DIANA'S POV
Basang-basa na ako. Hindi ko na alam kung ulan pa ba ’to o luha. Nakatayo ako sa labas ng ospital, hawak ang papel ng medical bill ni Lyka. Halos kalahating milyon. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng gano'ng kalaking halaga. "Please, Lester..." pakiusap ko, pilit pinapakalma ang boses kahit nanginginig na ako sa lamig. "Kailangan lang talaga. Maawa ka naman kay Lyka. Baka bukas, wala na siyang chance." Umiling siya, sabay bitiw ng mapait na ngiti. "Pabigat ka na, Diana." Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Pero hindi pa siya tumigil. "Three years tayong magkasama, pero anong napala ko? Wala. Nagsasayang lang ako ng panahon sa isang babaeng walang direksyon. Look at you. Losyang ka na, puro problema ka pa." Nahulog ang bag ko sa pagkabigla. Hindi ko alam kung mas malamig ang ulan o yung mga salitang binibitawan niya. Pero mas masakit ’yung sumunod na nakita ko. May lumapit sa kanya, isang babaeng naka-red dress, naka-heels kahit ulan. Tumabi sa kanya. Hinawakan ang braso. Tumawa pa. At hindi siya umiwas. "Teka… siya na ba?" tanong ko, halos pabulong. "At least siya, may future. Hindi tulad mo," sagot niya, walang ni katiting na pagsisisi. Parang gusto kong sumigaw, pero walang lumabas sa bibig ko. Ang sakit. Ang hirap. At ang kapal ng mukha niya. Wala akong nagawa kundi ang tumakbo. Kahit basa, kahit madulas. Gusto kong lumayo. Gusto kong maglaho. At doon sa sulok ng parking lot—bam! Nabangga ko siya. Isang lalaking matangkad, nakaitim na coat, at kahit nabasa ng ulan, mukhang kakalabas lang sa fashion magazine. Maputi pero hindi namumutla, matangos ang ilong, defined ang panga. Ang buhok niyang basa ay parang sinadyang i-style sa perpektong gulo. Pero ang pinaka nakatulala sa lahat ay ang mga mata niya. Matatalim pero nangungusap. Parang kayang basahin ang iniisip ko. “Miss, okay ka lang ba?” tanong niya. Mababa, kalmado, pero may diin. At grabe, ang bango niya. Kahit nasa gitna kami ng ulan, naamoy ko pa rin ‘yung woody scent ng cologne niya. Mahal. Malinis. Nakakakuryente. Napalunok ako. Wait lang, kilala ko siya... Adrian Velasquez. CEO ng Velasquez Holdings. Ang pinaka-hot, pinaka sikat, at pinaka misteryosong boss sa buong bansa. May mga chismis na engaged na siya sa anak ng senador, pero wala pang kumpirmasyon. Laging headline, pero bihirang makunan ng interview. Untouchable, cold hearted, genius businessman. At ngayon, kaharap ko siya, basang sisiw, umiiyak. Bakit ngayon pa? Hindi ako makagalaw. Tinitigan niya lang ako, bahagyang nakakunot ang noo. Napansin siguro niya ang pamumula ng mata ko, ang pasa sa loob. ‘Di ko alam kung dahil sa hiya o gulat, pero napayuko na lang ako. “Sorry… ako dapat ang lumingon. Hindi ko sinasadya,” sabi ko, boses ko’y halos pabulong. Tahimik lang siya. Pero hindi siya umalis. “Hospital bill?” tanong niya, sabay tingin sa papel na hawak ko. Napatigil ako. “Paano n’yo—?” “I heard everything,” sabay tingin sa direksyon kung saan naroon si Lester. “That guy’s trash.” Sobrang direct. Pero wala akong lakas para umangal. Totoo naman. Napatingin ako sa kanya. Dito ko lang napansin ang gupit niyang parang laging ready para sa isang ad campaign. Naka-three-piece suit pa siya kahit umuulan. At 'yung mga mata niya ay parang may tinatagong lungkot. “May pamilya ka ba?” tanong niya bigla. Nabigla ako. “Kapatid ko lang. Si Lyka. Sixteen. ICU siya ngayon.” Tumango lang siya. Walang ibang sinabi. Walang pakunswelo. Pero hindi ko rin alam kung bakit, sa gitna ng katahimikan, parang may dumaan na koneksyon. Hindi siya ngumiti, pero hindi rin malamig. Nakatingin lang siya. Diretso. Parang tinutunaw ako. “Desperado ka na ba talaga?” Napatingin ako ulit sa kanya. “Sa totoo lang… oo.” Bahagya siyang lumapit. Ang suot niyang coat ay hinubad niya at inilagay sa balikat ko. Mainit. Mabigat. Parang yakap. At sa pinakamalambing pero seryosong boses, binitawan niya ang mga salitang hindi ko inasahan. “Then marry me.”DIANA POVMaaga akong nagising, at sa unang pagkakataon simula nang lumipat ako sa kwarto ni Adrian… hindi ako agad bumangon.Hindi dahil sa antok.Kundi dahil naramdaman ko ’yung braso niyang nakaakbay sa akin.Hindi ko alam kung kailan niya ginawa ’yon. Baka sa kalagitnaan ng gabi? Baka napapanaginipan niyang may niyayakap siyang unan?Pero hindi unan ang nasa tabi niya. Ako ’yon.At ngayong nararamdaman ko ang init ng balat niya sa balikat ko, ang bigat ng bisig niyang nakasandal sa’kin… para akong hindi makahinga.Not in a bad way.But in a “why does this feel too good to be fake” kind of way.Dahan-dahan akong gumalaw para hindi siya magising. Ayokong isipin niya na affected ako.Pero sa loob-loob ko… bakit ba parang ayokong alisin ’yung braso niya?---Pagdating ko sa opisina, may nag-aabang na email mula kay Ms. Ria, ang executive assistant ni Mr. Tan — isa sa mga top partners ng Velasquez Holdings.Subject: New Project Assignment – Mr. Lucas JavierNapakunot noo ako.Si Mr. Ja
ADRIAN'S POV6:03 a.m.Gising na ako. Sanay na akong ganito, na laging maaga, laging alerto.Pero ngayong araw… mas matagal akong nanatili sa kama.Tahimik.Maliwanag na ang paligid. May sinag na ng araw sa kurtina. Pero hindi pa rin ako bumangon.Kasi sa unang pagkakataon mula nang tumira ako sa mansion na ito, may nakatabi akong babae. Nasa tabi ko si Diana.Nakaharap siya sa akin, nakapikit, banayad ang paghinga. Maayos ang pagkakatulog niya, parang saglit siyang nakaligtas sa gulo ng mundo.At hindi ko alam kung bakit, pero hindi ako makatingin sa iba.Ang buhok niyang medyo basa pa mula kagabi, ang pilikmatang mahaba, at ang kamay niyang bahagyang nakalapat malapit sa kamay ko — tahimik lang siyang nandiyan. Wala siyang ini-expect, wala siyang sinasabi.Pero bakit parang ako itong naguguluhan?I married her para sa peke naming kontrata. Isang kasunduan. Practical. Walang damdamin.Pero ngayon, habang pinagmamasdan ko siya, hindi ko na sigurado kung asawang papel lang ba siya.O
DIANA'S POV Hanggang ngayon, ramdam ko pa rin ang bigat ng pag-uusap namin ni Lyka. Kahit hindi pa siya handang patawarin ako, naiintindihan ko. Hindi madali ang lahat ng ’to para sa kanya at pati na rin para sa akin. Pero sa gitna ng lahat ng sakit, may isang gabi na hindi ko rin malimutan. ’Yung gabi na tahimik lang kaming magkatabi ni Adrian. Walang salita. Walang pangako. Pero sa unang pagkakataon, hindi ko naramdaman na mag-isa ako. At sa parehong gabi ring iyon, parang may unti-unting nagbabago. --- “Diana,” tawag ni Adrian habang papasok siya sa bahay. Galing siya sa office. Tulad ng dati, ayos ang suot niya at naka-black shirt at tailored slacks. Parang laging handa sa photoshoot. Nagulat ako nang bigla siyang lumapit at tumigil sa harapan ko sa hallway. “Ano ’yon?” tanong ko, hawak pa ang basang buhok ko, bagong ligo. “You’ll be moving to my room,” sabi niya diretso. Walang drama. Para bang sinabi lang niyang magpapalit ng bedsheet. Napakapit ako sa towel sa balika
ADRIAN'S POV Pagkapasok ko ng mansion, tahimik. Tahimik ang buong paligid, walang usual na tunog ng kutsara't tinidor, walang TV, walang boses ni Diana. Maaga akong natapos sa work at akala ko'y aabutan ko siyang nanonood ng drama o busy sa kusina. Pero wala. Tahimik. Malamig. Hanggang sa narinig ko ang mahinang yabag mula sa dining area. Lumakad ako papunta ro’n, at nakita ko siya. Nasa gilid siya ng mesa, nakaupo, nakayuko habang tinutulak lang ang pagkain niya gamit ang tinidor. Hindi niya namalayan na andoon na ako. “Hindi ka kumakain?” tanong ko, kalmadong boses. Napatingin siya, parang nagulat pa. “Oh. Andiyan ka na pala. Maaga ka ngayon.” Tumango ako. “Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko.” “Busog pa ako,” sagot niya. Mahina, walang lakas. “Maaga akong nag-snack kanina.” Alam kong kasinungalingan ’yon. Hindi siya sanay magsinungaling, and I’ve dealt with enough liars to know the signs — shaky fingers, avoiding eye contact, and that fake smile she just gave me. Somet
DIANA'S POVMaaga pa lang, gising na ako. Maaga rin akong lumabas ng kwarto para magtimpla ng kape, pero tulala lang ako habang hawak ang tasa.Hindi ako makalimot sa nangyari kagabi.Yung mga bulong. Yung tingin ng tao. Yung ngiti ni Adrian habang hawak ang baywang ko. Yung pagtatanggol niya sakin kay Tita Regina.Pero mas hindi ko makalimutan ’yung mga mata niya—hindi galit, hindi malamig—pero may gustong iparating.At natatakot akong malaman kung ano ’yon.“Are you okay?” tanong niya habang dumadaan sa may kusina, bagong paligo, naka-suit ulit.Tumango ako. “Okay lang. Kape?”Umiling siya. “I have to go early. Meeting with the Japan team. Gusto mo bang sumama mamaya sa pagbisita ko kay Lyka?”Napatingin ako sa kanya.“Ikaw pa lang ang di pa niya nakikita mula nang ma-confine siya,” dagdag pa niya, habang inaayos ang relo niya.Tumango ako, pero saglit lang.“Wag nalang. Baka mainit ang ulo ni Doc kung madami sa room. Mas importante ’yang meeting mo,” sagot ko, pilit ang ngiti.Sand
ADRIAN'S POVPagbalik namin mula sa grocery, pinuntahan ko si Diana sa kusina habang inaayos niya ang mga pinamili namin. May kailangan akong sabihin. May Isang event ngayong gabi. Annual CEO Gala — press, investors, and all the high-society devils I have to fake smile at.“You need to get ready,” sabi ko.Napalingon siya, may hawak pang lata ng condensed milk. “Ha? San tayo pupunta?”“There’s a party tonight. A big one. I want you with me.”Napatigil siya. “Ako?”I nodded. “You’re my wife. It’s time they know that.”Kita ko ang kaba sa mukha niya. "Look at me adrian, so simple and for sure may masasabi nanaman ang mga tao mamayang gabi, Imagine a genius, handsome and one of the powerful CEO in this country having a wife like basang sisiw?. ""I never cared about what they say, Diana. I only care about you - I mean... I only care about myself. And no more explanation. "Natahimik siya. Peru maya-maya'y pumayag narin. "What should i wear?. "“I already took care of it. May dadating