Share

KABANATA 3: He's Back

Author: Fhency
last update Last Updated: 2025-10-29 09:56:44

Isang katok mula sa pinto ng aking silid.

“Come in,” malamig kong sambit.

Pumasok si Levi—tahimik, ngunit halata sa mukha ang bigat ng dala niyang balita.

“King, Agua reported that Seravell wants to get this young lady—named Elaris.”

Tahimik akong nakinig habang nakatingin sa kaniya, pinipigil ang biglang pagbabago ng hangin sa paligid.

“She also said… Seravell’s disposing of women’s bodies in their basement. The missing ones.”

A cold silence fell between us.

Sino bang mag-aakala—ang Seravell na kilala sa kalinisan ng negosyo, ay may nililihim na mas madilim pa sa gabi?

“Target’s photo?”

Kinuha niya ang maliit na envelope mula sa kaniyang pouch.

Sa loob nito, isang larawan ng babaeng may inosenteng ngiti — Elaris, nice name.

May kung anong kumislot sa dibdib ko. Hindi ko maintindihan kung bakit siya ang punterya ng kalaban.

“Block Seravell’s men at all cost,” utos ko, kalmado ngunit matalim. “Wait for my next signal.”

Tumango siya at lumabas ng kwarto.

Naiwan akong mag-isa.

Humugot ako ng malalim na hininga, at mula sa bintana, tanaw ko ang lungsod na nilalamon ng gabi.

Sa mga ilaw nito, may mga lihim na tinatakpan—at ngayong gabi, isa na namang lihim ang bubuksan ko.

Gusto kong makaamoy ng dugo.

Kinuha ko ang lumang telepono mula sa drawer—isang linya na matagal ko nang hindi ginagamit.

“Caleb,” tawag ko nang sagutin ang kabilang linya.

Isang pamilyar na tawa ang sumagot.

“Himala at naisipan mo akong tawagan, King.”

“UG.”

“Tell me,” aniya. “Anong bumabagabag sa’yo at gusto mo na namang magmarka?”

“Just tell me if you’re in or not.”

“Chill, King. Para kang bulkan.”

“Just yes or no, as*hole.”

Tawa muna siya bago sumagot. “Of course, I’m in. Kita tayo sa ring.”

Sa ilalim ng lumang istasyon, nagtipon ang mga taong uhaw sa dugo.

Ang singaw ng pawis, usok, at sigaw ng madla ang bumalot sa hangin.

At sa gitna ng bilog na arena, kami ni Caleb—magkaharap, parehong sugatan, parehong buhay.

Sa bawat suntok, bawat hampas, tinatanggal ko ang bigat sa dibdib ko.

Bawat talsik ng dugo ay paalala na buhay pa ako—at may misyon pa akong kailangang tapusin.

Nang matapos ang laban, pareho kaming basag—duguan ngunit humahagikgik.

“Dude,” ani Caleb habang naglalagay ng yelo sa kanyang panga. “Alam kong may dahilan kung bakit namiss mong magpakademonyo.”

“Seravell,” malamig kong sagot.

“Again?”

“Seravell isn’t that easy to kill.”

Ngumisi siya. “Looks like the King’s hunting again.”

Ngunit ngayong gabi, hindi lang dugo ang laman ng isip ko.

Nasa isip ko ang babaeng may inosenteng ngiti sa litrato. Elaris.

Kinabukasan, nagpunta ako sa JC Club—ang bar na pinupuntahan ng target.

Ang ilaw ay kumikislap, halimuyak ng alak at pabango ang humahalo sa hangin.

Ang tunog ng musika ay malakas, ngunit sa gitna ng ingay, doon ko siya agad nakita.

Elaris.

Simple. Masigla. Walang kaalam-alam sa mundong gusto siyang lamunin.

Habang nag-aayos siya ng mga baso sa counter, napansin ko ang pagod sa kaniyang mga mata. Ngunit sa ilalim ng pagod na iyon, may liwanag—isang uri ng tapang na bihira kong makita.

Hindi niya alam, pero sa mundong ito, ang ganoong liwanag ay mabilis pawiin ng dilim.

Lumapit ako.

“Can we talk for a while?”

Nagulat siya.

“Ikaw?” tanong niya, halos pabulong.

“Yeah. Just some matters to discuss.”

Tahimik siya. Kita ko ang pag-aalangan, pero may halong kuryosidad.

“Your life is in danger,” malamig kong sabi habang sinisindihan ang sigarilyo.

“Hindi po nakakatawa,” inosente niyang tugon, sabay iwas ng tingin.

“I’m serious, woman. I heard may mga taong gustong kunin ka. I know you’ve noticed something off lately.”

May sandaling katahimikan. Kita ko sa mga mata niya ang takot na pilit niyang tinatago.

“Just pretend to be my girlfriend,” sabi ko, direkta. “I’ll make sure you and your family are safe.”

Nakunot ang noo niya, halatang hindi makapaniwala.

“Teka lang—akala mo ba nakalimutan ko yung nangyari nung gabing iyon?”

“That kiss?”

Namula ang mukha niya, halatang nainis.

“Hindi yun! You and your men—you’re dangerous. Hindi ko kailangan ng tulong mo!”

Napangiti ako. “Dangerous men save lives too.”

Bago pa siya makasagot, tumunog ang ear-piece ko.

“Positive,” ulat ng tauhan ko. “Nagsisimula na sila.”

Mabilis kong binulsa ang telepono.

“Don’t let them near the target,” utos ko.

Lumipat ako sa second floor, kung saan may mas malinaw na tanaw sa crowd.

Isang waitress ang lumapit. “Hi sir, ano pong order?”

“Whiskey. Straight.”

Habang hinihintay ko ang inumin, tumingin ako muli kay Elaris sa ibaba.

Nakatingin siya sa mga customer, nakangiti, walang ideya na may mga matang nagmamasid sa kanya mula sa dilim.

Ang bawat galaw niya ay parang musika—banayad, tahimik, ngunit nakakabighani.

At sa bawat pag-ikot ng ilaw, mas lalong lumilinaw sa isip ko:

I’ve seen too many people die. But losing her… that, I won’t allow.

Isang tao sa dulo ng bar ang gumalaw nang kakaiba.

Naka-bonet, at sa kanang braso niya ay may tattoo—Big Bang Assassin.

Matagal ko na silang binura sa listahan ng mga buhay.

So bakit may isa pa sa kanila rito?

“Eyes on the left,” bulong ko sa comms. “Target moving.”

Tahimik ang lahat, ngunit ramdam ko ang simula ng unos.

Dahan-dahan akong tumayo at inikot ang bar.

Nakita ko ang dalawang lalaking papalapit kay Elaris—mga aninong sumasabay sa musika.

Mabilis kong hinawakan ang braso niya.

“Don’t scream,” bulong ko.

“Anong—”

“Look behind you.”

Paglingon niya, nakita namin ang dalawang lalaking naka-itim.

Ang isa, may hawak na baril.

“Stay behind me,” mariin kong utos.

Dahan-dahan ang mga lakad na ginawa habang kaagapay ko sya.

Nagsimulang magsitakbuhan ang mga tao, nagkagulo ang lugar.

Hinila ko siya papunta sa emergency exit, ngunit bago kami makalabas, isa pang lalaking nakaitim ang nasa may pader—ilang pulgada lang mula sa kinaroroonan namin.

Napasigaw si Elaris, halos mapatid sa takot.

Tinakpan ko ang bibig niya at hinila papasok sa kusina.

Nagtago kami sa madilim na parte sa kusina, sa gitna ng amoy ng mantika at alak.

Ramdam ko ang mabilis na tibok ng kanyang puso, halos sabay sa tibok ng akin, namalayan ang mga labi kong inangkin ang kaniyang mga mapupulang labi.

Nanginginig ang kamay niya habang nakahawak sa braso ko. Kinagat ang aking labi. Damn this woman.

“W-why are they doing this?” halos pabulong niyang tanong.

“Because you saw something you shouldn’t have,” sagot ko. “And they think killing you will hide their tracks.”

Tahimik siya. Ilang segundo bago siya muling nagsalita.

“Sino ka ba talaga?”

Tumingin ako sa kanya.

Sa dilim, nagtagpo ang aming mga mata.

“Someone who kills monsters,” sagot ko. “And right now, they’re hunting you.”

Ilang minuto ang lumipas bago ko sinenyasan ang mga tauhan ko.

“Secure the back. Get a car ready.”

Bumalik ako kay Elaris, dahan-dahang hinawakan ang kanyang kamay.

“Come with me.”

Nag-aatubili pa siya ngunit tumango.

Paglabas namin sa likurang pinto, sinalubong kami ng malamig na hangin.

Sa ilalim ng liwanag ng buwan, huminto siya at tumingin sa akin.

“Bakit mo ako tinutulungan?” tanong niya, ang tinig niya’y halo ng takot at pagtitiwala.

Mabilis kong isinakay siya sa sasakyan.

“Because I owe someone a life,” sagot ko. “And I think it’s yours.”

Sa loob ng kotse, katahimikan ang namayani.

Tinitigan ko siya sa salamin—ang mga mata niyang puno ng takot, pagkalito, at kakaibang lakas.

“Where are we going?” tanong niya.

“To a safe house.”

“Safe?” may bahid ng pagdududa. “O another kind of danger?”

Ngumiti ako, bahagya lang. “Both.”

Habang umaandar ang sasakyan, hindi ko maiwasang muling mapatingin sa kanya.

Hindi niya alam—ang mundong ginagalawan ko ay hindi nagbibigay ng kaligtasan.

Ngunit sa gabing iyon, isang bagay ang malinaw:

The moment I met her, danger stopped being my enemy—

It became hers too.

Nang makarating kami sa safehouse, tahimik akong bumaba at binuksan ang pinto.

Ngunit bago pa man kami makapasok, isang tinig ang umalingawngaw mula sa dilim.

“Long time no see, King.”

Mula sa anino, lumabas ang isang lalaking may pamilyar na ngiti—may hawak na dagger.

“You finally found her.”

At sa likod ni Elaris, isang pulang laser dot ang lumitaw sa kanyang dibdib.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • DARK POSSESSION: Bound by Blood   KABANATA 30: Ain't perfect time

    Halos malaglag ang panga ko ng makilala ang taong nandito. Ang kapatid ni Damian. Si Lucas. Nakatayo siya sa harapan namin, may seryosong ekspresyon, mga mata niya na tila tinatrabaho ang bawat galaw ko."Elaris," sabi niya, boses na mababa at kontrolado. "Bakit ka umalis sa poder ni Kuya?"Nanlilimahid ako, ramdam ko ang bigat ng titig niya. Humakbang palapit si Tiya Sally, may pag-aalala."Ano'ng ibig sabihin nito, Lucas? Anong kailangan mo?"Kilala ni Tiya Sally si Lucas? Si Lucas hindi tumingin kay Tiya Sally, nakatitig pa rin sa akin. "Gusto kong makausap si Elaris. Tungkol sa mga bagay na dapat niyang malaman."Nanatiling tikom ang aking mga bibig. Hindi ko alam kung anong sasabihin, o kung bakit siya nandito. Mga alaala kay Damian pumasok sa isip ko, takot at pag-iwas. Nakita ko si Cataliya na nakasilip mula sa kusina, nag-aalala, parang may mali. Ang kaniyang mga mata, puno ng takot. May ginawa ka ba Lucas kay Cataliya? "Umalis ka na," sabi ni Tiya Sally, matigas ang tono

  • DARK POSSESSION: Bound by Blood   KABANATA 29: New Hope

    Nasa gitna ako ng paglalakad sa umagang may sikat ng araw, patungo sa maliit na café hindi kalayuan sa resort, nang bigla kong napansin ang isang pigura na tahimik na sumusunod sa akin. Si Cataliya. Nakaupo siya sa isang sulok, mata niya nakatitig sa akin, parang nagbabantay.Hindi ko napigilan ang ngiti. "Cataliya, anong ginagawa mo?" tanong ko, bahagyang nagtataka.Lumapit siya, mga hakbang niya mahina pero determinado. "Sinasamahan kita," sagot niya, boses niya mababa. "Ayokong maulit yung nangyari. Kailangan mo ng makakasama at baka ano na naman papasok sa kukote mo ate."Napahinto ako, may init na dumaloy sa dibdib ko. "Hindi mo kailangang gawin 'to, 'Cataliya," sabi ko, pero hindi siya umalis."Si Tita ang may sabi, kailangan kong bantayan ka," tugon niya, nakataas ang kilay, parang hamon. "At gusto ko rin."Nagpatuloy kami sa paglakad, magkatabi, walang masyadong salita pero may tahimik na pagkaintindi. Sa café, umorder ako ng Milkshake, at siya ay juice. Nilapag ang aklat na

  • DARK POSSESSION: Bound by Blood   KABANATA 28: Her Pain

    Ilang linggo ang lumipas, at ang resort ay unti-unti nang bumabalik sa normal na ritmo—ang mga bisita ay dumadagsa, ang mga alon sa dagat ay patuloy na humahampas. Pero sa gitna ng lahat, si Ate Elaris... tahimik. Parang may bigat siyang dinadala.Nagtatrabaho ako sa reception, ako ang pumalit pansamantala kay ate Elaris. Sinusubaybayan ang mga check-in, nang bigla akong napansin na nakaupo siya sa isang sulok ng garden, nakatitig sa dagat. Walang expression sa mukha niya, pero may mga mata niyang tila may malayo nang iniisip. Ang kaniyang pagiging tahimik ay nagbibigay ng kakaibang kaba sa akin—parang may hindi niya sinasabi.Lumapit ako nang marahan, hindi ko alam kung gagawin ko bang makialam. "Ate Elaris, okay lang po ba kayo?" tanong ko, boses ko ay mahina.Hindi siya agad sumagot. Nanatili siyang nakatitig sa dagat, pero pagkatapos ng ilang segundo, huminga siya nang malindi. "Cataliya... may mga bagay lang na hindi ko pa naproseso. Pero okay naman ako."May hinto sa mga salit

  • DARK POSSESSION: Bound by Blood   KABANATA 27: Flash of Old Memories

    Lumipas ang ilang linggo, at unti-unti nang nahuhulog sa routine ang mga araw ko sa resort—tinatrabaho ang mga bisita, inaasikaso ang mga detalye, at palawakin ang pag-iingat sa sarili dahil sa pagbubuntis. Kahit papaano, nalibang ko rin naman ang sarili ko. Pero ngayon, habang nagmamadali akong pumunta sa reception, isang aksidente ang biglang sumira sa katahimikan.Nabangga ko ang isang babae, at ang dala kong baso ng juice ay sa kanya. "Pasensya na!" paghingi ko ng tawad agad, pero bago pa ako makapag-react, tinulak niya ako nang hindi inaasahan. Nawalan ako ng balanse at napasubsob sa sahig, ramdam ang matinding sakit sa tyan ko.Nalaglag ang hininga ko, nangangamba ako. Baka mapano ang anak ko... ang aking tanging lakas... Pilit akong tumayo, hinawakan ang tiyan ko, habang ang babae ay tumayo rin, mukhang walang pakialam."bulag ka ba? Punyeta kita mong kakabihis ko pa lang," sabi niya nang malamig, hindi man lang lumapit para tulungan ako.Bagkus ay tinulak ako nito ulit, dah

  • DARK POSSESSION: Bound by Blood   KABANATA 26: Who's the Father?

    It's been 2 months since napunta ako dito sa Burias. Sa Ilang buwan kong pananatili dito, Unti-unti na din akong nag heal. Mahirap man, nagagawa ko rin. Sino ba namang hindi kung ganito kaganda na Isla. .. Sa ilang taon kung pananatili, kasama ang grandma ko noon dito sa Masbate, hindi ko pa ito nasilayan. Pero ngayon, heto. Natanaw ko na, nagala. Burias is one of the well known Island sa Masbate. Dahil sa angking mapuputing buhangin ng mga dalampasigan. The turquoise water na sobrang perfect para sa snorkeling, diving o kahit nga simpleng pagrerelax lang sa buhay. Kung naisip ko ba sila Mama at Claire, ay oo. Namimiss ko din naman sila pero sa tuwing iniisip ko ang katayuan at situwasyon ng buhay ko sa Maynila ay bumabalik pa rin sa aking katauhan ang takot. "Ate Elaris, pinapatawag ka ni Tita Sally, kanina ka pa dito. Hindi ka pa daw kumakain! " ani Cataliya. Ang pamangkin ni Tiya Sally. Akala ko nga noon, masungit ito. Pero sa ilang araw na pananatili ko pa lang, para na i

  • DARK POSSESSION: Bound by Blood   KABANATA 25: Leaving Him Without Goodbye

    Habang nasa kusina si Manang Yvonne, siya ang nag-aasikaso sa akin. Si Damian? Hindi ko alam kung nasaan. Sa mga nalaman ko tungkol sa kanya, hindi ko alam kung kaya ko pa bang makisama sa kaniya. Kahit masakit pa ang sugat na natamo ko mula sa ligaw na bala, ay pilit ko itong nilalabanan. Dahan-dahan akong lumabas, dumaan sa likuran na hindi naman ako napansin ni Manang Yvonne. May nakuha naman akong kunting cash mula sa side table, nagmumukha akong magnanakaw pero nevermind, gusto ko nalang magpakalayo-layo. Paglabas ko sa gate, Tamang-tama namang may dumaan na taxi. "Saan po tayo Ma'am? " tanong ng driver. Binigay ko ang address ng dating apartment namin ni Liorraine. Ang kaibigang minsan ng naging biktima ng karahasan dahil sa akin. Isang butil na luha ang tumakas sa aking mata na agad ko namang pinatuyo gamit ang palad. "Nandito na po tayo Ma'am." ani Manong, inabot ko ang Limang-daan pero hindi niya ito tinanggap. "Huwag na po Ma'am. Gamitin nyo nalang po iyan. Sa naki

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status