DIANA’S POV"Welcome, Mrs. Velasquez."’Yan ang bungad niya nang bumungad ako sa pintuan ng mansion. Isang malaking bahay na parang hindi tinatapakan ng alikabok. Tahimik, malamig, at amoy imported na polish. Ang sahig ay sobrang kintab, para bang bawat hakbang ko ay may kasamang paalala: You don’t belong here.Pero tumango lang ako. "This doesn't feel real," bulong ko.“Well, better get used to it,” sagot niya.Hindi ko alam kung seryoso siya o may halong biro. Pero hindi na ako nagtanong. Umakyat na lang ako sa kwarto na tinuro ni Manang Celia, malaki, malinis, may sariling banyo. May kwarto pala na ganito kalaki? Isang ganito, puwede nang gawing bahay.Kinabukasan, ginising ako ni Manang. "Ma'am Diana, may bisita po kayo sa ibaba. Kailangan daw po ni Sir Adrian na bumaba kayo. Andun kasi ang aunt niya, kapatid ng father ni Sir at gusto niya daw na makilala ka. ”Napakurap ako. Tiyahin niya? Agad akong bumangon at nag-ayos. Pinilit kong magmukhang presentable. Nagsuot ako ng simple
Terakhir Diperbarui : 2025-07-07 Baca selengkapnya