Home / Romance / Craving For Love / CHAPTER 109: Crowd

Share

CHAPTER 109: Crowd

Author: Love Reinn
last update publish date: 2025-05-13 23:32:31
SAMARA POV

Bakas ang inis sa mukha ko habang nakaupo sa couch kasama si Mandy. Kumakain kami ng chips.

Paano ba naman? Binastos na nga kaming tatlo ni Anton kanina ay ‘di pa rin nagpaawat si Candice na ipagtanggol siya sa admin. Tutulungan niya raw itong aregluhin ang nangyaring gulo.

Alam kong madalas kaming ipagpalit ni Candice para sa mga lalaki pero hindi ko akalain na aabot siya sa ganito. Hay, nahihibang na ata ang kaibagan kong ‘yon.

“Ano ba kasing nakita ni Candice sa lalaking ‘yon?
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Craving For Love   CHAPTER 181:

    THIRD PERSON POV"Istúpidá ka talaga, Monica! Bakit ngayon ka pa gumawa ng eksena? Alam mong nandito si Mr. Sanchez. Paano kung hindi niya ituloy ang pagbili nitong kompanya? Ikaw ang ipambabayad ko sa mga pinagkakautangan natin?!" bulyaw ni Mrs. Licaforte sa kanyang unica hija. Tutal, konteng panahon na lang ang natitira para bumagsak ang kompanya nila, hindi na niya ito itatago pa."I'm sorry? Anong bibilhin? Plano mong ibenta itong kompanya? What about my future?" paghihisterya ni Monica. Nasanay na siya sa buhay alta. Masisira ang image niya kapag nawala ang yaman nila."Future? Naiisip mo pa pala 'yan? E, puro party ang inaatupag mo lately. Ilan ba sa mga ginawa mo rito sa kompanya ang naging successful? Wala akong maalala. For heaven's sake, bakit ba ako binigyan ng anak na bóba?" hinihilot ang sintidong usal ng ginang. Mahal niya ang anak niya, pero hindi na niya napigilan ang sarili na magbitaw ng hindi kaaya-aya dahil sa labis na problema.Napaupo sa sofa si Monica at nagsimu

  • Craving For Love   CHAPTER 180:

    MARIUS POV "Did I hear it right, Mr. Sanchez? Binebenta ni Mrs. Licaforte ang kompanyang ito sa atin?" pangungumpirma ko sa sinabi niya. Nasa lobby kami ngayon at nag-aagahan sa isang café. Katatapos lang ng maaga niyang meeting kay Mrs. Licaforte. Ang abiso ng ginang ay may importante raw itong sasabihin. Hindi ko inaasahan na pagbebenta pala nitong Licaforte Corp ang pakay niya. "Maging ako man ay nagulat, Sir Marius. Halatang problemado si Mrs. Licaforte habang nasa meeting kami kanina. Mahina ang sales ng luxury brands nila nitong nagdaan. Aniya, dahil sa krisis pinans’yal ng Pilipinas ay mas pinipili ng mga tao na bumili ng basic needs kaysa luho. At this point, giving up is their best option," dagdag na ulat nito. Sumimsim ako ng kape at mariing sinuri ang report sa iPad ko na pinasa ng isa kong tauhan tungkol sa Licaforte Corp. Nitong nagdaang taon, nalulong sa sugal ang kasalukuyang CEO nito na si Mrs. Licaforte. Malaking porsyento ng kinita ng kompanya ay napunta sa bisy

  • Craving For Love   CHAPTER 179:

    SAMARA POV"What the héll! Did you just slap me?! I'll fire you!" sumabog sa buong opisina ang bulyaw na 'yon ni Monica. Nagngingitngit siya sa galit. Teka lang, fire? Para akong nabigwasan nang wala sa oras.Ang dami kong bayarin para sa pag-aaral ni Shion. Tiyak din na malulugi ang kompanyang 'to kapag hinayaan ko silang dalawa ni Tita Olivia. Ang Licaforte Corp na lang ang tanging alaala ko kay Daddy. Bakit ba kasi ako nagpadala sa emosyon ko? Natataranta akong lumapit sa stepsister ko."S-Sorry, hindi ko sinasadya—aaah!" Hinablot niya ang buhok ko at kinaladkad palabas ng opisina niya. Sumunod ang mga kasama niya sa amin para makiusyuso. Pinagtinginan kami ng mga empleyado nang makarating kami sa lobby. Sumasakit na ang anit ko dahil hindi pa rin niya binibitawan ang buhok ko. Halata sa itsura ng mga nakakita sa amin ang pagkagulat, pero walang ni isang umawat. Alam nila ang ugali ni Monica at ayaw nilang madamay. Nang makalabas kami ng main door ay basta niya na lang akong t

  • Craving For Love   CHAPTER 178:

    SAMARA POV "Manong! ‘Wag n'yo munang isara ang pintó!" sigaw ko sa gwardya ng Licaforte Corp. Halos madapa ako sa pagmamadali. Ang dami kasing gamit na pinadala ni Monica. Balak atang mag-photoshoot dito sa kompanya. Swerte lang talaga na isinabay ako sa sasakyan ni Manong Vonn. Inutusan kasi siyang mag-grocery ni Tita Olivia. Napabilis ang pagdating ko rito. Gayunpaman, dahil sa traffic, late pa rin ako ng kinse minutos. Imposible naman kasi ang quota ni Monica na alas-otso. "Tulungan na kita, Ma'am. Mukhang pinahirapan na naman kayo ni Ma'am Monica," pagboboluntaryo ni Manong noong nakapasok na ako. Napahugot ako ng malalim na paghinga. "Sinabi n'yo pa. Pwede n'yo po ba akong tulungan na ayusin itong lahat? Nahihirapan akong bitbiti—" "Oh, sus ko po!" Sabay kaming napasalo ni Manong Guard sa mga dala-dala ko nang mahulog ang mga ito. Mabuti na lang at malinis ang sahig. Baka umusok 'yong ilong ni Monica kapag narumihan itong mga gamit niya. Aligaga pa rin kami sa pag

  • Craving For Love   CHAPTER 177:

    SAMARA POV “Hay, ano ba ‘yan,” reklamo ko nang hindi naisentro ang pagkakalagay ng pancake sa plato. Dito ko ata binuhos ang kahihiyang dulot ng huling pagkikita namin ni Marco. 'Yong boses at titig niya. 'Yong kuryenteng nadama ko sa pagdapat ng mga kamay naming dalawa. 'Yong mga sinabi niya sa akin. 'Yong naunsyami naming halik. Ugh, lahat! Parang naka-glue sa memorya ko na ayaw mawala. “Gutom na ako, Ma. Ipakain mo na sa akin ‘yan,” nakabusangot na reklamo ni Shion. Mainipin talaga ang batang ‘to. Mana sa tatay niya. “Ito na,” nakangiting tugon ko at inilapag ang mga niluto ko sa mesa. Sinangag, sunny side up, pancake at hotdog. Pinagtimpla ko na rin siya gatas. Tahimik lang siya no'ng una na wari'y maingat akong inoobserbahan, saka siya nagsalita. “Um-absent ka raw sa work mo? Baka gusto mong magpaliwanag?” istriktong tanong niya sa ‘kin. Nakakrus ang dalawang braso. Mahina akong natawa sa inasta niya. Akala mo sisenta na, kahit 8 years old pa lang. Parang siya ‘yong puma

  • Craving For Love   CHAPTER 176:

    SAMARA POV“Nice to meet you, Samara. I’m Marius,” pakikipagkamay nito sa akin. Kasing lamig ng yelo ang boses niya.Napakurap ako. Marius? Akala ko ba ay ayaw niya sa pangalang ‘yan? Seryoso niya akong tinitigan. Tulad rati, hindi ko mabasa ang nasa isipan niya. Hindi niya binaba ang kamay niya hangga’t hindi ko ito hinahawakan. Bahagya kaming tumahimik. Wari'y naghihintayan. “Brat, take his hand,” pasimpleng saway sa akin ni Tita Olivia. Ang pinakaayaw niya sa lahat ay napapahiya kay Mr. Sanchez.Inayos ko ang sarili ko. Nag-aalinlangan man sa simula, pero wala na rin akong nagawa. Nakipagkamay ako kay Marco at tila may kuryenteng dumaloy sa sistema ko. Aaminin ko na may epekto pa rin siya sa akin kaya ako ang unang bumitaw. Nag-iwas din ako ng tingin sa kanya.“Oh, may pag-uusapan muna kami ni Mrs. Licaforte. Ms. Samara, ipasyal mo muna ang inaanak ko para hindi siya mabagot dito. Tatawag na lang ako kapag tapos na ang meeting namin. Aasahan kita,” paalam ni Mr. Sanchez. Nagul

  • Craving For Love   CHAPTER 88: Koneksyon

    THIRD PERSON POV Days after the tragedy. Dinala si Mandy ng DSWD sa isang bahay ampunan. The nuns changed her surname from Valdez to Saldivar para hindi na maungkat sa ala-ala niya ang masasakit na nangyari sa dating katauhan. Akala ng mga madre ay gano'n lang kadali ang lahat, pero kahit anong ga

  • Craving For Love   CHAPTER 86: Sampung Minuto

    MARCO POV Sinikap kong panatilihin ang huwisyo ko sa kabila ng bahagyang pagkahilo. Nanlalabo ang paningin ko pero pinilit ko pa rin na ituon ang atensyon ko para analisahin ang kalaban at ang kabuuan ng fire exit. Parang namamanhid ang ulo ko sa sobrang sakit ng natamo kong sugat pero tiniis ko a

  • Craving For Love   CHAPTER 85: Fire Exit

    MARCO POV Mag-isa akong naglalakad sa madilim na hallway ng ospital. Nakasunod sa akin ang isang nurse na may hawak na bàril. Sumagi sa isipan ko ang pinag-usapan namin ni Mr. Sanchez sa loob ng secret room kanina. ‘It's Eli Delgado. Ang lalaking bumàril sa ‘yo sa Northford University. Bali-balit

  • Craving For Love   CHAPTER 78: The Proposal

    SAMARA POV Akala ko ay hindi na ako magugulat kasi alam ko namang magpo-propose sa ‘kin si Marco—pero may inihanda pa pala siyang surpresa. Sinimulang patugtugin ng mga musikero ang kantang ‘Maybe This Time’ gamit ang violin. Nakita ko si Marco sa gitna ng stage na may hawak na mikropono at tila man

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status