Hawak ko pa rin ang cellphone habang nanginginig ang kamay ko. Ilang beses kong binasa ang text, inulit-ulit, baka nagkamali lang ng padala.
Pero hindi. Pangalan ko ang nakalagay. Ako talaga. Accepted. Tactical Women’s Defense Unit. Mahina kong natampal ang noo at napangiti sa tuwa. Sa likod ng isang junkshop, may streetlight na kumikislap-kislap. Doon ako madalas nagpapahinga pagkatapos ng isang araw ng paglalako ng gulay, paminsan tagabuhat pa sa palengke. May kaunting kinikita. Pero sa ospital pa rin halos napupunta. Napatakip ako ng bibig habang bumubuhos ang luha. Sa dami ng pinagdaanan ko, ngayon lang ako humagulgol ng ganito, hindi sa sakit, hindi sa gutom, kundi sa pag-asa. Pag-asang mabuhay... umangat sa hirap. July 6 — ShieldForce Training Camp Maaga akong nagising. Alas-kuwatro pa lang, naglalakad na ako papuntang terminal. Pagdating ko sa training facility, hindi ako makapaniwala. Malawak ang compound, parang pang-militar. May mga babaeng nakasports gear, iba’t-ibang edad, may mas bata sa akin, may mas matanda. “Name?” tanong ng babaeng nasa admin table. “Lian dela Cruz,” sagot ko, nanginginig pa ang boses. “Room B-12. Training starts in one hour. Change clothes, briefing sa Hall 3,” aniya, walang emosyon. Sinundan ko ang direksyon. Doon ko nalamang halos lahat ng tinanggap ay galing sa mababang antas ng lipunan. May dating OFW na sinaktan ng amo. May rápe survivor. May batang ginawang courier ng drôga na gusto nang magsimula ulit. Pare-pareho kami, wasak, sugatan, pero buhay. — First Week of Training — Hindi siya madali. Umaga pa lang, pinapatakbo na kami ng limang kilometro. Push-ups, sparring, disiplina sa pagkain. Bawal ang arte. Bawal ang iyak. At kung mahina ka, uuwi kang luhaan. Ilang beses na akong muntik sumuko. Nahimatay ako sa init, nadapa sa obstacle course, umiiyak habang ginagamot ang mga gasgas at pasa. Pero inalala ko si Nanay. Siya ang dahilan kung bakit nabubuhay pa rin ako hanggang ngayon at lumalaban. Siya ang dahilan kung bakit hindi ko tinanggap ang “easy money” sa club. Siya ang dahilan kung bakit andito ako ngayon. Kahit sugatan, kahit pagod, kahit halos mawalan ng malay, pinipilit ko pa ring bumangon. One Month Later Na-promote ako bilang isa sa top 5 trainees. Sabi ng head instructor, may natural akong timing at reflexes. Habang pinapaikot namin ang combat drill, tinawag ako ng instructor ko. “Lian, reporting ka bukas. May tatrabahuhin kang bagong kliyente. Royal protocol. Confidential.” Kumunot ang noo ko. Royal? “Ano pong ibig sabihin?” “Huwag kang maingay. Pero mukhang kilala mo na ‘to,” tipid niyang sagot bago siya tuluyang umalis. Kinabukasan – Confidential Escort Mission Isang itim na van ang sumundo sa akin. Tahimik ang biyahe. Nakasuot ako ng standard issue black tactical wear, may earpiece, body camera, at arm patch na may logo ng ShieldForce. Pagpasok namin sa isang private hotel, sinamahan ako ng isang lalaking naka-suit. “Wait here,” sabi niya. “He’ll be out in a moment.” “He?” Pero bago pa ako makapag-isip, bumukas ang pinto. At doon ako natigilan. Mula sa loob, may lumabas na lalaking naka-blue suit, may ilang bodyguard sa likod, at matang pamilyar. Si Yul. Hindi ako nakagalaw. Bumalik sa akin ang mga alaala, yung panlalait, yung pananahimik niya habang tinitira ako, yung kawalang-hiyaan ng mga kasama niya. Pero mas lalo akong natigilan sa sinabi niya. “Oh. You?” salubong niya habang seryosong nakatingin sa akin, malamig, walang bakas na emosyon sa mata. “You’re my new bodyguard?” So, siya pala ang pagsisilbihan ko ngayon araw? "Yes, your highness," tanging sagot ko. “I see,” sagot niya sa malamig na boses. “Mukhang may attitude na ngayon ang mga bodyguard. Interesting. Baka umalis ka bigla ha?" pang-aasar niya. Hindi na lang ako umimik kahit nagsisimula nang kumulo ang dugo ko sa kanya. “Tuloy,” utos niya sa team habang naglalakad. Tumalikod siya at dumiretso sa elevator. Sinundan ko siya sa tabi, isang hakbang sa likod. Ramdam ko pa rin ‘yong matalim na tingin niya, pero hindi ko na pinansin. Isa lang ang alam ko, hindi ako pumasok dito para s******p sa prinsipe. Pumasok ako rito para mabuhay. At para mailaban si Nanay. Habang nasa elevator kami, tahimik. Mabigat ang tensyon. Ramdam kong gusto niya akong kausapin, pero pinipigilan niya ang sarili. Baka dahil sa ego. O baka dahil hindi niya matanggap na ako ang naka-assign sa kanya ngayon. Ako lang naman ‘yong babaeng hindi niya pinansin habang pinagtatawanan ako ng mga kaibigan niya. At ngayon? Bakit siya pa? “Bakit ka pumasok sa ShieldForce?” tanong niya nang hindi lumilingon. Sandaling katahimikan. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba o ano. May mga kasama kami. "Para sa pamilya." Tipid kong sagot. Sa mga sumunod na araw. Ilang araw akong naka-assign kay Yul. Bilang bodyguard, kasabay ko siya kahit saan, mapa-meetings, charity events, business forums. Isa lang ang utos: Protect at all costs. Ang problema? Hindi siya madaling bantayan. Laging galit. Laging mainit ang ulo. At laging sinusubukan ang pasensya ko. “Don’t walk behind me like a servant,” aniya minsan. Sumagot ako, “Bawal sa protocol ang sumabay sa harap.” “Then walk beside me. I don’t like ghosts behind me.” Sa mga sunod pang araw, “Stop staring at me. I can feel your eyes.” Hindi ko siya tinitingnan. Pero hindi ko rin siya pinapalagpas. “Bantay po ako. Hindi flower vase.” Tumikhim siya, kita kong pinipigilan niyang ngumiti. "You're cute sometimes," nasisiyahang sabi niya. "Ang sungit." "Salamat," sarkastikong sagot ko na tinawanan niya ng malakas. Pero hindi ako natutuwa. Dahil araw-araw, sinusubok niya ako. At araw-araw, kailangan kong paalalahanan ang sarili ko na trabaho ‘to. Hindi personal. Isang gabi, pagkatapos ng isang event. Habang binabantayan ko siyang nakaupo sa lounge ng hotel, tinapik ako ng isang lalaking bodyguard din. “Lian, ‘di mo ba siya type? Gwapo, mayaman, future king pa. Jackpot ‘yan.” Napangiti lang ako. Pero ‘di ngiti ng kilig. Ngiti ng pagod. “Mas gusto ko ang tahimik na buhay," tipid kong sagot. “Pero malay natin may gusto na pala siya sa'yo,” sabi pa niya. "Nahuhuli ko siya minsan, tinitingnan ka niya habang ‘di ka nakatingin.” Nagkibit-balikat ako at hindi na sumagot. Ano naman kung tinitingnan niya ako? "Tawag ka, Lian," wika ng isang bodyguard. Lumapit agad ako kay Yul ngunit laking gulat ko nang hatakin niya ako—at namilog ang mga mata nang halikan niya ako. Pakiramdam ko tumigil lahat, at tanging pintig ng puso ko lang ang naririnig. "Enjoy the fame, woman." Fame? Para ano? Gumanti? "Want another kiss? Bakit hindi mo 'ko pakasalan? Hindi lang halik ang matitikman mo." Sabay kindat niya. Mahina ko siyang itinulak. "N-Nababaliw ka na ba?"Natahimik ang lahat. Walang gumalaw. Pero ramdam ko ang gulat at pagkabigla nilang lahat. Maski ako. Sa gitna ng engrandeng bulwagan, habang nakatingin sa akin ang lahat ng maharlika, royal guest, at mga kinatawan ng ibang kaharian, ako lang ang hindi humihinga. "Anong…" Nakagat ko ang ibabang labi, pilit pinipigilan ang panginginig ng tuhod ko. “Lian,” mahinang sambit ni Yul, hawak pa rin ang bukas na kahon. “This isn’t about forgiveness. It’s not about clearing my name. I’m doing this because I want to choose you. Please… accept my proposal.” Bakit ako pa? Malaki ang galit ko sa kanya pero bakit... ako? "Help me, Lian," halos pabulong niyang sabi. Saan? Saan ko siya tutulungan? May humugong na pag-ubo mula sa gilid. Isang matandang ministro. Naroon ang hari’t reyna sa trono, parehong nakamasid, parehong hindi ngumiti o pumalakpak. Maging si Princess Ianna, ang tanging mukhang kalmado ay tahimik lang sa tabi. Dumapo sa balikat ko ang malamig na kamay ng tagapagsalita
Tulala akong umuwi pagkatapos ng nangyari. Kinabukasan, nakatanggap ako ng tawag mula sa ShieldForce main office. Wala pang 12 oras mula nang mangyari ang eskandalo. “Lian dela Cruz, as per immediate directive from royal protocol, you are hereby suspended pending investigation,” malamig na sabi ng boses sa kabilang linya. “Please return your badge and ShieldForce-issued equipment within 24 hours.” Parang may bombang sumabog sa loob ng dibdib ko. “A-Ano pong dahilan, ma’am?” “Violation of proximity protocol. Inappropriate engagement with a high-profile client. Breach of conduct.” Hindi ko na narinig ang kasunod. Parang lumabo ang pandinig ko. Parang nalunod ang boses ng babae sa bilis ng tunog ng tib0k ng puso ko. “Ma’am,” garalgal kong sabi. “Hindi po ako ang nag-umpisa. May—may CCTV po." “We are reviewing the footage, Miss Dela Cruz. But for now, protocol stands. You are relieved of your duties until further notice.” Nabitawan ko ang cellphone pagbaba niya ng tawag.
Hawak ko pa rin ang cellphone habang nanginginig ang kamay ko. Ilang beses kong binasa ang text, inulit-ulit, baka nagkamali lang ng padala.Pero hindi. Pangalan ko ang nakalagay. Ako talaga.Accepted. Tactical Women’s Defense Unit.Mahina kong natampal ang noo at napangiti sa tuwa. Sa likod ng isang junkshop, may streetlight na kumikislap-kislap. Doon ako madalas nagpapahinga pagkatapos ng isang araw ng paglalako ng gulay, paminsan tagabuhat pa sa palengke. May kaunting kinikita. Pero sa ospital pa rin halos napupunta.Napatakip ako ng bibig habang bumubuhos ang luha. Sa dami ng pinagdaanan ko, ngayon lang ako humagulgol ng ganito, hindi sa sakit, hindi sa gutom, kundi sa pag-asa.Pag-asang mabuhay... umangat sa hirap.July 6 — ShieldForce Training CampMaaga akong nagising. Alas-kuwatro pa lang, naglalakad na ako papuntang terminal.Pagdating ko sa training facility, hindi ako makapaniwala. Malawak ang compound, parang pang-militar. May mga babaeng nakasports gear, iba’t-ibang edad,
Magsasalita pa sana ako nang biglang may dumaan at sa di inaasahan, nasagi ako at bumuhos sa akin ang alak, mula ulo, balikat, hanggang dibdib. Ramdam ko agad ang lamig ng alak na parang yelo na dumampi sa balat ko. Nabasa ang suot kong puting blouse, at hindi ko na napigilan ang mapasinghap nang maramdaman kong bumakat ang itim kong bra sa manipis kong uniporme. "Shît," bulong ko, nanginginig. Nagtawanan sila. Akala ko maririnig ko lang ang tunog ng yelo na bumagsak sa tray, pero mas malakas pa pala ang halakhak ng mga mayayamang impakto sa VIP. Minamata nila ako dahil alam nilang mahirap lang ako at sila? Kayang-kaya nilang gawin kung anuman ang gusto nila dahil mapera sila. May yaman kaya nagagawa nilang apak-apakan ang mga taong tulad ko. Napapikit ako ng mariin at nakuyom ang kamao. Tingin ko mas malala 'to kesa doon sa trabaho nina Charlie at Miks. Iyon kasi puro katawan ang habol, 'yong dito, tingin ko, pambubully. "Kawawa naman. Parang basang sisiw. Sorry gir
Lian's Point of View Bilang breadwinner ng isang pamilya na may tatay na lasinggero at kapatid na puro bisyo, isa lang ang gusto ko, ang makalaya. Okay na sa akin na si nanay lang ang makasama ko sa buhay, huwag lang ang tatay at kapatid kong walang ginawa kundi lustayin ang pera ko na dapat sana pambayad sa gamot at hospital bills ni nanay. Pero may pagpipilian ba ako kung sa akin sinisingil lahat ng utang nila? Kailangan kong magabayad kundi baka mabalita na lang sa akin na wala na si tatay o 'di kaya ang kapatid ko. Ganun palagi ang cycle ko sa buhay na gustong-gusto kong takasan. Hirap na hirap na akong pasanin sila pero sa huli pamilya ko pa rin sila. Mapait akong napangiti at napailing, bitbit ang trash bag na itatapon sa basurahan. Araw-araw akong nakikipaglaban sa buhay para lang may makain, may maipambayad sa utang at sa hospital bills habang ang tatay at kapatid ko, walang pakialam sa akiin. Puro bisyo ang inaatupag. "Dati ko pa sinabi sa kanya na magserve siya sa mga