SAMARA POV
“LET'S GET READY TO PARTY!” shouted the DJ, making the crowd dance even wilder. The midterm exam has just ended, and it wouldn't be complete for a Northford University student without getting wasted on a party. We gathered at 'The Red Velvet,' isang high-end bar sa BGC. "Another vodka, Ara," my friend Candice offered, na 'di ko naman tinanggihan. I’m wearing a revealing skirt and a tube top. Feeling the beat, I danced like crazy after downing five shots of vodka, not caring what I looked like. All that matters was having fun until my body can no longer keep up. "Look at that guy wearing red shirt, he's cute," Mandy whispered then giggled. Sa tingin ko ay tinutukoy niya 'yong lalaking may kahalikang blonde girl. I sipped another vodka bago lumapit sa kanila. "Hey," pigil ni Mandy na bahagya pang natawa. "I just said he's cute, hindi ko naman sinabing puntahan mo. Kitang may jowa, oh. You're unbelievable." I giggled. "So what? Mas challenging ngang mang-agaw, 'di ba? Tutal maaagaw ko namang talaga," pilya kong tugon while biting my lower lip. "Really? Show us," singit ni Candice. "I'll surely do, Candice," I laughed at hahakbang na sana pero pinigilan ulit ako ni Mandy. "No, Ara, let's go home. Lasing ka na," halos hilahin na niya ako palabas ng bar pero nagmatigas ako. "Ang boring mo Mandy, promise," Candice teased. Mandy just rolled her eyes. Mandy and Candice are total opposites. Kung si Mandy ay parang ate ng barkada. Si Candice naman ay ang uri ng kaibigan na gustong masubukan mo ang lahat. We're best friends since high school. We might have different personalities pero marami kaming napagkakasunduan. Shopping, parties, gimmick– lagi kaming magkasama. Sounds cliché pero may friendship bracelet pa nga kaming tatlo na never naming tinanggal. Pauso ni Candice na masyadong sentimental. Kapag hindi mo pa iningatan ang mga binibigay niya ay nagtatampo. Kahit magasgasan mo lang ang mga bagay na iniregalo niya, pakiramdam niya, inabandona mo na rin siya. Yep, she might be naughty pero may side siyang gano'n. "I'm not feeling well about this one, kita mo ang sarili mo, oh. Lunod na lunod ka na sa alak," pangaral ni Mandy sa 'kin na pinasadahan pa ako ng tingin. Bahagya akong natawa. Heto na naman po siya. "Chi-check lang naman natin kung kaya kong agawin 'yong si Kuyang naka-red, LOLA Mandy," biro ko emphasizing our age gap kahit buwan lang naman ang pagitan namin. Napabuntong-hininga siya. "You've been in many troubles, Ara. H'wag mo nang dagdagan." Hinimas ni Mandy ang sintido niyang mukhang nanakit na naman dahil sa 'kin. Hindi ko na siya ininda at tuluyang iniwan. "Hey!" sigaw niya pero huli na ang lahat. Kahit hilong-hilo sa sobrang kalasingan ay pinilit kong makipagsiksikan para lang makapunta sa lalaking 'yon. I know I have a boyfriend na sobrang loyal, pero halik lang naman, walang malisya. "Excuse me," tinapik ko ang lalaking nakapula sa balikat kaya napatigil siya sa paghalik sa girlfriend niya at lumingon sa akin. "Yeah, do I kno—uhm..." I immediately grabbed him towards me and kissed his lips. Sa sobrang bilis ng pangyayari ay hindi na siya nakapagreact sa akin. "Damn you! Let go of my boyfriend!" sigaw ng blonde girl but I just raised my middle finger teasing her. Hinila ko ang boyfriend niya sa kumpulan ng nagsasayawang customers sa bar and we ended up on an empty couch, still kissing. Our body were moving rhythms na para bang sumasabay sa ingay ng musika. "Is it good?" I swept my hair over to the side at pinagmasdan ang mukha ng kahalikan kong nakapikit pa. I giggled in between our kisses. 'Mukhang nasarapan ata si Kuya.' I removed his red shirt and then my tube top. He started pressing my bossom which got the attention of the people around us. May ibang customers pa na kinunan kami ng video. I began kissing his naked body while his hands exploring mine. We became the center of attraction. "Ara, Ara, oh my gosh! Enough! Let's go home!" Naramdaman kong hinila ako ni Mandy pero hindi ko siya ininda. Nagsisigawan pa rin ang mga tao sa paligid namin enjoying the scene we're doing nang maramdaman kong may humablot sa kahalikan ko at sinuntok ito. Agad siyang bumulagta sa sahig bunga na rin siguro ng sobrang kalasingan. "OMG, what's that?" the crowd exclaimed. Nagdulot yun ng kaguluhan sa loob ng bar. Nagtakbuhan ang bouncers papunta sa direksyon namin to pacify the fight. I'm still feeling the effect of vodka no'ng nakita ko ang mukha ng galit na galit kong boyfriend na si Aldric. Hinubad niya ang suot niyang jacket at isinuot sa akin habang tinatago ang mukha ko mula sa mga customers na kumukuha ng litrato. "What the hell?!" asik sa amin ng blonde girl na ngayon pa lang nakalapit sa amin sa sobrang dami ng tao. "Anong ginawa niyo sa boyfriend ko? Where's the manager? Where's the fvcking manager?!" Nagpatuloy siya ng kakasigaw pero hindi na yun ininda ni Aldric at dinala ako palabas ng bar. *** "Samara Licaforte's scandal..." I immediately clicked it upon seeing it. Kakagising ko pa lang ay bumungad na agad sa akin ang video ng kalokohang ginawa ko sa TRV. 5 million views, 500k comments and 300k reacts. Natawa ako at napailing. "Paniguradong pagpipyestahan na naman ako sa Northford University mamaya," mahinang kausap ko sa sarili. It actually doesn't matter to me. Sanay na ako. Ang importante sa akin ay panatilihin ang popularidad ko sa mga tao—maganda man o panget ang dahilan. Sa atensyon ng mga tao ko nararamdaman ang halaga ko. Sinapo ko ang ulo kong medyo masakit pa. Sabay dungaw sa bintana nang makarinig ako ng busina. It immediately ruined my mood. Nakauwi na pala ang stepsister at madrasta kong parehong atribida mula sa Canada. "Ma'am?" katok ng katulong sa kwarto ko. "What?" naiinis kong sabi. Hindi ko alam kung dahil sa hangover o dahil mapipilitan na naman akong humarap sa asawa ni papa at sa anak nila. "Sabi ni Sir Fred, sabay na po raw kayong mag-breakfast," napapakamot na sabi ng katulong namin. Mukhang naiilang pa ito. I rolled my eyes. "Whatever." "Ihahanda ko na ba 'yong panligo niyo, Ma'am?" muling tanong nito sa akin. "Yes, thanks. Pakisabi na rin kay daddy, I'll be there in 20 minutes," I tried to be polite. Muli kong inihiga ang katawan ko sa kama nang ilang segundo. Sana talaga hindi kami magsagutan ulit ng madrasta ko. But can I even avoid that? Kumukulo na talaga ang dugo namin sa isa't isa dati pa. She hates my face because it reminds her of dad's greatest love before her. Anak ako ni dad sa pagkabinata. Siya lang naman ang naghahabol kay dad noon hanggang pumayag na nga si lolo na ipagkasundo sila ng kasal matapos ang pagkamatay ni mommy. When my mom died, my dad promised to take care of me. Kahit pa gawin niyang kondisyon ang pagkupkop sa akin para pumayag siya sa kasal nila ni Tita Olivia. My stepmom agreed on it, of course, kahit insulto 'yon sa kanya. What choice does she have if she's the one begging for love? Things went fine at first but as years go on, naramdaman kong nakikihati na lang ako sa atensyon ni dad mula sa legal niyang pamilya. Although I'm her favorite daughter at binibigay niya lahat ng luho ko, I felt lonely in the long run, making me seek attention from other people. And that's how the 'Attention Seeker Samara' was born. I heaved a sigh. Matapos kong maligo ay bumaba na ako sa dining area. Like the typical, bumungad sa akin ang crystal glass table set naming pinagawa pa ni dad sa isang kilalang furniture designer sa France. Nakahilera rin ang fine china dishes and glasses sa mesa. Sa katunayan, lahat naman ng gamit namin ay imported at mamahalin. Kahit nga halaga ng vase namin ay makakabili na ng bahay at lupa ng isang ordinaryong pamilya. Dagdag mo pa ang dami ng pagkain sa hapag na para bang araw-araw ay may fiesta. Kapag may mga bago kaming katulong ay palagi silang napapanganga sa engrande ng buhay namin. Pero kalaunan, pati sila ay nasasanay na rin. Napatitig ako sa madrasta kong si Tita Olivia at sa stepsister kong si Monica. Kahit sosyal na ang paligid ay mukha pa rin silang basahan. Balot na nga sila ng mamahaling alahas at branded na kasuotan pero hindi pa rin nagmumukhang mayaman. Maging ang pagsasalita at pagkain nila ay walang class. Gano'n siguro talaga kapag biglang yaman. Kahit anong pilit nilang arte ay walang kadating-dating. Napairap ako. Nakakasira ng view. Nang mapansin ako ni Monica ay tumigil ito sa pagtawa na kani-kanina lang ay kausap sila daddy at Tita Olivia. Kung makaasta siya ay para bang nasira ng presensya ko ang 'masayang nilang pamilya.' Tita Olivia rolled her eyes. "Nandito na pala ang magaling mong anak," agad na pasaring nito kay daddy at pinunasan ang bibig niya. Ngumiti si daddy para ilihis ang atensyon ko. "Have a seat, Ara," saad niya sa akin na agad kong sinunod. Monica murmured something to Tita Olivia na para bang may gustong sabihin. Agad iyong napansin ni dad. "What is it, Monica?" tanong nito. "I don't know if it already reached you, pero may kumakalat na naman ngayong video sa social media about Ate Ara, dad," nag-aalinlangan pa 'kunwari' niyang sabi kahit obvious naman na kanina pa siya kating-kati na magsumbong. Tinaasan ko siya ng kilay. May pa intro pa siyang, 'I don't know if it already reached you...' na parang tanga. Malamang, malalaman na ngayon ni daddy. Sinabi mo na, eh. Bida-bida talaga. "Ara?" He looked at me. "What about Ara?" muli niyang tanong kay Monica. "Here," iniabot niya ang phone niya kay daddy. Sinamaan ko siya ng tingin. Kung magkatabi lang siguro kami ay baka kinalbo ko na siya. Upon seeing it ay kumunot ang noo ni daddy. "What? A scandal? Seriously, Ara? Will you mind explaining this?" Ramdam mong nagpipigil siyang itaas ang boses niya. Saglit kong sinilip ang phone ni Monica saka ako kaswal na sumagot, "Sex on the bar?" Bahagya pa akong natawa. Dad looked at me trying to stop himself from slapping me. "This is too much, Ara. Lagi ka na lang ganyan. Naisip mo man lang ba ang reputasyon ko? Ang epekto nito sa business natin? This place is damn public. What will people think? Na may anak akong prostitute? Paano ka rerespetuhin ng ibang tao kung hindi mo man lang mairespeto ang sarili mo? Tell me, what are you trying to prove?" "Well, isn't it obvious, Fred? Your illegitimate daughter is shouting to the world how selfish, irresponsible and brat she is," Tita Olivia sarcastically said right in front of me. Nilingon ko siya showing I'm not affected. Ayokong magpatalo sa kanya. "Wow, you'll be rubbing on my face again talaga that I'm an illegitimate child, Tita Olivia? You think I'll be insulted hearing that? Who cares about the title here? You're bragging being legal?" Nagbitaw ako ng nakakalokong tawa. "Pero 'di naman ikaw 'yong mahal." Agad na nanlaki ang mga mata ni Tita Olivia. "Damn you!" She was about to grab me pero pinigilan siya ni daddy. "Enough! Both of you!" galit na sigaw nito. He then looked at me. "Ara, if you can't accept your Tita Olivia as your mom, at least respect her as my wife." Lumingon din siya kay Tita Olivia. "And Olivia, don't act like a child. Instead of being a peacemaker in this family ay ikaw pa ang nagsisimula ng gulo. At least act your age, for once." Hindi na nakapagpigil si daddy. Padabog siyang tumayo at iniwan kami. "Fred," tumayo na rin si Tita Olivia. Sinamaan pa niya ako ng tingin bago tuluyang umalis. Monica was just sitting in the corner. Pansin mong parang naiilang na siyang kumain. Siguro ay hindi niya in-expect na magiging ganito kagulo ang pagpapabida niya kay daddy. Ang mga katulong naman naming nakatayo sa tabi ay panay sikuhan at tinginan. Halata mong gustong-gusto na nilang magchismisan pero pinipigilan lang nila. Huminga ako nang malalim saka tumayo na rin. Mabigat akong napahinga. That scandal? Iisipin ko pa bang i-big deal? Even without that, my life is already a mess.MARIUS POV“Ahh,” daing ko. Binagsak ko ang sarili sa couch at minasahe ang sintido. Kay rami kong iniisip. Parang pasan ko ang mundo. Tumingala ako sa orasan na sinundan ng pagbuntong-hininga. Hindi ako mapakali kaya tumayo ako at paikot-ikot na naglakad sa loob ng opisina ni Mr. Sanchez. Pabalik-balik din ako sa salamin para malaman kung may mali sa itsura ko. Litong-lito pa rin ako.Bakit gano'n na lang ang naging reaksyon ni Ara? Para siyang takot na takot. Masyado ba akong naging agresibo? Baka isipin niya na gano'n ako sa lahat ng babae.“Ahh,” isang mas malakas na daing pa. Halo-halo ang nararamdaman ko na hindi ko maintindihan.Noong wala akong nahanap na sagot ay tinanggal ko na lang ang dalawa kong sapatos. Sinuot ko ang isang pares ng tsinelas na nasa shoe rack.Maya-maya ay tumunog ang telepono ko. Rumihestro ang pangalan ni Jack. Agad ko ‘yong sinagot.‘Sir Marius, kamusta ang lakad mo? Nagkita na ba kayo ni Ma’am Samara? Nakwento ni Mr. Sanchez sa akin,’ pang-uusisa nito
SAMARA POVHindi ko napansin na ilang minuto na pala akong nakatitig lang kay Marco. Kay gara ng suot niya, halatang branded. Hindi tulad rati na nakokontento na siya sa kupas na polo shirt. Maayos din ang postura niya. Disenteng-disente. Siguro natapos niya ang pag-aaral niya na hindi tulad ko. Mukhang maayos na rin ang buhay niya ngayon.“Pakidagdagan ang order ko ng dalawang cake,” kausap niya sa akin.Doon naputol ang iniisip ko. Alisto kong dinampot ang papel at ballpen. “Uhm, ano po ang gusto niyong flavor, sir?”Natigilan siya, mukhang napaisip, saka siya ngumiti sa ‘kin. “Ikaw, mukhang masarap…” simpatiko niyang sabi.Napaawang ang mga labi ko. Napakurap nang dalawang beses. “Ha? Ako? Masarap?” Loko ‘to, ah.Tumikhim siya nang mapagtanto na mali ang nasabi niya. “I mean, mukhang masarap kang mamili ng cake. Hindi ko naman mababasa ang menu,” kaswal niyang pagdadahilan.Lumabi ako at napatango. Oo nga pala, bulag siya.“Ah, red bean cake na lang, sir, tsaka… chestnut cake. Mag
SAMARA POV“Table 10, pakilinis muna, Ara,” pakisuyo sa akin ni Manager Li. Isang babaeng nasa 40’s na may dugong Chinese.Alisto naman akong kumuha ng basahan. “Sige po.” Nagtungo ako sa Table 10 para linisin ‘yon. Sa sobrang pagmamadali ay muntik pa kaming magkabanggaan ni Kakai. May bitbit itong tray ng cupcakes. Tawa na lang ang naging reaksyon namin sa pagpapatentero namin. Una siyang umatras.“Oh, ingat. Hindi naman tatakbo ‘yang mesa,” nakabungisngis niya pa ring saad. Umiling ako at tumuloy na sa Table 10. Nilinis ko ‘yon na gaya ng iniutos sa akin.Pareho kaming nagtatrabaho ni Kakai sa Maple Café bilang all-around employee. Minsan waitress, bartender, tagabantay sa counter, dishwasher, cashier at kahit janitress. Anim lang kaming empleyado, kasali na si Manager Li. Maliit lang ang café kaya nagsasalitan lang kami.Hindi kalakihan ang sahod pero ayos na rin kasi natutustusan ko ang mga pangangailangan ni Shion. Buti na lang talaga at pumayag si Tita Olivia na magkaroon ako n
MARIUS POV Isang linggo matapos ang libing ni Jill sa Jeju Island ay dumiretso na kami ni Lolly pabalik sa Pilipinas. Abala ang buong airport no'ng nakarating kami sa NAIA Terminal 1. May mga taong sinalubong ang mga kamag-anak nilang balik-bayan. May mga turistang sabik na pumasyal. May mga staff na ina-assist ang iilang kararating lang. “Good day, everyone. Please don't leave your baggage unattended. Items without an owner may be subject to security inspection. Thank you for your cooperation,” anunsyo ng airport attendant. Inayos ko ang suot na sunglasses at pumaskil ang ngiti sa labi. “It’s good to be back,” monologo ko na parang kahapon lang ang lahat. “Dada, doon daw muna ako sa mansyon ng mga Costova sabi ni Lola. Two weeks, magba-bonding kami,” pagbibida sa akin ni Lolly. Wari’y ‘di masukat ang pananabik nito. Hila-hila niya ang dalawang malalaking maleta na de gulong. Naghahanap siya ng signal. Pinagkrus ko ang braso at masusi siyang pinagmasdan. Ganap na nga siya
MARIUS POVPagkarating sa Institut Curie Hospital, agad akong tumakbo papunta sa Room 302. Wala na akong pakialam kung sino man ang makabangga ko. Kailangan kong makita agad si Jill.No’ng nasa tapat na ako ng kwarto, nadatnan ko si Jack na sobrang nag-aalala habang nakaupo sa labas. Pagkapasok ko sa Room 302, pinapalibutan ng doktor at nurses si Jill na mino-monitor ang kalagayan niya. Matapos gawin ang iilang procedures ay lumabas din ang mga ito. Pinagbilin nila na hayaan ko muna si Jill na magpahinga.Sinuri ko ang kabuuan niya. Namumutla siya at puro pantal ang katawan. Mas malalaki ang mga pasang ito kaysa rati. Palatandaan na seryoso na ang paglala ng sakit niya.“Jill, ayos na ba ang pakiramdam mo? Pinag-alala mo ako,” usisang tanong ko sa kanya at kabado pa rin. Wari'y may bara sa lalamunan ko pero pilit ko ‘yong itinago sa kanya. Awang-awa ako sa itsura niya.Ngumiti siya. “Hindi na nga kita mabigyan ng anak, sakitin pa ako. I'm sorry that I failed our marriage. Hindi kita n
MARIUS POV Paris, France 8 years later… Suot ang itim na tuxedo at puting maskara ay bumaba ako sa sasakyan sa tapat ng Hendrix Mansion—ang lugar kung saan pinapaslang ng pamilya Silvestre ang mga taong target namin. Agad akong sinalubong ng mga Veiler na humilera sa matuwid na pagkakatayo upang magbigay galang. Noong isang linggo lang natapos ang training nila sa ilalim ng pamumuno ni Jill. Ngayon ang unang araw nila sa serbisyo. "Bonjour, monsieur,” matikas na bati sa akin ng isang French na tauhan. (Translation: Hello, Sir!) Bumaling ako sa kanya. "Vous avez chopé Nicholas?" tanong ko sa maawtoridad na boses. (Translation: Nakuha niyo ba si Nicholas?) Umayos siya ng tindig. "Il est à l'intérieur, Patron. Nos hommes le tiennent,” pag-iimporma niya sa akin. (Translation: Nasa loob, Boss. Hawak ng mga tauhan natin.) Tumango ako at tinapik ang balikat niya. "Bon boulot." (Translation: Good job.) Matapos no’n ay nagdire-diretso na ako sa loob ng mansyon. Sumuno