Natahimik ang lahat. Walang gumalaw. Pero ramdam ko ang gulat at pagkabigla nilang lahat. Maski ako.
Sa gitna ng engrandeng bulwagan, habang nakatingin sa akin ang lahat ng maharlika, royal guest, at mga kinatawan ng ibang kaharian, ako lang ang hindi humihinga. "Anong…" Nakagat ko ang ibabang labi, pilit pinipigilan ang panginginig ng tuhod ko. “Lian,” mahinang sambit ni Yul, hawak pa rin ang bukas na kahon. “This isn’t about forgiveness. It’s not about clearing my name. I’m doing this because I want to choose you. Please… accept my proposal.” Bakit ako pa? Malaki ang galit ko sa kanya pero bakit... ako? "Help me, Lian," halos pabulong niyang sabi. Saan? Saan ko siya tutulungan? May humugong na pag-ubo mula sa gilid. Isang matandang ministro. Naroon ang hari’t reyna sa trono, parehong nakamasid, parehong hindi ngumiti o pumalakpak. Maging si Princess Ianna, ang tanging mukhang kalmado ay tahimik lang sa tabi. Dumapo sa balikat ko ang malamig na kamay ng tagapagsalita ng palasyo. “Ang pagtanggi sa isang pampublikong alok ng pakikipag-isang dibdib mula sa isang royal heir ay may bigat, hija.” Napalingon ako sa kanya. Hindi ako tanga. Alam ko ang kahulugan no’n. Kahihiyan. Pagkabasag ng dangal. Hindi lang kay Yul kundi sa buong ceremonial code na pinanghahawakan ng bawat bansa. Isang sakripisyo ang alok na ito. Isa ring bitag. Tumango si Yul sa akin, tila sinasabi sa titig niyang alam ko, pero sana… pakinggan mo ako. Humigpit ang hawak ko sa palda ng ceremonial uniform ko. Mainit ang panahon, pero mas mainit ang mata ng daan-daang taong nakatingin sa amin. Huminga ako nang malalim. “Ayoko,” buo at matigas kong sabi. Singhap at bulungan ang namayani sa lugar. May humugot ng hininga. Maging si Yul, bahagyang natigilan. “Hindi ako laruan. Hindi ako babae lang sa tabi na pwede mong tawagin kapag kailangan mo,” dagdag ko. “Lian—” bulong ni Yul. “Hindi ko makakalimutan ang ginawa mo sa akin at ng mga kaibigan mo. Hinayaan mo 'ko no'ng araw na 'yon. Naturingan kang prinsipe. Pero anong ginawa mo? Nanahimik ka at nanood, hinayaan na insultuhin nila ako. Hinayaan mong matanggal ako sa trabaho. Tandang-tanda ko lahat," humina ang boses ko. "Nagtatrabaho lang naman ako para sa pamilya ko. Pero bakit? Bakit kailangan apak-apakan ang pagkatao ko?" “Hindi ko alam—” “Exactly!” putol ko. “Hindi mo alam. At ngayon, sa harap ng lahat, sinusubukan mong ayusin 'yon sa isang singsing? Sa isang will you marry me?" Natahimik si Yul. Natahimik ang buong bulwagan. Pero pagkatapos ng ilang segundo, may umalulong na tinig mula sa dulong bahagi ng palasyo. Isang royal adviser ang lumapit sa hari, bumulong, sabay abot ng scroll. Bumaling ito sa tagapagsalita, na tumango, saka tumindig muli sa gitna. “Kung hindi tinatanggap ng binibini ang proposal ng prinsipe, may dalawang opsyon ayon sa kautusan, isang personal na paglilinaw na publiko rin gagawin… o paglabas ng tagubilin ng pagkakakulong, upang masiyasat ang posibleng insultong pampamahalaan.” Nanlaki ang mata ko. What the hèll? Lumapit si Princess Ianna, marahang hinawakan ang braso ko. “Protocol ‘yan, Lian,” bulong niya. “Kung hindi mo siya paninindigan… mapipilitan silang pa-imbestigahan ka. Pati pamilya mo. Lahat.” Mariin akong napalunok. Hindi totoo ‘to. Hindi ito nangyayari. Hindi ito tama. Bakit ako ang nadiin? Bakit damay ang pamilya ko? Gusto kong tumakbo. Gusto kong sumigaw. Pero sa mundo nila, hindi pwede ang ganon. Huminga ako, pero parang hindi na umabot sa baga ko ang hangin. “Lian,” muling sambit ni Yul. “Wala akong balak pilitin ka. Pero kung ayaw mong gawin ‘to para sa’kin… gawin mo na lang para sa pamilya mo. Makukuha mo lahat. Pinapangako ko." At doon ko siya nakita, hindi bilang prinsipe. Kundi bilang isang lalaki na gustong tumulong. Alam kong alam niya ang pinagdadaan ko. Pinikit ko ang mga mata, mariing iniisip ang bigat ng desisyon. Para sa sarili ko, ayoko. Pero para sa ina kong nakataray sa ospital, sa hirap ng buhay na gustong takasan, baka kailangan ko nang... sumugal. This is not love. This is survival. Dahan-dahan akong tumango. Tumahimik ang paligid. Maging ang mga humihingang malalim, tila naghintay ng pasabog pero wala. Walang palakpakan. Walang sigawan. Katahimikan lang. Kinuha ko ang singsing mula sa kahon. Hindi ko siya pinatungan ng “Yes.” Wala akong sinabing gusto ko rin. Pero isinuot ko iyon. Dahan-dahan. Gamit ang sarili kong kamay. At nang maisuot ko na, saka lang ako tumingin sa kanya. “Salamat,” mahinang sabi ni Yul. Hindi ako ngumiti. Hindi ako sumagot. Ito ang simula ng isang pakikipagsapalaran na hindi ko alam kung kakayanin ko. Ngunit kahit pilit, kahit hindi bukal sa loob… susubukan kong manindigan. Pagkatapos ng seremonyas, dinala kami sa loob ng Royal Banquet Hall, isang engrandeng silid na may marmol na sahig, kisameng may ukit ng mga mitolohikal na nilalang, at chandelier na punô ng kristal. Ang bawat mesa ay nilatagan ng ginto’t puting tela, may pagkaing hindi ko kayang bigkasin ang pangalan, at mga panauhing may makakapal na kwintas at mabibigat na titulong kasama sa kanilang pangalan. Tahimik akong naupo sa tabi ni Yul. Hanggang ngayon nanlalamig pa rin ako. Hindi dahil sa aircon kundi dahil hindi pa rin maalis sa balat ko ang pakiramdam na para akong pinutol, inihain pagkatapos ipakita sa lahat. Hindi pa rin ako makapaniwala. Ang bilis ng pangyayari. “Okay ka lang?” bulong ni Yul at hinayaan na hawakan niya ako sa kamay. Banayad niyang hinaplos ang kamay ko kung saan 'yung singsing saka pinagdaop ang palad namin. Hindi ako tumingin sa kanya. “Pipirma ba ako ng kontrata pagkatapos neto?” Natigilan siya. “Lian—” “Para lang malinaw kung asawa ba o alila ang magiging papel ko.” Hindi siya sumagot. Umiling lang siya nang marahan at dumiretso sa alak na inabot sa kanya ng isang tagasilbi. Habang iniikot ko ang tingin sa paligid, may ilang pares ng matang nakatitig sa akin. Ang iba ay may paghanga. Pero karamihan, panghuhusga. Nakatitig sa balat kong morena, sa pagkilos kong hindi maharlika. "Bakit ako, Yul? Sa lahat ng babaeng may dugong maharlika, bakit ako pa ang napili mo?" Imbes na sagutin ang tanong ko, bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang bigla niya akong siilin ng malalim na halik. At sa unang pagkakataon, dahan-dahan kong pinikit ang mga mata, at tumugon sa halik niya. Kung kailangan kong magpanggap, gagawin ko.Isa na namang hapon sa reading room. And as usual, boring. Kailan ba ako natuwa sa ganitong set-up? Parang mas gusto kong magtrabaho na lang sa palengke kesa mag-basa rito.Sa totoo lang, nakaka-nosebleed ang mga term na binabasa ko. Hindi ako makarelate. Sino bang makakarelate? Eh hindi naman ako galing sa maharlikang pamilya.I was just a commoner na pinili lang ng isang prinsipe na hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung bakit.Alam kong may malalim siyang rason, ayaw niya lang sabihin sa akin. At 'yon ang kailangan kong malaman habang nandito ako.Napabuntong hininga na lamang ako. Nasa third chapter na ako ng Royal Governance and Power Shifts during the Post-Founding Era, pero kahit ilang beses kong basahin 'yung paragraph tungkol sa diplomatic marriages, hindi pa rin pumapasok sa utak ko.May tatlong tutor sa kabilang mesa, nagbabasa rin. May assistant na inaayos ang susunod na lesson plan. At ako, pilit na pinipigilan ang antok habang hinihila-hila ko ang highlighter ko sa ma
Nang sandaling maghiwalay ang labi namin, napatitig kami sa isa’t isa. Pero ako agad ang nagbawi ng tingin.“Sapat na ba ’yon para manahimik ka muna?” Nahimigan ko ang tuwa sa kanyang boses.“Gago,” usal ko at palihim siyang kinurot.Nag-init ang mukha ko nang magpalakpakan ang mga tao, na para bang napakabigdeal ng halik niya sa harap nila.Gusto kong mag-walkout. O matunaw na lang sa sahig. Pero hindi, wala akong choice kundi ngumiti ng konti at magpatuloy sa pagkukunwari, magpanggap na para kaming bagong kasal.After the ceremony, we were led to one of the private function rooms sa loob ng palasyo. Tahimik lang kami ni Yul habang naglalakad, pareho yatang pagod, siya siguro mentally, ako emotionally.Baka nga nagsisisi na siya ngayon kasi ako... parang oo na hindi.“May short talk lang with the Queen and King,” bulong ni Yul. “Nothing scary. Pero kapag nandoon ka na, mas mabuti kung magsalita ka ng English."“Sinasabi mo lang ’yan kasi hindi ikaw ’yung kakausapin," sabi ko pero sus
Natahimik ang lahat. Walang gumalaw. Pero ramdam ko ang gulat at pagkabigla nilang lahat. Maski ako. Sa gitna ng engrandeng bulwagan, habang nakatingin sa akin ang lahat ng maharlika, royal guest, at mga kinatawan ng ibang kaharian, ako lang ang hindi humihinga. "Anong…" Nakagat ko ang ibabang labi, pilit pinipigilan ang panginginig ng tuhod ko. “Lian,” mahinang sambit ni Yul, hawak pa rin ang bukas na kahon. “This isn’t about forgiveness. It’s not about clearing my name. I’m doing this because I want to choose you. Please… accept my proposal.” Bakit ako pa? Malaki ang galit ko sa kanya pero bakit... ako? "Help me, Lian," halos pabulong niyang sabi. Saan? Saan ko siya tutulungan? May humugong na pag-ubo mula sa gilid. Isang matandang ministro. Naroon ang hari’t reyna sa trono, parehong nakamasid, parehong hindi ngumiti o pumalakpak. Maging si Princess Ianna, ang tanging mukhang kalmado ay tahimik lang sa tabi. Dumapo sa balikat ko ang malamig na kamay ng tagapagsalita
Tulala akong umuwi pagkatapos ng nangyari. Kinabukasan, nakatanggap ako ng tawag mula sa ShieldForce main office. Wala pang 12 oras mula nang mangyari ang eskandalo. “Lian dela Cruz, as per immediate directive from royal protocol, you are hereby suspended pending investigation,” malamig na sabi ng boses sa kabilang linya. “Please return your badge and ShieldForce-issued equipment within 24 hours.” Parang may bombang sumabog sa loob ng dibdib ko. “A-Ano pong dahilan, ma’am?” “Violation of proximity protocol. Inappropriate engagement with a high-profile client. Breach of conduct.” Hindi ko na narinig ang kasunod. Parang lumabo ang pandinig ko. Parang nalunod ang boses ng babae sa bilis ng tunog ng tib0k ng puso ko. “Ma’am,” garalgal kong sabi. “Hindi po ako ang nag-umpisa. May—may CCTV po." “We are reviewing the footage, Miss Dela Cruz. But for now, protocol stands. You are relieved of your duties until further notice.” Nabitawan ko ang cellphone pagbaba niya ng tawag.
Hawak ko pa rin ang cellphone habang nanginginig ang kamay ko. Ilang beses kong binasa ang text, inulit-ulit, baka nagkamali lang ng padala.Pero hindi. Pangalan ko ang nakalagay. Ako talaga.Accepted. Tactical Women’s Defense Unit.Mahina kong natampal ang noo at napangiti sa tuwa. Sa likod ng isang junkshop, may streetlight na kumikislap-kislap. Doon ako madalas nagpapahinga pagkatapos ng isang araw ng paglalako ng gulay, paminsan tagabuhat pa sa palengke. May kaunting kinikita. Pero sa ospital pa rin halos napupunta.Napatakip ako ng bibig habang bumubuhos ang luha. Sa dami ng pinagdaanan ko, ngayon lang ako humagulgol ng ganito, hindi sa sakit, hindi sa gutom, kundi sa pag-asa.Pag-asang mabuhay... umangat sa hirap.July 6 — ShieldForce Training CampMaaga akong nagising. Alas-kuwatro pa lang, naglalakad na ako papuntang terminal.Pagdating ko sa training facility, hindi ako makapaniwala. Malawak ang compound, parang pang-militar. May mga babaeng nakasports gear, iba’t-ibang edad,
Magsasalita pa sana ako nang biglang may dumaan at sa di inaasahan, nasagi ako at bumuhos sa akin ang alak, mula ulo, balikat, hanggang dibdib. Ramdam ko agad ang lamig ng alak na parang yelo na dumampi sa balat ko. Nabasa ang suot kong puting blouse, at hindi ko na napigilan ang mapasinghap nang maramdaman kong bumakat ang itim kong bra sa manipis kong uniporme. "Shît," bulong ko, nanginginig. Nagtawanan sila. Akala ko maririnig ko lang ang tunog ng yelo na bumagsak sa tray, pero mas malakas pa pala ang halakhak ng mga mayayamang impakto sa VIP. Minamata nila ako dahil alam nilang mahirap lang ako at sila? Kayang-kaya nilang gawin kung anuman ang gusto nila dahil mapera sila. May yaman kaya nagagawa nilang apak-apakan ang mga taong tulad ko. Napapikit ako ng mariin at nakuyom ang kamao. Tingin ko mas malala 'to kesa doon sa trabaho nina Charlie at Miks. Iyon kasi puro katawan ang habol, 'yong dito, tingin ko, pambubully. "Kawawa naman. Parang basang sisiw. Sorry gir