Beranda / Romance / Craving For Love / CHAPTER 3: Guilt

Share

CHAPTER 3: Guilt

Penulis: Love Reinn
last update Terakhir Diperbarui: 2023-11-27 20:25:15

SAMARA POV

"AAAHHH!!!" I screamed out of fear. Madali ko ring tinakpan ang pang-itaas ko. Nang mapagtanto ng misteryosong taong nakatayo na napansin ko siya ay mabilis siyang tumakbo.

"Why?" Agad na nilingon ni Aldric ang tinititigan ko at isinara ang mga butones niya.

"P-Parang may tao ro'n kanina?" nanginginig na tinuro ko 'yong direksyon kung saan ko nakita 'yong taong nag-video sa amin.

Naalarma si Aldric sa naging reaksyon ko kaya lumabas siya ng kotse kahit hindi niya pa maayos na naisasara ang lahat ng butones niya. Pinuntahan niya 'yong lugar na tinuro ko at sinubukang maghanap sa paligid.

Yakap-yakap ko pa rin ang sarili ko at takot na takot nang makabalik si Aldric sa loob ng kotse.

He kissed my forehead at pinakalma ako. "Relax, baka tambay lang na nanti-trip. I'll ask the security for cctv footage para mahanap natin kung sino 'yon."

"Pero kinunan niya tayo ng video. I can't afford another scandal now, magagalit na naman si daddy. Ni hindi pa nga ako nakakapag-sorry sa huling naging eskandalo ko," bakas mo pa rin sa boses ko ang pag-aalala.

Bahagya siyang ngumiti. "The windows of my car are tinted. Walang makakakita sa atin kahit anong gawin natin dito sa loob. You know you're safe with me, Ara."

Sa puntong 'yon ay kumalma na ako. Muli ko siyang kinintalan ng halik sa labi at bumuntong-hininga.

Tatanggalin niya sana ulit ang damit na itinakip ko sa dibdib ko for another round pero tumanggi na ako.

"Let's go home now. Inaantok na rin kasi ako," malambing kong sabi at nagbihis.

He smiled gently. "Fine, wife," he teased, kissing my lips once more. Agad na namula ang pisngi ko. "Pero ihahatid na kita hanggang sa tapat ng bahay niyo. Hindi pa tayo sigurado kung sino 'yon, baka sundan ka pa," pag-aalok niya.

"Baka makita ka ni daddy o ng mga kasambahay namin at isumbong ang tungkol sa 'tin. Ibaba mo na lang ako gaya ro'n sa dati. Lalakarin ko na lang," pakisuyo ko sa kanya.

Napahinga siya nang malalim. Alam kong nag-aalala siya at pinipigilan lang na magprotesta sa akin.

"Just wait a little, Aldric. Gusto ko kasi maayos muna ang lahat bago kita maipakilala kay dad. You know I just got into another trouble, right? Medyo wrong timing. I'll fix that first, ok?" paliwanag ko sa kanya.

Halatang pinilit niya lang na ngumiti kaya niyakap ko siya. "Hubby?" tukso ko sa kanya. He giggled. I kissed his cheeks para kiligin siya lalo.

"You really know how to tame me," pagsuko niya. "Same spot?"

Pangiti akong tumango at sinimulan niyang mag-drive.

***

Pagkapasok ko pa lang ng mansyon ay bumungad na agad ang nakataas na kilay ng stepsister kong si Monica. "Where have you been?" maarteng tanong niya.

"From hell?" sarkastiko kong sabi at nilampasan siya. Napasinghap siya sa inasta ko.

We've always been like this. Lalo na kung walang ibang taong nakatingin.

Hindi pa kami nakakapag-usap nang maayos. Tipong magkakatinginan pa nga lang kami ay magsasabong na kami.

Nasagi ng paningin ko ang suot niyang sapatos. Nagulat pa siya nang mapansin ako at agad 'yong tinago.

Nakakaloko akong tumitig sa kanya. Kaparehong-kapareho ng sapatos na suot ko.

'She's such a copycat.'

Wala siyang alam sa fashion kaya lagi niya na lang ginagaya ang mga binibili ko. Katulad ni Tita Olivia na panay gaya sa mga amiga niya—mapadamit man o properties.

Nag-hire pa nga sila ng etiquette coach dati para lang makipagsabayan sa mga kilala nilang mayaman pero parang hindi naman tumalab. Nagwaldas lang ng pera.

You really can't buy class.

Umakyat ako sa kwarto ko. Naligo ako bago humiga sa malambot kong kama.

Napansin kong mag-aalas onse na ng gabi pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Naiisip ko pa rin kasi yung pagtatalo namin ni dad.

I know I am a brat pero hindi ko kayang sumama ang loob niya sa akin nang matagal.

Beep.

I immediately checked my phone. It's Candice. Mukhang may kalokohan na namang sinend sa class GC.

Pagkabukas ko pa lang ng messenger ay bumungad na agad ang memes ni Marco na si Candice ang may gawa. I giggled. Panay tanong pa siya kung nag-seen na si Marco, eh, bulag nga.

It's really her habit na kung sino man ang mapagtripan ko ay pagtitripan niya rin, and then susunod naman ang iba naming kaklase.

Malaki ang share ng pamilya ko sa Northford University so I'm quite influencial. Kaya kong baliin ang batas whenever I want. Kaya siguro gano'n na lang sila kung sumabay sa akin.

'Takot lang nila,' bahagya akong natawa.

Out of curiosity ay ini-stalk ko ang wall ni Marco.

He got a big family. Marami silang magkakapatid. Siguro sa kanila rin siya nagpapatulong sa pag-a-upload ng pictures sa f* niya na sobrang dami. They looked happy kahit ang bahay nila ay tagpi-tagpi.

I scrolled more.

May mga pagkakataong kinakailangan nilang umutang para may makain at pambaon sa eskwela. Mukhang iilan lang silang nakakapag-aral at ang iba ay tambay lang.

Lumalabas silang buong pamilya kahit isang piraso lang ng isda at pancit ang dala sa dalampasigan.

I slowly felt lonely while seeing his family outings' pictures. Kahit hindi sa isang mamahaling resort ay grabe ang ngiti sa mga labi nila.

Kelan ba ang huling beses na namasyal kami ni dad?

Ever since lumago ang negosyo namin at nagkaroon ng branches sa ibang bansa ay nawalan na rin siya ng time sa akin. Bibihira ko ring siyang makita kasi hindi na siya gaanong umuuwi.

Sa dami ng ginagawa niya ay sa company na siya halos natutulog. Kung may oras man siya ay sina Tita Olivia at Monica ang kasama niya. Mostly nga sa pictures sa private account ni dad ay ang pamamasyal nila sa ibang bansa na silang tatlo lang.

Hindi naman sa hindi nila ako sinasama—pero naiilang akong sumama.

I felt like I'll just ruin their family picture.

Since I grew up without mom, I never felt complete. Parang laging nakikisawsaw lang. Sobrang bata ko pa no'ng mawala siya kaya wala akong ala-ala sa kanya. I just know her through pictures and stories of dad.

Tuwing Mother's Day ay naiinggit ako sa iba na kumakain sa labas at nagba-bonding.

Ang tanging paraan ko lang kasi na maramdaman na kasama ko si mommy ay bisitahin ang puntod niya.

Napahinga ako nang malalim.

I should not complain because I am enjoying all my life's luxuries. I am loving the fact that I am a Licaforte with all its privileges.

But I always miss my dad,

...the only family I consider I still have.

Bumangon ako sa kama ko. I felt like talking to dad kahit saglit lang para gumaan yung pakiramdam ko.

We never had a heart-to-heart talk lately. Halos puro pagtatalo lang and his rants kung gaano ko pinapasakit ang ulo niya.

Wala rin akong ideya on how I ended up like this. I miss the old us.

Sumilip ako sa awang ng pinto ng office niya na bahagyang nakabukas. Agad akong natigilan.

He's having a coffee with his new lawyer, Atty. Santivañez. I've heard a lot about him but we've never met personally before.

He graduated with flying colors at topnotcher sa board. Scholar siya ng kompanya namin kaya kahit no'ng estudyante pa lang siya ay kilala na siya ni daddy.

Medyo nakatalikod siya kaya hindi ko naaninag ang mukha niya. Despite of that, mukhang bata pa naman siya. Mga nasa mid-20's or 30's lang.

"She's still young, normal talaga sa edad niya ang nagrerebelda," rinig kong saad ni Atty. Santivañez.

Mas sinikap kong sumilip. Mukhang ako ang pinag-uusapan nila at mababatid mong seryoso sila. Napansin ko rin ang lungkot sa mga mata ni daddy.

"I don't know too, Attorney. I'm starting to think na may mali rin ako. I always don't have time for her. Akala ko ay magiging sapat na ang pagbibigay ko ng lahat ng luho niya. Ipinangako ko pa naman kay Eloisa na aalagaan ko siya. I'll raise the best version of her as much as I can. But look at her now—'yong mga gimik na ginagawa siya sa social media. Seeing those things make me pity my daughter and I felt like I've become the worst father. Siguradong malulungkot si Eloisa kung nabubuhay pa siya dahil pinalaki kong ganito si Ara."

Matapos marinig ang mga katagang 'yon mula kay daddy ay nakaramdam ako ng guilt. Parang may namuo rin sa lalamunan ko na gusto kong umiyak.

All I wanted is to have fun para matakasan ang pangungulila ko. Hindi ko naman ginustong humantong sa ganito.

Tatawagan ko sana ang nobyo kong si Aldric para may makausap ako pero hindi ito sumasagot. Sa tingin ko ay nakatulog na siya dahil lampas alas onse na ng gabi.

Magpapahinga na lang sana ako pero napansin kong bukas ang main door kaya naisip kong magpahangin na muna sa labas.

***

"Two old friends meet again

Wearin' older faces

And talk about the places they've been..."

Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ang magandang boses na 'yon. Isang lalaking kumakanta at naggigitara. Sobrang sarap sa tenga at nakakagaan ng pakiramdam.

Pagkalingon ko para makita kung sino ang lalaking 'yon ay nagulat ako. Isang pamilyar na mukha.

'Si Marco? Marunong siyang kumanta?'

Aligaga akong nagtago sa likod ng pader. Ilang segundo ko ring pinagmasdan si Marco nang may mapagtanto ako.

Napakamot ako sa ulo ko at napangiwi. 'Bulag nga pala ang lalaking 'to.'

Kahit tumambling pa ako sa harapan niya ay hindi niya makikita. Bakit ba ako nagpapakapagod na magtago?

Kaswal akong naglakad at umupo sa katapat niyang bench sa 'di kalayuan. Maganda naman ang boses niya. Hindi na masamang magpuyat kahit konte.

Napansin ko ang lata sa tabi niya. Sa tingin ko ay namamalimos siya. May iilang tao ring dumadaan na naghuhulog ng barya.

Kinapa ko ang bulsa ko para maghulog din sana nang mapansin ko ang tatlong lalaki na lumapit sa kanya. Agaran ko silang inusisa.

Sa pag-aakalang maghuhulog sila ng barya ay naisip pa nilang kunin ang lata na naglalaman ng kinita ni Marco. Napagtanto ata nilang bulag ito. Paulit-ulit pa nilang winasiwas ang kamay nila sa harapan niya saka tatawa-tawang umalis.

Napamura ako sa hangin. Sila na nga itong walang kapansanan ay sila pa ang nakaisip na magnakaw.

Magaganda naman ang mga porma at mukhang hindi naghihikaos. Naglakad ako papunta sa kanila.

"Uy, hi Miss Beautiful," agad na bungad ng isa sa akin na malapad ang ngiti.

Nakaamoy ako ng beer. Sa tingin ko ay lango sila sa alak.

"Akin na yang lata," utos ko sa kanila.

Nagtinginan silang tatlo. "Amin 'to, eh," pagmamatigas nila.

"Curfew hours ngayon, bawal ang gumala-gala na nakainom sa kalyeng 'to. Gusto niyo ipapulis ko kayo?" pananakot ko.

Agad nilang ibinigay ang lata sa akin. Mabuti na lang at naniwala sila kahit gawa-gawa ko lang 'yong sinabi ko. Nagtakbuhan silang tatlo.

Pangiti kong tiningnan ang lata at nagulat ako kasi walang laman. "Shit," mahina kong sabi. Naisahan ako.

Nakita ko na lang ang tatlo sa malayo na inaasar ako at kumakaway.

'May araw din 'tong tatlo sa 'kin, makikita nila.'.

Padabog akong kumuha ng limang daan sa bulsa ko. Ayoko namang walang maiuwi sa Marco ngayon dahil lang sa mga loko-lokong 'yon.

Natigilan ako nang pagkalingon ko ay may kasama nang paslit si Marco. Tinutulungan siya nitong hanapin ang lata.

Napakunot ang noo ko. Kapatid niya ba 'yan? Sa dami ng kasama niya sa pictures kanina ay hindi ko na maalala.

Panay pa rin ang kapa ni Marco sa paligid. Pasekreto kong tinawag yung bata na agad namang lumapit sa akin.

"Sa inyo ba 'to?" pangiti kong sabi.

Kinuha niya ang lata at nagulat na may laman itong limang daan. "Sa inyo po 'to galing ang pera?"

Tumango ako. Agad namang nagkislap ang mga mata niya.

"Ba't kayo inabot ng alas onse rito? Palagi ba kayo rito?" tanong ko sa kanya.

"Ngayon lang po, natapon niya kasi yung tanghalian ko kanina kaya nagastos namin 'yong huling pera namin na para sana sa panghapunan. Salamat po rito sa limang daan, makakauwi na po kami tapos makakakain," inosenteng tugon niya.

Natapon na tanghalian? 'Yon ba 'yong itinabi ni Marco kanina na tinapon ko sa sahig? Bakit niya inaako na siya ang nakatapon?

Kung hindi ko pa sila nadaanan dito ay baka hindi pa sila makakapaghapunan. Nakonsensya tuloy ako sa ginawa ko sa kanya.

Kinapa ko ang bulsa ko. Dadagdagan ko pa sana ang perang nasa lata niya pero nakalimutan ko pala ang pitaka ko.

"May problema po ba?" nagtatakang sambit niya.

"Dadagdagan ko sana yang nasa lata mo kaso naiwan ko yung pitaka ko," nahihiya kong sabi.

"Ay, ok na po 'to. Balik na po ako baka hinahanap na ako ni dada," paalam niya sa akin.

Nagtaka ako sa sinabi niya. "Dada?"

"Opo, dada, tatay ko po siya," pag-amin niya.

Napasinghap ako sa sinabi niya. Halos hindi ako makapaniwala.

Hindi ko alam kung gaano katagal nanlaki ang mga mata ko basta naistatwa na lang ako habang pinagmamasdan silang naglalakad paalis.

Shìt, may anak na siya?

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Che Mai Mai
kakaawa naman oi
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Craving For Love   CHAPTER 173:

    MARIUS POV“Ahh,” daing ko. Binagsak ko ang sarili sa couch at minasahe ang sintido. Kay rami kong iniisip. Parang pasan ko ang mundo. Tumingala ako sa orasan na sinundan ng pagbuntong-hininga. Hindi ako mapakali kaya tumayo ako at paikot-ikot na naglakad sa loob ng opisina ni Mr. Sanchez. Pabalik-balik din ako sa salamin para malaman kung may mali sa itsura ko. Litong-lito pa rin ako.Bakit gano'n na lang ang naging reaksyon ni Ara? Para siyang takot na takot. Masyado ba akong naging agresibo? Baka isipin niya na gano'n ako sa lahat ng babae.“Ahh,” isang mas malakas na daing pa. Halo-halo ang nararamdaman ko na hindi ko maintindihan.Noong wala akong nahanap na sagot ay tinanggal ko na lang ang dalawa kong sapatos. Sinuot ko ang isang pares ng tsinelas na nasa shoe rack.Maya-maya ay tumunog ang telepono ko. Rumihestro ang pangalan ni Jack. Agad ko ‘yong sinagot.‘Sir Marius, kamusta ang lakad mo? Nagkita na ba kayo ni Ma’am Samara? Nakwento ni Mr. Sanchez sa akin,’ pang-uusisa nito

  • Craving For Love   CHAPTER 172: Order

    SAMARA POVHindi ko napansin na ilang minuto na pala akong nakatitig lang kay Marco. Kay gara ng suot niya, halatang branded. Hindi tulad rati na nakokontento na siya sa kupas na polo shirt. Maayos din ang postura niya. Disenteng-disente. Siguro natapos niya ang pag-aaral niya na hindi tulad ko. Mukhang maayos na rin ang buhay niya ngayon.“Pakidagdagan ang order ko ng dalawang cake,” kausap niya sa akin.Doon naputol ang iniisip ko. Alisto kong dinampot ang papel at ballpen. “Uhm, ano po ang gusto niyong flavor, sir?”Natigilan siya, mukhang napaisip, saka siya ngumiti sa ‘kin. “Ikaw, mukhang masarap…” simpatiko niyang sabi.Napaawang ang mga labi ko. Napakurap nang dalawang beses. “Ha? Ako? Masarap?” Loko ‘to, ah.Tumikhim siya nang mapagtanto na mali ang nasabi niya. “I mean, mukhang masarap kang mamili ng cake. Hindi ko naman mababasa ang menu,” kaswal niyang pagdadahilan.Lumabi ako at napatango. Oo nga pala, bulag siya.“Ah, red bean cake na lang, sir, tsaka… chestnut cake. Mag

  • Craving For Love   CHAPTER 171: Customer

    SAMARA POV“Table 10, pakilinis muna, Ara,” pakisuyo sa akin ni Manager Li. Isang babaeng nasa 40’s na may dugong Chinese.Alisto naman akong kumuha ng basahan. “Sige po.” Nagtungo ako sa Table 10 para linisin ‘yon. Sa sobrang pagmamadali ay muntik pa kaming magkabanggaan ni Kakai. May bitbit itong tray ng cupcakes. Tawa na lang ang naging reaksyon namin sa pagpapatentero namin. Una siyang umatras.“Oh, ingat. Hindi naman tatakbo ‘yang mesa,” nakabungisngis niya pa ring saad. Umiling ako at tumuloy na sa Table 10. Nilinis ko ‘yon na gaya ng iniutos sa akin.Pareho kaming nagtatrabaho ni Kakai sa Maple Café bilang all-around employee. Minsan waitress, bartender, tagabantay sa counter, dishwasher, cashier at kahit janitress. Anim lang kaming empleyado, kasali na si Manager Li. Maliit lang ang café kaya nagsasalitan lang kami.Hindi kalakihan ang sahod pero ayos na rin kasi natutustusan ko ang mga pangangailangan ni Shion. Buti na lang talaga at pumayag si Tita Olivia na magkaroon ako n

  • Craving For Love   CHAPTER 170: Pagbabalik

    MARIUS POV Isang linggo matapos ang libing ni Jill sa Jeju Island ay dumiretso na kami ni Lolly pabalik sa Pilipinas. Abala ang buong airport no'ng nakarating kami sa NAIA Terminal 1. May mga taong sinalubong ang mga kamag-anak nilang balik-bayan. May mga turistang sabik na pumasyal. May mga staff na ina-assist ang iilang kararating lang. “Good day, everyone. Please don't leave your baggage unattended. Items without an owner may be subject to security inspection. Thank you for your cooperation,” anunsyo ng airport attendant. Inayos ko ang suot na sunglasses at pumaskil ang ngiti sa labi. “It’s good to be back,” monologo ko na parang kahapon lang ang lahat. “Dada, doon daw muna ako sa mansyon ng mga Costova sabi ni Lola. Two weeks, magba-bonding kami,” pagbibida sa akin ni Lolly. Wari’y ‘di masukat ang pananabik nito. Hila-hila niya ang dalawang malalaking maleta na de gulong. Naghahanap siya ng signal. Pinagkrus ko ang braso at masusi siyang pinagmasdan. Ganap na nga siya

  • Craving For Love   CHAPTER 169: Folder

    MARIUS POVPagkarating sa Institut Curie Hospital, agad akong tumakbo papunta sa Room 302. Wala na akong pakialam kung sino man ang makabangga ko. Kailangan kong makita agad si Jill.No’ng nasa tapat na ako ng kwarto, nadatnan ko si Jack na sobrang nag-aalala habang nakaupo sa labas. Pagkapasok ko sa Room 302, pinapalibutan ng doktor at nurses si Jill na mino-monitor ang kalagayan niya. Matapos gawin ang iilang procedures ay lumabas din ang mga ito. Pinagbilin nila na hayaan ko muna si Jill na magpahinga.Sinuri ko ang kabuuan niya. Namumutla siya at puro pantal ang katawan. Mas malalaki ang mga pasang ito kaysa rati. Palatandaan na seryoso na ang paglala ng sakit niya.“Jill, ayos na ba ang pakiramdam mo? Pinag-alala mo ako,” usisang tanong ko sa kanya at kabado pa rin. Wari'y may bara sa lalamunan ko pero pilit ko ‘yong itinago sa kanya. Awang-awa ako sa itsura niya.Ngumiti siya. “Hindi na nga kita mabigyan ng anak, sakitin pa ako. I'm sorry that I failed our marriage. Hindi kita n

  • Craving For Love   CHAPTER 168: [Season 2] 8 Years Later

    MARIUS POV Paris, France 8 years later… Suot ang itim na tuxedo at puting maskara ay bumaba ako sa sasakyan sa tapat ng Hendrix Mansion—ang lugar kung saan pinapaslang ng pamilya Silvestre ang mga taong target namin. Agad akong sinalubong ng mga Veiler na humilera sa matuwid na pagkakatayo upang magbigay galang. Noong isang linggo lang natapos ang training nila sa ilalim ng pamumuno ni Jill. Ngayon ang unang araw nila sa serbisyo. "Bonjour, monsieur,” matikas na bati sa akin ng isang French na tauhan. (Translation: Hello, Sir!) Bumaling ako sa kanya. "Vous avez chopé Nicholas?" tanong ko sa maawtoridad na boses. (Translation: Nakuha niyo ba si Nicholas?) Umayos siya ng tindig. "Il est à l'intérieur, Patron. Nos hommes le tiennent,” pag-iimporma niya sa akin. (Translation: Nasa loob, Boss. Hawak ng mga tauhan natin.) Tumango ako at tinapik ang balikat niya. "Bon boulot." (Translation: Good job.) Matapos no’n ay nagdire-diretso na ako sa loob ng mansyon. Sumuno

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status