مشاركة

CHAPTER 01

مؤلف: ROSENAV91
last update تاريخ النشر: 2026-05-10 17:41:24

Chapter 01

The music from the beachfront bar mixed with the sound of crashing waves. The air smelled of salt, beer, and temptation.

Hindi ko inaakala na magiging ganitong klaseng babae ako, ’yung sasayaw nang walang tsinelas, tawanan lang, at walang ibang iniisip na trabaho kundi ang mag-enjoy lamang. Ngayong gabi, sa ilalim ng mga ilaw ng paligid at buwan, parang hindi na mahalaga ang lahat. Hindi ang pangalan ko. Hindi ang nakaraan at hindi ang sakit na pilit ko pa rin tinatakasan.

Mahigit five years na noong nalaman ko na niloko lang ako ng boyfriend ko. Hindi ko talaga maatim na ginawa niya iyon sa akin, pinagpalit niya ako sa babaeng bayaran.

Akala ko, kausap niya lang ang boss niya para pag-usapan ang trabaho kung minsan nagd-date kaming dalawa ay bigla-bigla na lang na may tumatawag sa kanya. Iyon pala, after our date time, iba naman ang ka date niya, ang malala pa, may nangyari na sa kanila.

Gago ba siya.

I broke up him.

Matagal na iyon, oo, pero bakit ito pa rin ako at nalulunod sa nakaraan? Bakit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makalimutan? Mahal ko pa rin ba siya or dahil hindi ko matanggap ang panloloko niya sa akin?

“Sayaw pa beshy, alam ko na marunong kang gumiling-giling kaya itodo mo pa, may 20 days pa tayo dito sa Batanes para lumandi, tama ba ako?” halos mapangiwi ako sa sinabi ni Nica, ito talagang babae na ito, kung ano-ano na lang ang lumalabas sa bibig niya na ngayon ay lasing na rin. Nahihilo na talaga ako, pero hindi ko naman mapigilan na sumayaw kasama nitong mga tao na narito ngayon sa Isla, like me, they are strangers too, kaya ayos lang kung lumandi ako minsan, right?

“Hindi ka pa ba napapagod? Kanina pa tayo sumasayaw rito.” tanong ko sa kanya habang may hawak na wine glass sa kaliwang kamay. Ang suot ko na floral dress ay nahihipan na rin ng hangin kahit hindi na ako sumasayaw. Habang si Nica ay gumigiling pa lalo at napangiwi na lang ako.

Malakas ang tugtog sa isla. Ramdam ko ang bawat pintig ng bass sa buhangin sa ilalim ng aking mga paa. Ang tawanan ng mga tao sa paligid, ang halakhakan ng mga turista, at ang amoy ng alat ng dagat, lahat iyon, parang musika ng kalayaan sa akin.

Suot ko ay sundress, kulay puti, manipis, at hinahaplos ng malamig na hangin ng gabi. Ilang taon din akong hindi nakaramdam ng ganitong kagaan na walang iniisip, walang problema. Just me, the ocean, and this borrowed peace.

“Abrianna, kailangan mo nang magpahinga. Hindi ka pwedeng panay na lang trabaho tapos bigla na lang iiyak.” dagdag niya pa.

Binaling ko ulit ang attention sa kanya, hawak ang malamig na margarita, pilit kong tinatawanan ang sarili.

“What? Ano ba ang ginagawa ko? Di ba ito na nga at nag-eenjoy ako? Ano pa ba itong ginagawa natin? Hindi pa ba ito sapat?”

“Oo pero baka mamaya sa kama mo ay iiyak ka na naman–its been fucking five years beshy, para magmukmok ka, dapat nag-eenjoy ka nga sa buhay dahil malaya ka na ulit, di ba, like me, look at me, blooming dahil walang stress sa mga lalaki, duhh....” mas lalo tuloy akong nairita sa hindi ko maipaliwanag. Dahil ba tama ang kaibigan ko or dahil pinaaala na naman niya kahit hindi ko naman gagawin na ang pag-iyak dahil lang sa lalaking iyon.

“Hindi na ah, naka-move na ako– matagal na, bakit ko pa papatagalin kung madali lang sa kanya, di ba? Dapat ganon din ako, ” ani ko para hindi niya na ako guluhin pa. Naalala ko man pero atleast naka usad na ako. Hindi ko na siya mahal.

Habang sumasayaw siya ay may lumapit sa kanya na lalaki at ang bruha, hindi na ako pinansin at nakipagsayawan at kwentuhan na siya sa bagong dating. Akala ko ba, sabay kaming magpahinga muna.

Lumayo ako sa kanila para kumuha ulit ng alak at napadpad ang mga paa ko sa may bar, sa ilalim ng mga kumikislap na ilaw, may napansin akong nakatayo.

Tumingin siya sa akin ng diretso, napakunot naman ang noo ko, walang hiya, parang kilala niya ako kahit hindi pa kami nagkakilala.

Magaan lang sana, pero may kung anong mabigat sa titig niyang ‘yon.

Madilim. Mapanganib. Gosh, mababaliw na ba ako? Nag-ooverthink ako ng malala.

Parang ‘yung mga lalaking pinagsasabihan ng mga nanay natin na,

“’Yan ang tipo ng lalaking iiwasan mo, anak. Pero para sa akin, na iyan din ang lalaki na dapat mong lapitan para ....para ano...uhm landiin?” shit, shit, ano ba itong iniisip ko?

Pero sa totoo lang, ’yan din ang tipo ng lalaking hindi mo kayang takasan.

Tinangka kong umiwas. Pero parang may magnet sa pagitan namin.Nang ngumiti siya, bahagyang tumaas ang gilid ng labi niya.

Hindi naman bastos pero hindi ko rin masasabing mabait.

Misteryoso. Mapang-akit sa ngiti niyang iyon pero hindi ko mapigilan ang sarili ko at inirapan siya at naglakad na papasok sa loob ng bar.

Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin — siguro alak, siguro lungkot, siguro katangahan — pero bago ko pa mapigilan ang sarili ko, naglakad na siya papunta sa akin.

Pakiramdam ko, tumigil ang paligid. Parang humina ang tugtog, naglaho ang ingay.

Tanging hampas ng alon at tibok ng puso ko ang naririnig ko.

“Dance with me,” mahinang sabi niya, halos pabulong, pero ramdam ko hanggang sa kalamnan.

Tumaas ang kulay ko. “Hindi ako marunong,” sagot ko, halos hindi marinig sa lakas ng tibok ng dibdib ko. At malay ko ba kung anong klaseng sayaw ang tinutukoy niya?

Ngumiti siya — ‘yung tipong konti lang ang galaw ng labi pero may alam kang delikado sa likod nun.

“Then let me teach you.”

At hinawakan niya ang kamay ko.

Malamig ang hangin, pero mainit ang palad niya.

Parang kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko. Marahil lasing na ako dahil pumapayag ako sa gusto niyang mangyari.

Sabay kaming gumalaw. Mabagal, sabay sa tunog ng alon, hindi sa tugtog ng bar.

Hindi ko alam kung paano pero parang natural lang — parang matagal ko nang alam ang galaw niya, ang hininga niya, ang ritmo ng dibdib niya sa tabi ko.

“First time mo rito?” tanong niya, habang ang hininga niya ay sumasayad sa batok ko.

Tumango ako. “Oo. Ikaw?”

“Maybe,” sagot niya. May ngiti sa labi, pero may lungkot sa mata. “Maybe not.”

Napatawa ako. “Ang labo mo ha.”

“Maybe I don’t want you to know everything about me,” sagot niya.

“Bakit naman?”

“Because mystery keeps the night alive.”

Hindi ko alam kung bakit, pero napangiti rin ako. May kung anong hatak sa kanya, hindi lang dahil gwapo siya o dahil marunong siyang magsalita.

May lalim. May sakit. Parang sugat na tinakpan ng ngiti. Ito ang nakikita ko sa mga oras na ito. O dahil sa lasing lang ako kaya ramdam ko siya, nakikita ko ang kalungkutan sa kanya.

At ewan ko ba, pero gusto kong makita kung gaano kalalim ‘yung sugat na ‘yon.

Lumipas ang oras na hindi ko namamalayan.

Habang naglalakad kami sa tabing-dagat, pareho kaming nakayapak, hinahaplos ng malamig na tubig ang aming mga paa.

“Do you always talk to strangers like this?” tanong ko.

Umiling siya. “No. Just the ones who make me forget the world.”

“Flatterer,” sabi ko, kunwari’y inirapan siya, pero totoo, kinakabahan ako.

“You think I’m lying?”

“I think… you are dangerous,” sagot ko.

“Good,” sabi niya, mas lumapit pa. “Maybe you are too.”

Napatigil ako.

Bakit nga ba parang kilala ko siya?

Bakit parang matagal ko nang narinig ang tinig niya kahit ngayon ko lang siya nakita?

“Bakit parang… kilala na kita?” hindi ko na mapigilan na itanong sa kanya.

"Do you remember me now?" Mas lalong nagkasalubong ang mga kilay ko dahil sa sinabi niya.

"Huh? Ang kapal naman nito, fyi sir, ngayon lang po tayo nagkakilala." hasik ko at inirapan siya, nauna na akong naglakad dahil bigla akong kinabahan.

Pero, hinatak niya ang kamay ko kaya nakatingala ko siyang binalingan.

Kitang-kita ng mga mata ko.

Ngumiti siya, halos hindi gumagalaw ang labi. “Maybe in another life.”

Huh?

Tumahimik ako. Ayokong maniwala, pero ramdam ko na parang may koneksyon kaming dalawa.

Parang may nakaraan kami kahit wala naman.

Habang naglalakad kami palayo sa ingay ng bar, mas lalo kong naramdaman ang katahimikan ng dagat.

Pinaikot niya ang baso sa kamay niya, nakatingin sa alon.

Tinitigan ko siya.

Hindi lang siya gwapo.

May lalim siya. May sugat.

At hindi ko alam kung bakit gusto kong gamutin ‘yon kahit hindi ko siya kilala.

“Naniniwala ka ba sa tadhana?” tanong ko.

Matagal siyang tumingin sa akin bago sumagot. “Hindi.”

“Bakit?”

“Because destiny sounds like an excuse,” aniya, seryoso ang tinig. “Parang pinipilit nating isisi sa kapalaran ‘yung mga maling desisyong gusto na talaga nating gawin.”

“Ah, so naniniwala ka sa choices?”

Tumango siya. “Lalo na sa mga maling pinipili natin.”

Natahimik ako.

At doon ko lang naramdaman kung gaano kalapit ang katawan niya sa akin.

Ramdam ko ang init ng balat niya kahit malamig ang hangin.

“Eh… kung ito, mali?” bulong ko. “Anong gagawin mo?”

Lumapit siya, halos magdikit ang aming hininga.

“Then let me make it one last time.”

Parang huminto ang mundo.

Ang dagat, ang hangin, ang musika — lahat, naglaho.

Hindi ko alam kung bakit hindi ko siya itinulak.

Hindi ko alam kung bakit pinayagan kong lumapit siya.

Hanggang sa maglapat ang labi niya sa labi ko.

Mabagal. Mainit. Nanginginig.

At doon ko lang narealize — minsan, kahit mali, parang tama pa rin kapag puso na ang humusga.

“This is wrong,” bulong ko habang hawak niya ang mukha ko.

“I know,” sagot niya. “Then why—”

“Because it feels right.”

At hinalikan niya ulit ako. Mas malalim. Mas totoo, mas panapanabik ang bawat minuto.

At sa bawat halik, unti-unting nabubura ang lahat — ang mga sugat, ang takot, pati pangalan ko.

Nang matapos ang marupok na gabi, nakahiga ako sa tabi niya, nakatingin sa langit na puno ng bituin, na parang, nasisiyahan sa nangyari sa aming dalawa.

Pero agad, naging tahimik ang alon. Tahimik din kami.

Ramdam ko ang tibok ng puso niya sa ilalim ng kamay ko.

Gusto kong tanungin ang pangalan niya. Gusto kong sabihin ang sa akin.

Pero nang tumingin ako sa kanya, ngumiti lang siya, ‘yung ngiting parang alam niyang mawawala siya sa buhay ko sa oras na pumikit ako.

“Don’t ask my name,” mahinang sabi niya. “Just remember how this feels.”

Nilunok ko ang bigat sa lalamunan ko. “Paano kung hindi ko makalimutan? May magagawa ka ba?”

Hinalikan niya ang noo ko and stares at me. “Then maybe it was never meant to be forgotten.” napangiti ako sa sinabi niya. Talaga lang ha.

At sa pagitan ng gabi at umaga, habang unti-unting nagiging kulay abo ang langit,

ipinikit ko ang mga mata ko, hindi alam na ang lalaking ‘to, ang estrangherong ito sa ilalim ng buwan, ay magiging kasalanang magpapabago sa lahat ng alam ko tungkol sa pag-ibig. Pakiramdam ko, may malaking parte ako sa buhay niya at ngayon, ang pakiramdam na magkaisa ang katawan namin ay hindi ko alam kung bawal o hindi, para sa akin, I'm craving for him, craving to touch me again and again. Ayokong pigilan ang nararamdaman ko, parang ganoon din siya.

Kahit ang mali ay gagawing tama para sa aming dalawa.

استمر في قراءة هذا الكتاب مجانا
امسح الكود لتنزيل التطبيق

أحدث فصل

  • Craving My Ruthless Brother (Twisted Desire Series)   CHAPTER 02

    "Oh my gosh, ang sakit ng ulo ko?" Ang aga-aga pero bad trip ang gising ko. Nang dahil sa alak kaya ganito ang naramdaman ko na sakit. Kinapa ko ang sarili ko. Walang ibang masakit, ang ulo ko lang talaga, nasapo ko ang ulo ko, wait...nanaginip na naman ako? Panaginip lang pala iyon pero bakit parang totoong-totoo iyon? Hanggang kailan ba mawawala sa isipan at panaginip ko ang nangyari sa akin isang taon na ang nakalipas? Kinalimutan ko na ang nangyari na 'yon at ngayon ay pinapaalala na naman ako ng panaginip ko. Ang masaklap pa, hindi ko kilala kung sino yong laman ng panaginip ko. It was a big mistake. And I'm careless doing it. Kung naging maingat lang sana ako, baka hindi iyon nangyari. Umiling ako, hindi na dapat ako nanaginip ng gano'n pero bakit kagabi.... Ughhh....I hate it. I hate it. Ang weird naman, bakit pati sa panaginip ay nangyari pa iyon? Gosh, nakakahiya. Halos sabunotan ko na ang buhok ko dahil sa katangahan na ginawa ko. Pero....ughh, bakit di yon mawala sa a

  • Craving My Ruthless Brother (Twisted Desire Series)   CHAPTER 01

    Chapter 01 The music from the beachfront bar mixed with the sound of crashing waves. The air smelled of salt, beer, and temptation. Hindi ko inaakala na magiging ganitong klaseng babae ako, ’yung sasayaw nang walang tsinelas, tawanan lang, at walang ibang iniisip na trabaho kundi ang mag-enjoy lamang. Ngayong gabi, sa ilalim ng mga ilaw ng paligid at buwan, parang hindi na mahalaga ang lahat. Hindi ang pangalan ko. Hindi ang nakaraan at hindi ang sakit na pilit ko pa rin tinatakasan. Mahigit five years na noong nalaman ko na niloko lang ako ng boyfriend ko. Hindi ko talaga maatim na ginawa niya iyon sa akin, pinagpalit niya ako sa babaeng bayaran. Akala ko, kausap niya lang ang boss niya para pag-usapan ang trabaho kung minsan nagd-date kaming dalawa ay bigla-bigla na lang na may tumatawag sa kanya. Iyon pala, after our date time, iba naman ang ka date niya, ang malala pa, may nangyari na sa kanila. Gago ba siya. I broke up him. Matagal na iyon, oo, pero bakit ito pa rin a

  • Craving My Ruthless Brother (Twisted Desire Series)   Prologue

    Augustus Drey Donovan PovI woke up with a pounding headache and the faint scent of her perfume still clinging to the sheets.I remember her laugh, the way she looked at me like I wasn’t untouchable, like I was just a man and not the monster people thought I was. Lahat iyon naalala ko. I smile. At dahil nakadapa akong natulog sa king bed size, gamit ang kanang kamay kinapa ko ang katabi ko pero wala akong maramdaman ng katawan kundi ang malambot na unan. My left arm reached instinctively to the other side of the bed but still.Empty and cold. Shit.Kunot ang noo ko, agad akong tumihaya pero–“Where the hell…?” I muttered, sitting up abruptly. Pinagmasdan ko ang kabuuan ng kwarto. The bathroom door was open. Lights off. No sound of running water.I stood, scanning the room. Her dress was gone. Her shoes were gone. Even the glass of champagne she barely finished had been cleared from the bedside table.She didn’t just leave.She disappeared.“Fuck! Fuck!” walang ibang bukang-bibig na m

فصول أخرى
استكشاف وقراءة روايات جيدة مجانية
الوصول المجاني إلى عدد كبير من الروايات الجيدة على تطبيق GoodNovel. تنزيل الكتب التي تحبها وقراءتها كلما وأينما أردت
اقرأ الكتب مجانا في التطبيق
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status