共有

CHAPTER 02

作者: ROSENAV91
last update 公開日: 2026-05-10 22:45:09

"Oh my gosh, ang sakit ng ulo ko?" Ang aga-aga pero bad trip ang gising ko. Nang dahil sa alak kaya ganito ang naramdaman ko na sakit. Kinapa ko ang sarili ko. Walang ibang masakit, ang ulo ko lang talaga, nasapo ko ang ulo ko, wait...nanaginip na naman ako? Panaginip lang pala iyon pero bakit parang totoong-totoo iyon?

Hanggang kailan ba mawawala sa isipan at panaginip ko ang nangyari sa akin isang taon na ang nakalipas? Kinalimutan ko na ang nangyari na 'yon at ngayon ay pinapaalala na naman ako ng panaginip ko. Ang masaklap pa, hindi ko kilala kung sino yong laman ng panaginip ko. It was a big mistake. And I'm careless doing it. Kung naging maingat lang sana ako, baka hindi iyon nangyari.

Umiling ako, hindi na dapat ako nanaginip ng gano'n pero bakit kagabi....

Ughhh....I hate it. I hate it. Ang weird naman, bakit pati sa panaginip ay nangyari pa iyon? Gosh, nakakahiya. Halos sabunotan ko na ang buhok ko dahil sa katangahan na ginawa ko.

Pero....ughh, bakit di yon mawala sa ala-ala ko?

Bumangon ako at pagkatapos magdasal at ma check ang cellphone ko kung may tumatawag ay napagdesisyonan ko na lang na bumaba ng kama, hindi ko alam kung gising na ba si Nica sa kabilang kwarto, hayaan ko muna siya, for sure napagod ito kagabi na ginanap na party para sa bago naming swimwear design.

Dito ko na siya pinatulog sa bahay kesa uuwi pa siya sa kanila na mas malayo ang bahay niya kesa sa akin.

Sapo ko ang ulo ko na lumabas ng kwarto, wala naman akong gagawin ngayong araw pero ito ako at maagang nagising, sinilip ko kung anong oras na sa phone at napasinghap pa ako na alas onse na pala ng umaga.

Akala ko pa naman maaga akong nagising. Mataas na pala ang sikat ng araw.

"Good morning anak!" Napangiti ako na makita si mommy pagdating ko ng kusina. Nagtungo ako sa fridge at binuksan. Kinuha ko ang glass pitcher at nagsalin ng malamig na tubig sa malinis na basag na baso.

"Good morning mom, hindi pa ba lumabas si Nica sa kabilang kwarto?" Tanong ko sa kanya pagkatapos kong uminom ng tubig. Pakiramdam ko, uhaw na uhaw ako sa nangyaring wet dreams kagabi, shit.

"Hmm, nauna ng umalis, may pupuntahan pa raw siya, hindi na siya nagtext sa'yo dahil lowbat ang phone niya at dahil sa kalasingan niyo, hindi niya na nagawang i-charge ang phone niya kaya pinasabi niya na lang sa akin." Paliwanag ni mommy. Tumango ako sa sinabi niya at umupo sa silya. May nakahanda na, napagkain sa ibabaw ng lamesa.

Napangiti ako na makita kung ano ang uulamin namin ngayon, bulalo, buto pa lang ang nakikita ko ay takam na takam na ako, alam talaga ni mommy kung ano ang magpapatanggal sa hangover ko.

" Ganon po ba, sayang naman,hindi siya nakatikim nitong niluto mo na bulalao mommy."

"Inaalok ko nga kanina bago umalis pero ayaw talaga," di bale na, marami pa namang araw.

Ganado akong kumain at kahit papano, nawala ang sakit ng ulo ko at nakainom na rin ng gamot.

Pagkatapos kung iligpit ang pinakainan namin ay pumunta kami ng sala ni mommy para manood ng tv habang nagtsa-tsaa.

"Anyway, be ready next week anak, ipakilala ko na siya sa iyo. At para, pag-usapan na rin namin ang aming engagement." Natigil ako sa kakascroll ng phone ko na marinig ang sinabi ni mommy.

Sinulyapan ko siya na nakatingin marahil sa reaction ko. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang saya.

Ngumiti ako. Masaya ako para sa kanya. Kung iyan ang gusto niya na mag-asawa muli, wala na akong magagawa, kung nakikita ko naman na masaya si mommy, sino ako para suwayin siya.

Hindi ko pa nakikita ang magiging mapangasawa niya, marahil noon ay hindi ko pa tanggap na papalitan niya na si daddy sa buhay niya. Kaya wala akong balak para sumama sa kanya kapag may dinner date sila o kahit picture man iyan ay hindi ako interesado na makita ang pagmukha ng lalaki niya.

"Don't worry mommy, sasama na po ako sa inyo kung saan niyo balak na magkita. I'm happy for you, mom. Wala akong ibang gusto, ang makita ka lang na masaya."

Nabigla ako na bigla akong yakapin ni mommy, kitang-kita ko talaga sa kanya ang saya.

"Thank you anak, thank you so much, for sure magugustuhan mo si Alfredo. Mabait siya anak. At dahil mabait siya, for sure, magkakasundo rin kayo ng mga anak niya." Bigla akong kinabahan sa sinabi ni mommy. May anak na pala ang lalaki, malamang... Tinapik ni mommy ang balikat ko kaya napatitig ako sa kanya. Ngumiti siya sa akin.

"Don't worry, matagal na rin na namatay ang asawa niya. Kaya huwag mong sabihin na pumapatol ako sa may sabit ha, hindi ako ganyan anak." Mahina akong natawa.

"Mommy naman, alam ko naman na hindi ka papatol sa mga ganyan kung may sabit kaya panatag ako. And I wish you nothing but happiness and the best for you." Matagal na rin na namatay si daddy dahil sa isang aksidente habang nagbibiyahe siya pauwi. Graduation ko pa iyon na nangyari, masakit sobrang masakit dahil balak niya akong surpresahin na uuwi siya sa graduation ko pero hindi na nangyari dahil nag-aagaw buhay na siya sa hospital. Nalaman ko na lang pagkatapos kong makuha ang diploma ko.

"Thank you anak. And you know what, excited na rin ako na makilala mo ang mga anak niya. Balita ko mababait ang mga anak niya at lahat ay professional. Sana magkasundo kayo."

Kung sino man yang mga anak ng bago niya, wala akong panahon sa kanila. May sarili akong buhay. Well, sana nga makasundo ko, ayokong magkaroon ng kapatid na masakit sa ulo. Iyon, kung tanggap nila ako bilang step-sister cause if they don't, I don't care at all also. Hindi umiikot ang mundo ko sa kanila, hindi rin naman kami sa iisang bahay nakatira dahil for sure ayaw din nila na makasama kami sa iisang bubong.

Well, let's say pag nakita ko na sila sa personal bago ako mag-judge.

Pagkatapos naming mag-usap ni mommy at kahit weekend ay hindi ko mapigilan ang sarili na magtrabaho, gumawa ulit ako ng bagong design ng swimsuit. Hanggang sa nakadrawing ako ng lima at pinakita ko ito kay Nica kinabukasan.

"Taray naman, kakatapos lang ng event natin girl, gusto mo ulit magparampa? Aba! Pahinga rin–"

"Gaga, pinapakita ko lang sayo ang bagong desinyo na ginawa ko, advance mo naman masyado." sabi ko at nagtawanan lamang kami.

After our vacation in Batanes, here we are, naging busy ulit sa trabaho. One month vacation was not enough for me I need more pero dahil sa nangyari sa akin doon ay halos hindi na ako makatulog ng maayos. I met this guy on the island, konting panahon lang na nagkakilala kami pero may saya at malaking sugat siya na iniwan sa akin.

Sana...sana hindi na magtagpo ang landas naming dalawa. Whatever happened on the island, stay on that island.

Period.

この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード

最新チャプター

  • Craving My Ruthless Brother (Twisted Desire Series)   Chapter 08

    "Anak? Are you okay? Napapansin ko, mukhang matamlay ka nitong nakaraang linggo. May sakit ka ba? Sabihin mo sa akin at huwag mong kimkimin mag-isa iyan. Don't make your mama scared." Binalingan ko si mommy, nakita ko na may bitbit itong tray kaya agad akong tumayo para kunin ang dala niya. Nasa balcony ako at nagbabasa ng libro. At ilang araw na rin na hindi ako lumalabas ng bahay kahit pumunta ng office ay hindi ko ginawa at pinaubaya muna si Nica na mag-aasikaso. Pero kung may request ang client ng bagong design ay dito ko na lang ginagawa sa bahay. Dito na lang ako sa bahay, lalo na rito sa balcony, mas naaaliw ako magdesign. Marahil, sa ngayon ay may takot ako na magkita muli ang landas namin ng tao na iyon. "Mom, I'm okay, tinamad lang ako pumunta ng office lalo kung ma traffic sa kalsada, much better na dito na lang muna ako magstay sa bahay kaysa lumabas pa." Paliwanag ko sa kanya para hindi siya mag-alala. "Are you sure?" "Hmm," tumango ako habang nakangiti. Nakita ko

  • Craving My Ruthless Brother (Twisted Desire Series)   Chapter 07

    Pagmulat ko ng mga mata, hindi ko agad nakilala ang lugar kung nasaan ako. White ceiling ang unang bumungad sa akin. I blinked several times, trying to clear the heaviness in my head. The last thing I remembered was being at the bar with Nica and the others. After that, everything became a blur. I vaguely remembered man's voice, his strong arms carrying me, and then… nothing.Wala na akong maalala pagkatapos? Ang naalala ko lang, magbobook na lang ng sasakyan pero sa hotel kami patungo ni Nica na kung saan malapit lang sa bar kami pumunta. Nagbook ba ako? O kumuha na lang kami ng taxi sa labas? Sa dalawa, wala talaga akong maalala pagkatapos namin sa bar? Napaupo ako bigla sa malaking bed."Shit!" mura ko dahil biglang sumakit ang ulo ko. At nang makabawi. I looked around.This wasn't my room nga, pero teka....bakit ganito ang nakuha ko na room?The first thing that caught my attention was the bed itself, wide, perfectly made, covered with dark gray sheets and thick black pillows.

  • Craving My Ruthless Brother (Twisted Desire Series)   Chapter 06

    "Here, bago kayo umuwi, mag-enjoy muna tayo sa party. Birthday kasi ni Drey kaya samahan niyo akong mag-enjoy, kasama siya." mahina pero rinig namin ni Nica ang sinabi ni Pamela. Birthday ng boyfriend niya. Nagsisi pa tuloy ako kung bakit tumuloy pa ako rito, sana umuwi na lang kami ni Nica. Mukhang nakakasira pa kami ng okasyon. Hindi ko pa rin siya binalingan kung ano na ang ginagawa niya ngayon habang nakaupo at baka kapag ginawa ko kahit sulyapan siya saglit ay baka hindi ko gusto ang makikita ko. Kahit magkaharap lang kami ay iniiwasan ko talaga na mapunta sa kanya ang paningin ko. Kumalma na ang puso ko ngayon hindi tulad kanina, siguro, tinanggal ko na s'ya sa sistema ko lalo nang malaman ko na boyfriend ito ni Pamela. Matagal na rin ang nangyari sa amin at wala na kami no'ng umalis ako sa Isla. Binaon ko na rin siya sa limot. Hanggang pailalim na ang gabi ay nag-eenjoy pa rin kami. Di naman pala boring dito sa ka grupo ni Pamela pwera na lang diyan sa isa na hindi ko

  • Craving My Ruthless Brother (Twisted Desire Series)   Chapter 05

    "Do you think I can do that?" "Of course, ikaw pa ba." "Hmm, I just want to make sure." "Here—" inabot niya sa akin ang isang headphones. Napatawa ako habang umiling. "Vic... medyo tipsy na ako ha." "So what? You still have the best ears in the room." Kumindat siya. "I trust you." Napailing ako, nang makita ko ang mga tao na nasa loob ay nakaramdam ako na parang, ang boring na nga. Nakaupo at nag-uusap lang sa mga kaibigan ang mga grupo sa bawat table, si Nica nakita ko na may kausap at parang wala namang kakaiba sa kinikilos nila kaya binalewala ko na lang at binalik ang mga mata kung ano ang mga nasa harapan ko. Matagal tagal na rin, so bakit hindi ko subukan . Hindi ko alam kung epekto ba ng alak o ng kumpiyansa ni Victor, pero tumayo ako at sumunod sa kanya papunta sa DJ booth. Itinuro niya sa akin ang mga plaka niya at dahil kabisado ko naman ang mga ito ay madali na lang sa akin kahit hindi niya na ako turuan. Isa siya sa nagturo sa akin nito na dati ay bina

  • Craving My Ruthless Brother (Twisted Desire Series)   Chapter 04

    "Ikaaw?” "Hi Abbriana, akala ko namalikmata lang ako kanina eh, ikaw nga pala, you look so beautiful tonight, do you still remember me?" Ngumiti ako na makita si Pamela. Isa rin sa mga swimwear design. At kaklase ko no'ng college. Nakasama ko na rin siya sa mga ilang fashion events na isa rin ako sa invited. Seeing her right now na nakakapanibago dahil ang sabi n'ya sa akin na hindi niya masyadong type ang pumunta rito sa club or bar, well, maybe, she change her mind, wala namang masama sa ginagawa niya na magbago ang isip ng isang tao at subukan ang ibang environment, tulad nang ginagawa ko. "Thank you, Pamela. You look beautiful tonight too, and nice to see you here. How are you, by the way?" tanong ko habang pinupunasan ng tissue ang kamay ko pagkatapos maghugas. Siya naman ay naglagay ng make-up sa mukha niya. Nagkatinginan kami sa salamin, ngumiti siya. “I'm doing great, my business…so far, we're doing amazing hindi nawawalan ng mga clients. And, I'm fine with that. Ho

  • Craving My Ruthless Brother (Twisted Desire Series)   Chapter 03

    I didn't expect na magkaroon ng orders galing sa isang client kaya halos wala na rin akong oras para sa sarili ko. Hindi ko tuloy matukoy sa sarili ko kung mukha na ba talaga akong pera, kaya, kayod pa rin ako nang kayod. O talagang pinaghandaan ko lang ang magiging future ko, o dahil mas maganda sa pakiramdam na ang pera na hawak mo ay pinaghirapan mo talaga. "Let's go, aalis tayo mamaya, nightclub, later? What do you think?" Napatigil ako sa pagtipa na kung ano sa aking laptop na marinig ang boses ni Nica, kanina pa pala siya na nandito sa office ko, sa sobrang tahimik naming dalawa pagkatapos magkape ay dito na rin namahinga sa loob. Hindi ko namamalayan na naging busy ako sa ginagawa namin or baka ako lang. "Wala na akong gagawin, tapos na ako kanina pa, sa tingin ko, gusto ko munang uminom ng alak mamayang gabi bago umuwi, though, yeah, I know….you have more liquor here but I prefer in that crowded place–" dagdag pa nito. Napailing na lang ako ng ulo dahil sa sinabi niya. Hind

  • Craving My Ruthless Brother (Twisted Desire Series)   CHAPTER 01

    Chapter 01 The music from the beachfront bar mixed with the sound of crashing waves. The air smelled of salt, beer, and temptation. Hindi ko inaakala na magiging ganitong klaseng babae ako, ’yung sasayaw nang walang tsinelas, tawanan lang, at walang ibang iniisip na trabaho kundi ang mag-enjoy l

  • Craving My Ruthless Brother (Twisted Desire Series)   Prologue

    Augustus Drey Donovan PovI woke up with a pounding headache and the faint scent of her perfume still clinging to the sheets.I remember her laugh, the way she looked at me like I wasn’t untouchable, like I was just a man and not the monster people thought I was. Lahat iyon naalala ko. I smile. At

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status