. Gopez habang inuusod ang isang dokumentong may selyo ng korte. "Ito ang Last Will and Testament ng mommy mo, kasama ang Deed of Trust na ginawa niya bago siya pumanaw."Inabot ko ang papel. Lumang pirma ni Mommy ang nakasaad doon, pero malinaw pa rin ang mga letra."Twenty-five percent ng kabuuang shares ng Valerio Group ay awtomatikong nailipat sa pangalan mo noong nag-twenty-four ka last month," patuloy ng abogado. "Ibig sabihin, kahit hawak ng daddy mo ang mga physical stock certificates sa vault niya, ikaw pa rin ang legal na may-ari sa records ng Securities and Exchange Commission.""S
ROCCO POVAlas-sais pa lang ng umaga ay gising na ako. Nasanay na ang katawan ko sa ganitong oras para sa aking morning run bago pumunta sa opisina. Pero ngayon, imbes na dumiretso sa gym sa baba ng condo ko, minaneho ko ang sasakyan ko papunta sa townhouse sa Taguig.Dala ko ang isang paper bag ng kape at bagong lutong breakfast mula sa isang cafe malapit sa BGC. Pagbaba ko ng sasakyan, tahimik ang paligid ng village. Pinindot ko ang passcode ng pinto at dahan-dahang pumasok.Akala ko tulog pa siya, pero nadatnan ko si Tala na nakaupo sa may stool malapit sa kitchen island. Nakasuot siya ng simpleng puting t-shirt at grey na jogging pants, nakatali ang buhok nang medyo magulo. Hawak niya ang bagong phone na iniwan ko kagabi, seryosong nakatitig sa screen habang umiinom ng tubig."Ang aga mo," sabi ko habang inilalapag ang paper bag sa counter.Bahagya siyang nagulat, mukhang hindi narinig ang pagpasok ko. "Rocco. Akala ko ba alas-diyes pa ang meeting natin sa abogado?""Oo. Pero kail
TALA POVHuminto ang sasakyan sa harap ng isang modernong townhouse sa isang exclusive na village sa Taguig. Tahimik ang paligid, malayo sa ingay ng hotel kanina. Malinis ang puting pader ng bahay, at ang malalaking glass windows ay sumasalamin sa liwanag ng mga garden lights.Bumaba si Rocco at pinagbuksan ako ng pinto. Pagod na ang mga paa ko, pero sa pagkakataong ito, hindi dahil sa pagtakbo palayo kundi dahil sa pagtayo para sa sarili ko."Dito ka muna habang inaayos ang lahat," sabi ni Rocco habang naglalakad kami papunta sa main door. "Walang nakakaalam ng address na ito kundi ako at si Lena. You're safe here."Binuksan niya ang pinto gamit ang isang smart lock. Pagpasok namin, bumungad ang amoy ng lavender at bagong furniture. Minimalist ang design—puro puti, gray, at light wood. May mga gamit na rin sa loob, parang matagal nang nakahanda para sa isang titira."May mga pagkain na sa ref. Lena stocked up this afternoon. May mga damit na rin sa taas na kasya sa 'yo," dagdag niya







