Mag-log inSAMARA POV
"Carbon emissions contribute to climate change by trapping heat in the atmosphere and causing global warming..." the guy on the board continued reporting kahit wala namang nakikinig. He's Marco Villaflor, a scholar. He transferred here out of nowhere with his not so awesome fashion style. Mas catchy pa nga ata ang baduy at mumurahin niyang damit kaysa sa pinagsasabi niya sa reporting niya. Dagdag mo pa ang tingin niyang diretso lang kasi bulag. Kung minsan ay napagtitripan pa naming iwan siya habang nagdi-discuss. Nagpangalumbaba ako habang bagot siyang tinititigan. I must admit it. May itsura naman si Marco. His face is chiseled with a strong jawline and high cheekbones. Kaakit-akit din ang mga mata niyang may mahahabang pilik-mata. He looks like a Hollywood American celebrity. Maganda ang postura, matipuno ang dibdib at may katangkaran. Kapag naglakad nga siya hallway ay mala-modelo at malakas ang dating. Matalino rin siya at madiskarte. Ikaw ba naman ang maging bulag na mag-isang nag-aaral as college student. Imbis na tulungan ay pinagkakatuwaan pa siya ng mga estudyante. Sa totoo lang, kung hindi siya bulag at mahirap ay baka kaliwa't kanan na ngayon ang mga babaeng naghahabol sa kanya. Candice leaned on me na bahagya kong ikinagulat. Agad kong nilihis ang paningin ko mula kay Marco at tumingin kung saan. "Shocks Ara, sikat ka na naman," pinakita niya sa akin ang scandal kong kalat na sa social media. Ch-in-eck ko ang phone niya at bahagyang natawa. "The netizens are good in getting good angles. Sana pala pinakita kong lahat," sarkastiko kong sabi. Mandy suddenly joined us. "See? I told you. Another trouble, Ara. Pinagsabihan na kita, 'di ba?" She looks so paranoid na para bang siya 'yong nasa video'ng kumakalat. I just laughed at her reaction. "Relax Mandy. I don't even mind kahit pagsawaan nila 'yan. I'm enjoying the attention. I need to make issues every now and then to stay relevant." "Relevance? Can't you make it in a good way? Mag-charity works ka. Walisin mo 'yong buong EDSA, mga gano'n. Everyone knows you in a negative way and I don't think that's cool," pangaral ni Mandy. "Hindi catchy maging mabait, Mandy. Everyone wants something wild. The way na mas ino-offend mo 'yong prinsipyo ng mga tao, mas madali ka nilang maaalala," Candice defended my side. I giggled. "True, it's just a matter of personal choice. Safe but boring, or fun but dangerous. You should taste what dangerous felt like sometimes. You might realize one day, you haven't achieved anything farther kasi gusto mo safe ka lang." "Yeah, Mandy. You'll grow old with regrets of all the fun things you didn't try. Don't miss out on life's wild ride," Candice insisted. Napapikit na lang si Mandy. "Why do I have friends like this? Puro bad influence." We just ended up giggling. *** "Salad with grilled chicken, avocado toast, and a smoothie, please," I ordered at the cafeteria's counter. Pansin kong pinagtitinginan ako ng ibang estudyante habang ang iba naman ay nakatutok sa phone nila. Sinilip ko ang pinagkakaabalahan nila at saglit akong natigilan. It's my scandal. Kaya naman pala trending dahil pinapanood nila bente kwarto oras. "Where should we sit?" Palinga-linga sina Mandy at Candice nang makita ko ang baduy na si Marco na mag-isang kumakain. Isang pilyang ideya agad ang pumasok sa isipan ko. Kulang ang linggo ko rito sa Northford University kung hindi ko siya napagtitripan. I immediately walked towards his table at sumunod naman sina Candice at Mandy. "Get out, uupo kami," utos ko sa kanya. I don't know why but it really gives me satisfaction bullying people na hindi ko ka-level. "Hindi niyo ba nakikitang kumakain pa ako?" pagmamatigas niya. Napansin pa namin ang baon niyang tortang talong at kanin na agad naming pinandirihan. "How dare you asking us kung may nakikita kami, eh, ikaw 'yong bulag," pilosopong tugon ni Candice. "Hmm," nababagot na pag-ungot ni Marco. "Kung kayo naman pala ang nakakakita, bakit hindi kayo maghanap ng bakanteng mesa?" Agad kaming napasinghap sa inasta niya. This brat has the guts na sagutin kami? Sa makailang beses naming pangbu-bully sa kanya ay marunong na siya ngayong lumaban? Pangiti-ngiti siya nang mapansing hindi kami agad na nakasagot. Pagkatingin ko sa paligid ay napansin ko na nasa amin ang atensyon ng lahat. I won't let him win in front of everyone. Never. He might have forgotten the social pyramid at kailangan kong ipaalala sa kanya. Tumaas ang gilid ng labi ko. "So you're still eating?" sarkastiko kong sabi. Umabante pa ako para magkatapat ang mukha naming dalawa. Hindi siya umimik o kumurap man lang. Abala lang siyang ngumunguya. Nagsalubong ang kilay ko. Ang pinaka nakaka-badtrip talaga sa pang-aasar ay 'yong parang tuod na walang pakialam ang inaaway mo. Bahagya akong natawa. 'Tingnan natin kung hindi mo pa rin ako pansinin dito sa gagawin ko.' Yumuko ako sa natitira niyang pagkain. Kinuha ko ang baonan niya at itinapon ito sa sahig. "Woooah," hiyaw ng lahat. Ang iba pa nga'y natawa. "Ops, my bad," I chuckled, teasing him. "I guess you're done now," nagpangalumbaba ako sa harapan niya. Kinapa ni Marco ang mesa. Nang hindi niya mahanap doon ang baonan niya ay sa sahig naman siya gumapang. Candice and I lauged on how pathetic he looks like. Gano'n din ang ibang nakakita sa kanya. I guess I finally emphasized it to him. Walang puwang ang pagmamatapang ng isang tulad niya sa mundong ang nagpapagalaw ay pera. Ang lugar ng pobreng tulad niya rito sa school ay laruan lang naming mayayaman. Mandy wants to help, kita mo sa naging reaksyon ng mukha niya. But she knows she can't do that in front of everyone so she just pretended not to see it. She's the type of person na playing safe. Nang mahanap ni Marco ang baonan niya ay nilagay niya 'yon sa bag niya. Wala na siyang sinabi at umalis na lang ng cafeteria. Iminuwestra ko ang kamay ko na parang nagbubugaw ng langaw while still laughing. He's really a fun toy to play. *** "Hi, babe," I kissed Aldric bago kami pumasok sa kotse niya. Isa-isa kong tinanggal ang butones niya pero hindi man lang siya gumaganti sa akin. "What's wrong?" nag-aalala kong tanong. "You know I'm just resisting myself to get your virginity kasi gusto mong magtapos muna tayo ng college at magpakasal, and then madadatnan kitang nakikipag-sex sa bar?" he replied to me, sulking. I chuckled. "Hindi ko naman binigay ang virginity ko sa kanya. It was just a mild sex. Sayo pa rin naman ako uuwi. I'm all yours," I looked at his lips intently and kissed him again. He then touched my body randomly. Agad akong nag-init sa mga haplos niya kaya tinanggal ko ang damit ko pang-itaas para sa kanya. In response, ay marahan niyang hinalikan ang leeg at dibdib ko. "Kelan mo ba kasi ako ipapakilala sa pamilya mo? We're almost three years," he whispered making me push him a little. "Why?" nagtataka niyang sabi. "You know what kind of family I have, right? Anak ako sa labas. It's my dad's family. Nakikibahay lang ako," nakasimangot na sagot ko. "You're still your dad's child. I just wanted to make things legal. Sa tagal mo 'kong ipakilala sa kanila ay naiisip kong wala ka naman talagang balak na gawin 'yon. Napapangitan ka ba sa 'kin? Nakukulangan ka ba sa abs ko? Baka may asawa ka nang iba at may anak na kayong dalawa. Mas mabuti na 'yong kilala ako ng pamilya mo para magkabistuhan na," he kissed me again. "What?" Bahagya akong natawa. He's really cute. Batchmates kami ni Aldric sa highschool. Ang tatay niya ay may-ari ng isang kilalang traveling agency. Ang nanay niya naman ay CPA. He got all the qualities that every woman could wish for. Gwapo, mayaman, matalino, mabait at understanding. At a young age ay isa na rin siyang achiever. Kasali siya sa national team ng football na nagko-compete internationally. He's the ace player. Kahit maraming babaeng umaaligid sa kanya, he remained loyal and faithful to me. I know in my heart that he'll always be my safe haven, my protector and my soulmate. I can't see myself growing old without him. The day I met him, I never felt alone anymore. Gaya nga sa lyrics ng kanta ni Taylor Swift. He's the best thing that ever been mine. I played my fingers on his lips while his arms were hugging me towards him. "I'm already the luckiest girl to have you. It will be stupid na pakawalan ka pa." He looked me intently. Piercing through my soul with so much love. "So kelan nga?" Marahan niyang inayos ang mga hibla ng buhok ko. "How about a night before my birthday? Let's have a dinner sa bahay?" I suggested with my sweet voice. Agad siyang napangiti. "I guess that would be fine," hinila niya ako palapit sa kanya at muli akong hinalikan. I'm still devouring his kisses. Giving me that sense of pleasure. Tatanggalin ko na sana ang polo niya nang mapansin ko ang isang taong naka-hoody jacket ng itim na kinukunan kami ng video. Madilim kung saan siya nakatayo kaya hindi ko naaninag ang mukha niya. "AAAHHH!!!" I screamed out of fear. Madali ko ring tinakpan ang pang-itaas ko.SAMARA POV“Nice to meet you, Samara. I’m Marius,” pakikipagkamay nito sa akin. Kasing lamig ng yelo ang boses niya.Napakurap ako. Marius? Akala ko ba ay ayaw niya sa pangalang ‘yan? Seryoso niya akong tinitigan. Tulad rati, hindi ko mabasa ang nasa isipan niya. Hindi niya binaba ang kamay niya hangga’t hindi ko ito hinahawakan. Bahagya kaming tumahimik. Wari'y naghihintayan. “Brat, take his hand,” pasimpleng saway sa akin ni Tita Olivia. Ang pinakaayaw niya sa lahat ay napapahiya kay Mr. Sanchez.Inayos ko ang sarili ko. Nag-aalinlangan man sa simula, pero wala na rin akong nagawa. Nakipagkamay ako kay Marco at tila may kuryenteng dumaloy sa sistema ko. Aaminin ko na may epekto pa rin siya sa akin kaya ako ang unang bumitaw. Nag-iwas din ako ng tingin sa kanya.“Oh, may pag-uusapan muna kami ni Mrs. Licaforte. Ms. Samara, ipasyal mo muna ang inaanak ko para hindi siya mabagot dito. Tatawag na lang ako kapag tapos na ang meeting namin. Aasahan kita,” paalam ni Mr. Sanchez. Nagul
SAMARA POV“‘Di ko gusto. Walang dating. Panget.” Sunod-sunod na panlalait ni Monica sa speeches na pinagpuyatan ko. Ni hindi man lang siya nag-abalang basahin. Diniretso niya lang lahat sa trash bin. Hingal na hingal pa ako sa pagtakbo dahil inapura niya akong ihatid ang ginawa kong speeches. Tapos ang ending, mauuwi lang pala sa wala.Napasilip sa amin ang mga empleyadong nasa labas ng opisina. Sinadya talaga ni Monica na iwang bukas ang pinto para makita ng ibang tao ang pang-iinis niya sa akin. Panay pa ang ngiti nito nang nakakaloko.Hindi ko maintindihan kung saan siya kumukuha ng lakas ng loob na gumawa pa ng eksena. Palpak ang special projects niya lately. Nangangapa ito kapag hinayaan. Sinisisi niya pa sa iba ang mga pagkakamali niya. Halos wala ng tiwala ang lahat sa kanya pero tahimik lang ang iba dahil ayaw masisante. Ako na nga itong gumagawa ng paraan para makabawi ang kompanya tapos inuuna pa niya ang tantrums niya.“Monica, ilang linggo na lang ay gaganapin na ang 3-
SAMARA POV “What? Nagkita ulit kayo ni Marco? Girl!” hindi makapaniwalang pagpapaulit ni Candice. Bakas sa tono ng pananalita nito ang pananabik. Tinutulungan niya akong magdilig ng halaman sa hardin. Humugot ako ng malalim na paghinga saka ako problemadong bumaling sa kanya. Mas lamang ang pag-aalala ko kaysa kilig sa pagbabalik ni Marco. “Oo nga, for the 100th time. Nagkita ulit kami. Ang gara ng postura niya. Parang kung sinong executive na sanay na mag-utos sa maraming tauhan. Ang layo sa gusgusin kong itsura. Kaya ayon, naalog ang utak ko. Lumiban ako sa Maple Café. Pangalawang araw na ngayon. Buti na lang at pumayag si Manager Li na magsinungaling na nag-resign na ako para hindi na bumalik si Marco. Hangga’t maaari ay iiwasan ko siya,” mariin kong pagdedeklara na tinugunan ng pagkunot ng noo ni Candice. Mayamaya ay natawa siya. “Ha? Anong iiwasan mo siya? Ara, si Marco lang ‘yon. Hindi naman siya serial killer,” umiiling niyang komento. Itinuon niya ang atensyon sa namumukadka
MARIUS POV“Ahh,” daing ko. Binagsak ko ang sarili sa couch at minasahe ang sintido. Kay rami kong iniisip. Parang pasan ko ang mundo. Tumingala ako sa orasan na sinundan ng pagbuntong-hininga. Hindi ako mapakali kaya tumayo ako at paikot-ikot na naglakad sa loob ng opisina ni Mr. Sanchez. Pabalik-balik din ako sa salamin para malaman kung may mali sa itsura ko. Litong-lito pa rin ako.Bakit gano'n na lang ang naging reaksyon ni Ara? Para siyang takot na takot. Masyado ba akong naging agresibo? Baka isipin niya na gano'n ako sa lahat ng babae.“Ahh,” isang mas malakas na daing pa. Halo-halo ang nararamdaman ko na hindi ko maintindihan.Noong wala akong nahanap na sagot ay tinanggal ko na lang ang dalawa kong sapatos. Sinuot ko ang isang pares ng tsinelas na nasa shoe rack.Maya-maya ay tumunog ang telepono ko. Rumihestro ang pangalan ni Jack. Agad ko ‘yong sinagot.‘Sir Marius, kamusta ang lakad mo? Nagkita na ba kayo ni Ma’am Samara? Nakwento ni Mr. Sanchez sa akin,’ pang-uusisa nito
SAMARA POVHindi ko napansin na ilang minuto na pala akong nakatitig lang kay Marco. Kay gara ng suot niya, halatang branded. Hindi tulad rati na nakokontento na siya sa kupas na polo shirt. Maayos din ang postura niya. Disenteng-disente. Siguro natapos niya ang pag-aaral niya na hindi tulad ko. Mukhang maayos na rin ang buhay niya ngayon.“Pakidagdagan ang order ko ng dalawang cake,” kausap niya sa akin.Doon naputol ang iniisip ko. Alisto kong dinampot ang papel at ballpen. “Uhm, ano po ang gusto niyong flavor, sir?”Natigilan siya, mukhang napaisip, saka siya ngumiti sa ‘kin. “Ikaw, mukhang masarap…” simpatiko niyang sabi.Napaawang ang mga labi ko. Napakurap nang dalawang beses. “Ha? Ako? Masarap?” Loko ‘to, ah.Tumikhim siya nang mapagtanto na mali ang nasabi niya. “I mean, mukhang masarap kang mamili ng cake. Hindi ko naman mababasa ang menu,” kaswal niyang pagdadahilan.Lumabi ako at napatango. Oo nga pala, bulag siya.“Ah, red bean cake na lang, sir, tsaka… chestnut cake. Mag
SAMARA POV“Table 10, pakilinis muna, Ara,” pakisuyo sa akin ni Manager Li. Isang babaeng nasa 40’s na may dugong Chinese.Alisto naman akong kumuha ng basahan. “Sige po.” Nagtungo ako sa Table 10 para linisin ‘yon. Sa sobrang pagmamadali ay muntik pa kaming magkabanggaan ni Kakai. May bitbit itong tray ng cupcakes. Tawa na lang ang naging reaksyon namin sa pagpapatentero namin. Una siyang umatras.“Oh, ingat. Hindi naman tatakbo ‘yang mesa,” nakabungisngis niya pa ring saad. Umiling ako at tumuloy na sa Table 10. Nilinis ko ‘yon na gaya ng iniutos sa akin.Pareho kaming nagtatrabaho ni Kakai sa Maple Café bilang all-around employee. Minsan waitress, bartender, tagabantay sa counter, dishwasher, cashier at kahit janitress. Anim lang kaming empleyado, kasali na si Manager Li. Maliit lang ang café kaya nagsasalitan lang kami.Hindi kalakihan ang sahod pero ayos na rin kasi natutustusan ko ang mga pangangailangan ni Shion. Buti na lang talaga at pumayag si Tita Olivia na magkaroon ako n







