Share

CHAPTER 74

last update Last Updated: 2025-05-28 09:12:26

Amara Ysabelle Santiago’s Point of View

Hindi ko alam kung bakit ang lungkot ko ngayon. Wala namang masyadong nangyayaring masama, tahimik lang ang araw, maganda ang panahon, tulog si Althea, at nasa kwarto si Killian abala sa pagbasa ng email pero may pa-sulyap sulyap pa rin sa amin tuwing maririnig niyang tumawa si baby. Pero sa kabila ng lahat ng ito, may bigat sa dibdib ko na ayaw mawala.

Tumayo ako mula sa sofa at lumapit sa bintana. Natanaw ko si Theo sa labas, abalang nagsisiksik ng mga gamit niya sa likod ng sasakyan. Nakasuot siya ng simpleng jacket, joggers, at rubber shoes pero alam mong hindi ‘yon ordinaryong lakad lang. Halatang may pupuntahan siyang malayo. Hindi na ‘to biro. Hindi na rin pansamantalang biyahe lang.

“Paalis na siya?” tanong ni Killian habang lumapit sa likod ko, pinatong ang baba sa balikat ko.

Tumango ako, kahit gusto kong itanggi. Gusto ko sanang pigilan si Theo pero hindi ko magawa. Kasi alam ko, oras na rin para harapin niya ang bagong kabanata ng bu
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Contract of Hearts   CHAPTER 76: Happily Ever After

    Amara Ysabelle Santiago’s Point of ViewMaaga akong nagising dahil sa mahinang iyak ni Althea. Dahan-dahan akong bumangon mula sa kama at tinungo ang crib sa gilid ng kama. Nakakunot ang noo niya habang kumakadyot ng konti ang mga paa. Gutom na naman siya. Napangiti ako. Araw-araw ko siyang pinagmamasdan pero hindi pa rin ako nagsasawang mahalin ang bawat parte niya. Mula sa makakapal niyang pilikmata, sa maliliit niyang daliri, hanggang sa lambot ng buhok niya na parang sutla.Binuhat ko siya at agad siyang tumahimik nang mailapit ko sa dibdib ko. Para bang alam niya na ligtas siya sa mga bisig ko. Habang pinapasuso ko siya, tiningnan ko ang paligid ng kwarto—ang mga laruan na inayos ni Killian, ang mga pink at beige na kurtina na pinili ko, at ang litrato naming tatlo sa isang maliit na frame sa side table. Ang pamilya ko. Ang tahanan ko.Maya-maya pa ay bumukas ang pinto at pumasok si Killian, bagong ligo, bitbit ang dalawang tasa ng mainit na tsokolate. “Akala ko gising ka na,” sa

  • Contract of Hearts   CHAPTER 75

    Amara Ysabelle Santiago’s Point of ViewHabang nakaupo ako sa rocking chair sa gilid ng kwarto ni Althea, pinagmamasdan ko ang munting nilalang na himbing na himbing sa tulog, napuno ang puso ko ng damdaming halos hindi ko maipaliwanag. Sa bawat banayad na hininga niya, sa bawat galaw ng maliliit niyang daliri, ramdam ko ang isang klase ng kapayapaan na noon ay para bang imposible kong marating. Tahimik ang gabi, pero parang ang ingay ng damdamin ko sa tuwa."Totoo na to," mahina kong bulong sa sarili ko habang pinagmamasdan ang anak namin ni Killian.Pumasok si Killian sa kwarto, bitbit ang dalawang tasa ng tsaa. Lumapit siya sa akin at iniabot ang isa. Naupo siya sa tabi ko, nakatingin din kay Althea."Tulog pa rin siya?" tanong niya, sabay sulyap sa akin."Tulog. Mukhang busog at masarap ang panaginip," sagot ko, sabay ngiti. "Ang payapa niyang tingnan, ‘no?""Parang ikaw," sagot niya sabay ngiti rin. "Pagmasdan mo ang sarili mo ngayon, Amara. Hindi mo ba napapansin? Iba ka na."Na

  • Contract of Hearts   CHAPTER 74

    Amara Ysabelle Santiago’s Point of ViewHindi ko alam kung bakit ang lungkot ko ngayon. Wala namang masyadong nangyayaring masama, tahimik lang ang araw, maganda ang panahon, tulog si Althea, at nasa kwarto si Killian abala sa pagbasa ng email pero may pa-sulyap sulyap pa rin sa amin tuwing maririnig niyang tumawa si baby. Pero sa kabila ng lahat ng ito, may bigat sa dibdib ko na ayaw mawala.Tumayo ako mula sa sofa at lumapit sa bintana. Natanaw ko si Theo sa labas, abalang nagsisiksik ng mga gamit niya sa likod ng sasakyan. Nakasuot siya ng simpleng jacket, joggers, at rubber shoes pero alam mong hindi ‘yon ordinaryong lakad lang. Halatang may pupuntahan siyang malayo. Hindi na ‘to biro. Hindi na rin pansamantalang biyahe lang.“Paalis na siya?” tanong ni Killian habang lumapit sa likod ko, pinatong ang baba sa balikat ko.Tumango ako, kahit gusto kong itanggi. Gusto ko sanang pigilan si Theo pero hindi ko magawa. Kasi alam ko, oras na rin para harapin niya ang bagong kabanata ng bu

  • Contract of Hearts   CHAPTER 73

    Amara Ysabelle Santiago’s Point of ViewAraw ng Linggo. Maaliwalas ang panahon. Nasa veranda ako ng bahay namin habang kinakalong si Althea. Nakasuot siya ng yellow na dress na may maliliit na sunflower print. Kumakanta ako ng malumanay habang pinapadede ko siya at pinapainom ng konting tubig. Sa background, naririnig ko ang tawa ni Killian habang kausap si Yaya Myrna sa loob. May pinapasabing instructions tungkol sa mga groceries na dapat bilhin. Simula nang dumating si Althea sa buhay namin, naging mas kalmado at relaxed si Killian. Hindi na siya ‘yung dating istriktong CEO na parang laging may galit sa mundo. Mas madalas ko na siyang nakikitang naka-ngiti, kumakanta kahit sintunado, at higit sa lahat, walang pakialam kung puro laway at gatas ang polo niya basta kasama ang anak niya.Ngunit sa gitna ng katahimikan ng araw na ‘yon, may dumating na isang disruption. Rinig ko pa ang pagtigil ng sasakyan sa driveway, kasunod ang matalim na takong na humampas sa semento. Hindi na bago sa

  • Contract of Hearts   CHAPTER 72

    Amara Ysabelle Santiago’s Point of ViewNagising ako sa tahimik na iyak ni Althea. Hindi na malakas, hindi rin demanding, pero sapat na para magpabalikwas ako mula sa pagkakahiga. Madaling araw na naman, pero sanay na ang katawan ko. Hindi ko na kailangang mag-alarm. Basta si Althea ang tumawag, automatic, gumigising na ako.“Good morning, baby,” mahina kong sabi habang kinukuha ko siya sa crib. Hinawakan niya ang daliri ko at bigla siyang ngumiti. Napangiti rin ako kahit puyat. “Ay, naku, ganyan ka na naman. Iiyak tapos ngingiti para hindi kita mapagalitan.”Wala pang isang buwan si Althea pero parang may isip na siya. Marunong na siyang dumiskarte, lalo na sa nanay niya.Ilang saglit lang ay narinig ko ang mga yabag ni Killian papunta sa nursery. Nakasuot pa rin siya ng suot niya kagabi plain shirt at boxers. Medyo magulo ang buhok at mukhang mas antok pa sa akin.“Love, ako na d’yan,” sabi niya habang nilalapit ang sarili sa amin.“Huli ka na, nagising ko na siya,” sagot ko habang

  • Contract of Hearts   CHAPTER 71

    AMARA'S POINT OF VIEW Akala ko dati, ang pinakamahirap na araw sa buhay ko ay ‘yung mga panahong sabog ang puso ko sa dami ng iniisip, ‘yung binabalanse ko ang trabaho, ang emotions, at ang mga taong umaasa sa akin. Pero iba pala ang level ng hirap and happiness kapag isa ka nang nanay.Gabi-gabi, parang may sariling orasan ang anak namin. Tatlong oras palang ang lumilipas mula sa huling gising niya, umiiyak na ulit siya. Minsan marahan lang, minsan akala mo may kaaway siya. Pero ang mas matindi kahit puyat, kahit pagod isang ngiti lang mula sa kanya, parang nawawala lahat ng inis at antok.“Love, akin na siya,” sabi ni Killian isang madaling araw nang halos mapaluhod na ako sa sobrang antok.“No, ako na. Kakagising mo lang din. Ako na ulit,” bulong ko habang pinipilit magbukas ang mata ko. Pero sa totoo lang, gusto ko na ring mahiga at umidlip kahit limang minuto lang.“Amara,” seryoso niyang sabi. “Team tayo, ‘di ba? Hindi mo kailangang akuin lahat.”At bago pa ako makapagprotesta,

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status