EVANGELINE POVHindi ako pumunta rito para maging bayani, lalong hindi para maging sakripisyo.Pumunta ako sa mansyon ng mga Roxas sa San Lorenzo Village dahil sa huling bilin ni Mama—isang maliit na lockbox na may pangalan ko at ang pamana niyang share sa Ordo Dei, ang sinaunang secret society na halos dalawang siglo nang pinapatakbo ng pamilya namin. Ang akala ko, simpleng pirmahan lang ng legal documents at makukuha ko na ang sa akin para makalayo na ako rito magpakailanman.Pero habang nakatayo ako sa gitna ng mamahaling dining hall—pinalilibutan ng mga antique oil paintings, grand chandelier, at nakatitig na mga personal bodyguards—unti-unting lumilinaw sa akin ang katotohanan.Huli na nang marealize kong isang malaking bitag ang lahat.“Inumin mo na ang tsaa mo, Evangeline. Lumalamig,” malamig na utos ni Tita Consuelo habang bahagyang itinutulak ang crystal teacup sa harap ko.Tiningnan ko ang kulay-amber na likido sa tasa. May manipis na amoy ito ng chamomile, pero may humahabo
Última atualização : 2026-10-09 Ler mais