Home / Romance / DARK POSSESSION: Bound by Blood / KABANATA 1: Ang Halik sa Gabi

Share

DARK POSSESSION: Bound by Blood
DARK POSSESSION: Bound by Blood
Author: Fhency

KABANATA 1: Ang Halik sa Gabi

Author: Fhency
last update Last Updated: 2025-10-29 09:46:02

Halos mabato ko na ang alarm clock sa lamesa.

Istorbo.

Tatlong oras lang ang tulog ko, pero pakiramdam ko, parang hindi ako nakapikit kahit isang segundo.

Napahilot ako sa sentido bago bumangon mula sa kama.

Malamig ang sahig, tahimik ang buong bahay—senyales na umalis na si Mama para sa kaniyang panggabing trabaho sa ospital.

“Alas tres na pala,” mahina kong bulong habang dumiretso sa maliit naming kusina.

Nagsalang ako ng tubig para sa kape. Ang singaw ng kettle ay bumabalot sa hangin, pero ang isip ko ay wala rito—nasa ospital, sa kapatid kong si Claire.

Tatlong linggo na kaming delayed sa bayad ng gamot niya. Kung hindi ako makakapasok ngayong gabi, baka tuluyan siyang mapahinto sa gamutan.

Kaya kahit antok, kahit nanginginig pa ang mga kamay ko sa puyat, nagsuot ako ng simpleng itim na Tshirt at pantalpn. Naglagay ng manipis na lipstick at tumingin sandali sa basag naming salamin.

“Ngumiti ka, Elaris,” paalala ko sa sarili ko. “Kahit peke.”

Pagdating ko sa bar, sinalubong ako ng pamilyar na amoy—usok ng sigarilyo, alak, pawis, at pabango ng mga babaeng sumasayaw sa entablado.

Ang mga ilaw ng neon sign ay kumikislap sa basa’t madulas na sahig.

May halakhakan, sigawan, at mga matang sumusukat mula ulo hanggang paa.

Ito ang gabi ko.

Gabi-gabi.

“Elaris!” sigaw ni Carla, kasamahan ko sa counter. “Bilisan mo, bago dumating si Martha!”

Napangiwi ako. Si Martha—ang demonyitang manager ng bar.

Kahit ang pinaka-matapang na lasenggo, natatahimik pag siya ang dumating.

“On it,” sagot ko habang kinuha ang tray na puno ng bote ng beer.

“Table five!” sigaw ni Carla.

Habang naglalakad ako papunta sa mesa, naririnig ko ang kantiyaw ng mga lalaking nakaupo sa gilid.

“Ang ganda mo naman, miss. Magkano ang isang gabi?” sabi ng isa, may halakhak na bastos.

Huminga ako nang malalim, pinilit ngumiti.

“Pasensya na po, sir. Waitress lang po ako rito.”

Kailangan kong ngumiti kahit gusto ko nang buhusan ng alak ang mukha niya.

Isang maling galaw lang, baka mawalan ako ng trabaho.

“Hoy, Elaris,” bulong ni Vina, isa sa mga kasama ko. “Bakit ayaw mong lumipat? Maraming trabaho diyan na mas ligtas.”

Napatungo ako. “Malapit na akong makatapos sa pag-aaral. Kailangan pa ni Claire ng gamot.”

Tahimik siyang tumango. Alam niyang totoo iyon.

Lumipas ang ilang oras. Mas maingay, mas mainit, mas delikado.

Ang bar ay parang mundo ng mga halimaw—kung saan ngiti ang sandata, at lihim ang bala.

“Table fifteen!” sigaw ni Carla.

Bitbit ko ang beer at pulutan nang lumapit sa grupo ng mga lalaking malakas tumawa.

“Miss,” sabi ng isa, “’yung apat na sumasayaw sa entablado, pagkatapos nila, dito mo ilalagay ha?”

Ngumiti ako. “Sige po, sir.”

Ngumiti rin siya, pero kakaiba.

Malamig. Mapanganib.

Pagbalik ko sa counter, narinig ko ang boses ni Carla.

“Tandaan mo, huwag kang kokontra kahit kanino. Ang importante, ligtas ka.”

Tumango ako.

Pero sa loob-loob ko, sumisigaw ako.

Hanggang kailan ako magiging tahimik?

“Elaris!”

Dumagundong ang boses ni Martha mula sa likuran.

Napaismid si Carla. “Nandito na naman ang demonyitang pinaglihi sa sama ng loob,” bulong niya.

“Bakit po, Ma’am?” tanong ko, pilit na kalmado ang tono.

“Hindi ba’t kailangan mo ng pera para sa kapatid mo?”

Napalunok ako. “Opo.”

“Isang gabi lang, Elaris,” pabulong niyang sabi. “Sumama ka kay Mr. Gardo, at lahat ng problema mo, mawawala.”

Nanlamig ang dugo ko.

Hindi ako santo, pero hindi ko kayang ibenta ang kaluluwa ko.

“Matagal pa ba, Martha?”

Isang lalaking matanda, amoy alak at pawis, ang lumapit—si Gardo, isa sa mga bigating suki ng bar.

“Ma’am, bawal ‘yan,” sabad ni Carla. “Si boss mismo ang nagsabi—bawal galawin ang mga waitress dito.”

“Pwede ba, Carla, huwag kang makialam!” singhal ni Martha.

“Pasensya na po,” sagot ko, mahina pero matatag. “Hindi po ‘yan kasama sa trabaho ko.”

Nagdilim ang mukha ni Martha.

“Pasayahin mo lang ako ngayong gabi,” sabi ni Gardo, unti-unting lumalapit. “Bibigyan kita ng malaking halaga… gusto mo, dodoblehin ko pa.”

Ramdam ko ang malamig niyang hininga sa balat ko.

“Pasensya na po talaga, sir, pero bawal—”

Hinawakan niya ang kamay ko. Mahigpit. Mapangahas.

“Ito ang gusto ko—‘yung lumalaban,” sabi niya, sabay lapit ng labi sa akin.

PAK!

Nakahawak siya ngayon sa pisngi niya. Si Carla, galit na galit.

“Bastos kang matanda ka!”

Isang ngiti ang sumilay sa mga labi nito.

“Gusto mo bang makitang mawala sa hospital ang kapatid mo dahil wala kang pambayad? ”

Napalunok ako, ang ngalan ng aking kapatid ay tila isang sampal sa reyalidad at hirap ng buhay.

“Elaris pumunta ka rito! ” si Martha, ngunit hindi ko ito pinagtuunan ng pansin. Hanggang sa isang tinig ang nagpukaw sa akin. Mga mabibigat na yapak, mabigat na presensya.

Pagdilat ko, naroon na siya.

Isang lalaking nakaitim.

Matangkad. Malapad ang balikat.

Hindi mo mababasa ang ekspresyon sa mukha dahil sa gintong maskara.

Ang tanging nakikita lang ay ang kanyang labi—mapula, perpekto.

Sa ilalim ng maskara, may nakaukit na salita: Empereur-Roi.

“Want to meet my cousin—Satan?” malamig niyang sabi.

Ang boses niya, mababa at matalim—parang hampas ng kidlat sa katahimikan.

Sa presensya niya, parang huminto ang mundo.

Ang mga ilaw, biglang nagdilim.

Ang mga tao, napaatras.

Walang huminga.

Isang nakakalokong tawa ang sagot ni Gardo.

“At sino ka naman, batang nagmamarunong—”nagsilabasan ang mga lalaking nakaitim. .

Tahimik, walang ekspresyon.

Parang mga anino ng kamatayan.

Hindi makaimik ang naghuhuramentadong si Mr Gardo. Mga suot nilang may mga nakaukit, nakakanginig ng laman.

Lumapit siya sa akin.

Hinawakan niya ang braso ko—mahigpit, pero hindi marahas.

Hinila ako palayo sa gitna ng gulo.

Ang tibok ng puso ko, parang sumasabay sa mga yabag niya.

“Bitawan mo ako!” sigaw ko, pero mahina.

Bago pa ako makapagsalita, dumampi ang kaniyang labi sa akin—mainit, mabilis, mapanganib.

Isang segundo lang iyon, pero para bang tumigil ang oras.

Pagdilat ko, wala na siya.

Ang naiwan lang ay ang amoy ng caramel at Bvlgari Man Wood essence na pabango nito.

At sa gitna ng katahimikan, habang hawak ko pa ang tray na kanina lang ay puno ng beer, narinig ko ang mga singhapan ng mga tao.

May mga tumatakbong security.

Si Carla, nanginginig.

Si Martha, nakayuko sa takot.

Ako?

Nakatayo lang. Walang maramdaman kundi ang tindi ng kabog ng dibdib ko—

at ang isang tanong na paulit-ulit na umuukit sa isip ko:

Sino ka?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • DARK POSSESSION: Bound by Blood   KABANATA 30: Ain't perfect time

    Halos malaglag ang panga ko ng makilala ang taong nandito. Ang kapatid ni Damian. Si Lucas. Nakatayo siya sa harapan namin, may seryosong ekspresyon, mga mata niya na tila tinatrabaho ang bawat galaw ko."Elaris," sabi niya, boses na mababa at kontrolado. "Bakit ka umalis sa poder ni Kuya?"Nanlilimahid ako, ramdam ko ang bigat ng titig niya. Humakbang palapit si Tiya Sally, may pag-aalala."Ano'ng ibig sabihin nito, Lucas? Anong kailangan mo?"Kilala ni Tiya Sally si Lucas? Si Lucas hindi tumingin kay Tiya Sally, nakatitig pa rin sa akin. "Gusto kong makausap si Elaris. Tungkol sa mga bagay na dapat niyang malaman."Nanatiling tikom ang aking mga bibig. Hindi ko alam kung anong sasabihin, o kung bakit siya nandito. Mga alaala kay Damian pumasok sa isip ko, takot at pag-iwas. Nakita ko si Cataliya na nakasilip mula sa kusina, nag-aalala, parang may mali. Ang kaniyang mga mata, puno ng takot. May ginawa ka ba Lucas kay Cataliya? "Umalis ka na," sabi ni Tiya Sally, matigas ang tono

  • DARK POSSESSION: Bound by Blood   KABANATA 29: New Hope

    Nasa gitna ako ng paglalakad sa umagang may sikat ng araw, patungo sa maliit na café hindi kalayuan sa resort, nang bigla kong napansin ang isang pigura na tahimik na sumusunod sa akin. Si Cataliya. Nakaupo siya sa isang sulok, mata niya nakatitig sa akin, parang nagbabantay.Hindi ko napigilan ang ngiti. "Cataliya, anong ginagawa mo?" tanong ko, bahagyang nagtataka.Lumapit siya, mga hakbang niya mahina pero determinado. "Sinasamahan kita," sagot niya, boses niya mababa. "Ayokong maulit yung nangyari. Kailangan mo ng makakasama at baka ano na naman papasok sa kukote mo ate."Napahinto ako, may init na dumaloy sa dibdib ko. "Hindi mo kailangang gawin 'to, 'Cataliya," sabi ko, pero hindi siya umalis."Si Tita ang may sabi, kailangan kong bantayan ka," tugon niya, nakataas ang kilay, parang hamon. "At gusto ko rin."Nagpatuloy kami sa paglakad, magkatabi, walang masyadong salita pero may tahimik na pagkaintindi. Sa café, umorder ako ng Milkshake, at siya ay juice. Nilapag ang aklat na

  • DARK POSSESSION: Bound by Blood   KABANATA 28: Her Pain

    Ilang linggo ang lumipas, at ang resort ay unti-unti nang bumabalik sa normal na ritmo—ang mga bisita ay dumadagsa, ang mga alon sa dagat ay patuloy na humahampas. Pero sa gitna ng lahat, si Ate Elaris... tahimik. Parang may bigat siyang dinadala.Nagtatrabaho ako sa reception, ako ang pumalit pansamantala kay ate Elaris. Sinusubaybayan ang mga check-in, nang bigla akong napansin na nakaupo siya sa isang sulok ng garden, nakatitig sa dagat. Walang expression sa mukha niya, pero may mga mata niyang tila may malayo nang iniisip. Ang kaniyang pagiging tahimik ay nagbibigay ng kakaibang kaba sa akin—parang may hindi niya sinasabi.Lumapit ako nang marahan, hindi ko alam kung gagawin ko bang makialam. "Ate Elaris, okay lang po ba kayo?" tanong ko, boses ko ay mahina.Hindi siya agad sumagot. Nanatili siyang nakatitig sa dagat, pero pagkatapos ng ilang segundo, huminga siya nang malindi. "Cataliya... may mga bagay lang na hindi ko pa naproseso. Pero okay naman ako."May hinto sa mga salit

  • DARK POSSESSION: Bound by Blood   KABANATA 27: Flash of Old Memories

    Lumipas ang ilang linggo, at unti-unti nang nahuhulog sa routine ang mga araw ko sa resort—tinatrabaho ang mga bisita, inaasikaso ang mga detalye, at palawakin ang pag-iingat sa sarili dahil sa pagbubuntis. Kahit papaano, nalibang ko rin naman ang sarili ko. Pero ngayon, habang nagmamadali akong pumunta sa reception, isang aksidente ang biglang sumira sa katahimikan.Nabangga ko ang isang babae, at ang dala kong baso ng juice ay sa kanya. "Pasensya na!" paghingi ko ng tawad agad, pero bago pa ako makapag-react, tinulak niya ako nang hindi inaasahan. Nawalan ako ng balanse at napasubsob sa sahig, ramdam ang matinding sakit sa tyan ko.Nalaglag ang hininga ko, nangangamba ako. Baka mapano ang anak ko... ang aking tanging lakas... Pilit akong tumayo, hinawakan ang tiyan ko, habang ang babae ay tumayo rin, mukhang walang pakialam."bulag ka ba? Punyeta kita mong kakabihis ko pa lang," sabi niya nang malamig, hindi man lang lumapit para tulungan ako.Bagkus ay tinulak ako nito ulit, dah

  • DARK POSSESSION: Bound by Blood   KABANATA 26: Who's the Father?

    It's been 2 months since napunta ako dito sa Burias. Sa Ilang buwan kong pananatili dito, Unti-unti na din akong nag heal. Mahirap man, nagagawa ko rin. Sino ba namang hindi kung ganito kaganda na Isla. .. Sa ilang taon kung pananatili, kasama ang grandma ko noon dito sa Masbate, hindi ko pa ito nasilayan. Pero ngayon, heto. Natanaw ko na, nagala. Burias is one of the well known Island sa Masbate. Dahil sa angking mapuputing buhangin ng mga dalampasigan. The turquoise water na sobrang perfect para sa snorkeling, diving o kahit nga simpleng pagrerelax lang sa buhay. Kung naisip ko ba sila Mama at Claire, ay oo. Namimiss ko din naman sila pero sa tuwing iniisip ko ang katayuan at situwasyon ng buhay ko sa Maynila ay bumabalik pa rin sa aking katauhan ang takot. "Ate Elaris, pinapatawag ka ni Tita Sally, kanina ka pa dito. Hindi ka pa daw kumakain! " ani Cataliya. Ang pamangkin ni Tiya Sally. Akala ko nga noon, masungit ito. Pero sa ilang araw na pananatili ko pa lang, para na i

  • DARK POSSESSION: Bound by Blood   KABANATA 25: Leaving Him Without Goodbye

    Habang nasa kusina si Manang Yvonne, siya ang nag-aasikaso sa akin. Si Damian? Hindi ko alam kung nasaan. Sa mga nalaman ko tungkol sa kanya, hindi ko alam kung kaya ko pa bang makisama sa kaniya. Kahit masakit pa ang sugat na natamo ko mula sa ligaw na bala, ay pilit ko itong nilalabanan. Dahan-dahan akong lumabas, dumaan sa likuran na hindi naman ako napansin ni Manang Yvonne. May nakuha naman akong kunting cash mula sa side table, nagmumukha akong magnanakaw pero nevermind, gusto ko nalang magpakalayo-layo. Paglabas ko sa gate, Tamang-tama namang may dumaan na taxi. "Saan po tayo Ma'am? " tanong ng driver. Binigay ko ang address ng dating apartment namin ni Liorraine. Ang kaibigang minsan ng naging biktima ng karahasan dahil sa akin. Isang butil na luha ang tumakas sa aking mata na agad ko namang pinatuyo gamit ang palad. "Nandito na po tayo Ma'am." ani Manong, inabot ko ang Limang-daan pero hindi niya ito tinanggap. "Huwag na po Ma'am. Gamitin nyo nalang po iyan. Sa naki

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status