Share

Kabanata 3

Author: Naja
last update Huling Na-update: 2025-07-04 20:07:22

Tulala akong umuwi pagkatapos ng nangyari.

Kinabukasan, nakatanggap ako ng tawag mula sa ShieldForce main office. Wala pang 12 oras mula nang mangyari ang eskandalo.

“Lian dela Cruz, as per immediate directive from royal protocol, you are hereby suspended pending investigation,” malamig na sabi ng boses sa kabilang linya. “Please return your badge and ShieldForce-issued equipment within 24 hours.”

Parang may bombang sumabog sa loob ng dibdib ko. “A-Ano pong dahilan, ma’am?”

“Violation of proximity protocol. Inappropriate engagement with a high-profile client. Breach of conduct.”

Hindi ko na narinig ang kasunod. Parang lumabo ang pandinig ko. Parang nalunod ang boses ng babae sa bilis ng tunog ng tib0k ng puso ko.

“Ma’am,” garalgal kong sabi. “Hindi po ako ang nag-umpisa. May—may CCTV po."

“We are reviewing the footage, Miss Dela Cruz. But for now, protocol stands. You are relieved of your duties until further notice.”

Nabitawan ko ang cellphone pagbaba niya ng tawag.

Ilang segundo akong natulala bago tuluyang bumuhos ang mga luha.

Sa isang iglap, nawala lahat.

Yung pag-asa. Yung tagumpay. Yung lakas ng loob na buo kong itinaya para lang makalaban. Para lang makabangon, wala na.

Ilang araw matapos ang suspension.

Hindi na ako tinawagan ulit ng ShieldForce. Hindi rin ako kinausap ng sinuman sa team.

May nakarating na bulung-bulungan sa ‘kin na ginamit daw ako. Na baka raw pumasok ako sa ShieldForce para lumapit kay Yul. Na baka may hidden agenda raw ako.

Nasaan na ‘yong CCTV?

Wala raw silang mahanap. Nasira raw ang camera sa angle na ‘yon. What a convenient excuse.

Habang ako, ni walang pagkakataong makapagsalita para sa sarili ko.

Sa palengke ako bumalik. Kay Aling Tess. Muling pinasan ang sako ng gulay. Muling nilunok ang pride.

“Anak, anong nangyari?” tanong ni Aling Tess habang pinapahid ang pawis sa noo.

“Na-cut po ako. Siguro hindi ako pasado,” tipid kong sagot.

Hindi niya na ako kinulit. Ramdam niyang wala akong lakas magpaliwanag.

Gabi-gabi, tahimik akong umiiyak. Hindi ko masabi kay Nanay. Ayokong madagdagan pa ‘yong sakit na nararamdaman niya. Ayokong maramdaman niyang lahat ng sakripisyo ko, nauwi sa wala.

Pero hindi lang ako nawalan ng trabaho. Nawalan ako ng tiwala sa sistemang akala ko, patas.

Isang linggo pa ang lumipas.

Habang naglalako ako ng mga talbos sa gilid ng kalsada, biglang tumunog ang cellphone ko. Isang hindi pamilyar na numero. Saglit akong natigilan, kabadong sinagot iyon habang nanginginig pa ang daliri ko sa lamig.

“Lian dela Cruz?” tanong ng babaeng boses sa kabilang linya.

“O-Opo. Sino po sila?”

“This is Captain Riva from ShieldForce. You’ve been reassigned, effective immediately.”

Napatigil ako sa gitna ng kalsada. Hindi ako nakapagsalita agad.

“Hindi po ba ako... terminated na?”

“You were under review. The report has been cleared. The royal family requested a new team for Princess Ianna’s upcoming cultural summit. You are requested by name.”

“By name?” kunot-noo kong tanong.

“Yes. The princess herself asked for you. We’ll send a car in an hour. Pack your things.”

Natapos ang tawag.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Hindi ako makagalaw. Hindi ako makapaniwala.

Totoo ba 'to? Hindi naman siguro ako nananaginip?

ShieldForce HQ

Pagbalik ko, parang hindi ako nawala. Tahimik lang ang lahat, walang bumati, walang nagtatanong. Parang isang multo na bumalik sa anino ng organisasyon.

Inabot sa akin ang bagong ID, bagong armas, at bagong assignment folder.

Assignment: Princess Ianna Seraphine – Cultural Summit Escort

Location: Royal Grounds – Elaran Palace

Duration: One Week with full coverage for heritage ritual events

Hindi na ako nagtanong pa. Kung ito ang daan para makabalik, kahit alanganin, tatanggapin ko.

The Royal Grounds

Ang palasyo ay mas engrande kaysa sa naalala ko. Sa unang beses ko itong napasok dati, tagamasid lang ako. Ngayon, bahagi ako ng protocol. Nakasuot ako ng formal tactical uniform, black with silver trimming. Ka-level ko ang mga bodyguard na sumasabay sa hari’t reyna.

Napuno ang palace courtyard ng mga banyagang bisita. May mga suot na traditional clothing, mga regaleng inihahain sa altar, mga banda’t choir na bumubuo ng klasikong himig.

Tahimik akong nakatayo sa gilid ng princess pavilion nang marinig ko ang pangalan niya.

“Prince Yul Serafin of Delsa.”

Napalingon ako sa tunog na papalapit na hakbang.

At doon siya lumitaw.

Nakaputing barong na may embroidered royal crest sa dibdib. Malinis ang ayos ng buhok, seryoso ang mukha. Pero saglit siyang natigilan nang magtagpo ang mga mata namin. Kita ko ang bahagyang gulat sa mga mata niya.

Pero hindi ako lumihis. Hindi ako yumuko. Pinanatili ko ang tingin ko sa kanya.

Humakbang siya palapit, dahan-dahan, pero hindi nagsalita. Tumayo lang siya sa tabi ko, habang binibigkas ang panimulang dasal ng palasyo.

Pinilit kong pakalmahin ang sarili dahil sa walang tigil na pagpintîg ng puso ko.

Ano bang nagyayari sa akin? Bakit ganito?

Ilang minuto ang lumipas, hanggang sa tumiklop ang koro at huminto ang musika. Lumapit si Princess Ianna at may inabot sa akin.

“Lian,” ngiti niya, “Join us sa ceremonial walk.”

“A-Ako po?” hindi ko maitago ang gulat.

“She requested for you,” singit ni Yul sa malamig na boses. “She has that power, apparently.”

Hindi ko alam kung insulto ba ‘yon o sadyang literal lang siya. Pero tumango ako at sinundan ang prinsesa.

Sa ceremonial walk, habang pinalilibutan kami ng mga ilaw, bulaklak, at puting tela…

Biglang huminto ang musika.

Lumabas ang haring tagapagpatibay at ang isang matandang tagapagsalita. May dalang pilak na kahon. Parang ritwal.

“Bilang pagkilala sa lakas at karangalang naipakita ng isang tagapangalaga… nais naming kilalanin ang isa sa mga pinakamatatapang na anak ng bayan.”

Ako?

Napatingin ako sa paligid.

Ako ba ang tinutukoy nila?

“Lian dela Cruz,” banggit ng tagapagsalita. “Lumapit ka.”

Gusto kong umatras. Hindi ako sanay sa ganito. Pero tinulak ako ng marahan ni Princess Ianna.

At sa harap ng lahat, sa gitna ng liwanag ng palasyo, may isang taong lumapit mula sa likuran ng altar—si Yul.

Teka, anong nangyayari?

Wala na siyang barong. Nakasuot na siya ng ceremonial suit ng Delsa, puti’t ginto, may markang hari sa balikat. Sa kanyang kamay, ang pilak na kahon.

“Lian…” boses niyang ngayon ko lang narinig na ganito, hindi mayabang, hindi malamig. Kundi kalmado.

“I know you're angry at me. And I deserve your hatred. But now that you're here… now that I see how badly I judged you before…” mahinahon niyang panimula at binuksan ang kahon.

Singsing.

Maliit. Simple. Gawa sa gintong metal ng ShieldForce. Wala ni isang brilyante. Pero alam kong may bigat ‘yon.

“Will you marry me?"

Para akong nabingi sa lakas ng pagkakasabi niya no'n.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Crown Prince Proposal   Kabanata 4

    Natahimik ang lahat. Walang gumalaw. Pero ramdam ko ang gulat at pagkabigla nilang lahat. Maski ako. Sa gitna ng engrandeng bulwagan, habang nakatingin sa akin ang lahat ng maharlika, royal guest, at mga kinatawan ng ibang kaharian, ako lang ang hindi humihinga. "Anong…" Nakagat ko ang ibabang labi, pilit pinipigilan ang panginginig ng tuhod ko. “Lian,” mahinang sambit ni Yul, hawak pa rin ang bukas na kahon. “This isn’t about forgiveness. It’s not about clearing my name. I’m doing this because I want to choose you. Please… accept my proposal.” Bakit ako pa? Malaki ang galit ko sa kanya pero bakit... ako? "Help me, Lian," halos pabulong niyang sabi. Saan? Saan ko siya tutulungan? May humugong na pag-ubo mula sa gilid. Isang matandang ministro. Naroon ang hari’t reyna sa trono, parehong nakamasid, parehong hindi ngumiti o pumalakpak. Maging si Princess Ianna, ang tanging mukhang kalmado ay tahimik lang sa tabi. Dumapo sa balikat ko ang malamig na kamay ng tagapagsalita

  • Crown Prince Proposal   Kabanata 3

    Tulala akong umuwi pagkatapos ng nangyari. Kinabukasan, nakatanggap ako ng tawag mula sa ShieldForce main office. Wala pang 12 oras mula nang mangyari ang eskandalo. “Lian dela Cruz, as per immediate directive from royal protocol, you are hereby suspended pending investigation,” malamig na sabi ng boses sa kabilang linya. “Please return your badge and ShieldForce-issued equipment within 24 hours.” Parang may bombang sumabog sa loob ng dibdib ko. “A-Ano pong dahilan, ma’am?” “Violation of proximity protocol. Inappropriate engagement with a high-profile client. Breach of conduct.” Hindi ko na narinig ang kasunod. Parang lumabo ang pandinig ko. Parang nalunod ang boses ng babae sa bilis ng tunog ng tib0k ng puso ko. “Ma’am,” garalgal kong sabi. “Hindi po ako ang nag-umpisa. May—may CCTV po." “We are reviewing the footage, Miss Dela Cruz. But for now, protocol stands. You are relieved of your duties until further notice.” Nabitawan ko ang cellphone pagbaba niya ng tawag.

  • Crown Prince Proposal   Kabanata 2

    Hawak ko pa rin ang cellphone habang nanginginig ang kamay ko. Ilang beses kong binasa ang text, inulit-ulit, baka nagkamali lang ng padala.Pero hindi. Pangalan ko ang nakalagay. Ako talaga.Accepted. Tactical Women’s Defense Unit.Mahina kong natampal ang noo at napangiti sa tuwa. Sa likod ng isang junkshop, may streetlight na kumikislap-kislap. Doon ako madalas nagpapahinga pagkatapos ng isang araw ng paglalako ng gulay, paminsan tagabuhat pa sa palengke. May kaunting kinikita. Pero sa ospital pa rin halos napupunta.Napatakip ako ng bibig habang bumubuhos ang luha. Sa dami ng pinagdaanan ko, ngayon lang ako humagulgol ng ganito, hindi sa sakit, hindi sa gutom, kundi sa pag-asa.Pag-asang mabuhay... umangat sa hirap.July 6 — ShieldForce Training CampMaaga akong nagising. Alas-kuwatro pa lang, naglalakad na ako papuntang terminal.Pagdating ko sa training facility, hindi ako makapaniwala. Malawak ang compound, parang pang-militar. May mga babaeng nakasports gear, iba’t-ibang edad,

  • Crown Prince Proposal   Kabanata 1

    Magsasalita pa sana ako nang biglang may dumaan at sa di inaasahan, nasagi ako at bumuhos sa akin ang alak, mula ulo, balikat, hanggang dibdib. Ramdam ko agad ang lamig ng alak na parang yelo na dumampi sa balat ko. Nabasa ang suot kong puting blouse, at hindi ko na napigilan ang mapasinghap nang maramdaman kong bumakat ang itim kong bra sa manipis kong uniporme. "Shît," bulong ko, nanginginig. Nagtawanan sila. Akala ko maririnig ko lang ang tunog ng yelo na bumagsak sa tray, pero mas malakas pa pala ang halakhak ng mga mayayamang impakto sa VIP. Minamata nila ako dahil alam nilang mahirap lang ako at sila? Kayang-kaya nilang gawin kung anuman ang gusto nila dahil mapera sila. May yaman kaya nagagawa nilang apak-apakan ang mga taong tulad ko. Napapikit ako ng mariin at nakuyom ang kamao. Tingin ko mas malala 'to kesa doon sa trabaho nina Charlie at Miks. Iyon kasi puro katawan ang habol, 'yong dito, tingin ko, pambubully. "Kawawa naman. Parang basang sisiw. Sorry gir

  • Crown Prince Proposal   Simula

    Lian's Point of View Bilang breadwinner ng isang pamilya na may tatay na lasinggero at kapatid na puro bisyo, isa lang ang gusto ko, ang makalaya. Okay na sa akin na si nanay lang ang makasama ko sa buhay, huwag lang ang tatay at kapatid kong walang ginawa kundi lustayin ang pera ko na dapat sana pambayad sa gamot at hospital bills ni nanay. Pero may pagpipilian ba ako kung sa akin sinisingil lahat ng utang nila? Kailangan kong magabayad kundi baka mabalita na lang sa akin na wala na si tatay o 'di kaya ang kapatid ko. Ganun palagi ang cycle ko sa buhay na gustong-gusto kong takasan. Hirap na hirap na akong pasanin sila pero sa huli pamilya ko pa rin sila. Mapait akong napangiti at napailing, bitbit ang trash bag na itatapon sa basurahan. Araw-araw akong nakikipaglaban sa buhay para lang may makain, may maipambayad sa utang at sa hospital bills habang ang tatay at kapatid ko, walang pakialam sa akiin. Puro bisyo ang inaatupag. "Dati ko pa sinabi sa kanya na magserve siya sa mga

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status