Compartilhar

CHAPTER 5

Autor: BETER
last update Data de publicação: 2026-10-09 13:48:36

EVANGELINE POV

Naramdaman ko ang mabilis na paghigpit ng hawak ni Gideon sa bewang ko.

"Ibinebenta na nila ngayong gabi?" malamig at matalim ang boses ni Gideon habang nakatitig sa tauhan niyang hinihingal sa p***o.

"Opo, Boss. Sa mismong underground vault ng Grand Regency Hotel sa BGC," ulat ng tauhan. "Ang akala ng lahat Biyernes pa ang Gala, pero pinalabas lang pala 'yun ni Magnus para maging diversion. Ngayong gabi gaganapin ang auction para sa client list ng Ordo Dei. Dumating na rin ang mga buyers mula sa Russian syndicate."

Umakyat ang matinding kaba sa dibdib ko.

Kung maibebenta na ni Ignacio ang client list ngayong gabi, mawawalan ng silbi ang lockbox ni Mama. At kapag nangyari 'yun, mawawalan din ako ng halaga kay Gideon—at mas lalong mawawalan ako ng pagkakataong mabawi ang pamanang para sa akin at maiganti ang sarili ko.

Dahan-dahang binitawan ni Gideon ang bewang ko at mabilis na humarap sa kaniyang desk. "Ihanda ang tactical team. Aalis tayo sa loob ng sampung minuto."

"Teka," harang ko sa kaniya habang mabilis siyang nagkakarga ng bala sa kaniyang baril. "Sama ako."

Napatigil si Gideon at tiningnan ako nang matagal, tila ba sinusuri kung nasisiraan na ako ng bait. "Hindi ito simpleng ensayo, Evangeline. Live-fire zone ang pupuntahan natin. Mapapatay ka doon."

"At kapag naiwan ako rito, hahayaan lang kitang kunin ang pera nang wala ako?" hamon ko sa kaniya. "Ako lang ang nakakaalam ng backdoor encryption ng Ordo servers. Kahit pa mapasok niyo ang vault, hindi niyo mananakaw ang pondo at hindi niyo mababara ang transfer nang wala ang master bypass key ko. Kailangan mo ako."

Inilagay ni Gideon ang baril sa kaniyang holster, lumapit sa akin, at yumuko para magpantay ang paningin namin. Amoy na amoy ko ang mabigat na amoy ng pulbura at tabako sa kaniya.

"Kung sasama ka, isuot mo 'to," utos niya sabay hagis sa akin ng isang bulletproof vest at isang maliit na silenced pistol. "At kapag sinabi kong dumapa ka, dadapa ka. Malinaw?"

"Malinaw," sagot ko habang mabilis na isinusuot ang vest at ikinakasasa ang baril.

Pagkalipas ng kalahating oras, nakatago na ang itim na SUV ni Gideon sa nakadilim na VIP parking ng Grand Regency Hotel. Umuulan nang malakas sa labas, at ang patak ng tubig sa salamin ay kasabay ng mabilis na tibok ng puso ko.

Ginamit namin ang service elevator para makababa sa underground vault level. Kasama namin ang tatlo sa pinakamagagaling na mercenaries ni Gideon—lahat armado at nakatakip ang mga mukha.

"Naka-block ang signal sa ibaba," bulong ni Gideon habang hawak ang kaniyang MP5 submachine gun. "Sa oras na magbukas ang p***o ng elevator, diretso tayo sa control room."

Nang tumunog ang elevator at bumukas ang p***o, agad na bumungad sa amin ang dalawang guard na may hawak na automatic rifles. Bago pa man sila makasigaw, dalawang mabilis na putok mula sa silencer ni Gideon ang nagpabagsak sa kanila sa semento. Walang ligaw na galaw. Walang ingay.

Mabilis kaming tumawid sa madilim na hallway patungo sa server control room. Ginamit ko ang biometric thumbprint ko at ang itinagong pambihirang passcode para buksan ang glass door. Lumabas ang berdeng ilaw sa scanner: ACCESS GRANTED.

Pumasok ako sa loob at mabilis na tumipa sa main terminal. Lalabas na sana sa screen ang buong financial log ng Ordo Dei nang biglang mamatay ang mga ilaw at pumula ang buong silid.

WARNING: SECURITY BREACH DETECTED.

"Naka-trap ang system," gulat kong bulong habang sinusubukang i-override ang program. "Naka-link 'to sa main security system ni Magnus!"

Bago pa man makapagmura si Gideon, bumingaw ang bakal na p***o sa likod namin. Pumasok ang sunod-sunod na mga armadong lalaki na nakasuit, at sa gitna nila ay dahan-dahang pumasok si Ignacio Roxas—kasama si Consuelo at si Magnus Ortigas.

Malamig ang ngiti sa mukha ni Magnus habang pinapanood kami na nakapaligid sa terminal.

"Sabi ko na nga ba, papunta rito ang anak mo, Ignacio," halakhak ni Magnus habang iniaayos ang kaniyang pormal na coat. "Napakadaling hulihin ng isang galit na bata."

Tumingin ako kay Ignacio. Walang kahit anong awa o pagsisi sa mga mata ng tatay ko. "Sana ay tinanggap mo na lang ang kapalaran mo, Evangeline. Mas madali sana para sa ating lahat kung nagpakasal ka na lang kay Magnus."

"Mamatay muna ako," galit kong sagot habang itinutok ang baril ko sa kaniya.

"Ibaba mo ang baril mo, Miss Roxas," malamig na singit ni Consuelo habang may hawak na champagne glass, tila ba nag-eenjoy sa palabas. "Wala kayong takas. Pinalilibutan ng limampung tauhan ni Magnus ang buong floor na 'to."

Tumingin ako kay Gideon. Nakatayo siya sa tabi ko, nananatiling kalmado habang nakatutok ang baril niya kay Magnus. Walang bakas ng takot sa mukha niya, na tila ba inaasahan na niya ang eksenang ito.

"Gideon Aragon," wika ni Magnus sabay hakbang palapit. "Isang sikat na mercenary leader... nagpapagamit sa isang batang walang alam. Alam mo ba kung kanino talaga nagtatrabaho ang pamilya Roxas noong nabubuhay pa ang nanay ni Evangeline?"

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Magnus. "Anong pinagsasasabi mo?"

Tumingin sa akin si Magnus, at ang ngiti sa labi niya ay mas lalong naging nakakatakot.

"Hindi ba sinabi sa 'yo ng kakampi mo?" tanong ni Magnus sabay turo kay Gideon. "Limang taon ang nakararaan, bago mamatay ang nanay mo... si Gideon Aragon ang pumatay sa kaniya. Ang lalaking kasama mo ngayon ang mismong bumatay sa ina mo para makuha ang pondo ng Ordo Dei."

Parang huminto ang ikot ng mundo ko.

Nawalan ng hangin ang baga ko habang dahan-dahan akong lumingon kay Gideon. Tinitigan ko ang mukha niya—nag hahanap ng pagtanggi, ng galit, o kahit anong patunay na nagsisinungaling si Magnus.

Pero hindi kumaila si Gideon. Nananatiling matalim ang kaniyang mga mata, at walang kahit anong emosyon na lumabas sa kaniyang mukha.

"Totoo ba 'yun?" mahina at nanginginig kong tanong sa kaniya habang unti-unting bumababa ang hawak kong baril. "Gideon... totoo ba?"

Tumingin sa akin si Gideon. Sa gitna ng pulang ilaw at ng mga nakatutok na baril sa amin, dahan-dahan siyang nagsalita.

"Iyon ang trabahong binayaran sa akin limang taon na ang nakararaan," malamig niyang sagot.

Nalaglag ang puso ko sa sahig. Ang lalaking pinagkakatiwalaan ko para tulungan akong maghiganti... ay ang mismong taong pumatay sa nanay ko.

Bago pa man ako makapagsalita o makagalaw mula sa matinding gulat, mabilis na pinalibutan kami ng mga guards ni Magnus at inagaw ang mga baril namin. Hawak na ako ng dalawang lalaki habang ibinabagsak si Gideon sa semento at nakatutok ang limang baril sa ulo niya.

Lumapit si Magnus at itinutok ang kaniyang revolver sa noo ni Gideon.

"Tapos na ang laro, Aragon," wika ni Magnus habang inilalagay ang daliri sa kalabit ng baril. "Any last words?"

Continue a ler este livro gratuitamente
Escaneie o código para baixar o App

Último capítulo

  • Contract With The Enemy   CHAPTER 7

    EVANGELINE POVNakahandusay pa rin si Magnus sa semento, nanginginig ang buong katawan at hirap huminga dahil sa epekto ng taser. Ang mga mata niya ay puno ng galit at takot habang nakatitig sa akin. Sa kabilang sulok ng silid, magkayakap sina Ignacio at Consuelo na parang mga takot na daga. Wala na ang yabang nila noong gabing subukan nila akong ilako at lasunin.Nawalan na sila ng boses. Nawalan na sila ng kapangyarihan.Pero sa kabila ng pagbagsak nila, walang saya sa dibdib ko. Ang tanging nangingibabaw ay ang malamig na bigat ng katotohanang ibinunyag kanina ni Gideon. Ang lalaking tumulong sa akin para makalabas sa impyernong 'yun, ang lalaking pinagkatiwalaan ko kahit saglit, ay ang mismong pumatay sa nanay ko limang taon na ang nakararaan.Lumingon ako kay Gideon. Nakatayo siya ilang hakbang ang layo sa akin, kalmado pero bakas ang pag-iingat sa mukha niya. Hinihintay niya kung anong gagawin ko."Evangeline," panimula niya, mababa at seryoso ang boses. "Alam ko kung gaano kabi

  • Contract With The Enemy   CHAPTER 6

    GIDEON POVLimang taon na ang lumipas pero parang kahapon lang ang lahat.Naka-blindfold ang mga mata ko noon nang dalhin ako sa madilim na silid kung saan tinanggap ko ang kontrata mula sa isang matandang miyembro ng Ordo Dei. Ang utos ay simple lang: tapusin ang buhay ng babaeng nagngangalang Elena Roxas bago pa nito mailabas ang mga sikreto ng grupo sa mga awtoridad. Sa mundong ginagalawan ko, ang pera ang nagpapatakbo sa lahat. Trabaho lang, walang personalan. Hanggang sa makita ko ang mismong target ko na nakatingin sa akin nang may pag-asa sa mga mata—hinihiling na sana ay may magligtas sa kanya. Hindi ko siya niligtas. Hinayaan ko ang malamig na bakal ng baril ko ang magtapos sa buhay niya.At ngayon, nakaluhod ako sa semento habang nakatutok ang limang baril ng mga tauhan ni Magnus Ortigas sa ulo ko.Tumama ang malamig na liwanag ng pulang security light sa mukha ko. Ramdam ko ang pag-agos ng dugo mula sa maliit na hiwa sa gilid ng panga ko, pero mas mabigat ang katahimikan na

  • Contract With The Enemy   CHAPTER 5

    EVANGELINE POVNaramdaman ko ang mabilis na paghigpit ng hawak ni Gideon sa bewang ko."Ibinebenta na nila ngayong gabi?" malamig at matalim ang boses ni Gideon habang nakatitig sa tauhan niyang hinihingal sa pinto."Opo, Boss. Sa mismong underground vault ng Grand Regency Hotel sa BGC," ulat ng tauhan. "Ang akala ng lahat Biyernes pa ang Gala, pero pinalabas lang pala 'yun ni Magnus para maging diversion. Ngayong gabi gaganapin ang auction para sa client list ng Ordo Dei. Dumating na rin ang mga buyers mula sa Russian syndicate."Umakyat ang matinding kaba sa dibdib ko.Kung maibebenta na ni Ignacio ang client list ngayong gabi, mawawalan ng silbi ang lockbox ni Mama. At kapag nangyari 'yun, mawawalan din ako ng halaga kay Gideon—at mas lalong mawawalan ako ng pagkakataong mabawi ang pamanang para sa akin at maiganti ang sarili ko.Dahan-dahang binitawan ni Gideon ang bewang ko at mabilis na humarap sa kaniyang desk. "Ihanda ang tactical team. Aalis tayo sa loob ng sampung minuto.""

  • Contract With The Enemy   CHAPTER 4

    EVANGELINE POVMaaga akong nagising dahil sa tunog ng mga bakal na ibinabagsak sa ibabang gawaan ng safehouse.Malamig ang paligid. Suot ko ang Oversized black hoodie at cargo pants na ibinigay ng isa sa mga tauhan ni Gideon—malayo sa mamahaling silk dress na suot ko kagabi nang subukan akong ilako ng sarili kong ama. Pagkaharap sa salamin, nakita ko ang mumunting pasa sa aking leeg at ang mamumulang sugat sa aking pulso.Inilapag ko ang lockbox sa ibabaw ng lumang mesa sa gitna ng opisina ni Gideon. Nakaupo siya sa likod ng kaniyang desk, binabasa ang mga panibagong intelligence reports mula sa kaniyang laptop habang may panibagong sigarilyo na nakasindi sa tabi ng ashtray."Nasa balita ka na," malamig na wika ni Gideon nang hindi man lang tumitingin sa akin. Iniharap niya ang screen ng laptop sa direksyon ko.Bumalandra sa akin ang Headline ng isang kilalang news site: Young Heiress Evangeline Roxas Kidnapped by Armed Extremists Prior to High-Society Gala."Pinalabas ng tatay mo at

  • Contract With The Enemy   CHAPTER 3

    EVANGELINE POVNapakabingi ng tunog ng mga putok ng baril.Awtomatikong napayuko ako habang bumaon sa pader sa itaas ng ulo ko ang mga bala ng assault rifle. Naglipana ang alabok, mga piraso ng semento, at basag na salamin sa paligid. Bumaon ang amoy ng pulbura sa ilong ko, at kahit nagdadalawang-isip pa ako sa bagong kasunduan namin, wala akong ibang mapagpipilian kundi ang magtiwala muna sa lalaking nakatayo sa harap ko.Isang kamay lang ang ginamit ni Gideon para balyahin ako papunta sa likod ng isang makapal na concrete pillar."Yumuko ka at huwag kang binitiw sa lockbox!" sigaw niya sa gitna ng ingay.Bago pa ako makasagot, pumwesto si Gideon sa gilid ng haligi at nagpakawala ng tatlong sunod-sunod na putok mula sa kaniyang baril. Rinig na rinig ko ang lagutok ng dalawang tauhan ni Magnus na bumagsak sa semento. Sobrang bilis at kalkulado ng bawat galaw niya—walang hesitation, walang sobrang galaw. Para siyang makinang idinisenyo para lang sa ganitong uri ng kaguluhan."Mabilis s

  • Contract With The Enemy   CHAPTER 2

    EVANGELINE POVNakatitig lang ako sa kislap ng silver na kutsilyo na hawak ng isa sa mga tauhan ni Gideon.Nakatali ang dalawa kong kamay sa likod ng isang lumang wooden chair sa loob ng isang abandonadong bodega sa may Pier 18. Malamig ang simoy ng hangin na nagmumula sa dagat, kumakapit ang amoy ng kalawang at alikabok sa lalamunan ko. Masakit ang buo kong katawan mula sa pagkakakaladkad sa akin palabas ng mansyon, pero mas masakit ang katotohanang dahan-dahang lumilinaw sa utak ko.Sadsad na ako. Zero. Walang-wala.Pumunta ako sa Maynila para kunin ang pamanang karapat-dapat para sa akin. Ang akala ko, 'yun ang magiging susi ko para makapagsimula ng bagong buhay sa ibang bansa—malayo sa alaala ng namayapa kong ina at sa pang-aabuso ng pamilyang tumalikod sa akin. Pero sa loob lang ng iilang oras, nalaman kong binenta na ng tatay ko ang mga ari-arian ni Mama, sinubukan akong lasunin ng stepmother ko para madaling maipamigay kay Magnus, at ngayon, bihag ako ng pinakamapanganib na mer

Mais capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status