THIRD PERSON POVMalakas na halakhak ang maririnig sa isang pribadong silid sa Grand Hann Hotel. Aliw na aliw si Mandy sa naririnig niya mula sa recording. Ilang ulit na n'yang nire-replay ang mainit na sagutan nina Samara at ng madrasta nito sa ospital.‘Kapag nawala ang daddy mo, sa amin lang mapupunta ang lahat ng yaman niya. Ikaw, bilang sampid niyang anak. Wala kang makukuha. Patayin mo ang daddy mo para pulutin ka na sa kangkungan!” pagbulyaw ni Mrs. Licaforte. ‘Ano? Anong sinasabi mo? Hindi magagawa sa akin ‘yon ni Daddy!’ tugon naman ni Samara sa basag na boses.Ito ang nais ni Mandy. Ang magkagulo ang pamilya ni Mr. Licaforte. Ang taong kinasusuklaman niya. Ang pumatay sa kanyang ama sa sunog at sumira sa iniingatan nitong kredibilidad.Pakikinggan niya pa sana ang recording ng isa pang beses nang dumating ang nakatatanda niyang kapatid na lalaki. Binaba nito ang suot na fedora sa mesa at umupo sa silyang kaharap niya. Humithit ito ng sigarilyo bilang pampakalma.“Narinig mo
SAMARA POVNanlalamig ang dalawa kong kamay habang naghihintay sa labas ng emergency room. Hindi mapakali ang dibdib ko dahil sa labis na kaba kung magiging okay lang ba si Daddy. Ilang magagaling na doktor at nurses din ng St. James Hospital ang nagtulong-tulong para mapabuti ang kalagayan niya.Sa silyang kaharap ay nakaupo ang nag-aalala ring si Monica. Inaalo siya ng iilan naming maids. Hindi masyadong matao ang ospital kaya kami-kami lang din ang nasa hallway. Nagdarasal ang ibang katulong sa tabi.Maya-maya, dumating sina Manang Letty at Kakai. Kasunod nila sina Luchi at Atty. Santivanez na halatang nabigla sa nangyari.“Is he stable now?” agad na tanong ni Atty. Santivanez sa akin. Umiling ako at mabigat na huminga. Hindi ko rin alam kung anong isasagot sa kanya. “Hindi ko alam, Kuya Trevor,” tugon ko na lang.Pinaglapat niya ang labi at pilit na pinakalma ang sarili. Ramdam niya ang sakit na nadarama ko kaya hinayaan na muna niya akong mapag-isa. Lumapit siya kina Manang Lett
SAMARA POVMaingat kong nilagay sa kahon ang niregalo na tasa sa akin ni Manang Letty. Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi ko dahil sa sobrang tuwa. Matapos ko itong isilid ay tinago ko ito sa loob ng closet.Nang makaramdam ng antok ay binagsak ko ang katawan sa malambot kong kama. Sinilip ko ang phone ko na nakapatong sa unan pero wala pa ring tumatawag. Mabigat akong huminga. “Baka grabe ang pinagdadaanan ni Marco ngayon kaya wala pa rin siyang paramdam. Hindi ko na muna siya kukulitin kasi baka ma-stress lang siya,” sambit ko sa sarili. Medyo nakakatampo pa rin. Pero hindi naman siguro niya ako babalewalain nang basta na lang kung walang mabigat na dahilan. Kailangan kong magtiwala sa kanya. Kinuha ko ang phone ko para mag-check ng ibang messages. May ‘Good Morning’ mula kay Aldric at iilang random messages mula sa mga kaklase at schoolmates ko.Dahil sa nangyaring aksidente sa school ay sinara na muna ito for further investigation. Naglibot na rin ang mga engineer for stru
SAMARA POVNatigilan ako nang makita si Manang Letty sa kusina. Abala siya sa maraming hugasin at walang kasama. Busy ata ang ibang katulong kaya siya na lang ang gumawa. Kinuha ko ang gloves at apron sa tabi para tulungan siya. Pagkalapit sa kanya ay kinuha ko ang sponge para sabayan siya sa pagsasabon ng mga pinggan.“Tulungan ko na po kayo,” sambit ko.Nagulat siya no’ng una akong makita. Pero ngumiti na rin siya kalaunan at hindi na ako kinontra pa.“Oh, siya, sige. Mag-ingat ka at baka makabasag ka,” paalala niya sa akin.Medyo mabagal ang pagsasabon ko kasi hindi ako sanay. Maging ang pagbaba ko ng sinabunang pinggan sa tabi ng sink ay dahan-dahan.Mahinang tumawa si Manang Letty na tila aliw na aliw sa akin.“Dalaga ka na, pero parang ikaw pa rin ang batang inalagaan ko noon. Tanda mo noon na hindi mo magawang humiwalay sa akin?” paninimula niya ng usapan.Ngumiti ako. Masasabi ko na close nga kami ni Manang Letty. “Sina Tita Olivia kasi ay laging umaalis dito sa mansyon noon
SAMARA POV‘Two old friends meet again, wearin' older faces~’“Hay…” Napabuntong hininga ako.Nakasentro lang ang paningin ko sa phone ko na nakapatong sa unan. Nakadapa sa kama. Limang araw na simula no’ng umalis si Marco. Mauuna pa atang gumaling ang mga tinamo kong sugar na dulot no’ng aksidente sa school bago niya ako tawagan. Medyo nakakatampo na siya.Mas madalas ko pang katawagan si Aldric lately. Hindi naman nakakabagot ang topics namin pero nami-miss ko pa rin ang boses ng fiancé ko. “Hmph! Siguro may nakita na ‘yong magandang babae sa probins’ya,” himutok ko.Mula sa pagkakadapa ay tumihaya ako. Tumitig ako sa kisame saka hinawakan ang t’yan ko para kausapin ang baby namin. “Saan na kayang lupalop ng mundo napadpad ang tatay mo? Hindi ka pa lumalabas dito sa mundo ay inabanduna na niya tayo. Excited pa naman akong ipakilala siya kay Daddy sa birthday ko. Nakakainis siya,” sunod-sunod kong sambit.Totoo nga ata ang sabi nila. Kapag buntis, nagiging moody. Tapos gusto ko
MARCO POV Pagaspas ng nunchaku ang pumupuno sa kabuuan ng training room. Ang tunog ng kahoy na tumatama sa hangin ay halos kasabay ng mabilis na pagtibok ng puso ko. Pawis na pawis ako, pero hindi ko ‘yon alintana. Ang bawat pag-ikot at bawat paghampas, ay sumisimbolo ng galit at pagkadismayang bumabalot sa akin na dulot ng usapan namin ng ina ko sa dinner kanina. ~ Isang mahabang mesa. Puno ng pagkain at pinapalibutan ng nakahilerang tagapagsilbi. Paborito ko ang mga nakahain pero nahihirapan akong nguyain. Hindi ko alam kung naninibago lang ako sa pagbabalik ng dati kong buhay o binabagabag ako ng presensya ni Mommy. Nakasuot pa rin siya ng magarbong kasuotan at maingat na hinihiwa ng kutsilyo mamahalin niyang steak. Sa kalagitnaan ng pagkain namin ay huminto siya at tumitig sa akin. Tila may importanteng sasabihin. ‘Alam kong hindi ka makukumbinsi ni Jill kaya ako na mismo ang magsasabi sa ‘yo. Gusto ko na sa kanya ka ikasal,’ kaswal nitong sambit na akala mo nag-uutos lang ng